You are on page 1of 2

Paksa: Isang Pananaliksik tungkol sa Epekto ng Pambubully sa mga Kasapi

ng LGBT ng mga Mag-aaral ng Senior High School ng Tandang Sora


Integrated School

Abstrak

Sa kasalukuyan talamak na ang iba’t ibang klase ng pambubully hindi

lamang sa social media kung pati sa mga paaralan maging sa iba’t ibang bahagi

ng mundo. Sa kasalukuyang panahon, laganap na ang pagkakaroon ng iba’t ibang

kasarian. Mga lalaking may pusong babae at mga babaeng may pusong lalaki.

May mga pagkakataon na hindi pa nakukuntento sa kanilang kasarian na nauwi sa

pagpapalit ng kanilang ari upang maging ganap na babae at lalaki. Ang

pagkakaroon ng LGBT ay walang tiyak na petsa at panahon kung kailan

nagsimula sa ating bansa. Maaaring nagsimula ito sa bansang Pilipinas habang

unti-unti nang nagbabago ang lipunang ating ginagalawan. Hindi tulad ng mga

karatig-bansa, hindi halos nababanggit o naisasama sa ating sosyo-kultural ang

tungkol sa ganitong usapin.

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay lamang sa usaping LGBT at

naglalayong imulat ang mga mambabasa o sa mga susunod na mananaliksik, at

naglalayon na magkaroon ng dagdag na kaalaman ang mga kapwa naming mag-

aaral ng Tandang Sora Integrated School. At naglalayon na magkaroon ng pantay

pantay na respeto at karapatan ang mga kabilang sa LGBT.


Ang LGBTQ ang pagkakakilanlan ng iba’t ibang kasarian ng isa sa mga

isyu na dapat bigyang pansin sa ating lipunan ngayon. At dapat gawan ng

hakbang upang matugunan ang karapatang pantao ng mga sangkot sa LGBTQ.

Dahil sa karamihan ay nakaranas ng malupit na pagtrato, harassment mapa-salita

o sexual, at diskriminasyon sa eskuwelahan na dapat bigyang pansin ng mga guro

at opisyales lalo na sa sekundaryang paaralan.

You might also like