You are on page 1of 8

1

Pornograpya
may
nakakapinsalang
epekto

Bartolome, Solomon A.

Barrera, Ravin Jay S.

Chapter 1
2

I. Panimula
A. Kaligiraan Ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ng mga

mambabasa ang nakapipinsalang epekto ng pornograpya. Upang

maiwasan at hindi maging bisyo o simulan pa ang pagkahumaling

sa pornograpya. Malunasan o matakasan masamang bisyo sa

pornograpya at hindi na tumagal pa nang maraming taon.

Lumilllikha ito ng matitinding pagnanasa na hindi dapat taglayin ng

isa, ginigising nito ang mga pita na hindi dapat sapitin.


Nang sistematikong maghukay ang mga arkeologo noong

panahon ni Reyna Victoria ng sinaunang Pompeii, nagitla sila sa

kanilang natuklasan. Nagkalat sa magagandang pinturang alpresko

at gawang-sining ang maraming ipinintang mga larawan at

eskultura na lantarang nagtatampok ng seksuwal na mga gawain.

Palibhasa’y nangilabot sa nakakasindak na paglalarawang ito,

itinago ng mga awtoridad ang mga ito sa sekretong mga museo.

Nalikha nila ang terminong “pornograpya” mula sa Griegong porne

at graphos, na nangangahulugang “pagsulat tungkol sa mga

patutot” upang uriin ang mahahalay na nahukay na mga gawang

sining. Sa ngayon, ang pornograpya ay binibigyan kahulugan bilang

“paglalarawan ng erotikong paggawi sa mga aklat, larawan,

estatuwa, pelikula, atb., na may layuning pumukaw sa seksuwal na

paraan.
3

Ang Pornograpya o porno ay isang palabas na malalawasang

panoorin o babasahin na nahuhumaling ang mga tao. Ang

pornograpiya ay may halin-tulad sa erotica na pwede mong isipin

habang naglilibog ka. Sa ilang dekadang taon mas dumadami ang

malalaswang panoorin dahil sa DVD, internet, at sa mga taong

walang disiplina sa kanilang sarili. Ang pornograpya ay lalong

kumalat sa kadahilanang meron tayong kalayaan. Ang pagtatalik ng

isang babae at lalaki ay hindi na bago sa sangkatauhan ng tao at

ginagawa na itong pampalipas oras ng mga tao.


Ang pornograpiya nagsimula sa kanluranin Europa sa panahong

labing walong dekada sa magkasunod na pagtaas ng

utilitaryanismo. Sa amerika lalong kumalat ang pornograpiya at

ginawa itong pagkakakitaan ng mga tao. May mga ilang tao ang

nagtratrabaho sa ganitong klase, maraming mga kababaihan ang

mga kasali dito. Ginagawan nila ito ng bidyo at ipapalakat sa

internet, kumikita sila sapamamagitan ng bawat manonood sa

kanilang bidyo. Maraming ngayon ang laganap sa ibang bansa

ayang paggawa ng pornograpiya, may iba't ibang estilo sila ng

paggawa, mga halimbawa (Fake Taxi, Fake Agent, Secret Agent

atbp.). Marami sa kanila ang gumawa ng bidyo ay patuloy pa din

ipinapalangap ang mga ito. Dati-rati, ang pornograpya ay lumalabas

lamang sa mga sinehang may reputasyon at sa mga lugar na

nagbibili ng aliw, makikita na ito ngayon sa maraming pamayanan.


4

Ang totoo tungkol sa pornograpiya, Bawat segundo: Halos 30,000

tao ang tumitingin sa pornograpikong mga website. Bawat minuto:

Ang mga gumagamit ng internet ay nagpapadala ng mahigit 1.7

milyon na pornograpikong e-mail. Bawat Oras: Halos dalawang

video ng detalyadong paglalarawan sa pornograpya ang inilabas sa

Estados Unidos. Bawat Araw: Sa Estados Unidos, may average na

dalawang milyon na pornograpikong pelikula ang nirerentahan.

Bawat Buwan: Halos 9 sa bawat 10 kabataang lalaki at 3 sa bawat

10 kabataang babae sa Estados Unidos ang nanonood ng

pornograpya. Sa Estados Unidos lamang, mahigit na sampung

bilyong dolyar ang kinikita taun-taon.


Laganap ngayon sa daigdig ang pornograpya. Makikita ito sa

mga advertisement, kausuhan, pelikula, musika, at mga magasin,

pati na sa telebisyon, mga video game, cellphone o iba pang

gadyet, Website, at mga photo-sharing service sa internet. Ang

pornograpya ay karaniwan nang tinatanggap sa modernong lipunan.

Ngayon higit kailanman, mas maraming lugar ang gumugugol ng

higit na panahon sa pornograpya.


Ang terminong “pornograpya” ay tumutukoy sa malalaswang

material na dinisenyo upang pukawin ang damdamin ng mga

nakakakita, nagbabasa, o nakikinig nito. Kasama rito ang mga

larawan pati na ang anumang materyal na mababasa o

mapapakinggan. Ang pornograpya ay lubhang nakakasugapa na

gaya ng crack cocaine, ayon sa ilang mananaliksik at terapist. Ang


5

obsesyon sa pornograpya ay gaya ng pagkahayok sa sekso ng

masamang espiritu noong panahon ni Noe. –Genesis 6:2.


Sa pagkakaroon ng malalaswang panoorin sa internet, maraming

tao na ang guma-gamit nito. May mga taong sang-ayon sa

pornograpiya at hindi sang-ayon, kaya't mayroong mga taong

nagdedebate tungkol sa pornograpiya. Itinataguyod ng ilang

tagapagtanggol ang pornograpya bilang isang paraan upang

pasiglahin ang isang nakakabagot na pag-aasawa. Sinasabi naman

ng iba na pinasisigla nito ang pagiging pranka at pagbubukas-isip

tungkol sa seksuwal na mga bagay.


Gusto ng mga ibang tao na alisin ang pornograpiya ngunit hindi

mapigilan. Ang pornograpya ay kadalasang iniuugnay sa maraming

nakakapinsalang resulta at saloobin. Binabanggit ng ilan ang

kaugnayan sa pagitan ng pornograpya at panghahalay gayundin sa

iba pang anyo ng karahasan laban sa kababaihan at sa mga bata.


Maaari itong makaapekto sa mga batang mag-aaral. Kailangan

pag-aralan ang "sex education" ng mga mag-aaral ng magkaroon

sila ng maganda ideya sa ganito at hindi gawin. Sa pagbabago at

pag-unlad ng teknolohiya, pati mga bata at kabataan ay

nakikisabay dito. Kung noon ay sa lansangan nila ginugugol ang

kanilang maghapon sa pakikipaglaro ng patintero, tagu-taguan at

langit at lupa, kasama ang kanilang mga kalaro, sa ngayon ay sa

lansangan pa rin naman. Subalit ang mga computer at cellphone na

ang kanilang mga kalaro maghapon. Mabuti sana kung researching,

social networking at games lang ang ginagawa ng mga ito, ngunit


6

may isa pang bagay na pumupukaw sa kanilang mga mata, isang

bagay na mahirap nang takasan kapag nahuli ka. Subalit ito ang

katotohanan na hindi sila exempted sa panonood ng pornograpiya.


Sa pag-aaral, maaaring maapektuhan ang mga kabataan dahil sa

panonood ng pornograpiya. Dapat maalarma ang mga kabataan sa

dulot ng panonood ng malalawasang panoorin o babasahin. Dapat

magkaroon ng disiplina ang mga kabataan at pagkokontrol sa

pagdating mga sarli. Bigyan pansin ng gobyerno ang pornograpiya

sa ating bansa para maalarma ang bawat kabataan sa ating bansa

at makontrol ang pagdami ng tao sa ating bansa. Sa mga

malalaswang babasahin, mababasa ito sa mga dyaryo at magasin

na lubos nakinahuhumalingan ng mga mambabasa. Maraming

kwento dito ang nakapaloob na hindi kanais-nais parasa mga

mambabasa. Nag-uudyok ito ng hindi magandang pag-iisip sa

kanyang kapwa dulot ng pagbabasang pornograpiko. Sa mga dyaryo

at magasin meron kang makikitang mga nakabuhad na babae o

lalake, na nililigyan ng manunulat na kwentong hindi magaganda.

Sa mga magasin na (FHM, VIXEN) may mga kwentong mababasa ka

na tungkol sa pornograpiya. Sa mga tulad ng FHM at VIXEN na

magasin may makikita kang mga babaeng walang sampot sa

kanilang katawan, na kinukuhanan ng litrato at ilalagay sa magasin

na makikita nga mga mambabasa.


7

B. Paglalahad Ng Suliranin O Layunin

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Pornograpya may


nakakapinsalang epekto” ay naglalayong sagutin ang mga
sumusunod na suliranin o layunin.

1. Bakit napakalaganap ng pornograpya?


2. Anu-ano ang pinsalang naidudulot nito?
3. Kung bakit dapat iwasan ang pornograpya?
4. Makita ng maraming tao ang malulubhang epekto ng
kahalayan at ang mga problemang naiidudulot nito.
5. Pag-iingat sa mga bata mula sa pornograpya.

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat ipinapakita dito ang


iba’t-ibang epekto ng pornograpya. Dito makikita kung bkita ng
marami ang simula, paraaan, dahilan at pananaw ng mga bata sa
panonood nito o ay maaaring makatulong at gawing kasangkapan
ng mga magulang at awtoridad upang makagawa sila ng mga
hakbangin upang matulungan ang mga bata na matigil at maiwasan
na nagtuluyan ang panonood nito. Dito napapakita na kabilang ang
mga batang ito sa mga manonood ng porn at hindi lamang mga
kabataan o ang mga nasa sapat na na gulang. Ito din ang
nagpapakita na walang bata o matanda sa panonood ng
pornograpiya.

Ang pag-aaral na ito na may paksang


aymakakatulong ng malaki sa mga sumusunod:Sa mga
mag-aaral

ng PUP
, upang malaman nila kung ano ang mabuti at masamangepekto ng
panunuod ng mga Korean Dramas sa kanilang mga pag-uugali at
pananamit.Sa mga
magulang
, upang malaman nila kung ano ang mga kasalukuyang
kinahihiliganng kanilang mga anak at upang makapagbigay sila ng
8

maayos na payo at nang magabayan panila ng husto ang kanilang


mga anak. At sa
lahat ng makakabasa
nito, upang malaman nila kung gaano kahalaga angginagampanan
ng impluwensya ng mga Korean Dramas sa bawat kabataan na
nakaaalam nito.

Baka may pagkakataong nakakakita ka ng pornograpya nang di-


sinasadya, pero ibang usapan na kung sinasadya mo talagang
tumingin dito. Paano kung nagiging bisyo mo na ito? Isang bagay ang
sigurado hindi madaling makawala sa bisyong ito. Bilang ilustrasyon:
Ipagpalagay nating nakatali ng sinulid ang mga kamay mo. Malamang
na kaunting batak lang, mapapatid mo agad ang sinulid. Pero paano
kung maraming ulit na inikot sa mga kamay mo ang sinulid? Mas
mahirap na ngayon itong mapatid. Ganiyan din ang nangyayari sa mga
taong naging bisyo na ang pagtingin sa pornograpya. Mas madalas
silang tumingin dito, lalo silang nahihirapang makawala sa bisyong ito.
Kung ganiyan ang kalagayan mo ano ang dapat mong gawin?

Nakakapinsala ang pornograpya sa relasyon ng mga mag-asawa at


pamilya dahil, Pinapahina nito ang tiwala, ugnayan, at pag-ibig ng
mag-asawa sa isa’t-isa. Itinataguyod nito ang kasakiman, kawalang-
malasakit, kawalang-kasiyahan sa asawa. Pinupukaw nito ang
malalaswang seksuwal na pantasya at pagnanasa. Tinutukso nito ang
mga nanonood na ipilit sa kanilang asawa ang malalaswang seksuwal
na gawain. Itinataguyod nito ang pagtataksil. Ang pagtataksil ay
maaaring sumira sa pag-aasawa at humantong sa paghihiwalay at
diborsiyo. Ang gayong pahihiwalay ay nakakapinsala naman sa mga
anak.

You might also like