You are on page 1of 1

Posisyong Papel

Ang Pagsasabatas ng SOGIE Bill

Ang posisyong papel na ito ay naglalayong na ipatupad ang SOGIE Bill o ang Anti-Discrimation Bill. Isa itong panukalang batas na kung saan binibigyang
proteksyon ang mga taong bahagi ng LGBT, ang LGBT ay isang oraganisayon na kung nagsaan dito nabibilang ang mga Lesbian, Gays, Bi-sexual at
Transgender. Ang batas na ito ay dapat isatupad sa kadahilanang maiwasan ang pangungutya sa mga taong kasapi ng grupong ito. Ang batas rin na ito ay
kinikilala ang mga tungkulin sa Pilipinas sa ilalim ng internasyonal na batas lalo na ang unibersal na pagpapahayag ng mga karapatan ng tao at ng
pandaigdigang tipan sa mga karapatang sibil at politikal.

Iginiit ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate na “Araw-araw, nakakaranas ng iba’t -ibang porma ng diskriminasyon ang mga LGBT, hindi man ito
naisusulat o isinisiwalat pero ito ay pinapairal sa mga paaralan , sa mga opisina, sa mga institusyong publiko ,pribado, at iba pa. Kaya naman, mahigpit ang
pangangailangan na magkaroon ng batas na kikilala sa karapatan ng mga LGBT at magpaparusa sa mga lalabag nito.” Ayon sa "House Bill Number 4982 or
An Act Probihiting Discrimination on the Basis of Sexual Orientation or Gender Identity or Expression (SOGIE),Ang sinumang nag didiskrimina laban sa
isang tao ay mahahatulan ng hindi baba sa P100,000 at hindi rin tataas sa P500,00. o makukulong ng mahigit kumulang na isang taon at hindi lalagpas sa
anim na taon. Ang batas rin na ito ay naglalayong abutin ang pantay-pantay na pagtingin sa mga tao lalo na ang mga kababayan nating LGBT.

Kailangan pantay-pantay ang ating pagtingin sa isa’t-isa, Hindi man natin sila ka ano-ano ngunit may karapatan din sila para respetuhin, mahalin at
tanggapin. Ayon kay Monica Crowley, “True Equality means holding everyone accountable in the same way, regardless of race,gender,faith,ethnicity-or
political ideology.” Tao din sila nasasaktan sa mundong mapanghusga, Kaya wag natin silang diskriminahin dahil hindi natin alam ang kanilang
nararamdaman.

You might also like