You are on page 1of 7

Tayabas Western Academy

Founded in 1928

Recognized by the Government

Candelaria, Quezon

Ang mga opinyon at saloobin ng mga kabataan tungkol sa droga sa Bayan ng Candelaria

Panimula

Ang droga ay tumutukoy sa anumang sangkap na hindi kasama ang tubig at mga pagkain na normal na
iniinom o kinakain ng mga tao sa araw-araw. Nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan at katawan ng tao
ang paggamit nito na maaring makaapekto sa katinuan ng isang tao.

Ang paggamit sa pinagbabawal na gamot ay isa sa mga pinakamalaking problema na kinahaharap ng


bansa at mga mamamayan. Dahil sa masamang epekto ng droga sa mga taong gumagamit nito ay
kadalasang nakagagawa ng krimen na humahantong sa pagkakakulong nila. Sa paggamit ng bawal na
gamot, karamihan sa mga tao ay nawawala sa kanilang landas na tatahakin at ang patuloy na paggawa na
maling gawain na ikasisira ng kanilang buhay.

Ang pagkilos ng pamahalaan upang labanan ito ay nakatutulong para puksain ang pagrami ng gumagamit
ng droga sa bansa sa tulong ng batas na pinapatupad ng gobyerno para mabawasan ang gumagamit at
nagbebenta nito. Ang Batas Republika Bilang 9165 ng Pilipinas ay kilala sa tawag na Batas na Pinalaak
sa mga Mapanganib na Droga ng 2002 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), naglalayon batas
na ito ang mahigpit na paglaban sa ipinagbabawal na gamot.

Ang Kawanihan ng Pilipinas Laban sa Droga ay ang responsable para sa mahusay na pagpapatupad ng
batas sa lahat ng mga probisyon sa anumang mapanganib na gamot , isang organisasyon na isa sa
sumusugpo upang maiwasan ang paggamit ng mga tao ng droga. Ayon sa PDEA, humigit 4,948 ang
pinaghihinalang gumagamit at nagtutulak ng droga ang namatay sa mga operasyon ng pulis mula Hulyo
1, 2016 hanggang Setyembre 30, 2018.

Ang layunin ng pag aaral na ito ay upang maipatid ang posibleng masasamang dulot ng ipinagbabawal na
gamot nang sa gayon mabawasan na ang gumagamit ng droga ditto sa bayan ng Candelaria at upang
maituon na ng gobyerno ang iba pang problemang kinakaharap ditto.
Sanligan ng Pag-aaral

Natutungkol ang pag-aaral na ito sa mga opinyon at saloobin ng mga kabataan tungkol sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot. Isasagawa ang pag-aaral na ito sa tulong ng mga kabataang hindi gumagamit
ng droga. Ang droga ang dahilan kung bakit maraming tao ang nakagagawa ng masama sa ibang tao.
Nais ng mga mananaliksik na bigyang kaalaman ang mga mag-aaral sa Candelaria upang ito ay
maiwasan.

Hypothesis/Hinuha

Mabibigyang kaalaman ang mga mambabasa patungkol sa kung paano maiiwasan ng mga kabataan ang
paggamit ng pinagbabawal na gamot.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman pananaw at saloobin ng mga kabataan patungkol
sa masamang naidudulot ng bawal na gamot. Ito ay para mas maintindihan at maunawaan ang tamang
impormasyon tungkol sa droga, ang mga rason kung bakit na naakit ang mga tao na gumamit ng droga,
at para maiwasan ang pagkalulong dito. Maari din itong makapagbigay ng lunas sa napapanahong isyu .

1. Pamahalaan - dahil sa pamamagitan nito mababawasan ang krimen na dulot ng mga


ipinagbabawal na gamot at mapagtutuunan pa nila ng pansin ang iba pang mga problema sa
bayan ng Candelaria.
2. Mga kabataan- sa pamamagitan nito magiging mulat ang kabataan sa mga masamang
maiududuulot ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang kalusugan.
3. Guro- sa pamamagitan ng mga guro matuturuan ang kanilang mga estudyante upang
maiwasan ang paggamit ng pinagbabawal ma gamot.

Saklaw at Delimitasyon

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga opinyon ng mga kabataan tungkol sa paggamit ng droga at kung
paano ito maiiwasan .Layunin ng pag-aaral na ito na bigyang kamalayan ang mga kabataan patungkol sa
droga.
Terminolohiya

Krimen- Ito ay isang masamang gawain kung saan maapaparusan ang isang tao gamit ng batas.
Droga - Isang ipinagbabawal na gamot ng pamahalaan na maaring makaapeto sa pag-iisipat
kalusugan ng tao.
Gobyerno/Pamahalaan- Ang gobyerno ang nagpapatupad ng batas upang maging maayos ang
buhay ng mga mamayan na kanilang sakop.

Reaksyon

1. Ano ang tinatalakay sa inyong nabasa?


2. Paano ito maiuugnay o makatutulong sa binubuo mong riserts?
3.Itala ang sanggunian/reperensya

Kaunay ng Literatura at Kaugnay ng Pag-aaral


Krimen
Ayon sa encyclopedia ang krimen ay isang labag sa batas na pagkilos na maaaring parusahan ng
ng estado o ibang awtoridad.

https://mimirbook.com/tl/64190da2fac

Ayon kay Jome (2017) sa kanyang talumpati, ang krimen sa ating bansa ay isang problema dahil
naapektuhan na ang ekonomiya ng ating bansa ,bunga ito ng paghihirap ng ating buong
sambaayanan,dahil walang dayuhan o negosyante na balakmagpatayo ng negosyo sa ating bansa
natatkot sila sa mga krimen nangyayari sa ating bansa .

https//www.facebook.com/642776792778407/posts/655619581494128/?app=fbl

Ayon sa(2013) sa panahon ngayon tumataas na ang bilang ng krimenng nagaganap sa loob ng
bansa . Hindi lamang ito kinasasangkutan ng mga salat sa buhay, kungdi pati na rin ang mga
nakakaanggat . Dahil dito,kabilang ang Pilipinas sa isa sa mga bansa na mayroong pinakamaraming
nagaganap na krimentaun-taun sa mundo.

https://kerolindaso.blogspot.com/2013/02/paglaganap-ng-krimen-sa--pilipinas-hamon.html/?=1
ayon kay Pastor oey Umali (2018) ayon sa Philippine National Police bumaba ng 21.8% ang krimen sa
Pilipinas noong 2017 kumpara sa 2016 .Marami ang hindi makapaniwala ,lalo na kung tutuusin na ang
Pilipinas ang may pinakamataas na ‘’crime rate” sa buong Southeast Asia.

https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2018/06/23/18271126/lumalalang-krimen-sumasamang-
hustisya

Ayon kay Letly13 sa ating bansa,ang revise code ang pangunahing kasulatan at kabuuan ng batas na
nagtatakda kung ano ang mga gawaing criminal at ang mga kaukulang kapurasahan para sa mga
ito.maaring maiugnay ang paggawa ng krimen sa kawalan ng oportunidad sa edukasyon.kahirapan at
kawalan ng opotunidad ang kalimitang ugat ng mga krimen sa bansa.

https://www.slideshare.net/mobile/letly13/mga-uri-ng-kriminalidad-54124277

kaugnay na pag –aaral

ayon sa pag aaral ni SINGLALADIDADI( 2016) na may pamagat na Paksa:ang mga dahilan sa
paglaganap ng kriminalidad at solusyon ng karahasan sa colon street ang layunin ng pag-aaral nya ay
isang pagtulong upang malaman ang dahilan kung bakit dumarami ang kriminalidad sa colon
streetkasabay na rin ng pagtalakay sa mga solusyon kung paano ito masususgpo.

https://peculiarmemories.wordpress.com/2018/08/04/paksa-ang-mga-dahialan-sa-paglaganap-
ngkriminalidad-at-solusyon-ng-karahaasan-sa-colon-street/

ayon sa pag-aaral ni Amabel Cal na may pamagat na “sanhi ng krimen”ang layunin ng pag-aaral nya ay
upang maiparating sa mga mamayang sakop ng Tubod,Lanao del Norte sa kanilang maling nagawa at
mabigyang impormaasyon ang mga tao kung paaano sila makaiiwas sa anumang krimen atang nasa
pamahalaaan para makagawa o makabuo sila ng hakbang para masolusyonanang problema na
kasalukuyanghinaharap ngayon ng Tubod.

https://www.academia.edu/23350188/sanhi_ng_krimen

ayon sa pag-aaral ni jovannie dimaandal (2014)na may pamagat na “ang damdamin at saloobinng mga
mag-aaral ng pambansang pamantasan ng batanggas hinggil sa dahilan at epekto ng pagkakasangkotng
mga kabataan at krimen taong panuruan 2012-2013” ang layunin ng pag aaral nya ay upang
makapagbigay kalaman ukol sa mga maaring dahilan ng pagkakasangkot ng mga kabataan sa krimen.

https://prezi.com/opcknpbx1wxi/ang-damdamin-at-saloobin-ng mag-aaral ng/

ayon sa pag aaral ni erin Aquino na may pamagat na “curfew for minor as crime prevention in baranggay
harapin ang bukas:an assessment” ang layunin ng pag-aaral nya ay upang iparating na ang curfew ang law
ang makabubuti para sa mahigpit na implementasyon para sa mga kabataan.

https://www.coursehero.com/file/38965765/pagsususri-M11G-2ndSEMdocx
Droga

Ang droga ay ipinagbabawal na gamot na sadyang mapanganib at hindi solusyon sa mga


problema ng mga tao. Isa ang droga sa napakalaking suliranin ng bansa ngunit ginagawan ito ng
solusyon ng ahensya ng gobyerno.

https://www.facebook.com/Minions753/posts/-ano-nga-ba-ang-drogaat-ang-masamang-
epekto-nito-sa-taoang-drogaisang-ipinagbaba/707618016058925/

Ayon kay Christine Eliza A. Garcia maraming kabataan ang nagamit ng ipinagbabawal na gamot
at ang pangunahing dahilan ng paggamit nito ay ang problema sa pamilya at kawalan ng sapat na
edukasyon. Marahil hindi alam ng mga gumagamit nito ang masamang idinudulot ng bawal na
gamot sa kanila.

http://talumpatinaminglahat-1i.blogspot.com/2009/08/ang-masamang-dulot-ng-droga-sa-
ating.html
Ayon kay Catherine Joy Aban (2006) ang droga ay simpleng salita ngunit marami ang
namamatay, nadadamay, dinadamay at patuloy na sumisira ng buhay ng mga tao. Ayon sa
kanyang napanood at naririnig sa mga balita ay mas tumitindi ang paggamit ng ipinagbabawal na
gamot ngunit dahil sa ating pangulo ay unting-unti ang pagbabago ang nagaganap kung saan
nababawasa ang paggamit ng droga sa bansa.
https://catherineaban.wordpress.com/2016/08/02/ano-nga-bang-mabisang-solusyon-laban-sa-
droga/.

Ayon PDEA Dir Genaral Aaron Aquino, anya mula 2011 hanggang nitong Hunyo 2, 111 na bata
ang mga minor de edad at anim hanggang 17 ang nahuli at nailigtas dahil sa paglabag sa
Comprehensive Dangerous Act of 2002. Binanggit pa ng mga opisyal, 45.43 porsiyento o 959 sa
mga hunuli ay dahil sa pagbebenta ng droga at 13.12 porsiyento naman ang hunili dahil sa
paggamit ng droga.
https://tnt.abante.com.ph/pdea-mga-batang-sangkot-sa-droga-dumarami/

Ayon kay Crown Dakuro (2005) ang Batas Republika Bilang 9165 ng Pilipinas , ang layunin
ng batas na ito ay ang paglaban sa ipinagbabawal na gamot at pangalagaan ang
kapakanan ng mga mamayanan, lalo na ang mga kabataan laban sa pinsalang dulot ng
bawal na gamot.
https://prezi.com/21kpcdo6mwzr/republic-act-9165/
Gobyerno/Pamahalaan

Ayon kay Bian Caalos ang pamahalaan ay isang organisasyon na may kakayahan ng gumawa at
magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay
ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo.

https://brainly.ph/question/320064

Ayon kay Luigie Servilla layunin ng pamahalaan ay magkaroon ng proteksyon at sekyuridad sa


bansa at namamahala ng mga kompidensiyal at importanteng pangyayari dito bilang isang
bansa. Ang para maging ugat ng pagkakaisa sa isang bansa.

https://brainly.ph/question/124473

Ang kontribusyon ng pamahalaan sa lipunan ay pinapairal nito ang kapayapaan at kaayusan ng


bansa at kaligtasan ng mga mamamayan nito, pagbibigay edukasyon para sa lahat, pagkakaron
ng mga programming pangkalusugan, paggawa ng instraktura upang malutas ang mga suliranin
ng trapiko , pagbibigay hanap buhay at pagpapatupad ng mga batas upang maiwasan ang pag-
aabuso sa tintamasang karapatan .

https://brainly.ph/question/128633

Ang pamahalaan o goberno ay may apat na kahalagahan ng pambansang pamahalaan ang


mga ito ay ang pambansang pamahalaan ay namumuno sa buong bansa na ginagampanan
ng pamumuno ng pangulo, ang pagtugun sa mga suliranin na may kinalaman ang
politika, lupunan at kabuhayan, may tungkulin na isaayos ang pamumuhay sa buong
bansa upang maitaguyod ang hangarin nitong mapaglingkuran ang lahat ng mga
mamamayan ng bansa at ang may responsibilidad na mamahala sa pamahalaang lokal.

https://brainly.ph/question/1953754

Ang mga di-kagandahan sa pamahalaan ay maraming tauhan ng pamahalaan ang gumagamit ng


pea ng bayan para lamang sa sariling kaligayahan.Dahil sa pagiging kurajot ng tauhan ng
pamahalaan maraming mamayan ang naghihirap, walang matirahan at napipilitang paggawa ng
krimen.

http://darmil-16.blogspot.com/

You might also like