You are on page 1of 4

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG MAGKAIBANG PANANAW NG SIMBAHAN

AT ESTADO SA SAME-SEX MARRIAGE SA MGA LGBTQQIAAP.

ISANG PANANALIKSIK SA MGA MAG-AARAL


SA STI COLLEGE CALOOCAN

BILANG BAHAGI NG PAGTUPAD SA PANGANGAILANGAN


SA FILIPINO: PAGBASA AT PAGSUSURI

DACUMOS, JIAN CHRISTOPHER


DE LUNA, JOICE
DE PEDERO, ANGEL LOU
ESPADERO, SETH GABRIEL
LAGUMAY, MARIEL
RIOSA, JANINA CLAIRE
RUIVIVAR, JOHN MICHAEL
ii

Abstrak

Pamagat: Same-sex marriage

Mananaliksik: Joice De Luna, Angel lou De Pedro, Seth Gabriel Espadero, Mariel Lagumay,

Janina Claire Riosa, John Michael Ruivivar at Jian Dacumos.

Paaralan: STI College Caloocan

Taon: 2019

Ang pananaliksik na ito ay upang malaman ang magkaibang pananaw ng simbahan at

estado sa same-sex marriage. At kung paano naka impluwensiya sa mga mamamayan at

nananampalataya ang naging pananaw ng dalawang panig sa isyung ito. Nais din tukuyin o mapag

aralan kung bakit sang ayon ang pamahalaan at kung bakit naman hindi sang ayon ang simbahan.

Kabilang nadin ang iba't ibang opinyon at pananaw ng mga mamamayan sa isyung ito. Dahil isa

ito sa pinaguusapang isyu sa ating bansa sa paglaganap o pagdami ng populasyon ng mga

magkasintahang parehas ng kasarian. At upang talakayin ang benepisyo sa pagkakaroon ng

magkaibang pananaw ng simbahan at estado patungkol sa same-sex marriage at kung paano ito

nakatulong at nakaapekto sa mga tao. At upang maintindihan ng ibang taong hindi pamilyar sa

isyung ito na mayroon ding karapatan ang mga LGBTQ na maging masaya at magkaroon ng

karapatan tulad ng natatamasa ng mga babae at lalaki.


vii

Pangkalahatang Tanong-Pananaliksik

Ano-ano ang mga epekto ng magkaibang pananaw ng simbahan at estado tungkol sa same-
sex marriage.
Layunin ng Pag-aaral
1. Matukoy ang epekto sa mga LGBTQ sa pagkakaroon ng magkaibang pananaw patungkol
sa same-sex marriage.
2. Masuri ang mga pinagbatayan ng simbahan at estado sa pagbuo ng mga kanilang pananaw
ukol sa same-sex marriage.
3. Makapagsagawa ng isang “facebook page" na nagpapaliwanag ukol sa same-sex marriage.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Para sa mag-aaral - Makakatulong ang pananaliksik na ito upang mabigyang lawak o lalim ang
kaalaman ng mga estudyante patungkol sa isyung laganap na pinag uusapan ngayon na same-sex
marriage. At upang maging pantay ang pag-unawa ng mga estudyante sa pinagbatayang dahilan
ng simbahan at estado.
Para sa guro - Makakatulong ang pananaliksik na ito upang mas maipaliwanag sa mga mag-aaral
ang pantay na pananaw ng simbahan at estado at ang mga pangunahing dahilan nito. At upang
maging isang instrumento sa mga kabataan na mayroong negatibong pananaw patungkol sa same-
sex marriage.
Para sa mananaliksik- Makakatulong ito ng higit sa mga mananaliksik upang maging gabay sa
mga iba pang mananaliksik at magsisilbing batayan upang mas mapatibay ang pananaliksik na
gagawin.
Para sa Administrasyon- Makakatulong ang pananaliksik na ito sa administrasyon upang
maging dahilan para magpatupad ng isang gawain sa mga mamamayang nasasakupan nito lalo na
sa mga LGBTQ para mas madagdagan ang kumpiyansa sakanilang mga sarili, at respeto sa isa't
isa.

Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay tumutugon lamang sa epekto ng pagkakaroon ng magkaibang
pananaw ng simbahan at estado sa same sex marriage. Na kadalasang pinagtatalunan ng mga
mamamayan, simbahan, estado at ang mga LGBTQ.
Ang pananaliksik na ito ay isasagawa ngayong unang markahan, sa STI College Caloocan
at naka pokus ito sa mga tao sa loob ng paaralan lalo na sa mga LGBTQ.
viii
Katuturan ng mga Salita
Estado- isang uri ng kaayusan ng pamahalaan na binubuo ng isang pamayanang pampolitika na
nakatira sa iisang sestema ng pamahalaan.
Homosexual- Ang homosexual ay ang pagkakaroon ng emosyonal at pisikal na atraksiyon sa
kaparehong kasarian.
LGBTQ- ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong “lesbiyan, bakla, biseksuwal, at
mga transgender”. Ang katagang LGBT ay inilaan upang bigyang-diin ang pagkakaiba-iba ng
pagkakakilanlan base sa seksuwalidad at pangkasariang kultura na kung minsan ay
ginagamit upang tingnan ang kahit sino na hindi heterosekswal sa halip na eksklusibo sa mga tao
na homoseksuwal, biseksuwal at transgender.
Same-sex marriage- Same Sex Marriage (tinatawag din na gay kasal) ay isang legal na katayuan
sa lipunan o kinikilala kasal sa pagitan ng dalawang tao ng parehong biological sex o gender
panlipunan. Same-sex kasal ay isang karapatang sibil, pampulitika, panlipunan, moral, at relihiyon
na isyu sa maraming bansa.
Simbahan- ay ang katawagan sa lahat ng mga tagasunod ni Hesus. Tinawag ni Hesus ang kaniyang
simbahan bilang kaniyang katawan.

You might also like