You are on page 1of 1

Abstrak

Yambao, Jomar Alex R. "Epekto ng cyberbullying sa mag-aaral ng Senior High School" Mondriaan Aura
College, Inc. Marso 13, 2017.

(walang tagapayo)

Importanteng mapag tuunan ng pansin ang isyu patungkol sa Cyberbullying upang malaman kung ano
ang sanhi nito at kung ano ano ang mga di ka nais-nais na epekto nito sa mga mag-aaral na nasa Senior
High school. Natalakay din dito kung ano-ano ang mga epekto nito sa mga nabiktima, nangbibiktima, at
mga saksi sa mga kaganapang ito.

Ang pamamaraang ginamit nila ay ang quantitatibong pananaliksik, sapagkat gumamit sila ng sarbey
(survey) upang magkaroon ng datos na siyang makakapagbigay ng inpormasyon kung sino-sino ang mga
kadalasang na bibiktima nito, at kung ano-ano ang mga emosyon na naramdaman ng mga respondente
pagkatapos makaranas ng cyberbullying. Ang mga respondente nito ay dalawampu (20) na mag-aaral ng
Senior High School. Pinili ito ng mananaliksik sapagkat gusto din ng mga respondente na sila ay
mabigya'ng impormasyon patungkol sa mga epekto ng cyberbullying.

Base sa datos na nakalap nila sa pamamaraan ng sarbey, napag alaman na walong pung bahagdan (80%)
ang mga naka ranas na ng cyberbullying, animnaput limang bahagdan (65%) naman ng mga respondente
ang napag alamang binabatikos dahil sa kanilang pisikal na anyo, apat na pu't limang bahagdan (45%) ng
mga respondente ang nag sasabing nakaka apekto sa kanilang mga personal na grado kapag sila ay
nababatikos.

Napatunayan sa pananaliksik na ito na ang hindi gaanong nalalayo ang cyberbullying sa tradisyonal na
bullying sapagkat ginagamitan lang ito ng mga teknolohiya. Napatunayan din na halos lahat ng biktima
ng cyberbullying ay na babatikos dahil sa kanilang panlabas na kaanyuan katulad ng pamimintas sa
katawan, at pamimintas sa kulay ng balat.

Mga susing salita: Cyberbullying, pamimintas, datos, pananaliksik, respondente, nababatikos

You might also like