You are on page 1of 19

Tsapter I

Panimula

Kaligiran ng Pananaliksik

Sa kasalukuyang panahon, mapapansin natin na nagbabago na ang mga

teknolohiya ng mga tao. Mayroon na tayo ngayong mga gadjets na katulad ng

cellphone, computer, camera, video camera, mp3, at iba pa. Dahil sa mga ito

mukhang nagbabago na rin ang mga libangan. Noon simpleng mga instrumentong

pangmusika lamang ang mga gamit ng mga tao sa musika. Ngayon ay makabago

na rin ang mga instrumentong ito katulad ng electric guitar. Noon ay mayroon

lamang tayong entablado para manood ng isang palabas. Pero ngayon maaari na

tayong manood ng mga palabas gamit ang computer, dvd player, telebisyon, at iba

pa. Kaya na ng tao ngayon ang gumamit ng video camera para kumuha ng video.

Ang video na nakukuhanan sa video camera ay maaaring panoorin ng ilang ulit.

Maaari na rin nating panoorin ang mga ito sa Internet.

Subalit, paano kung gamitin ng tao ang mga kagamitang ito sa mga bagay na

hindi kanais – nais sa mga tao? Gaya na lamang ng mga mapapanood ngayon sa

Internet. Nagkalat ang mga phornography websites kung saan mapapanood ang

mga malalaswang eksena at palabas. Kadalasang ginagamit ang mga video camera

upang makakuha man lang ng sex videos. Dahil dito napag – isipan naming mga

mananaliksik na magsagawa ng pag – aaral patungkol sa pornograpiya. Isa pa ay

1
upang malaman kung ano ang mga epekto nito sa ating lipunan, at sa mga

kabataan. Gusto naming malaman kung bakit nalulong ang iba sa panonood nito at

upang malaman kung ang pornograpiya ba ay maituturing ng moral sa mga tao.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag – aaral na ito ay nakabatay sa sulinarin patugkol sa pornograpiya sa

mga sumusunod:

1. Ano ang pornograpiya?

2. Saan ito nagmula?

3. Ano ang mga epekto nito sa mga nanonood?

4. Ilang porsyento ng mga ComSci students ang naniniwalang may adiskyon sa

pornograpiya?

5. Anu - ano ang mga magiging hakbang ng pamahalaan, pamilya at indibidwal

sa pag – iwas dito?

Kahalagahan ng pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang maliwanagan ang mga

mambasabasa patungkol sa mga epekto ng pornograpiya. Makakatulong ang

pananaliksik na ito sa mga sumusunod:

2
Estudyante. Sila ay dapat pagpayuhan at pagbawalan sa panonood nila ng

pornograpiya. Dapat nilang malaman na makakasama ito sa kanilang pagkatao.

Dapat nilang malaman ang mga kahihinatnan nila sa panonood nito.

Komunidad. Ang pag – aaral na ito ay makakatulong na malaman ng

komunidad ang mga epekto ng panonood ng pornograpiya.

Paaralan. Dahil ang paaralan ay isa sa mga humuhubog ng magandang

edukasyon sa mga estudyante, responsibilidad din nilang hubugin ang mga

estudyante sa kanilang personalidad at moral na pag – uugali.

Lawak at hangganan ng pananaliksik

Ang pag – aaral ay isinagawa sa pamamagitan ng paggamit ng silid –

aklatan, obserbasyon, at pagkuha ng mga impormasyon. Ang mga magasin ay

kasama. Ang mga estudyante ay iinterbiyuhin batay sa mga personal na tanong

patungkol sa paksa.Ang surbey ay isinagawa sa Colegio de Dagupan sa mga

estudyante sa bilang na 20. Ang mga mananaliksik ay kumalap ng mga batas na

ipinatupad ng pamahalaan laban sa pornograpiya. Ang pananaliksik ay isinagawa

sa buwan ng Septyembre. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga kwestiyoner.

Pangunahing Paniwala

Ang panonood ng pornograpiya ay maaaring humantong sa adiksyon kaya’t

ang isang tao ay maaaring gumawa ng isang krimen katulad ng panggagahasa.

3
Kahit hindi pa gaanong napapatunayan ang adiksyon sa pornograpiya.

Makakatulong ito sa pagtuklas kung maaaring magkaroon ng adiksyon sa

panonood ng pornograpiya. Marami mang kabataan ang sabik sa panonood nito.

Hindi pa rin ito sapat na katibayan na ito ay talagang gawaing normal sa ating

lipunan.

Katuturan ng mga Salitang Ginamit

1.Internet – ang koneksyon na ginagamit sa computer upang humanap ng mga web


page para sa isang impormasyon tulad ng mga kanta, bidyo, larawan at iba pa.

2.mp3 – isang kagamitan na ginagamit sa pagpapatugtog ng mga kanta.

3.Pornographic web pages – ang mga web page na nagpapakita ng malalaswang


larawan, mensahe, video, palabas at iba pa.

4.video – ito ay mga nakukunang pangyayari gamit ang video camera.

5.video camera – ito ay isang kagamitan sa pagkuha ng video.

4
Tsapter II
Mga Kaugnay na Literatura at Pag – aaral

Sa tsapter na ito makikita ang mga pag – aaral na kahalintulad ng

pananaliksik na ito. Ang mga sumusunod ay ang mga nilalaman ng mga nabasa ng

mga mananaliksik patungkol sa suliranin.

1.Charles G. Lord(1997). Social Psychology.”Aggression” United States of

America. HardCourt Brace College Publishers.

“Magmula sa mga patalastas ng mga beer, ang mga tao ngayon ay napapaligiran

ng mga larawang nagpapakita ng mga sekswal na eksena na siyang nagpapalakas

ng kanilang sekswal na pandamdam. Ang mga sayantis at ang publiko ay nag –

aalala tungkol sa posibleng epekto ng mga sekswal na bagay. Mapanganib bang

pataasin ang pangnanasa ng mga kalalakihan? Ang mga ganito bang larawan ay

nagtutulak sa mga tao na saktan ang mga kababaihan? Ang mga bentahan ng

ganitong mga materiyal ay kailangan bang ipasara dahil nakakatulong ito sa

mundo na magpakita ng karahasan sa mga kababihan? Ang mga katanungang ito at

mga katulad na tanong patungkol sa pornorapiya ay pinagdedebatihang mabuti sa

mga sayantific conferens at pangpublikong talakayan. “

2.Michael D. Bayles et al(1983). Right Conduct. “Pornography and Censorship”.

New York. Random House. Ayon kay Michael D. Bayles(1983), “Ang

pornograpiya marahil ay kadalasang ginagamit na mga sekwal na

5
representasyon(mga sulat, larawan, pelikula at iba pa) na ginawa upang hikayatin

ang mga manonood at mambabasa na mag – isip ng mga mahahalay na bagay.

Robert A. Baron et al(1989). United States of America. Si Robert Brown(1989) ay

nagsabing Ayon kay Robert A. Baron, “Ang lahat ng mga pananaliksik upang

ilarawan (ang pornograpiya), ito ay mga larawang nagpapakita ng kahalayan na

nakatuon sa sekswal kaysa mga nakakasakit na pag - uugali. Ang mga kababaihan

ay kadalasang mga biktima sa eksenang sila ay ginagahasa at sinasaktan sa iba’t

ibang paraan. Sa mga naibigay na katotohanang ang mga bagay na ito ay

nagtutulak sa isang tao sa isang sekswal na gawain at dahil ito ay malapit sa mga

bayolenteng medya ay nagtutulak ito sa mga manonood na manakit ng iba.”

3.Beth B. Hess et al(1982). Sociology. United States of America. Macmillan

Publishing Company. Si Beth B. Hess(1982) ay nagsabi na "Kapag ikaw ay babasa

at manonood sa mga magazin, libro o mga video tapes - o di kaya ay buksan ang

telebisyon - ikaw ay makakakita ng mga sekwal na mga bagay na hindi dapat

ipakita ng lantaran sa Estados Unidos sa nakaraang dekada.Ang produksyon, benta,

at pag - aari ng mga ganitong produkto at salungat sa batas. Ang patakaran ay

nawala sa taong 1970, kasunod ng mga balita ng presidential commission ay

napatunayan na hindi ang pagtangkilik sa pornograpiya kung bakit hindi nakikipag

– ugnayan sa iba ang isang tao."

6
4.Camille B. Worthman et al. Psychology(Ika-apat na edisyon). United States of

America. Mc – Graw Hill, Inc. Ayon kay Camille Worthman “Pornograpiya: Ano

ang kauganayan nito sa Panggagahasa. Ang (isang) estatiska ay nagalalarawan ng

mga sumusunod: Tatlo sa apat sa mga kababaihan ay ang mga maaaring magiging

biktima ng isang marahas na krimen sa kanilang buhay. Bawat anim na minuto ay

may naibabalitang panggagahasa(FBI Uniform Crime Reports, 1971 - 1988).

Ngunit limang porsyento lamang sa lahat ng kaso ng panggagahasa ang naibalita sa

mga pulis. Apatnapu't dalawang porsyentong kaso ay hindi naibabalita sa kahit

sinuman(Koss et al., 1987).”

7
Tsapter III
Mga Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik

Ang tsapter na ito ay tumatalakay sa mga paraan at sa mga gawain upang

hanapin ang mga kailangang impormasyon patungkol sa suliranin. Ang mga

respondent ay ang mga estudyante ng ComSci. Ang mga ibang opisyal ng

Mangaldan, Pangasinan ay ininterbyu batay sa mga tanong na sasagot sa suliranin

ng paksa. Batay sa suliranin, ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga materyales

at pamamaraan upang patunayan ang katotohanan ng pag – aaral na ito.

Metodolohiyang Ginamit

Ang uri ng pananaliksik na ito ay isang pamamaraan sa

paglalarawan(descriptive) sa pananaliksik at ang pag – iinterbyu, obserbasyon at

mga kwestyuner para sa mga makabuluhang impormasyon sa paghanap ng mga

datos. Ang paraan sa paglalarawan sa pananaliksik ay ginawa upang ilarawan ang

natural na sitwasyon na ito ay nananatili sa oras ng pag – aaral at upang mahanap

ang ibang dahilan ng pangyayari.

Mga Kagamitan sa Paghanap ng mga Datos

Sa pagkonpirma ng mga nasabing katotohanan ng pag – aaral ng mga

mananaliksik, ang mga mananaliksik ay gumamit ng pag – iinterbyu, at pagkalap

8
ng impormasyon sa silid aklatan. Ang obserbasyon ng mga mananaliksik ay pag –

susuri sa mga mensahe ng mga respondents.

Interbyu

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng interbyu sa mga estudyante ng

Colegio de Dagupan sa distrito ng siyudad ng Dagupan. Upang malaman ang iba

pang katotohanan patugkol sa suliranin sa pornograpiya.

Obserbasyon

Habang nagsasagawa ng interbyu, ang mga mananaliksik ay maingat na

nagmasid at sinuri ang mga sagot ng respondents.

Silid – Aklatan at paggamit ng Web Pages

Ang silid – aklatan, ang lugar kung saan ang mga mananaliksik ay

komolekta, humanap at inaral ang mga impormasyon at halimbawa sa

pamamagitan ng tamang paggamit ng mga libro, magazin, diyaryo, at iba pa. Ang

iba pang impormasyon ay kinalap sa mga ibang Web page gamit ang Internet.

9
Tsapter IV
Ang Resulta ng Pananaliksik

Ang pornograpiya ay anumang materyal na nagpapakita o naglalarawan ng

katawan ng tao o seksuwal na gawain sa paraang pumupukaw sa pagnanasa sa

seks. Ipinamamahagi ito sa maraming media, kabilang na ang mga magasin, aklat,

telebisyon, pelikula, musika, at Internet. Nakasasama ito sa espiritu tulad ng

pinsalang dulot ng tabako, alak, at droga sa katawan. Ang paggamit ng

pornograpikong materyal sa anumang paraan ay paglabag sa isang utos ng Diyos:

“Huwag kayong.. . makiapid . . . ni gumawa ng anumang bagay tulad nito” (D at T

59:6). Maaari itong hurnantong sa iba pang mabibigat na kasalanan. Dapat iwasan

ng mga miyembro ng Simbahan ang anumang anyo ng pornograpiya at tutulan ang

produksyon, pamamahagi, at paggamit nito. (Ang Simabahan ni Jesucristo ng mga

Banal sa mga Huling Araw(2006)).

Ilan lamang ito sa mga kahulugan ng pornograpiya. Dahil sa America ay

pinagdedebatihan pa rin ang kahulugan nito. Kadalasan na ang mga nanonood nito

ay ang mga kalalakihan. Ang pornograpiya ay may dalawang uri. Ito ay ang

bayolente at hindi bayolenteng pornograpiya. Ang bayolenteng pornograpiya ay

nagpapakita ng mga eksenang katulad ng panggagahasa sa mga babae. Ang epekto

ng pananaliksik sa mga bayolenteng pornograpiya, ang mga materiyal na may

pinagsamang kahalayan at karahasan, ay mas nakakapanggulo sa isipan. Ang mga

pelikula na may pinagsamang seks at karahasan ay nagpapakita sa isang babae na


10
sinasaktan ng isang manggagahasa. Sa maraming pag – aaral, lahat ng lalaking

nakapanood ng mga bayolenteng pornograpiya ay nagkaroon ng aggression sa mga

babae. Ang aggression ay ang pagiging marahas at agresibo sa pakikitungo sa iba.

Habang ang aggression ng mga babae sa mga lalake ay mayroon sa isang eksena,

ito ay maituturing na hindi bayolenteng pornograpiya. (Donnerstine Linzet al.,

1987).

Ang pornograpiya ay maaaring nagsimula dahil sa mga erotic paintings. Ito

ang mga larawang ipininta noon ng mga pintor, tanyag man o hindi na nagpapakita

ng isang babaeng nakahubo’t hubad. Isa rin ang produksyon ng mga pornographic

film. Ang produskyon ng mga pornographic film ay nagsimula kaagad matapos

maimbento ang motion pictures. Ang pornographic film ay ang mga pelikulang

nagpapakita ng mga eksena na ang isang babae at lalaki ay nagtatalik. Kahit na ang

mga pelikulang ito ay may ibang istorya, madaling malaman kung ang isang

pelikula ay isang pornographic film dahil sa anyo ng pabalat, at ang tema nito. Ang

motion pictures ay ang mga bunga ng teknolohiya tulad ng video. Dalawa sa mga

batikan sa ganitong larangan ay sina Eugène Pirou at Albert Kirchner. Si Kirchner

ay ang nagdirek ng pinakamaagang pornographic film para kay Pirou na

pinamagatang “Lear”. (Wikipedia.com).

Ang maaaring dahilan kung bakit nagsisimula ang isang tao sa panonood ng

pornograpiya ay dahil sa curiosity. Ito ay ang kaugalian ng taong mag – isip sa


11
isang bagay ng may interes. Ang mga ibang tao, kapag nakapanood ng mga ganito

at nagkaroon ng interes ay makakakpagnilay - nilay ng tanong mga na “Ano kaya

ang pakiramdam kung maranasan ko ito? Maganda kaya kung aking masubukan?”

Kapag ang mga tanong na ito ay tumakbo sa isipan ng isang tao matapos siyang

makapanood ng pornographic film ay nagkakaroon siya ng curiosity. Nais niyang

maranasan o malaman ang isang bagay na nakita o narinig. Kaya kapag naranasan

ng isang tao ang isang bagay at nagustuhan niya ito ay maaari pa niya itong

ipagpatuloy dahil sa masaya siya dito. Marami sa mga respondents ang sumagot

na ang dahilan kung bakit nagugustuhan ito ng mga nakakapanood ay ang

pagnanasa sa seks. Dahil sa kanilang curiosity ay maaari gustuhin nilang makipag

– girlfriend, maranasan lamang ang kanilang nakita.

Marami ang maaaring maidulot ng panonood ng pornograpiya. May ibang

mga respondents na sumagot na magdudulot ito ng premarital sex. Ang premarital

sex ay ang pagtatalik ng dalawang magkasintahan na hindi pa kasal. Dahil sa

pagnanasa sa seks dulot ng panonood ng porograpiya ng isang lalaki, ay

nakikipagtalik ito sa kanyang girlfriend kahit hindi pa kasal. At maaari itong

humantong sa maagang pag – aasawa.

Maaari ding magdulot ang panonood ng pornograpiya sa panggagahasa ng

mga kalalakihan sa kababaihan. Isa sa mga kontrobersyal na paniniwala ng mga

kalalakihan ay ang tinatawag na rape myth. Ito ay ang ideya na ang mga babae,
12
kapag ginagahasa ay umaayaw ngunit kagustuhan din ang nangyayari. Sa madaling

salita ito ay ang tinatawag na pagpapakipot ng mga babae kapag ginagahasa. Ang

mga lalaking naranasan na ang rape myth ay walang nakikitang mali sa kanilang

sekswal na pag - uugali gaya ng paghalik sa mga babae sa sapilitang

pamamaraan(Margolin, Miller, an Moran, 1989).

Ayon kina Malamuth at Check(1981) may isanagawang isang pag – aaral

ang ilang imbestigador kung ano ang epekto ng mga bayolenteng pornograpiya sa

mga kalalakihan. Inayos nila ang ibang mga college students upang ipakita ang

isang pelikulang patalastas(Swept Away and Get Away) na nagpapakita na ang

mga kababaihan ay agresibo sa seks sa mga nanggagahasa; isang kontroladong

grupo ng mga estudyante ay pinanood ang dalawang pelikula ng walang halong

malalaswang eksena. Makalipas ang maraming araw, lahat ng mga estudyanteng

iyon ay pinagsagot sa isang questionnaire sa kanilang klase na susukat sa kanilang

pakikitungo tungkol sa karahasan sa mga kababaihan at paniniwala tungkol sa

panggagahasa. Ang mga lalaking estudyante na nakapanood ng bayolenteng

pornograpiya ay mas agresibo sa panggagahasa at mas paniwala na ang mga

kababaihan ay gustong pagahasa kaysa mga ibang esudyante na nakapanood ng

mga ibang pelikula. Patunay lamang ito na sa sobrang panonood ng mga

bayolenteng pornograpiya ang magtutulak sa mga kalalakihan na manggahasa ng

isang babae.

13
May pagtatalo kung ang adiksyon sa pornograpiya ay nangyayari. Pagtatalo

na kung ito ba ay may masamang epekto. Ilan sa mga sex therapist (mga eksperto

tungkol sa mga sekswal na gawain) ay nagpapatotoo na mayroon ngang adiksyon

na may kasamang masamang kalalabasan, habang ang iba ay nagsasabing hindi ito

matatawag na adiksyon.

Ayon kay Stephen Andert, "Para sa mga maraming tao, tulad ng

pornograpiya, ang pornograpiya ay isang problema. Tulad ng alak, pagsusugal, o

droga, ito ay maaaring komontrol sa buhay ng tao.” Si Erick Janssen, isang

mananaliksik sa Kinsey Institute, ay pinabulaanan ang pagsasabi na ang

pornograpiya ay isa ring adiksyon. Isang paglalarawan na ibinigay ng iba na ang

ibang tao ay “lulong” sa pornograpiya dahil sa nararanasan nilang personal na

paghihirap sa kanilang pakikitungo sa iba (Wikipedia.com). Ngunit halos lahat ng

mga respondents ay nagsasabi din na may adiksyon sa pornograpiya. Patunay ito

na maaari ngang mayroong adiksyon sa pornograpiya. Isang bagay bakit nalulong

ang mga nanonood nito ay dahil may pagnanasa sila sa seks.

Ngunit sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik 15 porsyento (15%)

ng ComSci students ng Colegio de Dagupan ang naniniwalang ang may adiksyon

pornograpiya ay nangyayari. At 85 porsyento (15%) naman ang naniniwalang

walang adiksyon sa pornograpiya. Patunay sa datos na nakuha, mas mahigit ang

14
mga naniniwala na may adiksyon sa pornograpiya. Kaya ito ay patunay na maaari

ngang may adiskyon sa pornograpiya.

Upang mabawasan at masugpo ang pagdami ng tumatangkilik sa

pornograpiya ay dapat kumilos ang bawat isa. Magdesisyon na lamang na hindi na

manonood ng mga ganito upang maiwasan ang anumang masamang epekto nito sa

bawat indibidwal. Payuhan ang iba na ito ay makakasama sa pag – iisip. Ang

tahanan din ay responsable na magbigay ng babala sa mga bata tungkol sa mga

ganitong bagay. Ang tahanan ang humuhubog sa moralidad ng isang tao. Ang

pamahalaan din ay nagpatupad ng batas laban sa produksyon ng pornograpiya. Ito

ay ang REPUBLIC ACT NO. 9208 na nagpapahayag na ang pornograpiya ay parte

ng human trafficking.Ang human trafficking ay ang pagrerekrut, paglilipat sa mga

tao ng may pahintulot may kaalaman man o wala sa ibinibigay na trabaho na

napupunta sa ibang lugar para takutin o saktan, o iba pang uri ng panloloko,

pagsasamantala sa kanilang kahinaan o di kaya ay ang panunuhol upang

makombensi sa isang gawain tulad ng pagiging alipin, pakikibahagi sa mga

sekswal na gawain at pagbebenta ng mga lamang loob.

Ipinahahayag ng batas na ito na sinuman ang mga lumabag at mahuling

gumagawa ng mga ganito ay makukulong ng dalawampung taong pagkabilanggo

at multa na hindi kukulang sa isang milyong piso(P1,000,000) at hindi hihigit sa

dalawang milyong piso(P2,000,000).


15
Ang pornograpiya sa panahon na ito ay talamak na sa Internet at iba pang

maaaring mapagkunan nito. May dalawang uri ng pornograpiya. Ito ay ang

bayolente at hindi bayolenteng pornograpiya. Ang bayolenteng pornograpiya ay

nagpapakita ng mga eksenang malalaswa na may halong karahasan sa mga babae.

Ang hindi bayolenteng pornograpiya naman ay ang mga eksenang malalaswa

ngunit walang halong karahasan. Marami itong maidudulot na masama dahil sa

mga posibleng epekto nito sa tao gaya ng panggagahasa. May adiksyon man o

wala ang panonood nito ay napatunayan na dahil sa pagiging agresibo at pagnanasa

sa seks ng mga kalalakihan, kaya nila ito gusting panoorin. Ang bawat isa ay may

magagawa upang mabawasan ang pagdami nito. Hindi man ito masugpo dahil sa

talamak na ito ay hindi ibig sabihing tama itong panoorin. Kailangan pa ring itama

ang mga maling kaugaliang tulad nito.

16
Tsapter V
Mga Konklusyon at Rekomendasyon

Konklusyon

Ang pornograpiya ay talamak na sa ating panahon ngayon. Ito ay

magdudulot ng iba’t ibang epekto sa tao sa kanilang pag – iisip. Dahil sa pagiging

agresibo ng mga tao sa sekswal na gawain ay naisipan nilang simulant ang

pornograpiya. Kaya sa mga nakakakita nito ay nagiging agresibo. Dahil sa paulit –

ulit na panonood ng pornograpiya ay maaari ngang magkaroon ng adiksyon dito.

Rekomendasyon

Kung ang isang tao ay malulong sa panonood ng pornograpiya, kailangan

niya itong iwaksi upang hindi na makasama sa kanyang sarili. Ayon sa Ang

Simabahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw(2006). “Mapanganib

at nakakalulong ang pornograpiya. Gaya ng iba pang adiksyon, inaakay nito ang

mga tao na sumubok at maghangad ng mas mabisang pampasigla. Kung

sinusubukan ninyo ito at hinahayaan ninyong mabihag kayo nito, wawasakin kayo

nito, pasasamain ang inyong isipan, puso, at espiritu. Aalisin nito ang paggalang

ninyo sa sarili at ang magandang pananaw ninyo sa buhay. Wawasakin kayo nito at

aakayin sa masasamang kaisipan at posibleng sa masasamang gawain. Sisirain nito

nang husto ang pagsasama ng inyong pamilya.

17
Kung ang isang tao ay magdedesisyon agad kung iwawaksi ba niya o hindi

ang panonood ng pornograpiya ay ang desisyon at kagustuhan pa rin niya ang

magtutulak sa kanyang mga kilos.

Sa panahon ngayon, ang mga simbahan, pamahalaan at paaralan ay

gumagawa ng paraan upang imulat ang mga kabataan tungo sa moralidad. Ngunit

dapat manguna ang tahanan na humubog sa mga kabataan na pairalin ang moral na

pag – iisip. Ang mga sumusunod ay maaaring mga hakbang upang bawasan ang

pagkalat ng pornograpiya.

18
Bibliografi:

 LDS Family Services(2005). Salt Lake City, Utah. The Church Of Jesus
Christ Of Latter-day saints.

 Ang Simabahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.(2006).


Tapat sa Pananampalataya. Salt Lake City, Utah.

 Charles G. Lord(1997). Social Psychology.”Aggression” United States of


America. HardCourt Brace College Publishers.

 Michael D. Bayles et al(1983). Right Conduct. “Pornography and


Censorship”. New York. Random House.

 Beth B. Hess et al(1982). Sociology. United States of America. Macmillan


Publishing Company

 Camille B. Worthman et al. Psychology(Ika-apat na edisyon). United States


of America. Mc – Graw Hill, Inc.

19

You might also like