You are on page 1of 12

Sample Radio Script 1

Grade Level and Learning Area: Grade 7 - Filipino


Quarter No., Module Number and Title of the Self-Learning Module (SLM): Quarter 1 -
Modyul 2: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
Topic: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes
Scriptwriter: Mark Lester M. Chico
Objective: Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 7
Filipino ay inaasahang makapagtukoy ng di bababa sa limang uri ng
pahayag na ginagamit upang magbigay ng patunay.

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP AND UNDER

3 HOST: Magandang araw sa mga ginigiliw naming mag-aaral ng ikapitong baitang! Ito

4 ang inyong paaralang panghimpapawid sa Filipino! Nagagagalak kami na

5 makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radyo. Ako ang inyong

6 lingkod, ____________ mula sa ______________.

7 BIZ: MSC UP AND UNDER

8 HOST: Siguruhin ninyong nasa isang lugar kayo ngayon na komportable at maayos na

9 naririnig ang ating broadcast. Matanong ko lang… kumain na ba kayo? (PAUSE)

10 Mabuti kung may laman ang inyong mga tiyan upang maging alerto ang inyong

11 mga pag-iisip at maayos na maunawaan ang ating aralin ngayong araw.

12 BIZ: MSC UP AND UNDER

13 HOST: Sa puntong ito, nais kong kuhanin ninyo ang inyong handout para sa leksyon

14 ukol sa Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay. Inuulit ko, ang leksyon

15 natin ngayon ay tungkol sa Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay. Sige,

16 kunin n’yo na ang inyong mga handout!

17 BIZ: MSC UP AND UNDER

-MORE-

1
University of the Philippines, Los Baños, Laguna Campus, College of Development Communication,
Department of Development Broadcasting and Telecommunication

1
Mga Pahayag … 222

1 HOST: Bago natin simulan ang bago nating leksyon, nais ko munang ipaalala sa inyo

2 ang inaral natin noong nakaraan. (REVIEW OF PREVIOUS LESSON)

3 BIZ: MSC UP AND UNDER

4 HOST: Sana ay naalala pa ninyong lahat ang mga iyon ha? Ngayon naman, alamin

5 natin ang mga sagot sa nakaraan nating pagsusulit. Natatandaan pa ba ninyo

6 ang inyong mga isinagot? (PAUSE) Kung may hawak kayong kopya ng inyong

7 mga sagot, kunin nyo ito at tingnan natin kung ilan ang inyong puntos! Sige,

8 kunin n’yo na!

9 BIZ: MSC UP AND UNDER

10 HOST: Para sa unang taanong… (REVEAL ANSWERS TO PREVIOUS QUIZ)

11 BIZ: MSC UP AND UNDER

12 HOST: Ilan ang tamang sagot n’yo? (PAUSE) Umaasa kami na nasagutan n’yo nang

13 mahusay ang ating huling pagsusulit. Mamaya, may maikling pagsusulit ulit

14 tayo. Huwag kayong mag-alala! Tiyak na masasagutan n’yo iyong mabuti

15 basta’t makikinig kayo sa ating leksyon. (PAUSE) O siya, alamin na natin kung

16 sino-sino ang nakakuha ng pinakamatataas na iskor!

17 BIZ: MSC UP AND UNDER

18 HOST: Narito na ang ating mga topnotchers sa ating maikling pagsusulit ukol sa

19 _______________. (ANNOUNCEMENT). Binabati ko kayong lahat! Sa mga hindi

20 naman napasama ngayon, may tsansa pa kayo sa susunod! Kapit lang!

-MORE-

2
Mga Pahayag … 333

1 BIZ: MSC OUT

2 BIZ: INSERT PLUG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

3 BIZ: MSC UP AND UNDER

4 HOST: Ngayon ay handa na tayo para sa panibagong aralin! Game na ba kayo?

5 (PAUSE) Kung kailangan ninyong mag-banyo, gawin n’yo na iyan ngayon dahil

6 sa ilang saglit lang ay ihahatid na sa atin ng ating guro ang bago nating leksyon!

7 BIZ: MSC UP AND UNDER

8 HOST: Gaya ng nabanggit ko kanina, ang ating leksyon ngayong araw ay tungkol sa

9 Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay. Kuhanin n’yo na ang inyong

10 handout para rito para masundan n’yo ang ating radio teacher na si

11 __________________. (PAUSE) Kung handa na kayo, narito na si Teacher

12 __________________ mula sa _____________________. Sa lahat ng nasa ikapitong

13 baitang, ito na po ang ating aralin bilang ______.

14 BIZ: MSC OUT

15 BIZ: INSERT LESSON ID

16 BIZ: MSC UP AND UNDER

17

-MORE-

3
Mga Pahayag … 444

1 RADIO TEACHER: Magandang araw mga bata mula sa ikapitong baitang! Ako ang

2 inyong guro, ___________________. Kung noong nakaraan ay tinalakay natin

3 ang ___________, ngayon nama’y pag-uusapan natin ang ____________.

4 Inaasahan natin na pagkatapos ng leksyong ito ay kaya n’yo nang magamit

5 nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay. Handa na ba

6 kayo?

7 BIZ: MSC UP AND UNDER

8 RADIO TEACHER: Kunin na ang inyong notebook at ballpen at magsisimula na tayo.

9 BIZ: MSC UP AND UNDER

10 RADIO TEACHER: Ang ating tatalakayin ay Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga

11 Patunay. Alam n’yo, upang mapatunayan ang katotohanan sa mga pahayag,

12 kailangang suportado ito ng ebidensiya at datos. Uulitin ko. Ang mga pahayag

13 ay nagtataglay ng katotohan kung ito ay may sapat na ebidensiya at datos.

14 Kumbaga, may iba pang pahayag na ginagamit upang patunayan ang katotohan

15 sa isang pahayag. Ipaliliwanag ko pa iyan nang mas maigi.

16 BIZ: MSC UP AND UNDER

17

-MORE-

4
Mga Pahayag … 555

1 RADIO TEACHER: May mga pahayag o salaysay na ginagamit sa pagpapatunay

2 ng katotohanan ng isang bagay. Isipin n’yo. Kapag sinabi kong mabigat ang

3 bitbit kong mga libro, kailangan ko ito suportahan ng karagdagang

4 pahayag. Sa tingin ninyo, anong pahayag kaya ito? (PAUSE) Tama!

5 Puwedeng sabihin ko kung ilang libro ang dala ko. Sa ganitong paraan, mas

6 naliliwanagan ang taong nakaririnig ng pahayag kung gaano kabigat ang

7 dala kong libro.

8 BIZ: MSC UP AND UNDER

9 RADIO TEACHER: Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay

10 makapagpatunay. Ang mga pahayag ding ito ay makatutulong upang

11 maging katanggap-tanggap ang ating paliwanag. O kaya naman, maging

12 kapani-paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na ito

13 ay dinurugtungan na rin ng datos o ebidensya na lalo pang

14 makapagpapatunay sa katotohanan ng inilalahad. Gaya sa aking halimbawa

15 kanina. Kung ibibigay ko ang bilang ng librong dala ko, mas mauunawaan

16 ninyo ang pakiramdam ko habang buhat ang mga ito. Kapag sinabi kong

17 mabigat ang dala kong mga libro, mas mararamdaman ninyo ang bigat

18 kapag sinabi kong may dala akong sampung libro. Lalo pang magiging

19 malinaw inyo sa ang bigat ng dala ko kung sasabihin kong, may dala akong

20 sampung libro na tig-iisang dangkal ang kapal! (PAUSE) Nauunawan n’yo

21 ba?

22 BIZ: MSC UP AND UNDER

-MORE-

5
Mga Pahayag … 666

1 RADIO TEACHER: May mga uri ng pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng

2 patunay. Iisa-isahin natin sila. Una, dokumentaryong ebidensiya. (PAUSE)

3 Pangalawa, kapani-paniwala. (PAUSE) Pangatlo, taglay ang matibay na

4 kongklusyon. (PAUSE) Pang-apat, nagpapahiwatig. (PAUSE) Panglima,

5 nagpapakita. (PAUSE) Pang-anim, nagpapatunay o iyong katunayan.

6 (PAUSE) At pampito, pinatutunayan ng mga detalye.

7 BIZ: MSC UP AND UNDER

8 RADIO TEACHER: Sige nga, sabayan ninyo ako at ulitin natin ang pitong mga uri

9 ng pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay. Una, dokumentaryong

10 ebidensiya. (PAUSE) Pangalawa, kapani-paniwala. (PAUSE) Pangatlo,

11 taglay ang matibay na kongklusyon. (PAUSE) Pang-apat, nagpapahiwatig.

12 (PAUSE) Panglima, nagpapakita. (PAUSE) Pang-anim, nagpapatunay o

13 iyong katunayan. (PAUSE) At pampito, pinatutunayan ng mga detalye.

14 BIZ: MSC UP AND UNDER

15 RADIO TEACHER: Tingnan n’yo sa inyong handout ang listahan ng mga ito.

16 Sundan n’yo ako habang tinatalakay natin ang bawat isa.

17 BIZ: MSC UP AND UNDER

18 RADIO TEACHER: Ang una ay dokumentaryong ebidensiya. Sa isang pahayag sa

19 midya, mahalaga ang mga dokumentaryong ebidensiya. Ang mga ito ay ang

20 mga ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, o kaya ay iyong

21 makikita mismo gaya ng larawan o video. (LESSON CONTINUES ON

22 EXPLAINING EACH OF THE 7 TYPES)

-MORE-

6
Mga Pahayag … 777

1 BIZ: MSC UP AND UNDER

2 RADIO TEACHER: Muli, ang pitong mga uri ng pahayag na ginagamit sa

3 pagbibigay ng patunay ay ang mga sumusunod: Una, dokumentaryong

4 ebidensiya. (PAUSE) Pangalawa, kapani-paniwala. (PAUSE) Pangatlo,

5 taglay ang matibay na kongklusyon. (PAUSE) Pang-apat, nagpapahiwatig.

6 (PAUSE) Panglima, nagpapakita. (PAUSE) Pang-anim, nagpapatunay o

7 iyong katunayan. (PAUSE) At pampito, pinatutunayan ng mga detalye.

8 BIZ: MSC UP AND UNDER

9 RADIO TEACHER: Sana ay naunawan na ninyo ang mga pahayag o salaysay na

10 ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay o pahayag.

11 Hanggang sa susunod nating leksyon, ako ang inyong guro sa himpapawid,

12 ______________ mula sa ________________, para sa Paaralang

13 Panghimpapawid sa Grade 7 Filipino. Kung may hindi kayo nauunawaan,

14 tutulungan kayo ng ating host na si ____________ para sa recap ng ating

15 napag-usapan. Galingan din n’yo sa ating maikling pagsusulit mamaya ha?

16 Salamat!

17 BIZ: MSC UP AND THEN CROSSFADE WITH THEME MSC THEN UNDER

18 HOST: Narinig n’yo si ______________ na guro ng Filipino mula sa _____________.

19 Talagang napakahusay n’ya, tama? (PAUSE) Natutunan natin sa kanya ang

20 tungkol sa mga pahayag o salaysay na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan

21 ng isa pang bagay o pahayag. (PAUSE) Enjoy, hindi ba? Recap tayo maya-maya

22 pagkatapos ng isang paalala.

-MORE-

7
Mga Pahayag … 888

1 BIZ: INSERT PLUG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

2 BIZ: MSC UP AND UNDER

3 HOST: Nagbabalik tayo sa ating Paaralang Panghimpapawid sa Grade 7 Filipino.

4 Kanina at tinalakay natin kasama si ____________ and aralin ukol sa

5 pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay.

6 Balikan n’yo ang inyong mga notes at tingnan nga natin ang mga natutunan

7 natin.

8 BIZ: MSC UP AND UNDER

9 HOST: Ibinahagi sa atin ni ____________ na may pitong… (PROVIDES A RECAP

10 OF THE RADIO TEACHER’S DISCUSSION).

11 BIZ: MSC UP AND UNDER

12 HOST: O hindi ba? Kayang-kaya na natin ngayong gamitin ang mga ganitong

13 pahayag sa pagsulat ng sarili nating teksto gaya ng balita, video, at iba pa.

14 Magagamit na rin natin ito upang sipatin ang mga nababasa, naririnig, at

15 napapanood natin sa iba’t ibang uri ng midya. Sa madaling salita,

16 matutulungan tayo nitong alamin kung may kaakibat bang pagpapatunay

17 ang mga pahayag na nakukuha natin sa araw-araw.

18 BIZ: MSC UP AND UNDER

19 HOST: Ngayong tapos na ang ating leksyon, oras na para tasahin o sukatin ang

20 ating kaalaman ukol sa aralin natin sa mga pahayag na nagpapahiwatig ng

21 katotohanan. (PAUSE)

22 BIZ: MSC OUT

-MORE-

8
Mga Pahayag … 999

1 BIZ: QUIZ MSC THEME UP FOR 6 SECONDS AND THEN UNDER

2 HOST: Kuhanin n’yo na mula sa inyong kits ang quiz form. Punan n’yo ang mga

3 puwang na kinakailangan. Isulat ang inyong pangalan, seksyon, at petsa

4 ngayong araw. Ang petsa ngayon ay __________. Huwag ding kalimutang

5 isulat ang bilang ng aralin kung para saan ang maigsing pagsusulit na ito.

6 Aralin bilang ________ ang inyong isulat. (PAUSE) ‘Yan, tama ‘yan!

7 BIZ: MSC UP AND UNDER

8 HOST: Handa na kayo? Itabi na muna ang inyong mga notes at makinig mabuti.

9 May limang tanong lamang tayong sasagutan. Isulat ang titik ng tamang

10 sagot. Hinga nang malalim. Kayang-kaya n’yo ito! Game na?

11 BIZ: MSC UP AND UNDER

12 HOST: Para sa unang tanong, magbibigay ako ng isang pahayag. Tutukuyin n’yo

13 ang salitang ginamit sa pangungusap na siyang nagpahayag ng isang

14 patunay. Uulitin ko. May isa akong pahayag na babasahin. Kailangan

15 n’yong tukuyin ang salitang ginamit upang magbigay patunay. (PAUSE)

16 Narito ang pangungusap. (PAUSE) Nararamdaman natin ang mabagsik na

17 epekto ng Global Warming kasabay ang COVID-19. Ipinahihiwatig nito ang

18 pabago-bago ng panahon na nagpalala sa virus. Muli, narito ang pangungusap.

19 Pakinggan n’yong mabuti. Nararamdaman natin ang mabagsik na epekto ng

20 Global Warming kasabay ang COVID-19. Ipinahihiwatig nito ang pabago-bago ng

21 panahon na nagpalala sa virus.

-MORE-

9
Mga Pahayag … 101010

1 BIZ: STINGER IN

2 HOST: Ang tanong, anong salita ang ginamit sa pangungusap upang ipahayag ang

3 isang patunay? (PAUSE) Mula sa pangungusap, anong salita ang ginamit

4 upang ipahayag ang isang patunay? (PAUSE) A. nararamdaman (PAUSE)

5 B. mabagsik (PAUSE) C. ipinahihiwatig (PAUSE) o D. pabago-bago. Anong

6 salita ang ginamit sa pangungusap upang ipahayag ang isang patunay?

7 (PAUSE) A. nararamdaman (PAUSE) B. mabagsik (PAUSE) C.

8 ipinahihiwatig (PAUSE) o D. pabago-bago. Isulat n’yo ang titik ng inyong

9 sagot.

10 BIZ: MSC UP FOR 10 SECONDS THEN UNDER

11 HOST: Ikalawang tanong… (HOSTS CONTINUES QUIZ UNTIL 5TH ITEM)

12 BIZ: MSC OUT

13 HOST: D’yan nagtatapos ang ating maigsing pagsusulit. Nasagutan n’yo ba lahat

14 ng tanong? (PAUSE) Siguruhing napunan n’yo ang mga puwang na

15 kailangang sagutan ha? Kung may tanong kayo o nais linawin, isulat n’yo

16 na rin ang mga ito. Isama n’yo na rin ang inyong mga pagbati o kaya ay

17 mga request. Puwede rin ang mga request ng kantang nais n’yong marinig

18 sa ating paaralang panghimpapawid. Pagkatapos ay dalhin n’yo ito sa

19 (HOSE PROVIDES INSTRUCTION ABOUT SUBMISSION OF QUIZ

20 FORMS).

21 BIZ: INSERT PLUG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

22 BIZ: PLAY SONG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

-MORE-

10
Mga Pahayag … 111111

1 HOST: Narinig natin ang awiting _______ ni __________. Request ‘yan ni

2 __________ mula sa seksyon ___________. Kung may request song din kayo,

3 isulat lang sa ating feedback form. Uulitin ko, huwag n’yong kalimutang

4 ipasa ang inyong quiz at feedback forms sa __________.

5 BIZ: MSC UP AND UNDER

6 HOST: Ngayon naman, babasahin ko ang inyong mga tanong at pagbati. (HOSTS

7 READS AND PROVIDES ANSWER TO QUESTIONS; READS GREETINGS

8 AND FEEDBACK; PROVIDES REACTIONS)

9 BIZ: MSC OUT

10 HOST: Isang leksyon na naman ang ating natapos. Upang mas maunawaan n’yo

11 pa ang ating aralin ukol sa mga pahayag na nagbibigay patunay, basahin

12 n’yo ang pahina bilang _______ ng inyong mga modules. Nakalakip din

13 d’yan ang isang sanayang gawain sa pahina bilang ________. Maaari n’yo

14 itong sagutan at gawin upang mas mahasa ang inyong galing sa _________.

15 BIZ: MSC UP AND UNDER

16 HOST: Hihintayin din ng inyong mga guro ang inyong text message ukol sa

17 ___________. Ipadala n’yo ito sa numerong nakalagay sa inyong kits. (HOST

18 CAN ALSO READ THIS IF PROVIDED) Kung kaya, puwede ring

19 magpadala ng e-mail o kaya ay mensahe sa Facebook. (HOST PROVIDES

20 DETAILS).

21 BIZ: MSC UP AND UNDER

-MORE-

11
Mga Pahayag … 121212

1 HOST: Ang susunod nating aralin ay ukol sa ___________. Siguruhing tumutok sa

2 ating paaralang panghimpapawid tuwing ________________. Hanggang sa

3 muli, ako si _____________. Laging tandaan, mag-aral nang mabuti. Ito ang

4 susi natin tungo sa isang masaganang bukas. Paaalam!

5 BIZ: MSC UP THEN OUT

-END-

12

You might also like