You are on page 1of 2

Magandang araw po. Sa loob ng ilang sandali ay magsisimula na ang pagpupulong.

Bago po tayo magsimula, hinihikayat ang lahat na kung maaari ay buksan ang ating
mga web camera nang sa gayon ay madama natin kahit papaano ang presensya ng
bawat isa sa pagitan ng birtwal na espasyo.

Magandang araw sa ating lahat. Ako po si G. Christian Joni S. Gregorio - Guro sa


Filipino ang inyong magiging guro ng palatuntunan sa araw na ito.

Ang sikreto sa pag-asenso, ay pagsisimula. Kaya mainam na tumungo tayo sa


pagbubukas ng ating Pagpupulong kasama ang Punongguro.

Upang pormal na simulan ang pagpupulong, tinatawagan si Gng. Rubylyn T. Franco


para sa pambungad na panalangin na susundan naman ng pagkumpas ni G. Jayson F.
Dilag ng Lupang Hinirang at pangungunahan naman ni Bb. Judy Ann M. Doria ang
Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas. Magsihanda po ang lahat.

Maraming salamat po mga kapwa ko guro.

Sa bahaging ito ay pormal nang sisimulan ang pagpupulong. Kung kaya tinatawagan po
sa hapag ang ating butihing punongguro na si Gng. Vivien R. Riano kasama ng
pinagpipitagang ikalawang punongguro na si Bb. Merlyn Eligio upang talakayin ang
Calendar of Activities at iba pang mga bagay. Bigyan po natin sila ng masigabong
palakpakan.

Maraming salamat Gng. Riano sa mga salitang ibinahagi ninyo sa amin. Tunay ngang
ang mga ito ay magsisilbing ilaw na magiging gabay namin sa pagsisilbi sa
akademyang ito. 

Ngayon naman po, sa bahaging ito ay tinatawagan sa hapag ang mga Tagapag-ugnay
sa Bawat Baitang sa ilang mga paalala.

Maraming Salamat po. Sa bahaging ito naman po ay tinatawagan ang Registrar ng


ating paaralan – Gng. Marites Cisneros – para sa ilang paalala hinggil sa ating school
forms.

Maraming Salamat po. Bilang panghuli, tinatawagan po ang ating ikalawang


punongguro bilang magsambit ng huling paalala para sa araw na ito.

Salamat po Bb. Eligio. Maraming salamat din sa inyo mga kapwa ko guro sa inyong
aktibong pakikinig sa mga paalala at anunsyo ng ating mga administrador. Ngunit sa
bahaging ito ay isasara na natin ang pagpupulong sa pamamagitan ng pampinid na
panalangin sa pamumuno ni Bb. Maria Arianne De Andres at susundan ng pagkumpas
ni Gng Ongoco para sa imno ng QCA.
Tunay ngang ang masayang bagay ay may katapusan, ngunit sa katapusang ito ay
panimula ng bagong bahagi na tiyak nating mapagtatagumpayan. Sa huli, nawa'y
tumimo sa atin ang mga usaping napagsang-ayunan ng lahat. 

Muli, ako si G. Christian Joni S. Gregorio - guro sa Filipino ang inyong guro ng
palatuntunan. Maraming salamat at mabuhay tayong lahat.

You might also like