You are on page 1of 1

LABAN NG IKATLONG LAHI:

LABAN PARA SA PANGKALAHATANG PAGKAKAPANTAY-PANTAY

Bakla, Tomboy, Bisexual, Transgender, Transman, Transwoman hindi bat palagian mo silang
nakakasalubong sa tuwing ikaw ay maglalakad sa tabi ng daan? Isang komposisyon ng taong masasabing di
karaniwan sa mata ng lahat. Meron dito, meron doon, meron kahit saan. Ikaw, may kilala ka bang parte nito? O
padaliin na natin ang tanong isa ka ba dito? Pwes, alam mo rin ba ng pinaglalaban ng mga taong ito?

Sa ating respetadong guro, sa aking mga kamag-aaral, at sa lahat ng mga tagapakinig na naririto ngayon
isang pagbati ng Maligayang araw!

Sa pangkasalukuyang henerasyon ngayon, laganap na ang salitang LGBTQI+ sa mga usapan at


kontrobersya. Ito ay pinag-uusapan sa social media, sa balita, at maging sa tao mismo sa paligid. Ang LGBTQI+ ay
inisyal ng Lesbyan, Bakla, Bisexual, Transgender, at ibat-ibang uri pa ng kasarian.

Ito ang komunidad nila na kung saan pinapalaganap, pinapahalagahan, at pinaglalaban ang kanilang mga
karapatan para mabuhay.

Noong unang panahon, ang mga taong parte ng LGBTQI+ community ay ginagawang katatawanan lamang.
Kung ikaw ay bakla, wala kang ibang natatanggap kundi pang-aapi at diskriminasyon sa lipunan. Ngunit ngayon,
marami ng parte ng komunidad na ito ang winawagayway ang kanilang kulay ng bandera maging ang kanilang
sarili.

Subalit, hindi pa rin mawawala ang diskriminasyon at panlalait na natatanggap nila sa lipunan, at lubos pa
rin silang di katanggap tanggap sa paningin ng lahat.

Maitanong ko lang, bakit karamihan sa aming parte ng LGBTQI+ ay pilit pinagdadamutan ng salitang
pagkakapantay pantay? Salitang madaling sabihin para sa karamihan ngunit mahirap gawin. Tila ba isang knock out
fight ang palagiang araw araw na nakikita kami ng karamihan. Parang isang mitsa ng posporong nauupos sa
pangmamaliit ng mga walang moral na tao. Nakakalungkot isipin na ang lahat ng ito ay pawing may katotohanan.

Pagkakapantay-pantay, isang salitang may pitong pantig kaisa-isang salitang nais naming makamit. Kailan
kaya namin makikita ang sitwasyong walang mapanlait na mga mata sa loob ng pampublikong palikuran, walang
mga malakutsilyong salita ang maririnig sa tuwing magsususot ang aming mga kapatid ng kasuotang nais nilang
gamitin kailan kaya? Kailan kaya?

Ang problema ay hindi mismong miyembro ng LGBTQI+, kundi ang pagiging mapanghusga ng tao.
Kailangan natin na mas tingnan ang mga aspeto at anggulo na kung saan kami ay tao lamang. Buksan natin ang
ating mga mata, isipan, at puso at subukang unawain ang isa’t-isa.

Tandaan ninyo, ang pagiging LGBTQI+ ay hindi isang sakit na kailangan nating lubayan at hanapan ng
lunas, sapagkat kami ay kailangan ninyong tanggapin, respetuhin, unawain, at mahalin tulad ng pagmamahal nyo
sa iba. Dahil kagaya mo, tao rin kami nagkakasala. Sa pagdaan ng araw, makakamit natin ang pagkakapantay
pantay sa pagtanggap ng Evang Adan at Adan na Eva. Maraming salamat po, mabuhay kayo.

You might also like