You are on page 1of 2

Kyle Cyril A.

Decena Philosophy 11

Grade 11- St. Ignatius of Loyola Position Paper

SUPERYOR ANG MGA LALAKI KAYSA SA MGA BABAE SA PILIPINAS

Naniniwala ako na sa panahon ngayon ay hindi na superyor o higit na nakakataas ang mga lalaki
kaysa sa mga babae dito sa ating bansa. Maari nating sabihin na noon, oo, hindi nabibigyan ng halaga
ang papel ng mga kababaihan sa ating lipunan. Ngunit iba na sa panahon ngayon. Maraming mga
kadahilanan ang isinasaalang-alang kung kaya’t hindi na usapin ang pagiging mataas ng mga kalalakihan
lalo na sa pagkakaroon ng pantay ng karapatan ang mga babae at lalaki sa kahit ano mang larangan
kagaya ng politika.

Una ay ang antas ng pamumuhay. Sa hirap ng buhay ng mga Pilipino ngayon ay mas pinipili na
ng bawat pamilyang Pilipino ang maging praktikal. Isinasaalang-alang na ng mga magulang ang
kinabukasan ng kanilang mga anak. Kung kaya’t mapa-babae man o lalaki ay naghahanap buhay na.
Hindi kagaya noong unang panahon na ang mga babae ay nasa bahay lamang. May kaya man o
naghihikahos sa buhay ang isang pamilya, iisa ang kanilang nais na mangyari. Ang maibigay ang
pangangailangan ng bawat isa. Kaya naman ay hindi na alintana kung sino na ang magtatrabaho, ang
nanay man o tatay. Kung sino ang may kakayahang magtrabaho at magbigay sa kanilang pamilya ay
hindi na magdadalawang-isip pa na kumayod. Gagawin nila ang lahat upang magampanan ang kanilang
tungkulin sa kanilang mga pamilya sa abot ng kanilang makakaya.

Pangalawa ay ang pagbabago ng lipunan tungo sa makabagong teknolohiya. Ang teknolohiya ay


naging daan o susi sa iba’t ibang pinto ng mga opportunidad at mga pagkakataon. Sa pamamagitan ng
pag usbong nito ay nagkaroon ang bawat isa ng pantay-pantay na pagkakataon upang mapabuti ang
kanilang mga kaalaman. Mga kaalaman na kanilang magagamit upang makapagtapos ng pag-aaral sa
kurso na nais, na hindi hadlang ang kasarian. Lahat tayo, babae man o lalaki, ay mayroong pantay pantay
na pagkakataon upang matuto. Hindi nito hinaharangan ang isang kasarian upang matuto ng bagong
kaalaman dahil ito ay para sa lahat.

Kasunod ng pagkatuto ng bawat isa ay nagkakaroon tayo ng mas malawak na pag-unawa at pag-
iisip. Sa eskwelehan pa lamang ay itinuturo na ang gender equality kung tawagin. Kaya mas namumulat
ang puso’t isipan ng mga kabataan tungkol sa usaping ito. Hindi na nadadala ang mga kaisipan, kaugalian
at mga pamantayan noong unang panahon. Dahil nagbabago na ang kanilang mga pananaw sa buhay.
Mas lumalawak ang kanilang kaisipan tungkol sa konseptong ito. Mas makikita nila ang mga tama at mali
na nanagyayari patungkol dito.

Bilang resulta ay mas nabibigyan ng halaga ang papel na ginagampanan ng mga babae sa ating
lipunan. Lalong lalo na sa ating bansa nang dahil sa mga ito.

Ang mga Pilipino naman talaga ay hindi binabalewala ang mga kakayahan ng mga babae.
Halimbawa na lamang ay ang mga babaylan kung tawagin. Mga Katipunera na lumaban sa mga Kastila
noon. Dito mapapatunayan na ang ating mga ninuno, ang ating pinagmulan, ay Malaki ang respeto at
paghanga sa mga kababaihan. Nagbago lamang ito ng dumating ang mga dayuhan sa ating bansa at mas
pinili nila na bigyan ng pagkakataon ang mga kalalkihan na makapag-aral. Kaya naniniwala ako
nadarating ang panahon na babalik ang ating paniniwala at paninindigan na ang mga kababaihan ay
mahalaga. Hindi natin sila dapat kinukulong sa isang kahon. Hindi dapat nakadikit sa kanila ang mga
konotasyon na taga-laba, taga-saing, taga-alaga ng mga bata. O ang mga katagang “nasa bahay lang”,
dahil ang mga babae ay marami pang kayang gawin. Habang lumilipas ang panahon ay unti-unti ng
namumulat ang mga mata at isipan ng mga tao at ng ating lipunan lalo na sa Pilipinas. Unti-unti at
dahan-dahan ng binabasag ang konotasyon ng mga babae at ng pagiging babae noong unang panahon.
Na hindi ka babae lamang dahil babae ka. Mas nabibigyan na ng pansin at halaga ang tungkuling
ginagampanan ng mga kababaihan sa ating lipunan. Hindi na alintana ang kasarian sa mga bagay na kaya
mong gawin. Isang halimbawa na rito ang posisyon sa gobyerno. Ang pagluklok kay Cory Quino at Gloria
Macapagal Arroyo bilang presidente at Leni Robredo bilang bise-presidente. Dahil hindi
nakinukuwestiyon ng mga tao ang kasarian kundi ay mas pinapahalagahan na ang kakayahang mamuno
sa kaniyang nasasakupan. Isa na ring halimbawa ang mga tinatawag na influencers, kung saan dumarami
na ang mga kababaihan na nagiging boses at inspirasyon ng mga taong nangangailangan.

Dahil sa mga pagbabagong ito sa ating lipunan sa ating bansa, nararapat lamang na huwag
tayong sumuko. Huwag tayong sumuko sa pagpaparating ng mensahe ng mga kababaihan. Patuloy na
ilakas ang boses upang patuloy na basagin ang mga pamantayan na itinakda ng lipunan. Ipakita ang
kahalagahan na mayroon ang pagiging isang babae. At bilang isang babae, naniniwala ako na kailangan
nating umpisahan ito sa pamamagitan ng pagsuporta sa ating mga kapwang babae. Hilahin ang bawat
isa pataas at hindi pababa. Dahil paano natin ipapakita sa nakararami ang ating halaga at importansya
kung tayo mismo ay hindi ito nakikita? Kung hindi tayo nagkakaisa? Nararapat lamang na bilang mga
babae ay hindi natin maliitin ang ating mga abilidad. At magkaisa sa muling pagtatag ng ating mga
pangalan sa bawat sulok ng ating bansa.

You might also like