You are on page 1of 8

TINAJEROS NATIONAL HIGH SCHOOL

(B.Rivera St., Tinajeros, Malabon City)

"iNING,'WAG!"
(Suring-Basa)

Ipinasa ni:
Jana Mari A. Riosa

Ipinasa kay:
G. Christian Jay Lopez
PROLOGO

PALIWANAG SA PAMAGAT NG SURING-BASA

Ang pamagat ng aking suring-basa ay "iNING,'WAG" o "INENG HUWAG!"


na ang ibig nitong sabihin ay pinipigilan nya ang batang babae sa pagkuha ng
maningning na bagay na iyon, dahil ito ay nakasusugat ng kamay at nakasisira
sa paningin. Pinipigilan nya itong mabighani sa ningning, at imunumulat gamit
ang liwanag.

PASASALAMAT

Taos-puso akong nagpapasalamat sa aking magulang lalo na sa aking


papa na si Joel Riosa sa pagiging inspirasyon ko sa paggawa ng suring-basa, at
sa lahat pa ng darating. Pati na rin sa pagbibigay ng gabay sa akin sa lahat ng
aking mga gagawin. Nagpapasalamat din ako sa buong suporta na ibinibigay ng
aking mga magulang, ngayon ay ako naman ang magbabalik ng mga sinakripisyo
nyo para sa amin.

Nagpapasalamat din ako sa aking tito na si tito Ricky Riosa sa


pagpapahiram ng kanyang gamit para lang ako'y makagawa ng suring-basa ni G.
Lopez. Salamat po sa pagtitiwala sa akin na maayos ko itong maibabalik
sainyong tahanan.

Nagpapasalamat din ako sa aking mga kapwa studyante dahil isa rin sila
sa aking mga inspirasyon para magawa ang suring-basa na ito, dahil gusto kong
masabi ng aming mga guro na hindi kanser ang 10-Williams, na hindi sila pabigat
sa lipunang ito. Isa pa din ang 10-Williams sa pag-asa ng ating bayan, dahil ang
10-Williams ay hindi tatamadtamad gaya ng sabi ng ibang mga guro sa amin,
hindi namin papabayaang ganoon ang tingin nila sa amin, papatunayan naming
ang 10-Williams ay magagaling, marurunong, at hindi tatamadtamad sa gawain.

At hindi mawawala sa aking pasasalamat si G. Chrisitian Jay Lopez, dahil


ito sa pagiging isang inspirasyon at sa pagmumulat sa kanyang mga estudyante
sa katotohanan, sa paggising ng aming mga natutulog na katauhan. Taos-puro
din po akong nagpapasalamat dahil isa po kayo sa mga taong naggising sa akin,
dahil sa inyo'y nagagawa ko ang mga bagay na ito, mga bagay na hindi ko
aakalaing magagawa ko. Salamat sa pagiging tatay sa aming klase. Salamat po
sa gabay na ibinibigay nyo sa amin. Isa po kayo sa mga kinatatakutan namin
pero mahal na mahal namin. Salamat po sa pagiging isang responsableng guro,
dahil sa inyo'y maraming estudyante ang mulat at gising, maraming estudyante
ang makakagawa ng mga bagay na akala nila'y hindi nila kaya. Hindi ko
matansya ang pasasalamat na aking nararamdaman. Hindi ko mabuo sa isang
pangungusap ang pasasalamat sa inyo Ginoo. Maraming maraming salamat
sa'yo, Ginoo.

I. PANIMULA

A. URI NG PANITIKAN

Sanaysay ang uri ng pampanitikang ito. Sanaysay ito ay isang


maiksing komposisyon na kalimitang nag lalaman ng personal na opinyon
nang may akda.

B. BANSANG PINAGMULAN

Sa bansang Pilipinas nangmula ito na isinulat ni Emilio Jacinto


PILIPINAS

Ang Pilipinas, opisyal na Republika ng Pilipinas, ay isang


malayang estado at kapuluang bansa sa Timog-Silangang Asya na
matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Ito ay binubuo
ng 7,641 pulo na hinahati sa tatlong kumpol ng mga pulo na: Luzon,
Visayas at Mindanao. Ang punong lungsod nito ay ang Maynila at ang
pinakamataong lungsod ay ang Lungsod Quezon

KASAYSAYAN NG PILIPINAS

Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga


sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 67,000
taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran
ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-
silangan ng Samar noong 16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng
paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi
Noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-hilaga
hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng
Luzon. Nagtatag ng isang lungsod sa Maynila at dito nagsimula ang
panahon ng kolonisasyon ng Espanya na nagtagal ng mahigit tatlong
siglo.

MGA PAMBANSA

PAMBANSANG KASUOTAN 'BARO'T SAYA'


Ang Baro’t saya ay isang uri ng pambansang damit sa Pilipinas na
isinusuot ng mga kababaihan. Ang pangalan ay mula sa dalawang salitang
Tagalog na baro at saya.

PAMBANSANG AWIT 'LUPANG HINIRANG'


Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Binuo
ni Julian Felipe ang himig noong 1898 at ang mga titik ng awit naman ay
inangkop mula sa tulang Filipinas na isinulat ni Jose Palma sa wikang
Kastila noong 1899.
PAMBANSANG SAYAW 'CARIÑOSA'
Ang Cariñosa ay isang uri ng sayaw na kilala sa buong Pilipinas.
Ang salitang Cariñosa ay salitang Kastila na ang ibig sabihin ay
mapagmahal, maganda, o palakaibigan. Gamit ang pamaypay o panyo,
ang mga mananayaw ay ay mga hakbang ng pagtataguan at panunukso
na naghahayag ng damdamin sa isa’t isa. May mga iba pang bersyon ang
sayaw na Cariñosa pero ang “Taguan” ang pinakakaraniwan sa lahat.

PAMBANSANG PUNO 'NARRA'


Ang Naga o mas kilala sa tawag na Narra (Pterocarpus indicus), na
Pambansang Puno ng Pilipinas, ay isang puno na pinahahalagahan dahil
sa angkin nitong tibay, bigat at magandang kalidad. Ang narra o asana ay
isang uri ng punong napagkukunan ng mga tabla. Ito ang pambansang
puno ng Pilipinas.

PAMBANSANG DAHON 'ANAHAW'


Ang anahaw ay isang pabilog na dahon na palma na matatagpuan
sa Timog-Silangang Asya. Kasapi ito sa genus Livistona na tinatawag na
Footstool palm sa Ingles. Pambansang dahon ito ng Pilipinas.

PAMBANSANG PRUTAS 'MANGGA'


Ang mangga ay kabilang sa genus Mangifera, na binubuo ng ilang
mga uri na namumungang puno sa namumulaklak na halaman ng pamilya
ng Anacardiaceae. Napakaraming klase at karaniwang kulay ang prutas
nito: may dilaw, luntian o pula. May iba't ibang uri ng mangga: may
manggang indiyano, kinalabaw, piko o manggang mansanas.

PAMBANSANG BULAKLAK 'SAMPAGUITA'


Ang sampaguita, kampupot o hasmin (Ingles: jasmin o jasmine) ay
isang uri ng palumpong na may maliliit, mababango at mapuputing mga
bulaklak. Mas maliit ang bulaklak nito kaysa ibang mga sampaga.

PAMBANSANG HAYOP 'KALABAW'


Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang kalabaw, dahil
masipag, at malakas ang mga ito.

PAMBANSANG IBON 'AGILA'


Ang agila o banoy ay sumasagisag ng katapangan, lakas at
pagiging malaya.

PAMBANSANG LARO 'SIPA'


Ang sipa ay isang uri ng laruang panlibangan, o laro na
ginagamitan ng bolang ratan (tulad ng sa sepak takraw) o isang bilog at
pinisang piraso ng bakal na may buntot na mga hibla ng plastik.

PAMBANSANG BAHAY 'BAHAY KUBO'


Aang tipikal na Bahay Kubo ay simple at munting tirahan na yari sa
mga materyal gaya ng kawayan, buho at nipa, o kugon.

C. PAGKILALA SA MAY-AKDA

Si Emilio Jacinto y Dizon (15 Disyembre 1875 — 16 Abril 1899), ay


isang Pilipinong rebolusyonaryo at kilala bilang Utak ng Katipunan.

Ipinanganak si Emilio Jacinto sa Tondo, Maynila at ang mga


magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Nag-aral siya sa
Colegio de San Juan de Letran, at lumaon at lumipat sa Unibersidad ng
Santo Tomas upang mag-aral ng abogasiya. Naging kamag-aral niya rito
sina Manuel Quezon at Sergio Osmeña. Hindi siya nakapagtapos sa
kolehiyo, at sa gulang na 17, si Emilio Jacinto ang pinakabata sa lihim na
samahan na tinawag na Katipunan. Naging tagapayo siya sa mga usaping
pampiskalya at kalihim ni Andrés Bonifacio. Lumaon ay nakilala siya bilang
Utak ng Katipunan. Inatasan siya ni Bonifacio na mamuno sa Laguna. Siya
rin ay isa sa mga sumulat ng pahayagan ng Katipunan na tinatawag na
Kalayaan. Sumulat siya sa pangalang "Dimasilaw" at ginamit ang alyas na
"Pingkian" sa Katipunan.

Namatay sa sakit na malarya si Jacinto noong 16 Abril 1899 sa


Magdalena, Laguna.

MGA AKDA

Liwanag at dilim

ang ningning at ang liwanag

Ang Tao'y Magkakapantay

kalayaan

Ang Pag-ibig

Ang bayan at ang mga pinuno

Ang Gumawa

Ang Maling Pananampalataya

D. LAYUNIN NG AKDA

Nais ni Emilio Jacinto na imulat at gisingin ang mga Pilipino sa


paghahangad ng ningning, dahil pagnasimulan mo na itong tignan ay
mabibighani ka talaga sa ningning nito, sapagkat ang ningning ay nakakasira ng
paningin at nakakasakit sa atin. Ang ningning ay pansamatalang kasiyahan
lamang, dahil ang liwanag ang magmumulat at magtuturo sa atin sa
katotohanan.

II. PAGSUSURING NILALAMAN

A. TEMA O PAKSA NG AKDA

You might also like