You are on page 1of 1

Posisyong Papel hinggil sa Karapatang Pantao ng mga Kabataang Buhat sa Komunidad ng

LGBT.

ANG KULTURA AT KASARIANG SUMASAKLAW SA KALULUWA NG BAWAT


KABATAANG PILIPINO: KAILANPAMA’Y HINDI MAGIGING BATAYAN UPANG
MAHUSGAHAN ANG KAKAYAHAN, ABILIDAD, AT KARUNUNGANG PANTAO.

Tunay ngang nakaukit na sa kamalayan ng bawat mamamayang Pilipino na ang pagiging


LGBT (Lesbiyan, Bakla, Bisexual, at Transgender) ay tumataliwas sa kautusan ng Diyos at sa
kung ano pa mang relihiyon ang laganap sa buong kapuluan. Ang pagkasadlak ng ilang
mamayang Pilipino sa aspektong”idyotismo” patungkol dito ang siyang nagbubunga ng walang
katapusang diskriminasyon, panghuhusga, at pagkamuhi sa mga miyembro nito. Laganap din sa
bansang Pilipinas ang mga berbal, pisikal, at katakot- takot na pagtatangi sa kalayaan ng mga
kabataang ito upang maipakilalang lubos ang kanilang mga sarili sa bawat lipunang
kinabibilangan. Sa panahon ngayon, ang internet ay nagsisilbing kaparaanan upang mamutawi
ang hindi makataong pagtugon hinggil sa pag- iral ng mga kabataang ito sa mundong ating
kinagagalawan. Nakakalungkot mang isipin, dahil dito ay tuluyang dumadami at nadagdagan ang
inklinasyon ng mga kabataan sa pagkitil ng kanilang mga sariling buhay.

Sa larangan ng trabaho at hanapbuhay, marami rin ang miyembro ng LGBT ang hindi
nabibigyan ng oportunidad upang makapasok sa mga ekslusibong kompanya o institusyon
dahilan sa kanilang napiling kasarian. Kahit na mataas ang kanilang natapos sa kolehiyo at
karapatdapat sa nasabing posisyon at tungkulin. Tama ba ang ganitong uri ng kaisipan? Hindi
ba’t sobra naman ang ganitong anyo ng diskirminasyon? Kasarian: Sukatan ba ng ating
pagkatao?

Buhat sa aming nag- aalab na damdamin at bukas na kamalayan patungkol sa isyung ito,
nagsaliksik ako ng mga umiiral na ordenansang nagmula sa ating lokal na gobyerno na siyang
nagbibigay proteksyon, kalayaan, at karapatan sa aming komunidad. Mabigat man ang
kinahaharap ng LGBT sa umiiral na kultura at pamumuhay sa bansang Pilipinas, hindi dapat ito
kawalan ng pag- asa sa darating na araw na tuluyan nang mabubuksan ang saradong mga isipan
ng ilan sa ating mga kababayan. Narito ang ilang patunay na nag bansang Pilipinas ay nasa
proseso na sa pagsang- ayon at pagpapalit- kondisyon ng mga naturang suliraning kinahaharap
ng LGBT Community.

You might also like