You are on page 1of 7

Kagawaran ng Repormang Pansakahan (KRP)

Current Secretary: Virgilio delos Reyes


Nilikha: September 1, 1971
Link: www.facebook.com/gov.ph.dar
Tungkulin:
Ipatupad ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)
Magsagawa ng pagpapaunlad sa lupa sa loob ng takdang panahon
Magsagawa ng mga programang naaayon sa nasasakupan ng kagawaran at
maghanap ng mga makikinabang sa mga programang ito
Ipatupad ang hustisya sa mga kaso na pang agraryo
Kagawaran ng Pagsasaka (KPS)
Current Secretary: Proceso Alcala
Nilikha: June 23, 1898
Link: da.gov.ph (NOT WORKING)
Tungkulin:
Siguraduhing may sapat na panustos na pagkain at mga pangangailangan mula sa
sektor ng agrikultura at pangingisda
Palaguin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng paglalaan ng mga
patakaran, pampublikong pamumuhunan, at mga serbisyong kinakailangan para sa
lokal at pandaigdigang kalakalan
Palaguin ang produksiyon mula sa agrikultura, mabigyan ng paraan upang
magkaroon ng kita ang mga magsasaka at mangingisda
Maengganyo ang iba pang sektor ng lipunan sa pagpapalago ng agrikultura
Magpalaganap ng mga sistemang pang agrikultura na pinapahalagahan ang
hustisya, kasaganaan at pangmatagalang paghawak sa likas yamang pangagrikultura.
Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala (KPP)
Current Secretary: Florencio Abad
Nilikha: April 25, 1936
Link: www.dbm.gov.ph
Tungkulin:
Manguna sa pamamahala ng pampublikong paggasta para masiguro ang pantay,
nararapat, malinaw at maayos na pananagot sa paglalaan at paggamit ng pondo ng
publiko para sa ikaaangat ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino
Gumawa ng istratehiya na naaayon sa planong pang-ekonomiya ng gobyerno
Gawin ang plano ng paggasta na nakasaad ang programa
Gawin ang taunang plano ng paglalaan sa mga gastusin
Gawin at isakatuparan ang pambansang sistema ng pananagutan sa pondo
at pagpapahalaga ng pamumuhunan
Pamahalaan ang pagbayad sa gobyerno
Bantayan ang mga operasyong pinansyal ng mga lokal na pamahalaan at mga
kumpanya na hawak ng gobyerno

Kagawaran ng Edukasyon (KEd)


Current Secretary: Armin Luistro
Nilikha: January 21, 1901
Link: www.deped.gov.ph
Tungkulin:
Bumubuo, nagpapatupad at nag-uugnay ng mga plano, programa at proyekto sa
aspeto ng pormal at di-pormal na edukasyon
Mangasiwa sa elementarya at sekundaryong institusyon ng edukasyon kabilang na
ang mga pribado at pampublikong eskuwelahan at iba pang alternatibong sistema
ng edukasyon
Sustentuhan ang kumpleto at magkakaugnay na sistema ng edukasyon na naaayon
sa adhikain ng pambansang pag-unlad
Kagawaran ng Enerhiya (KEn)
Current Secretary: Jericho Icot Petilla (Resigned pero wala pang kapalit)
Nilikha: December 9, 1992
Link: www.doe.gov.ph
Tungkulin:
Maghanda, mamahala at pag-ugnayin ang mga plano, programa at gawain ng
gobyerno na may kinalaman sa paghahanap, pagpapaunlad, paggamit,
pamamahagi at pagtitipid ng enerhiya
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan (KKLK)
Current Secretary: Ramon Paje
Nilikha: January 1, 1917
Link: www.denr.gov.ph
Tungkulin:
Siguraduhing may nakalaang likas-yaman na magagamit, napapalitan at
mapagkukunan
Pasaganahin ang likas yaman para sa pangangailangan ng publiko ng mga yamang
gubat, mineral at lupa
Palakihin ang ambag ng likas-yaman sa pagkamit ng pag-unlad ng lipunan at
ekonomiya
Siguraduhin ang pantay na pagkakaroon ng likas-yaman para sa ibat-ibang sektor
ng lipunan
Panatilihing ligtas ang natatanging likas-yaman na kumakatawan sa pambansang
kultura at bilang pamana sa susunod na henerasyon

Kagawaran ng Pananalapi (KNPN)


Current Secretary: Cesar Purisima
Nilikha: March 17, 1897
Link: www.dof.gov.ph
Tungkulin:
Bumuo ng mga plano sumasaklaw sa pangangalap ng mapapagkunan ng yaman ng
gobyerno maging ito ay pribado o publiko, lokal o sa labas ng bansa
Bumuo ng mga patakaran at mangasiwa sa pagbubuwis
Pangalagaan at mangasiwa sa pera ng gobyerno
Mangasiwa sa utang ng gobyerno sa loob at labas ng bansa
Pag-aralan, makipag-ugnayan at magmungkahi sa mga institusyong pinansyal ng
gobyerno
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (KUP)
Current Secretary: Albert Del Rosario
Nilikha: June 23, 1898
Link1: www.dfa.gov.ph
Tungkulin:
Itatag ang interes ng Pilipino at gobyerno sa mundo
Ipatupad ang mga polisiyang pang-banyaga
Isulong ang maayos na relasyon sa ibat-ibang bansa, rehiyon at organisasyon ng
mga bansa
Paunlarin ang kooperasyong pang-rehiyon at pandaigdigan sa kapakanan ng
katahimikan, kaunlaran at katatagan
Pangalagaan at protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa ibang
bansa
Kagawaran ng Kalusugan (KNKL)
Current Secretary: Janette Garin
Nilikha: September 29, 1898
Link: www.doh.gov.ph
Tungkulin:
Siguraduhin ang pagkakaroon ng pantay at de-kalidad na kalusugan para sa lahat
ng Pilipino
Gumawa ng mga plano at alituntunin sa kalusugan
Pangasiwaan ang lahat ng mga serbisyo at produktong pangkalusugan
Magbigay ng tulong sa mga manggagawang pangkalusugan

Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (KIPL)


Current Secretary: Manuel Roxas II
Nilikha: March 22, 1897
Link: www.dilg.gov.ph
Tungkulin:
Tumulong sa Pangulo na mangasiwa sa lokal na pamahalaan
Magtalaga ng mga patakaran sa pangangasiwa ng batas at kaayusan
Pangasiwaan, bantayan at palakasin ang lokal na pamahalaan at komunidad
Bumuo ng mga plano at programang nakatuon sa mga sakunang natural o gawangtao
Magtalaga ng sistema ng pakikipagtulungan sa pagitan ng tao, lokal na pamahalaan
at departamento sa epektibong pagbigay ng saligang serbisyo sa publiko
Magbigay sanay sa PNP, BJMP at BFP
Pababain ang krimen
Pag-ibayuhin ang pangangasiwa sa mga kulungan at proteksyon sa mga sunog
Kagawaran ng Katarungan (KNKT)
Current Secretary: Leila De Lima
Nilikha: September 26, 1898
Link: www.doj.gov.ph
Tungkulin:
Mangasiwa sa sistema ng hustisya para sa mga krimen kabilang na ang pagiimbestiga, pagpapataw ng parusa at pagpapatawad
Legal na tagapagtanggol at tagapayo ng gobyerno
Mangasiwa sa mga batas ukol sa pagiging mamamayan o banyaga
Pangalagaan ang pandaigdigang kooperasyon kabilang na ang legal na interes ng
ibang bansa sa loob ng bansa
Pakikipagtalakayan sa mga kasunduang pangkalakalan at mga hanganan ng bansa
sa karagatan
Pagbigay ng libreng tulong-legal sa mga mahihirap at nangangailangan
Gampanan ang iba pang tungkulin ng DOJ ayon sa batas at iba pang executive
orders
Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (KNPE)
Current Secretary: Rosalinda Baldoz
Nilikha: December 8, 1933
Link: www.dole.gov.ph
Tungkulin:

Bumuo ng mga patakaran, mangasiwa sa mga programa at manilbihan bilang


tagapag-ugnay ng pamahalaan sa larangan ng paggawa at empleyo
Mabigyan ang mga Pilipino ng pagkakataong makapagtrabaho
Pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa
Pangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga industriya
Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (KTP)
Current Secretary: Voltaire Gazmin
Nilikha: December 21, 1935
Link: www.dnd.gov.ph
Tungkulin:
Magtanggol laban sa panloob at panlabas na banta sa pambansang kaligtasan
Pangalagaan ang kapakanan ng mga sundalo at mga beteranong sundalo
Suportahan ang kaunlarang panlipunan at pang ekonomiya
Panindigan ang kapangyarihan at teritoryo ng Pilipinas
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (KPBL)
Current Secretary: Rogelio Singson
Nilikha: January 30, 1987
Link: www.dpwh.gov.ph
Tungkulin:
Magplano ng mga pampublikong imprastraktura
Magdisenyo, bumuo at pangalagaan ang mga pambansang kalsada, tulay at mga
sistemang pang-baha
Siguraduhing ligtas, mahusay at mataas ang kalidad ng mga pampublikong
imprastruktura
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (KNAT)
Current Secretary: Mario Montejo
Nilikha: January 30, 1987
Link: www.dost.gov.ph
Tungkulin:
Bumuo ng malawakang plano pang-agham at teknolohiya
Paunlarin ang pananaliksik sa agham at teknolohiya lalo na sa ikauunlad o
kapakinabangan ng bansa
Paunlarin ang lokal na teknolohiya at iangkop ang teknolohiya mula sa labas ng
bansa at gamitin ito hanggang sa antas na pang komersiyo at pakikipag-ugnayan
ng pribado at pampublikong sektor
Gawing kapaki-pakinabang ang resulta ng mga pananaliksik sa mga
nangangailangan nito
Gawing accessible ang impormasyon mula sa agham at teknolohiya sa mga pribado
at pampublikong sektor

Gumawa at mangasiwa ng mga programa para sa pagpapalakas ng kakayahan ng


agham at teknolohiya sa pamamagitan ng pagsasanay at pagbuo ng mga
imprastruktura
Pag-ibayuhin ang kamalayan ng publiko sa agham at teknolohiya

Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (KKPP)


Current Secretary: Corazon Soliman
Nilikha: November 1, 1939
Link: www.dswd.gov.ph
Tungkulin:
Pababain ang antas ng kahirapan
Mamahagi at mag-ugnay ng mga serbisyong panlipunan
Proteksiyunan ang mga dukha, nangangailangan at may kapansanan
Kagawaran ng Turismo (KNT)
Current Secretary: Ramon Jimenez
Nilikha: May 11, 1973
Link: www.tourism.gov.ph
Tungkulin:
Mangasiwa sa lahat ng programa ng kalakalan na may kinalaman sa turismo
Pangunahan at suportahan ang pag-unlad ng kalakalan at mga programang
humihikayat sa mga turista na bumisita sa bansa
Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (KKI)
Current Secretary: Gregory Domingo
Nilikha: June 23, 1898
Link: www.dti.gov.ph
Tungkulin:
Siguraduhin ang kakayanan ng bansa sa pandaigdigang paligsahan sa larangan ng
industriya at mga serbisyo
Pag-ibayuhin ang mga negosyo, pagiging produktibo, kahusayan at kapakanan ng
mga mamimili
Makalikha ng maraming trabaho
Pataasin ang kamalayan ng mga mamimili sa kanilang mga karapatan at
katungkulan
Palaguin ang pagluwas ng kalakal, pamumuhunan, MSME (malilit hangang sa dikalakihang mga negosyo)

Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (KNTK)


Current Secretary: Joseph Emilio Abaya
Nilikha: January 23, 1979
Link: www.dotc.gov.ph
Tungkulin:
Mangasiwa sa mga plano, programa, makipag-ugnayan at isakatuparan ang mga
sistema ng transportasyon at komunikasyon
Paunlarin at itaguyod ang mabilis, ligtas, mahusay at maaasahang serbisyo ng
transportasyon at komunikasyon

You might also like