You are on page 1of 7

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang pananaw ng mga mag-aaral

ng unang taon na nasa kolehiyo ng Unibersidad ng Makati ukol sa impak ng

cyberbullying sa kanila upang maipaalam sa mga taong gumagawa nito kung ano ang

epekto ng cyberbullying sa mga mag-aaral. Gumamit ang mga mananaliksik ng deskrip

na disenyo kaya ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos sa pamamagitan ng

sarbey-kwestyoneyr. Ag kabuuan ng respondent sa pamanahong papel na ito ay

tatlompung (30) mag-aaral ng Unibersidad ng Makati na nasa unang taon.

Dahil sa masusing pangangalap ng datos, ang mga mananaliksik ay humantong

sa mga sumusunod na mahahalagang impormasyon:

Tatlumput tatlong bahagdan (33%) ang mga respondente na nasa edad

labingpito (17) hanggang labingwalo (18) habang animnapung porsyento

(60%) ang may edad na labingsiyam hanggang dalawangpu samantala

mayroon pitong porsyento (7%) ang may gulang na dalawangput isa (21)

pataas. Samakatuwid ito ay binubuo ng tatlongpung (30) respondente.

Tatlumpung porsyento (30%) ng mga mag-aaral ang nakaranas ng

cyberbullying habang limampung porsyento (50%) ang hindi pa


nakakaranas nito at dalawampung porsyento (20%) ang madalas

makaranas ng cyberbullying.
Tatlumpung bahagdan (30%) ang ipinaalam sa kinauukulan noong sila ay

nakaranas ng cyberbullying. Animnaput pitong bahagdan (67%) naman

ang hindi nagsabi sa kinauukulan at tatlong bahagdan (3%) ang minsan

lamang nagsabi sa kinauukulan.


Pitompung bahagdan (70%) ng mga mag-aaral ang naniniwalang madalas

mangyari ang cyberbullying habang dalawamput pitong porsyento (27%)

ang naniniwalang minsan lamang ito mangyari at tatlong bahagdan (3%)

ang nagsasabing hindi ito nangyayari.


Ang mga mag-aaral na nakaranas ng cyberbullying sa paraan ng

pagpapakalat ng mga mahahalay na litrato o bidyo at pitong bahagdan

(7%) habang tatlomput tatlong bahagdan (33%) ang nakaranas ng

pambabato ng masasakit na salita. Tatlong porsyento (3%) ang nakaranas

ng pananakot o pamblo-blockmail habang sampung porsyento (10%)

naman ang nakaranas ng pang-aangkin ng account upang makapangloko

o makapangabuso ng ibang tao at apatnaput pitong bahagdan (47%)

naman ang hindi pa nakakaranas ng cyberbullying.


Ang mga mag-aaral na nalungkot nang makaranas ng cyberbullying ay

dalawamput anim na bahagdan (26%) habang tatlumput pitong

bahagdan (37%) ang nasaktan at walang pakiaalam


Tatlumput tatlong bahagdan (33%) ng mga respondente ang humingi ng

tulong sa magulang nang makaranas ng cyberbullying habang labing

pitong bahagdan (17%) ang humingi ng tulong sa kaibigan. Dalawampung

bahagdan (20%) ang humingi ng tulong sa kinauukulat at tatlompung


porsyento (30%) ag hindi humingi ng tulong kahit kanino noong nakaranas

ng cyberbullying.
Labing-isa (11) ang nagsabi na sila ay nakaranas na ng cyberbullying sa

aspetong pisikal na anyo ito ay may porsyento na tatlongput pito (37%),

siyam (9) ang nagsabi na sila ay binabatikos dahil sa ugali at kawalan ng

abilidad na may porsyento na (30%). Tatlongput tatlong porsyento (33%)

ang nagsabi na binabatikos sila dahil sa personal na buhay at ito ay mula

sa sampong (10) respondente.


Sa aspeto kung sino ang bumabatikos sa mga respondente ay ang mga

sumusunod; anim (6) ang respondente ang nagsabi na ang bumabatikos

sa kanila ay ang kanilang kaibigan na may dalawapung porsyento (20%),

labing-tatlo (13) ang nagsabi na ito ay naranasan nila sa kaklase nila at ito

ay binubuo ng apatnaput tatlong porsyento (43%), apat (4) sa

respondente ang nagsabi na ang bumabatikos sa kanila ay ang kanilang

kapit-bahay at ito ay may labing-apat (14) na porsyento, ngunit ang pitong

(7) respondente ang nagsabi na sila ay binabatikos ng mga taong di nila

kilala.
Labing-tatlo (13) sa mga respondente ang nagsabi na huwag na lamang

magreact kung may mang cyberbully sa kanila, ito ay may apatnaput

tatlong porsyento (43%). Siyam (9) ang nagsabi na huwag na lamang

gumanti na may tatlongpung porsyento (30%) at walo (8) ang nagsabi na

nararapat na magsumbong ito ay may dalawaput pitong (27%) porsyento.


Anim (6) ang nagsabi na bawasan ang paggamit ng social media upang

maiwasan ang cyberbullying na may dalawangpung (20%) porsyento,

anim (6) din ang nagsabi na pag-isipang mabuti ang mga pinopost sa
social media na may dalawangpung porsyento (20%). Walong (8)

respondente ang nagsabi na kilalanin o huwag magtitiwala agad sa mga

taong hindi pa gaanong kakilala at ito ay may dalawangput pitong

porsyento, (27%) at sampo (10) ang nagsabi na iwasan ang pagpopost ng

mga pribadong impormasyon at ito ay may tatlongput tatlong porsyento

(33%) samantalang wala sa mga respondent ang sumagot na walang

solusyon upang ito ay maiwasan.

Konklusyon

Batay sa masusing pananaliksik at maingat na pagsusuri sa mga datos na

nakalap ng mga mananaliksik sila ay nagwakas sa mga sumusunod na konklusyon:

Karamihan sa mga respondente mula sa unang taon sa University of Makati ay

nasa labing-pito (17) hanggang dalawangput isa (21) pataas.


Limangpung porsyento ng mga respondente ang nagsabi na hindi pa sila

nakaranas ng cyberbullying, ito ay nangangahulugan na maaring pinapaigting ng

kagawaran ng unibersidad ang panukal ng pamahalaan upang mailayo ang mga

estudyante sa cyberbullying.
Mayroong animnaput pitong (67%) ng bahagdan ang nagsabi na noong sila ay

nakaranas ng cyberbullying ay hindi nila pinaalam sa kinauukulan,

nangangahulugan na karamihan sa mga biktima ay mas pinipili na manahimik na

lamang upang huwag na itong lumala pa.


Pitongput porsyento (70%) ang nagsabi na madalas itong mangyari ito ay

nangangahulugan na malaking bahagdan sa mga respondente ay mulat ang

kaalaman sa tunay na istado ng cyberbullying sa bansa.


Karamihan na sa mga respondente ay may ibat-ibang kadahilanan kung bakit

sila ay na cyberbully at ang may pinakamalaking bahagdan ay sa aspetong

pagkaranas ng pambabato ng masasakit na salita ito ay may porsyento na

(33%), mamaaaring dahil sa tumataas na antas ng teknolohiya ay maaring

nawawala ang pagiging sensitibo ng karamihan at dahil dito ay hindi nala

namamalayan na sila ay nakasasakit ng damdamin ng iba dahil sa mga salitang

di nila napag-iisipan.
Tatlongput pito na porsyento (37%) ang nagsabi na sila ay nasaktan at piniling

isawalang bahala na lamang ito. Mahihinuha dito na karamihan sa mga biktima

ay mas pinipili na manahimik na lamang dahilan kung bakit hindi maayos ang

problema dahil hindi naipararating sa mga kinauukulan ang mga gumagawa ng

cybverbullying upang mapigilan.


Tatlumput tatlong bahagdan (33%) ng mga respondente ang humingi ng tulong

sa magulang nang makaranas ng cyberbullying ito ay nagpapakita ng

mahalagang papel ng mga magulang sa paglutas ng suliranin, sapagkat sila ang

syang maaring magpaunawa sa kanilang mga anak kung ano ang dapat gawin at

di dapat gawin, maaring dahil dito ay maiwasan at matuldukan na ang

problemang ito.
Labing-isa (11) ang nagsabi na sila ay nakaranas na ng cyberbullying sa

aspetong pisikal na anyo ito ay may porsyento na tatlongput pito (37%), ito ang

pinakamalaking bahagdan. Mahihinuha na karamihan ngayon ay ginagawang

batayan ang pisikal na kaanyuan ng isang tao upang tukuyin ang kanyang

pagkatao.
labing-tatlo (13) ang nagsabi na naranasan nila ang pangbabatikos mula sa

kaklase nila at ito ay binubuo ng apatnaput tatlong porsyento (43%), kung ating
susuriin ay napakalaki ng bahagdan ang nagsasabi na ang cyberbullying ay nag-

uugat sa loob ng silid aralan at maaring dahil dito ay lumalaki ang porsyento ng

mga estudyante na tumitigil sa pag-aaral, kung mapi[pigilan natin itong problema

ay maaring tumaas ang antas ng istado ng propesyunal sa ating bansa.


Labing-tatlo (13) sa mga respondente ang nagsabi na huwag na lamang

magreact kung may mang cyberbully sa kanila, ito ay may apatnaput tatlong

porsyento (43%). Pinapakita nito na dahil sa pananahimik ng mga biktima ay

nababawasan ang posibildad na maayos ang problema at mapigilan ang paglaki

ng porsyento ng kaso ng cyberbullying sa bansa.


Sampo (10) ang nagsabi na iwasan ang pagpopost ng mga pribadong

impormasyon at ito ay may tatlongput tatlong porsyento (33%), makikita sa

bahagdan na ito ang kahalagahan na pagiging bribado dahil mula dito ay

maiiwasan ang cyberbullying sapagkat maaring gamitin ang mga impormasyon

na iyong nilalagay sa social media upang ikaw ay saktan.

Rekomendasyon

Sa mga nasabing konklusyon, inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod:
Para sa mga estudyante, dapat huwag balewalain ang mga isyu sa paligid at

maging sensitibo sa mga pangyayari sa kapaligiran. Limitasyon ang paggamit ng

internet at isipin muna ang mga salitang bibitawan sa internet man o sa totoong

buhay.

Para sa mga magulang, sila ay dapat may alam sa mga gawain at mga ikinikilos

ng kanilang mga anak sa eskwelahan man o sa bahay. Nararapat lamang na

patnubayan nila ang kanilang anak sa paggamit ng internet.

Sa Gobyerno, dapat lamang na magpasa ng batas ukol sa cyberbullying

sapagkat isa itong seryosong usapin na dapat pagtuunan ng pansin.

You might also like