You are on page 1of 3

Culture

KASAYSAYAN:

(Carreos)

Ang Tayabas ay isa sa mga namumukod tanging bayan ng probinsyang Quezon


tuwing pag-uusapan ang kagandahan at kaayusan. Na kung saan ang pamumuhay
roon ay siyang naghahanap ng sariling kapalaran. Ang pamumuhay noon ay simple at
karaniwan lamang. Kung saan huni ng ibon at simoy ng hangin lamang ang maririnig sa
paligid at walang bahid ng anumang uri ng teknolohiya. Bago pa man dumating ang
mga Espanyol, ang mga katutubo ng Tayabas ay nakapagtatag ng mga barangay na
pinamumunuan ng mga datu at samahan ng mga matatanda. Saka pa lang naging
disente ang pamumuhay noong dumating ang mga Espanyol na kung saan nagkaroon
ng mga pueblo at simbahan. Noong 2007, ipinagtibay ng Korte Suprema ang batas na
nagsasaad ng pagdedeklara sa Tayabas bilang isang ganap na lungsod.

Nagsisimula ang araw ng mga Tayabasin kapag ang mga puno at halaman ay
ganap na kumakalat sa sikat ng araw. Ang mga bata ang siyang pumipinta sa mga ulap
dala ng kanilang makukulay na saranggola habang ang kanilang pagtawa ay
sumasabay sa hangin ng taginit.

Sa loob ng 30,000 na hektarya na mayroon ang lungsod ng Tayabas, ito ang


pangunahing pinanggagalingan ng pamumuhay at paglilibangan ng mga residenteng
nakatira dito. Dito rin ang lugar kung saan nagkakasiyahan at ipinagdiriwang ng mga
dakilang Tayabasin Kilala ang Tayabas sa industriya ng paghahabi, produksyon ng
lambanog, macapuno at marami pang iba. Hindi magpagkakait na maraming turista ang
nahihiyakat na dumayo sa kanilang ipinagmamalaking lungsod.

Sa lawak at dami ng piyesta na mayroon ang probinsya ng Quezon, hindi


pangkaraniwan ang hatid ng pistang Mayohan ng Tayabas. Ipinagdiriwang ito upang
magabayan ang mga taong bayan ng Tayabas na pasalamatan ang mga sakripisyo ng
mga ninuno at pagyamanin ang kabantugan nito. Padating na ang oportunidad. Unang
pasabog ng pista ay ang pagparada ng baliskog at tao- tao. Pinaniniwalaan na ang
baliskog ay ang arko na sumasalubong sa mga taong papasok ng Tayabas habang ang
tao tao ay nagmimistulang hugis ng isang katipunero o anumang uri ng sundalo noong
unang panahon.
MAYOHAN SA TAYABAS:

(Magallanes)

Pagdating sa paksang pistahan sa lalawigan ng Quezon, unang maiisip ng mga


mamamayan ay ang Pistang Pahiyas ng bayan ng Lucban. Pero ang hindi nila alam na
sa tuwing pagsapit ng buwan ng Mayo, mayroon ding isang pistahang makulay at
masayang kaganapan sa iilang kilometro lamang ang layo sa Lucban. Ito ay ang
Mayohan sa Tayabas.

Ang Mayohan sa Tayabas ay isang kapistahan na taunang ipinagdiriwang mula


sa ika-11 hanggang sa ika-15 na buwan ng Mayo. Ang pistahang ito ay hindi hamak na
makulay at puno ng mga karanasang iyong hindi makakalimutan. Sa pistahang
Mayohan sa Tayabas, ito ay sinisimulan ng Parada ng Baliskog. Ang paradang ito ay
sinasalihan ng halos tatlumpu’t tatlong barangay at ilan pang mga organisasyon ng
gobyerno. Ang Parada ng Baliskog ng mga arkong punong-puno ng mga palamuti na
nakakadagdag ng kariktan ng isang arko. Ang mga ilan sa mga ginamit na palamuti dito
ay ang buli, rattan, mga pinatuyong bulaklak, kiping at mga tistis. At dahil ito ay isang
pistahan, tiyak na may napakaraming pagkain at tiyak na mayroong alak para sa
inuman at kwentuhan ng mga magkaibigan at magka-anak.

Ngunit kung sa tingin mo ito lamang ang dahilan kung bakit ka dapat bumisita at
makipistahan sa Tayabas, ikaw ay lubusang nagkakamali. Dahil sa pistang ito, mayroon
pang isang kaganapan na iyong hindi makakalimutan kapag iyong naranasan. Ang
kaganapang ito ay ang Hagisan ng Suman. Isang taunang kaganapan tuwing ikaw 15
ng Mayo, na masasabing literal na pinagkakaguluhan ng mga mamamayang Pilipino.
Sa kaganapang ito, maraming mga tiga-ibang bayan ang nakikihalubilo sa kaganapang
ito.

Ngunit ang hagisan ay hindi kaagarang nagaganap sa isang araw. Ito ay


nangangailangan ng preperasyon at may tamang oras kung kalian dapat maghagis. Sa
umaga palamang, iyong mapapansin ang paghahanda ng bawat kabahayan. Sa
kaganapang ito, mga kadalasang inihahagis ay suman, at mga prutas na tulad ng
mangga, saging at pinya. Ang mga suman na ihahagis dito ay maaring iniipon sa isang
palanggana at ilalagay sa lugar na paghahagisan o maaaring ihanay ito isa-isa sa
asotea ng bahay. At dahil nga na sari’t sari ang mga bagay na inihahagis, maari kang
maghagis ng mga pagkain o mga damit na nakasupot na. Maaari ka ring maghagis ng
pera, ito man ay barya o papel maaari mo itong ipanghagis.

Ang hagisan ay nagsisimula ng alas tres ng hapon, ngunit alas dos pa lamang
iyong mapapansin na marami ng mga tao ang na-iipon sa kalsada. Sila ang mga taong
mang-aagaw ng iyong mga hinagis. Iyo ring matatamo na lahat na na-iipon dito ay mga
lalaki. Dahil pgdating sa pang-aagaw, ito ay magiging magulo at pisikal.
Alas dos na, iyong matatamo na hindi na nagsisi-alisan ang mga tao sa kani-
kaniyang bahay. Sa mga oras na ito, mga huling paghahanda na lamang ang kanilang
mga ginagawa at pagposisyon na lamang ng kanilang sarili kung saan sila maghahagis.
Dumating na ang alas tres, ngunit hindi pa nagsisimula ang hagisan dahil hindi pa
nalampas ang rebulto ni San Isidro Labrador at pagputok ng baril na isang hudyat na
umpisahan na ang paghahagis. Ilang sandali lang ang lumipas, nakalampas na ang
rebulto at pumutok na ang baril. Ang paghihintay ay natapos, simula na ang Hagisan ng
Suman sa bayan ng Tayabas. Hagis dito, hagis doon. Kung ikaw ay nanunuod lamang,
iyong mapapansin ang halong saya at gulo na nangyayari sa labas ng iyong
kabahayan. Iyo ring mapapansin ang mga kakaibang diskarte ng mga mangangagaw.
Makikita mo na inaakyat nila ang bahay mo para maabot ka sa bintana o lugar kung
saan ka nanghahagis para sila na mismo ang hihingi sa inyo hindi nila sila
makikipaggulo pa upang makapang-agaw lamang. Ilan din sa kanila ang mga may dala
ng bag upang maisilid na kaagad ang kanilang mga napang-agaw. Iyo ring makikita na
ang iba ay gamit na ang kanilang damit, tela o isang uri na pangsalo ng hinagis. Sa
kaganapang ito, hindi mo na makikita ang kalahati ng kalsada, ultimong mga sasakyan
ay hindi na makagalaw.

Sa ilang mga kabahayan matapos ang pangyayaring ito nag-aabot sila ng mga
kagamitan sa paaralan sa mga kabataang nakisalo rin sa hagisan. Hindi pa dito
natatapos ang hagisan, dahil sa mga linang o mga lugar na malayo sa bayan ng
Tayabas, slla ay naghahagisan ay tuwing ika-14 o ika-16 ng Mayo. Maaari rin kayong
magkaroon ng sarili niyong hagisan sa inyong mga kabahayan. Isa itong napakasaya at
hindi makakalimutang karanasan na sinusundan pa ng mga masasayang gawain tulad
ng kantahan, kwentuhan at dahil pistahan tiyak na mayroong inuman.

Ito ang Mayohan sa Tayabas, isang taunang pagdiriwang na iyong hindi


makakalimutan. Kaya halina at makisalo na kayo sa Mayohan sa Taybas.

You might also like