Professional Documents
Culture Documents
Mambabalagtas 1(Christine): “ Hello bes? Uy! I miss you so much. Ay, oo kakabili ko lang nitong
bagong cellphone ko kaya madali na tayo makikipagusap. O sige
bes, see you soon, Bye! “
Hay kay sarap ng buhay! Napakadali na makipagkomunika sa
ibang tao ngayon.
Mambabalagtas 2 (Irish): Napakapabaya na talaga nitong henerasyon ngayon. Tila sa
pagsalita at pamumuo ng mga pangungusap hindi pa tama.
Nasaan na ang dignidad mo bilang isang Pilipino? Tanong ko sayo,
alam mo pa ba ang mga paraaan ng komunikasyon ng mga
sinaunang Pilipino?
Mambabalagtas 1(Christine): Hindi ba ito ang pag tetext-text sa Nokia na cellphone na kahit
bumagsak ang cellphone na ito ay hindi pa rin ito masisira?
Mambabalagtas 2 (Irish): May kakaunting tama naman sa iyong panayam, pero kulang ang
iyong sinabi. Ang ginamit ng mga sinaunang mamamayan ng ating
mahal na bansa nuon ay ang pakpak na panulat at papel na
talagang napakahirap pa makipagkomunika sa mga taong gusto
mong makausap dahil ang liham na ipinapadala mo sa tanggapan
ng sulat ay inaabot ng ilang linggo, ilang buwan at tila minsan
ilang taon pa bago ito matanggap ng nais mong ibigay ito.
Mambabalagtas 1 (Christine): Grabe naman ang iyong sinabi bes, wala ako naintindihan sa
sinabi mo. Tyaka napakahaba naman ng mga sinasabi mo hindi
mo ba pwedeng i-shortcut ang mga yan?
Mambabalagtas 2 (Irish): Hay nako, pinapabayaan mo ang iyong dignidad bilang isang
Pilipino. Tila mga malalalalim na salita hindi mo kayang intindihin?
Mambabalagtas 1 (Christine): Hay, atleast napakadali ng buhay naming millenials ngayon kay’sa
sa buhay nuon at isa pa, napakaswerte naming dahil sa mga
pindot ng kamay lang namin, nakukuha na namin ang mga gusto
naming makuha sa harap lang ng cellphone naming.
Mambabalagtas 2 (Irish): Ang komunikasyon naman namin nuon ay napakapormal
pagdating sa aming mga liham at pakikipagbati sa mga kapwa
naming Pilipino pero tila ang mga kabataan ngayon ni isang
pagbati ng “ Magandang Araw “ hindi kayang ibahagi sa kapwa
nilang Pilipino kapag nagkakakita sila.
Mambabalagtas 1 (Christine): Aaminin ko, henerasyon naming mga kabataan ngayon ay hindi
na napakapormal pagdating sa aming pakikipagkomunika sa isa’t
isa pero ang mahalaga sa amin ay nagkakaintindihan kami sa
aming mga gustong sabihin at ang pagiging pormal naming ay
napapanahon lang.
Mambabalagtas 2 (Irish): Ayan ang nakakaulungkot sa henerasyon niyo ngayon, nawawala
na ang tradisyon at kultura ng mga Pilipino noon. Sana naman ay
may respeto pa ang mga kabataan ngayon sa bawat isa sa
pamamagitan ng kanilang pananalita pero sa mga nadidinig ko
ngayon sa bawat salita nalang ng bata, napapadalas na ang
pagsasalita ng mga hindi kaakit-akit na pananalita o ang mga Oo
naman, diba ginagamit nila dati nuong hindi pa uso ang mga social
media kagaya ng messenger at facebook, ay ang pag text-text sa
cellphone na Nokia na kahit bumagsak ang cellphone mo ay hindi
pa rin masisira?tinatawag niyo na mga “ mura “ na salita na
talagang nakakalungkot isipin lalo na kapag ito ay nakikita ng mga
dayuhan ng ibang bansa.
Mambabalagtas 1 (Christine): Ang dating ng mga salitang iyon naman para sa amin ay puro
kalokohan lang at hindi naman ito pinepersonal. Kaya huwag mo
naman kami masyadong husgahan, mag move on ka naman, iba
na ang henerasyon ngayon, lahat ng bagay kailangan may
pagbabago dahil ang pagbabago ay mahalaga sa buhay ng lahat ng
tao at ditto rin naman tayo uunlad.
Mambabalagtas 2 (Irish): Nuong panahon naming ang mga salitang iyan ay hindi katanggap-
tanggap sa personalidad ng isang tao dahil ito ang sumisira sa
kanyang dignidad. Nakakahiyang Makita ang henerasyon ngayon
na ang mga kabataan ay puro kabastusan nalang ang lumalabas sa
kanilang mga bunganga na hindi naman kailangan at talagang
hindi naman karapat-dapat na ibahagi sa isang tao.