You are on page 1of 5

Christine Elizondo

9- Auburn
Noong unang panahon, may mag asawang biniyayaan ng malulusog na
kambal na nagngangalang Pay at May. Habang lumalaki ang kambal ay lagi
silang nag aaway at nagkakaroon na ng problema ang kanilang mga magulang
dahil sa kanila.

Isang araw, ay dumating ang tag init sa kanilang lugar kung saan sobrang
init .Naging tagtuyot na ito. Halos lahat ng tao sa lugar ay nagdadasal na
humangin at umulan. Sinabi ng Bathala na magkakaroon lang ng hangin sa
lugar kapag nagkasundo ang mga tao lalo na ang kambal. Ngunit ang kambal
ay nag aaway parin dahil inggit sila sa isat isa at makasarili na ito ang
pinakaayaw ng Bathala.
Sabin g Bathala sa kanila kapag hindi pa kayo tumigil sa away niyo
ay paparusahan ko kayo hanggang sa dumating ang inyong kamatayan , hndi
dahil sa init ay dahil sa inyong kasalanan . Ngunit hindi naniwala ang
kambal at patuloy parin silang nag aaway. Gabi na ng matapos ang kanilang
pag aaway. Kinaumagahan ay dumating ang kanilang unang parusa , kinulong
sila sa kulungan sa isang kagubatan na kung saan hindi nila nakikita ang
kanilang mga magulang. Gulat na gulat ang dalawa at nagtaka kung bakit
nakakulong sila. Iyak ng iyak dahil hndi nila nakikita ang kanilang mga
magulang ngunit nag aaway parin ang dalawa at nagsisisihan habang alalang
alala ang kanilang mga magulang sa kakahanap sa kanila.
Walang magawa ang kambal . Dumating ang Bathala at sinabing kung
matagal na sana kayong hindi nagaaway at nagmamahalan e di sana hindi na
nangyari ito sa inyo ngayon . Kung gusto niyong makabalik sa dati at
Makita ulit ang inyong mga magulang , magkabati na kayo , Hindi ba kayo
natatakot na baka anong mangyari dahil sa napakainit ng panahon ngayon ?
Napag isip isip ng kambal ang mga sinabi ng Bathala. Bibigyan ko kayo ng
isa pang pagkakataon na makabalik at Makita ang iyong mga magulang ,,
tutulungan ko kayo, Magi sip kayo o gumawa ng bagay na ipaglalaban sa
init. Kumuha sila ng kawayan na matatagpuan sa tabi ng kulungan.
Pinaghati hati nila ito ng pahaba at ginawang maninipis. Pagkatapos
pinagdugtong dugtong nila ito at sinamahan ng mga dahon.
Tinawag nila itong PAMAYPAY na nagmula sa kanilang pangalan na
Pay at May. Doon nagsimula ang pagmamahalan, pagkakaisa, pagbabati ng
mga tao sa lugar lalo na ng kambal at noon ay nagkabati na sila at wala ng
anumang parusa sa kanilang buhay. Magmula noon ay meron na silang
pinaglalaban sa init na tinatawag na PAMAYPAY.

You might also like