You are on page 1of 2

Berenguela Fatima F.

11-STEM 2

ANG LESBIYAN GAY BISEKSUWAL AT MGA


TRANSGENDER(LGBT)

Ang Diyos ay naglalang lamang ng dalawang tao ngunit wala tayong karapatan manghusga lahat
tayo ay may karapatan magmahal.

Ano nga ba ang LGBTQ? Ang lgbt ito ay “Lesbiyan, Gay, Biseksual, at transgender“(LGBT)
tumutukoy sa isang grupo o komunidad ng mga taong kabilang sa kasariang ito. Ang katagang
Lgbt ay nilaan upang bigyan ito ng diin ang pagkakaiba-iba ng ng pagkakailanilan base sa
seksuwalidad at pagsariang kultura ng kung minsan ay ginagamit upang tignan ng kahit sino na
hindi heterosekswal sa halip na eksklusibo sa mga tao ng homoseksuwal, bisekswal, at
transgender. Ang lgbt isang paksa na nagdala ng alon sa ating lipunan at dahil dito may kanya-
kanyang opinyon kada indibidwal at kanya kanya pinaglalaban. Ang pagligalig sa sekswal at
dahil sa kasarian ay may mga uri ng diskriminasyon na nakakasakit ito sa karangalan ng isang
tao, nararamdan nila na hindi sila ligtas, at pinipigilan sila na maabot ang kanilang kasarian o
sekswal na oryentasyon ay hindi tinatanggap.

At ang isa mabigat na suliranin ng LGBT community sa bansa ay hindi pa gaanong na ituturo sa
silid paaralan ang kosepto ng SOGIE o sexual orientation, gender identity and expression. Ang
SOGIE paradigm ay tumutulong sa paghihiwalay ng kasarian, kung kanino naa-attract , at kung
ano ang iyong galaw at porma. Nakakasama ang kondisyon ng heteronormativity sa kawsa ng
gender equality at LGBT rights dahil nirecognize lamang nito ang maga straight na babae at
lalaki, at wala ng iba.inilalabas nito sa naratibo ng pagiging normal maging mga taong
intersexual, dahil iba ang genetics nila sa aktuwal nilang kaisipan, damdamin at pamumuhay.
Sumapit na nanaman ang buwan ng Hunyo, kung saan pinagdidiriwang ang buwan ang Lgbt
pride sa buong mundo pero sa pilipinas, ginaganap ang kauna-unahang pride march noong 1996
na organisa ng Reachout Foundation, isang international reproductive health service
organization. Ayon sa artikulo ni Philip Tubeza noong 2013, ang Pilipinas ay kasama sa mga
pinaka-friendly na bansa pagdating sa LGBT; ang datos ay mula sa Pew Research Center Unidos
noong 2002. Ngunit kahit ganito ang mga talaga, marami pa ring hinaharap ang mga Pilipinong
LGBT tulad ng lantarang diskriminasyon, ang kondisyon heteronomative ng mayorya, mga
isyung moral,standardization ng identidad, at mga miskosepsiyon ukol sa ating mga kapatid na
LGBT. Masasabi natin na may epekto sa lipunan at kultura ang LGBT. Una , kapag sabihin natin
LGBT ito ay ang iba’t ibang kasarian gaya ng ‘lesbian’, ‘bisexual’, ‘gay’at ‘transgender’.marami
sa mga tao ngayon ang mas nakaka-kilala sa kani-kanilang sarili dahil sa LGBT. Pangalawa,
maraming miyembro ng lgbt ang may impluwensiya sa lipunan natin, na masasabi na naging
epektibo sila. Pangatlo, kapag ang tao ay miyembro ng LGBT , natutunan nilang tanggapin ang
sarili nila, natutunan din ng mga tao na tanggapin sila sa kung ano man sila. Ang LGBT ay
nakakatulong sa pagtanggap ng isang tao kung sino man sila.

Sa panahon ngayon lantad na ang bakla at tomboy sa ating lipunan. Kaya gumawa ng aksyon
ang gobyerno upang masolusyunan ang problema ng mga lgbt isa ang ay pagpapatayo ng banyo
sa mga pampublikong lugar para sa miyembro ng tinatawag na third sex para makaiwas sa gulo.
sabihin man ito na morally wrong, hindi magkakaila ng aprubado na ng lgbt lalo pa’t
ikokonsidera ang kanilang kontribusyon sa iba’t ibang larangan. Naging isyu nitong mga
nagdaang araw ang mga transwoman na inaresto dahil sa pagpasok sa banyo pambabae may mga
nagsasabi na diskriminasyon ito at sabi naman ng ilan, tama lang na huwag payagan na lady’s
room ang mga bakla kahit pa sila’y sumailalim sa sex change. At sunod ang pagpapatupad ng
HOUSE BILL4982 o SOGIE BILL ito ay kumikilala sa pantay pantay na karapatan ng mga
LGBT itinakda sa batas na ito ang pagbabawal ng anuman dikskriminasyon ng mga LGBT gaya
ng kawalan ng serbisyo at eskwelahan dahil lamang sya ay isa LGBT.

ANG SANGUNIANG

https://medium.com/@kadlitofficial/kinadenang-bahaghari-mga-hirap-at-danas-ng-mga-lgbt-
sa-pilipinas-e230a0f7ee67

https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2019/08/20/1944810/editoryal-sariling-cr-
para-sa-lgbt-community

You might also like