You are on page 1of 6

Ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) ay isang

pandaigdigang kapulungan na inako ng United Nations General Assembly noong 1979. Ito ay tinagurian
bilang international bill of rights for women.

Itinataguyod ng kapulungan na ito ang diskriminasyon laban sa mga kababaihan. Ang sumusunod ay ang mga
kundisyon ng kapulungan:
Ang pagkakaiba, pagbabaliwala at pagkakaroon ng restriksyon dahil lamang sa kasarian kung saan
naapektuhan at napapawalang bisa ang pagpapahalaga at pagkalibang ng kababaihan, na walang
kaugnayan sa kaniyang marital status, na batay sa pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki,
karapatang pantao at kalayaan sa politika, ekonomiya, social, pangkultura, sibil at sa iba pang larangan.
Itinataguyod din nito ang mga talatuntunan na mabigyan ng hangganan ang diskriminasyon sa kasarian. Ang
mga nasyon na nagpapatibay ng Kapulungan ay kinakailangang mag-ukol ng gender equality sa kanilang
mga domestic legislation, pagpapawalang-bisa sa lahat ng may kinikilingan o pinapanigang probisyon at
magsabatas ng panustos upang bantayan ang diskriminasyon sa mga kababaihan. Sila rin kinakailangan ding
magtatag ng tribuna at mga institusyon upang matiyak ang epektibong proteksyon sa diskriminasyon at
gumawa ng mga hakbang upang tuluyang mawala ang lahat ng klase ng diskriminasyon mula sa mga tao,
organisasyon at proyekto.
Noong 2007, 185 na State Parties ang nagratipika sa Kapulungan.
Ang Asemblea ay ang nag-iisang human rights treaty na naninindigan sa reproductive rights ng mga kababaihan
gayun din ang mga kultura at tradisyon na nakaka-impluwensiya sa paghubog ng gender roles at family relations.
Ipinagtitibay din ng asemblea ang karapatan ng kababaihan na baguhin o panatiliin ang kanilang nasyonalidad
gayun din ang nasyonalidad ng kanilang mga anak. Ang mga State Parties ay sumasang-ayon sa mga nararapat na
paraan upang labanan ang lahat ng paggamit at pananamantala sa kababaihan.
Noong nagaganap ang United Nations Decade for Women, ang Pilipinas ay lumagda sa Kapulungan noong ika-17
ng Hulyo 1980 at naratipikahan noong Hulyo 19, 1981. Bilang signatoryo ng Kapulungan, ang Pilipinas ay regular
na nag-uulat sa UN Committee on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women. Ang mga bansang
sumang-ayon sa Asemblea ay obligadong isagawa ang kanilang mga probisyon. Sila din ay kinakailangang
magsumite na mga pambansang pag-uulat tuwing apat na taon, sa kanilang pagtalima sa treaty obligations.
Sina Bb. Teresita Quintos Deles at Chairperson Aurora Javate de Dios ay ang mga eksperto hinggil sa CEDAW dito
sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, si DFA Undersecretary, Rosario Nena Gonzales Manalo ay ang tagapamahala ng
lupon.

CEDAW-Watch Philippines
Ang CEDAW-Watch Philippines ay isang kilusan na tumutulong sa pagsulong ng mga karapatang pantao ng
kababaihan sa Pilipinas. Ito ay isang network ng mga indibidwal at grupo ng kababaihan na kabilang sa
pagtataguyod sa karapatang pangtao sa pambansa at pandaigdigang antas. Isinusulong din nito ang kamalayan sa
CEDAW sa pamahalaan, civil society organizations gayun din sa publiko sa pamamagitan ng mga kampanyang
edukasyonal . Ang pagbibigay kaalaman o edukasyon sa publilko ukol sa kahalagahan at tungkulin ng mga
organisasyon na nagtatanggol sa karapatan ng mga babae, ang kilusan ay patuloy na tutulong sa paglinang ng mga
mamamayan na magiging katuwang ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga alituntunin ng CEDAW.

[REPUBLIC ACT NO. 9262] AN ACT DEFINING VIOLENCE AGAINST WOMEN AND
THEIR CHILDREN
Ang R.A. 9262 o Anti-violence against women and children act ay ang sadyang pagpapakita ng pananakit o
pag-abusong pisikal, sekswal o psychological.
Ang intensiyonal na pagpapakita sa miyembro ng pamilya sa ginagawang pananakit, pag-abusong pisikal,
sekswal o psychological sa sinumang miyembro ng pamilya ay isa ring krimen under R.A. 9262.
Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ang nagpapakita ng pang-aabuso ay may intensiyon na magdulot ng
takot sa mga miyembro ng pamilya at mag-aalinlangan ang sinumang may plano na sumalungat sa kagustuhan
ng nanakit. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (g) ng R.A.9262 bilang isang uri ng psychological
violence na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima.

MAGNA CARTA OF WOMEN (REPUBLIC ACT NO. 9710)


Ang Magna Carta of Women (Republic Act No. 9710) na ipinasa noong ika-14 ng Agosto 2009ay naglalayong
pangalagaan ang mga karapatan ng kababaihang Pilipino. Ayon sa preambulo nito:
Kinukondena ng Estado ang diskriminasyon laban sa kababaihan sa lahat ng porma nito at babalikatin nito ang
lahat ng pamamaraan sa pinakamadaling panahon ang patakaran ng pag-aalis ng diskriminasyon laban sa
kababaihan bilang pagtugon sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
(CEDAW) at iba pang pandaigdigang instrumento na naaayon sa mga batas ng Pilipinas. Ibibigay sa kababaihan
ng Estado ang mga karapatan, proteksyon at oportunidad na maaaring makamit ng bawat kasapi ng lipunan.

THE ANTI-RAPE LAW OF 1997


Ang Batas Laban sa Panggagahasa ng 1997 (Anti-Rape Law of 1997), na nagpalit ng nakaraang kahulugan ng
panggagahasa ayon sa tinukoy ng Binagong Kodigo Penal ng 1930 (Revised Penal Code of 1930), ngayon ay
tumutukoy sa krimen ng panggagahasa gaya ng sumusunod:
Artikulo 266-A. Panggagahasa: Kapag at paano ginawa.
1. Sa pamamagitan ng isang taong pagkakaroon ng kaalaman ukol sa laman ng isang babae sa ilalim ng mga
sumusunod na pangyayari:
a. Sa pamamagitan ng puwersa, pagbabanta o pananakot;
b. Kapag ang naapi ay inalisan ng mga kadahilanang tumanggi o sa kabilang banda ay hindi namamalayan;
c. Sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na pakana o malupit na pang-aabuso ng kapangyarihan; at
d. Kapag ang naapi ay sa ilalim ng labindalawang (12) taong gulang o kaya naman hindi, kahit na wala sa
mga pangyayari na nabanggit ngunit katumbas ng mga nasabi sa itaas.
2. Sa pamamagitan ng sinumang tao na, sa ilalim ng anumang mga pangyayari na nabanggit sa talata 1 nito,
ilalaan na isang gawa ng sexual assault sa pamamagitan ng paglagay ng kanyang ari sa bibig ng ibang tao
o sa puwet, o anumang instrumento o bagay, sa genital o puwet ng ibang tao.
Ang 1997 na pagbabago ay pinalawak ang kahulugan ng panggagahasa sa isang mas malinaw na
pagpapakahulugan at pagbibilang na krimen bilang isang krimen laban sa mga taong sa halip na, tulad dati,
sinasama o binibilang ito sa mga krimen laban sa kalinisan.

ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2003


Ang Republic Act 9208 (R.A. 9208) o Anti-trafficking in Person Act of 2003 ay isang batas na ipinasa para
wakasan ang trafficking in persons, lalo na sa mga babaet mga bata. Layon ng batas na magpatupad ng mga
patakaran at paraan para protektahan at suportahan ang mga biktima ng trafficking at maparusahan ang mga
lumalabag sa batas na ito.
Sa ilalim ng R.A. 9208, ang mga biktima ng trafficking ay maaaring bigyan ng pansamantalang shelter, payo ng
abogado, sebisyong medikal at sikolohikal o counselling, skills training o pagsasanay para sa kabuhayan at
educational assistance para sa batang na-traffick.

RAPE VICTIM ASSISTANCE AND PROTECTION ACT OF 1998

R.A. 8505 ng 1998 na nag-aatas ng pagtatag ng crisis centers na nagbibigay ng


serbisyo sa mga biktima ng pangagahasa or rape. Kasama rin dito ang mga deisyon
ng Korte Suprema ukol kaugnay sa krimen ng panggagahasa.

You might also like