You are on page 1of 1

PANITIKAN SA MAKABAGONG PANAHON

Tulad ng maraming banyagang kabihasnan, noon pa man ay mayroon na tayong

mga panitikan na matatawag. Ang mga ito ay nag lalaman ng mga kwento, pamumuhay

o saloobin ng manunulat na siyang sumasalamin sa atin bilang isang Pilipino. Ang mga

uri ng panitikang sumibol at sumikat sa Pilipinas noon ay ang alamat, kuwentong bayan,

epiko, mga awiting bayan, salawikain, karunungang bayan, sawikain, at bugtong na

hanggang sa ngayon pa naman ay patuloy na kinikilala at naggamit. Maraming

panahon ang nagdaan kumusta na kaya ang panitikan sa makabagong panahon?

Sa paglipas ng panahon makabagong teknolohiya ay sumibol at nakapagbigay

ginhawa sa bawat indibidwal ng mundo. Lahat ng impormasyon ay makikita mo na sa

“Google” at di mo na kailangang mag hanap pa sa mga libro. Madaming binago ang

teknolohiya sa pamamaraan ng pamumuhay ng tao, isa sa mga naapektuhan nito ay

ang panitikan. May maganda at masama itong epekto sa panitikan ng Pilipinas. Isa sa

mga magandang naidulot ng teknolohiya sa panitikan ay sa pamamagitan nito na

prereserba ang mga panitikan na siyang nag tatago ng kultura nating mga Pilipino, dahil

dito patuloy na mananatili at yayabong ang panitikan, dahil din sa teknolohiya mas

lumalawig ang panitikan, nagsisilabasan ang mga bagong anyo ng panitikan na siyang

nagiging dahilan ng pagkahumaling ng mga kabataan. Sa kabilang banda naman,

nagiging dahilan ang teknolohiya ng kawalan ng interes ng mga milenyal sa panitikang

naglalaman ng mga kultura dahil mas nahuhumaling ang mga mambabasa ngayon sa

mga banyagang akda at ibang anyo ng panitikan na pwedeng mag resulta sa patuloy

na pagkalimot ng mga ito sa tunay na depinisyon ng panitikan.

Bilang isang kabataan, panghawakan natin ang mga salitang binitawan ng

pambansang bayani natin na si Dr. Jose Rizal na “ang kabataan ang pag-asa ng

bayan”, ating patuloy na pagyabungin ang panitikan ng Pilipinas upang patuloy na

manatili ang kulturang Pilipino at sa pamamagitan nito may makikila pang kultura ang

mga susunod pang henerasyon.

You might also like