You are on page 1of 2

LGBT REPLEKSYON

Ang bawat isa ay may karapatang maging malaya anuman ang kasarian nito.
Nakasanayan na natin na magkaroon ng mga basehan sa bawat bagay. Mga baril-
barilan sa lalaki, mga manika sa babae. Ngunit paano kung ang isang lalaki ay
nahumaling sa paglalaro ng manika o ang babae ay naging kabaliktaran sa inaasahan?
Magpasa hanggang ngayon ay may mga tao pa rin na hindi tanggap ang LGBT o ang
mga lesbian, gay, bisexual, at transgender sa kadahilanang sila ay naiiba sa
nakasanayan. Anila, babae at lalaki lamang ang nilikha ng Diyos at ang pagtalikod sa
kasarian na ito ay isang kasalanan. Ngunit kung iisipin ng mabuti, ang tunay na
kasalanan rito ay ang paghusga dahil lamang bago ito para sa kanila. Ang problemang
kinakaharap ng LGBT ay ang mga bagay na hindi masyadong pamilyar sa karamihan
ngunit para sa akin, hindi ganito ang kwento. Para sa akin, ang komunidad ng LGBT ay
isang komunidad na naghahanap ng respeto, pagtanggap, at pag-unawa. Sa bawat
paggising nila sa umaga ay kailangan nilang makipaglaban para sa kanilang karapatan
at pagkakapantay pantay para sa kagustuhan na hindi sila mahirapang mabuhay dahil
lamang sa pinili nilang landas.

Sa dokumentaryong napanood nakita kung paano nila nalaman na sila ay


kasama sa komunidad gayon din ang kanilang mga pinagdaanan upang masabi lamang
kung ano talaga sila. Anila, ang pagiging LGBT ay hindi madali. Madami kang pagsubok
na pagdadaanan at isa na dito ang diskriminasyon. Maraming tao ang magdidiskrimina
sayo dahil naiiba ka sa karamihan. Anila, kahit pa tanggap ka na ng mga taong malapit
sa iyo at mga taong kakilala mo, hindi kailanman mawawala ang mga tao na mag-iiba
ang tingin sa oras na nalaman nila na LGBT ka kung kaya naman dapat na mayroon
kang sapat na lakas ng loob sa oras na sinabi mo na sa lahat ang totoo o nagpakatotoo
kana. Dahil hindi madaling landas ang iyong tatahakin.

Isa pa sa mga kinakaharap ng mga LGBT ay ang isyu patungkol sa kasalan. Sa


ibang bansa ay pinapayagan na ang ganitong seremonya ngunit karamihan dito ay
hindi pa rin sangayon dahil ang kasal daw ay isang sakramentong seremonyang dapat
lamang daluhan ng babae at lalaki. Ngunit baliktarin man ang mundo, ang komunidad
ng LGBT ay binubuo din ng tao, kagaya natin. At ang simbahan ay para sa lahat. Kung
kaya’t ang LGBT ay hindi kailanman dapat na madiskrimina sa seremonya ng kasalan.
kaya naman ang pagbdiskrimina sa kanila sa ganitong seremonya ay nakikitaan ko ng
mali.

Kung susumahin, ang komunidad ng LGBT ay hindi naman talaga dapat


sumasailalim sa diskriminasyon ngunit hindi na iyon maiiwasan pa dahil iba’t iba ang
pananaw ng bawat tao. Kung may isang bagay man na makapagpapaganda ng mundo,
iyon ay ang respeto. Dahil sa bandang huli, pare pareho tayong tao lamang na pantay
pantay at hindi dapat hinuhusgahan dahil lamang sa mga pagkakaiba.

You might also like