You are on page 1of 14

Pagkagumon ng mga estudyante sa San Mateo Senior High School sa

paggamit ng Social Media

Isang Pamanahong Papel sa Asignaturang Filipino


San Mateo Senior High School – Stand Alone
San Mateo, Rizal

Bilang bahagi ng pangangailangan sa Pagbasa at Pagsulat tungo sa


Pananaliksik

Ipinasa ni:
Muaña, Ninña C.

Ipinasa kay:
Bb. Grace Lopez

Marso, 2018
KABANATA I: Suliranin at ang Kaligiran ng pag-aaral
I. Panimula

Nahaharap ang henerasyon sa tunay na mabilis na pagbabago sa kapaligiran. Tunay

ngang napaka laking impluwensiya ng kasalukuyang pamumuhay sa mga kabataan.

Makikita rin na ang mga kabataan ngayon ay mayroong Facebook at Instagram.

Masasabi na ang Social Media ay karaniwan na sa mga kabataan dahil

maraming mga salik na nakakapag-udyok sa mga ito, katulad na lamang ng "peer

pressure" na kung saan ito ay itinuturing na uso. Maraming mga kabataan ang

gumagawa ng kanilang mga Social Media accounta dahil ito ay libre lamang. Mula sa

pag-aaral noong 2015 ni Mandy Edwards, maganda ang naidulot ng Social Media sa

larangan ng komunikasyon dahil napapadali nito ang pakikipag sa kamag-anak,

kaibigan at iba pang mga tao, maganda rin ang naidudulot nito sa pag nenegosyo, at

pag papakalat ng adbokasiyang panghihikayat.

Hindi lamang pakikihalubilo o pakikipag kaibigan ang nagagawa ng Social Media. Hindi

lahat ng epekto at kahihinatnan nito ay positibo. Ayon sa pag-aaral nila Basilio at

Benacer (2007) sa pamamagitan ng labis na paggamit ng Social Media nagiging

magulo ang pag-iisip ng mga kabataan pag dating sa mga bagay, paggawa ng

desisyon, sa klase, sa pakikisalamuha at sa kanilang ugali o asal. Maraming mga

kabataan o estudyante ang mayroong mababang grado sa kanilang asignatura dahil

mas pinag tutuunan nila nang pansin ang paggamit nila ng kanilang Social Media

accounts. Maaari ring mag dulot ng depresyon ang labis na paggamit ng Social Media

(DOH, 2017) dahil natututong mag kumpara amg mga kabataan pag dating sa materyal

na bagay.
Nais ng pag-aaral na ito na tuklasin kung bakit maraming mga estudyante ang

nagiging gumon sa paggamit ng Social Media at alamin ang mga epekto ng labis na

paggamit nito sa mga estudyante. Upamg sa gayon ay mabigyang solusyon ang mga

bunga ng mga suliraning ito sa pamamagitan ng isasagawang pag-aaral ng

mananaliksik

II. Layunin ng pag aaral

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na "Pagkagumon ng mga estudyante sa

San Mateo Senior High School sa paggamit ng Social Media" ito ay pag tatangka upang

malaman ang mga dahilan kung bakit maraming mga kabataan ngayon ang

nagugumon o naaadik sa paggamit ng Social Media. Nais ng pag-aaral na ito na

mabigyang kasagutan ang pangunahing mga pahayag. A. Edad ng mga estudyante na

dapat pagtuunan ng pansin sa labis na paggamit ng Social Media. B. Mga daoat gawin

ng mga magulang upang hindi magumon ang kanilang mga anak sa paggamit mg

Social Media. C. Mga epekto ng labis na paggamit mg social media D. Mga

komplikasyon na kanilang nararanasan sa labis na paggamit ng Social Media

Nais rin ng pag-aaral na ito na maihayag na mayroong kaakibat na masamang epekto

ang labis na pagkagugol ng oras sa harap ng teknolohiya o gadget na kanilang

ginagamit katulad ng cellphone, tablet at laptop


III. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na "Pagkagumon ng mga estudyante sa

San Mateo Senior High School sa paggamit ng Social Media" Ito ay pagtatangka upang

malaman ang ibat-ibang mga dahilan kung bakit nagugumon ang mga kabataan, Taong

2017-2018. Layunin nito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ilang oras ang ginugugol ng mga estudyante o kabataan sakanilang social media

accounts?

2. Anu-ano ang kanilang ugali o asal pagkatapos gumugol ng mahabang oras sa social

media?

3. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit sila gumugugol ng mahabang oras sa Social

Media?

4. Anu-ano ang mga kumplikasyon na mararanasan ng isang gumon sa paggamit ng

social media?

IV. Balangkas Teoretikal

Ayon sa Media Dependency Theory ng mga mananaliksik na sina Sandra Ball-

Rokeach at si Melvin Deflur, may tatlong uri ang epekto ng pag depende sa media ito

ay ang “Cognitive, Effective at Behavioural”. Nag iiba ang pananaw dahil sa pag

depende sa media, Nagiging marahas ang mga tao dahil sa nakikita at napapanood sa

media at posibleng magkaroon ng problema sa pag-iisip katulad ng pagbaba ng

pagpapahalaga sa sarili o “Low self esteem”, Depression, Anxiety at Social Anxiety .


Sa panahon ngayon, Ang mga kabataan ay kumakaharap sa mga suliraning ito

at ito ay resulta nang pagkagumon nila sa paggamit ng Social Media. Ang mga

epektong ito ay maaaring makaapekto sa kanilang pag-aaral, pagiisip, pagdedesisyon,

ugali at pakikitungol sa ibang tao.

V. Balangkas Konseptuwal

INPUT PROSESO OUTPUT

Para sa Interview at
Interview method at Survey makuha kaagad
Survey method para ang kanilang mga sagot Makikita ang output
sa pag-aaral na ito na sa mga respondante
sa mga mag-aaral ng
mang-gagaling sa mga
San Mateo Senior High at malaman ang
Ikalabing isa at Ikalabing
School, Taong kasagutan sa pag-aaral
dalawang baitang na
Akademiko 2017 – respondante sa San
na ito
2018 Mateo Senior High
School.

Ang mananaliksik ay gagamit ng interview at survey method upang malaman at

makuha kaagad ang kailangang mga sagot sa pag-aaral na ito mula sa mga estudyante

ng San Mateo Senion High School, Taon Akademiko 2017 – 2018.

VI. Kahalagahan ng Pag-aaral

Malaki ang paniniwala ng mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay makakatulong

sa bawat indibiduwal at sa lipunan. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang

malaman ang mga dahilan nang pagkagumon ng mga kabataan sa Social Media sites.
Ito rin ay makakatulong sa mga sumusunod:

Mag-aaral:

Mamumulat ang mga mag-aaral sa wastong paggamit ng oras sa Social Media

sites at kung ano ang mga epekto nito.

Mga Magulang:

Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga magulang upang malaman ang

solusyon sa pagkagumon ng mga anak sa Social Media.

Idagdag pa rito, Makakatulong din ito sa iba pang mananaliksik na may kaparehong

paksa. Maaari ring makakalap ng mga mahahalagang impormasyon dito ang mga guro

upang magamit bilang batayan nila sa pag tuturo.

VII. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa pagkagumon ng mga kabataan o

estudyante sa Social Media sites tulad ng Facebook, Instagram, at Twitter.

Gayundin, Limitado lamang sa tatlumpu (30) ang mga respondante sa San

Mateo Senior High School at ito ay hindi aabot sa Kolehiyo at Junior High

School.
VIII. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Facebook:

ay isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-

aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya. Maaaring sumali ang mga

tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon

upang makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaaring magdagdag rin ng

mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling

sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang

sarili.

Instagram

ay isang online mobile na serbisyong photo-sharing, video-sharing at social

networking na nagbibigay-pahintulot sa mga gumagamit na kumuha ng mga larawan at

bidyo, at ibahagi ang mga ito sa iba't ibang plataporma ng social networking, gaya

ng Facebook, Twitter, Tumblr at Flickr.

Twitter

ay isang online news at social networking service kung saan ang mga user ay

nagpopost at nag-iinterak gamit ang mga mensahe, tinatawag na "tweet", na hanggang

140 karakter lámang. Ang mga nakarehistrong user ay maaaring magpost ng mga tweet

ngunit ang mga di-nakarehistro ay maaari lámang magbasá ng mga ito. Naaakses ng

mga user ang twitter sa pamamagitan ng websayt interfeys nito, SMS, o isang app sa

isang mobile device.


Depression

ay isang sakit sa pag-iisipna inilalarawan ng malawakang mababang mood na

sinamahan ng mababang pagtingin sa sarili (nawala ang pagpapahalaga sa sarili),

kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain

Anxiety

o pagkabalisa, ay mailalarawan na “pagkadama ng nerbiyos o pag-aalala

Self Esteem

agpapahalaga sa sarili, pagpuri sa sarili, pagmamahal sa sarili, pag-estima sa

sarili, o pag-ibig sa sarili

Pagkagumon

Sa terminolohiyang medikal, isang neurobiyolohikong

kagusutang kroniko ang kalulungan, kagumunan, kasugapaan, o labis na

kahumalingan, na may mga dimensiyong henetiko, sikososyal, pampaligid, at

nilalarawan ng isa sa mga sumusunod: ang patuloy na paggamit ng isang sustansiya sa

kabila ng nakakapinsalang mga epekto nito, huminang kontrol o taban dahil sa

paggamit ng gamot (ugaling mapilit o kaasalang kompulsibo), at preokupasyon o

pagiging abala ng isipan sa paggamit ng gamot para sa mga layuning hindi para sa

panggagamot o pagtanggap ng lunas, na sa madaling sabi ay ang paghahangad,

paghahanap, at pangangailangan ng gamot

Lungkot

Damdaming lumbay o pagka lumbay


Social Media Sites

ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay

lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang

virtual na komunidad at mga network.

Internet

ay tinatawag rin bilang "theNet," ito ay isang pandaigdigang sistema ng mga

computer networks. Ang network na ito ay nakapagbibigay access sa mga gumagamit

ng computer, kung may pahintulot, na kumuha ng mga impormasyon at datos sa ibang

gumagamit ng computer.

Gadget

ay mga bagay na gumagana sa pamamagitan ng elektroniks.

Cellphone

o cellular phone ay isang uri ng teknolohikal at elektrikal na

kagamitan sa pakikipag-ugnayan.

Tablet

na may malaking iskrin at kakayahang magpatakbo ng apps. Parang kompyuter

din ito, pero sa halip na kontrolado ng isang mouse at keyboard, makokontrol mo ito sa

pamamagitan ng pagsalat ng mga bagay sa iskrin.


Laptop

isang uri ng computer or kagamitan na maaring dalhin kahit saan dahil maliit lang

ito at maaaring gamitin habang nakapatong sa hita.

Kompyuter

ay isang piraso ng kagamitang elektrikal o kasangkapang may kuryente na

nagpapakita ng mga imahen o larawang nililikha ng mga aparatong katulad ng

mga kompyuter, na hindi gumagawa ng pamalagian o permanenteng tala o rekord.


KABANATA II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

I. Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, Ang Social Media ay ginagamitan ng

kompyuter o gadget upang makapag bahagi ng idea at impormasyon. Ginagamit ang

Social Media upang makipag-usap sa taong nasa malalayong lugar. Hindi

mapagkakaila na patuloy na lumalawak ang mundo ng Social Media. Ang Pilipinas ay

isa sa mga aktibo na gumagamit ng Social Media sa mundo kung kaya tayo ay

nabansagang “The Social Media Capital of the world” ng McCann. Base sa pag-aaral

noong 2015 ng Global Digital Report, halos 67 milyong mga Pilipino ang naggugugol ng

mahigit apat (4) na oras araw-araw sa paggamit ng Social Media. Maraming mga

naidudulot na maganda ang Social Media isa na rito ang madaling pagkalap ng

impormasyon, pakikipag-usap sa malalayong kamag-anak at pakikipag kaibigan ngunit

ang labis na paggamit nito ay may kaakibat na mga suliranin, Itinalakay ng Department

of Health o DOH na pwedeng maging dahilan ng depresyon ang labis na paggamit ng

Social Media dahil sa cyberbullying, online bashing at isa na rito ang pagkukumpara

kung anong meron ang iba na wala ka.

Ayon sa pag-aaral na pinangunahan ng niversity of Pittsburg Center for

Research on Media, Technology, and Health na itinatawag na “Computers in Human

Behaviour” natuklasan na ang labis na paggamit ng Social Media Platforms na

Facebook, Instagram, Twitter, YouTube, Google Plus, Snapchat, Reddit, Vine,

Pinterest, LinkedIn at Tumblr ay nag dudulot ng depresyon at anxiety sa mga

kabataan pati na rin sa mga young adults. Isa sa mga itinuturong dahilan ay ang
“Beauty Standard” na kung saan nagiging Anxious o labis ang pag-aalala ng mga

kabataan sa kanilang itsura, kung sila ba ay kaaya-ayang tignan at kung sila ba ay

maraming mahahakot na likes at comments sa kanilang mga litrato. Isa pa rito ang

“Social Standards” na kung saan nagiging depress ang mga kabataan dahil kakaunti

lamang ang kanilang taga-sunod o follower, konti lamang ang likes, comments at share

sa kanilang mga posts.

Bagaman wala pang ganitong pag-aaral sa Pilipinas, sinabi ng ilang eksperto matagal

na silang nagbabala laban sa labis na paggamit ng Internet. Ayon kay Dr Bernadette

Arcena ng St Lukes Hospital, bukod sa nawawala ang quality time ng mga bata,

lumalawak din umano communication gap sa kanila at nawawala ang tutok nila sa pag-

aaral kung kaya karamihan ng mga kabataan sa Pilipinas ay may mababang marka.
KABANATA III: Disenyo at paraan ng Pananaliksik

I. Disenyo ng Pananaliksik

Ginamit ng mananaliksik ang Deskriptibong Pamamaraan o Descriptive Survey

Research Design na gumagamit ng talatanungan(survey questionnaire) at panayam

upang malikom ang mga datos mula sa mga respondante. Naniniwala ang mananaliksik

na angkop ang disenyong ito para sa paksang “Pagkagumon ng mga studyante sa San

Mateo Senior High School sa paggamit ng Social Media” sapagkat mas mapapadali ang

pagkalap ng datos mula sa mga respondante

Limitado lamang ang mga taga sagot sa talatanungan ngunit ang uri ng

disenyong ito ay hindi lamang naka depende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan.

Kung kaya lubos na mauunawaan ng mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral na

kung saan maaaring magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon upang

makadagdag sa pagkalap ng datos at impormasyon.

II. Pamamaraan ng Pagpili ng mga respondante / Populasyon

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang

“Pagkagumon ng mga estudyante sa San Mateo Senior High School sa paggamit ng

Social Media” ginamit ang simple random sapling na kung saan ang pagpili ng

respondante ay Malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo.

Ang napiling respondante sa pagsusuring ito ay mga mag-aaral sa Ikalabing isa

at Ikalabing dalawang taon sa Senior High School mula sa San Mateo Senior High
School, Kung gayon, Malayang mamili ang mananaliksik ng tatlumpung (30) mga mag-

aaral na mag sisilbing mga respondante.

III. Instrumento ng Pananaliksik

Ang Mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang

pangunahing instrument sa pagkalap ng datos na magagamit sa pag-aaral. Ang

talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat: Ang profile at ang survey ukol sa

paksang pinag-aaralan.

IV. Istatikal na pag-susuri ng mga datos

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas madali ang pagtataya rito.

Gagamit ng Descriptive Statistical Analysis upang ipresenta ang mga datos kung saan

gagamit ng talaan upang masuri ang mga datos. Ito ang napili ng mananaliksik dahil

mas madaling maintindihan ang mga datos sapagkat nakabuod ang mga ito, gagamit

ng ibat-ibang uri ng talaan gaya ng talahanayan, tsarts at graphs gayon din ay may

pagtatalakay sa mga resulta ng datos.

Sa pagbuo ng interpretasyon at resulta, pinakamaigi at mabilis na maiintindihan

ng mananaliksik ay ang paggamit ng talahanayan at graphs. Kung gayon, magiging

epektibo ang Descriptive Statistical Analysis sa pag-aaral na ito.

You might also like