You are on page 1of 3

DEATH PENALTY SA PILIPINAS

KABANATA I:
INTRODUKSYON
Sa pananaliksik na ito, nakapokus sa paksa patungkol sa Death Penalty Pinili ng mga
mananaliksik ang paksang ito upang maipahayag ang kahalagahan ng Death Penalty sa Komunidad.
Dahil sa paksa na ito, naiuugnay niyo ang bawat aspeto na naglalaman ng pisikal, mental atbp.
Naibibigay di nito ang a\kaukulang kaalaman tungkol sa mga kaso ng ikinisaturparan ng dahil sa
Death Penalty .
Nitong mga nakaraang taon, maraming tao na ang nagiging biktima ng rape, murder o iba pang
kaso na isinasagawa ng mga taong halang ang sikmura, noong panahon na ideneklara ang pagpapatupad
sa Death Penalty madami ang natakot gumawa ng krimen.
Ang Death Penalty ay ipinatupad upang mabawasan ang bilang ng krimen sa bansa sa pananaw
na marami ang matatakot dahil sa bawat krimen na gagawin nila, buhay ang kapalit nito.
LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang binuong layunin ng pamanahunang papel ito ay maiparating ang mga ideya at impormasyon
tungkol sa kahalagahan ng Death Penalty kung ano ang dahilan ng paglaki ng bilang ng mga krimen.
A. Bakit ito ipinatupad at ano ang iniambag nito noong mga nakaraang taon.
B. Ano ang mababag sa oras na muling ipatupad ang Death Penalty sa Pilipinas.
C. Ano ang nagging epekto nito sa bilang ng mga kaso na nangyayari sa bawat oras.
KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL
Ang bawat mananaliksik ay dapat may tiwala sa mga datos at Impormasyon na kanilang nakukuha
upang mapatibay ang kanilang saliksik ng kanilang paksa. Ito ay dapat may sapat na ebidensya para
maipahayag ng maayos sa mambabasa ang kahalagahan ng kanilang saliksik.
SAKLAW AT LIMITASYON
Dito, ang tanging saklaw ng paksa ay ang kahalagahan, ibig sabihin nakatuon dito ang magiging bungga
nito sa bawat tao na maaring maging biktima ng krimen. Tanging limitado dito ay kung hanggang saan lang ang
dapat maging saklaw at limitahan ang mga impormasyon na dapat lang ihayag
DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA
Upang lubusang maintindihan ng mga mambabasa, ang aming pamanahong papel, minarapat naming
bigyan ng katumbas na kahulugan ang mga sumusunod na termino batay sa kontekstong ginamit sa
pagpapakilala at pagtalakay sa pamanahong pael na ito;

DEATH PENALTYRECLUSION PERPETUA-

Kabanata II : Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


Ang Sentensyang Kamatayan o mas kilala sa tawag na DEATH PENALTY, ay ang parusang bitay na
kailanman hindi nagsilbi sa kapakanan ng hustisya; bagkus, itoy ginamit upang kitilin ang mga kalayaan at
karapatan ng mamamayang Pilipino. Mula sa panahon ng mga kastila hanggang sa panahon ni Marcos, ang
parusang bitay ay ginagamit sa politikal at ekonomikong paniniil.
Panahon ni Pres. Marcos(1965-1985)
Pres. Corazon Aquino (1986-1992)
Sa ilalim ng 1987 Saligang Batas, inabolish ang parusang kamatayan. Lahatng
Sentesyang kamatayan ay ibinaba sa reclusion perpetua. Ngunit noong 1988,
nagsimulang mag lobby ang militari na ibalik ang parusang bitay para sa mga krimeng
kaugnay ng insurgency.
Pres. Fidel Ramos (1993-1998)
Bilang reaksyon sa mga krimeng high-profile, nagkakaroon ng sapantahang tumataas
ang karumal dumal na krimen.
Ipinasa ang RA 7659 noong Disyembre 1993 diumano upang masugpo ang sinasabing
tumataas na kriminalidad.
46 na krimen ang nakalista sa RA 7659 na maaaring patawan ng kamatayan.
Lethal Injection ang magiging paraan ng sentensyang kmatayan.
Pres. Joseph Estrada (1998-2001)
Sa harap ng malawakang kampanya laban sa Death Penalty, itinuloy ang pagpataw ng parusa
kay Leo Echegaray noong Pebrero 1999. Ang pang iba ang sumunod kay Echegaray.
Noong 1999, kung kalian naganap ang karamihan sa execution, tumaas naman ang bilang ng
krimen sa bansa ng 15.3% kumpara sa nakaraang taon.
Nag-isyu ng de facto moratorium sa pagbitay, si Pres. Estrada kaalinsabay sa pagdaos ng
jubilee Year.
Pres. Gloria Arroyo (2001-2010)
Sinasabi ni Arroyo na hindi siya pabor sa parusang kamatayan.
Dala ng tumataas na bilang ng krimeng may kaugnay sa droga at kidnapping, inanunsyo ni
Arroyo na ibabalik nya ang pagbitay para matakot ang mga kriminal. Noong Disyembre 5,
2003, tinanggal ni Arroyo ang moratorium sa bitay.
Noong Hunyo 2006, nilagdaan ni Arroyo ang batas na nagpapawalang bisa sa parusang
kamatayan.
Noong Setyembre 2006 naman, nilagdaan ng Pilipinas ang Second Optional Protocol sa
International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR). Kinikilala ng kasunduang ito ang
karapatan ng isang tao laban sa parusang kamatayan. Ipinagbabawal ng Protocol ang pagpataw
ng parusang kamatayan sa sinumang mamayan ng isang bansang lumagda sa nasabing protocol.
Tahasang ipinagbabawal din ang muling pagpapataw ng death penalty.

KABANATA III: DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK


1. DISENYO NG PANANALIKSIK;
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong magbigay ng mga datos ukol sa kahalagahan ng Death
Penalty. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng deskriptib na pamamaraan dahil sila ay maglalagom ng
mga impormasyon sa mga respondente.
2. MGA RESPONDENTE
Ang mga mananaliksik ay maglalagom ng mga impormasyon sa sampung (10) piling pamilya
ng mga taong nakakulong upang mabigyan ng pansin ang mga opinyon ng pamilyang maaring
makaranas ng ganitong pangyayari.
3. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay isinasagawa sa paraan ng pag sa-sarbey. Maghahanda sila ng mga
katanungan na gagamitin sa pag lalagom ng mga matibay na kasagutan.

You might also like