You are on page 1of 3

PAGPAPAUNLAD NG MGA LIDER

Katangian ng Isang Lider: PAGSASANAY NG MGA LIDER

MGA PANGUNAHING KATANUNGAN


1. Ano ang mahusay na pamumuno?
2. Paano mo mapapalakas ang iyong pagiging epektibo bilang lider?

ANG MGA LIDER NA NAGLILINGKOD AY NAGSASANAY NG IBA


NA MAGING LIDER
Ano ang layunin mo bilang pinuno? Ito ba ay upang makagawa ng malalaking bagay? Ito ba ay upang
makatulong sa maraming tao? Ano ang susi upang makamit ang mga bagay na ito?

Hanggang dito ay nakatuon ang aming atensyon sa iyo bilang pinuno at sa iyong kaugnayan sa mga taong
naiimpluwensyahan mo — ang iyong mga tagasunod. Gayunman, bilang pinuno, kung mga tagasunod mo
lamang ang iyong pinamumunuan ay maaaring hindi mo makamit ang iyong mga layunin. Sa mas higit na
pamumuno ay mas lalaki ang iyong mga hamon. At mas maraming pinuno ang kakailanganin mong
sumama sa iyo na mahihingan mo ng tulong at makikibalikat sa koponan. Hindi ka lamang dapat na
mahusay mamuno sa iyong sarili at sa ibang too, kundi ang mga pinakadakilang pinuno ay nagsasanay rin
ng iba pang pinuno sa paligid nila. Tulad ng itinuturo ni John C. Maxwell, ang mahusay na pamumuno ay
hindi tungkol sa pagpapayaman, kundi tungkol ito sa pagbibigay ng kapangyarihan sa iba upang maabot
nila ang kanilang buong potensyal. Bilang pinuno, kailangan mong magsumikap na makapagsanay ng iba
pang pinuno mula sa iyong koponan o organisasyon. Ang pagkakaroon ng iba pang pinuno sa iyong
koponan ay makakatulong sa pagpapakalat ng iyong pagiging epektibo at makakatulong sa iyong koponan
o sa mga pagsisikap na
makamit ang isang dakilang tagumpay.

Isiping muli ang limang antas ng pamumuno na ating natutunan sa pasimula ng Programa. Ang ikaapat na
antas ay kilala bilang "Pagpapaunlad ng mga Tao". Sa antas na ito, namumuhunan ang mga pinuno ng
kanilang oras at lakas sa iba pang may potensyal na mamuno sa kanilang koponan o organisasyon upang
tulungan silang lumago, Kung narito ka sa antas na ito ay bukod-tangi ka sa lahat ng pinuno sa buong
mundo, at gagantimplaan ka para dito.

Sagutan ang mga tanong 1 at 2 sa Gabay ng Mag-aaral.

Ang pagpapaunlad ng mga tao sa iyong organisasyon ay makatutulong upang matiyak ang katuparan ng
iyong mga layunin, maging ang pangmatagalang paglago at tagumpay ng iyong organisasyon. Narito ang
ilang paraan na maaari mong sanayin ang sarili sa pagtulong na umunlad ang iba.

1. Panghihikayat. Hanapin ang pinakamahuhusay na tao para sa iyong koponan.


2. Pagpoposisyon. llagay ang mga tamang tao sa tamang lugar sa 100b ng koponan.
3. Pagmomodelo. Ipakita sa iba kung paano ka mamuno.
4. Pagpapagana. Tulungan ang iba na magawa ang kanilang trabaho nang mahusay.
5. Pagpapaunlad. Turuan ang mga miyembro ng iyong koponan na mamuhay nang tama.
PAGPAPAUNLAD NG MGA LIDER
6. Pagbibigay-kapangyarihan. Bigyan ng kakayahan ang iba na maabot ang tagumpay.
7. Pagtataya. Suriin ang mga tao.

Tatalakayin natin ang isang taong nabuhay gamit ang kanyang impluwensya para sa kasamaan—upang
usigin ang mga tagasunod ni Jesus—hanggang radikal na binago ng Diyos ang kanyang buhay. Matapos
ibigay ang kanyang buhay kay Cristo, si Pablo ay hindi lang naging isa sa mga pinakadakilang pinuno ng
iglesya sa kasaysayan, kundi ginugol din niya ang kanyang nalalabing buhay sa pagtatawag sa iba pa na
may mga potensyal at sa paggawa ng lahat ng kanyang makakaya upang mahikayat silang umunlad at
maging mas dakilang pinuno kaysa kanya.

Pagbubulay-bulay sa Banal na Kasulatan

Basahin ang kuwento nina Pablo at Timoteo sa pahina 55 ng Gabay ng Mag-aaral. Gawin ang mga
sumusunod habang ikaw ay nagbabasa:
 Salungguhitan ang lahat ng bagay na sinabi ni Pablo kay Timoteo na huwag gawin.
 Bilugan ang lahat ng mabubuting bagay na sinabi ni Pablo kay Timoteo na gawin.

Pagpapalalim ng Kaisipan
Hindi madaling maging pinuno. Silang mabubuting pinuno ay may resposibilidad na magturo rin sa iba
kung paano lumago at umunlad bilang matatagumpay na pinuno. Sa pagsulat ng mga salitang ito,
sinasanay ni Pablo si Timoteo sa pamumuno. Ginamit niya ang mga salita upang palakasin ang loob ni
Timoteo, na itinuturing ito bilang tao ng Diyos. Binalaan din niya ito laban sa mga bagay-bagay na dapat
pag-ingatan. Dito sa sulat ay itinuro niya ang tamang direksyon, nagbabahagi siya ng kuwento ng kanyang
buhay at hinahamon si Timoteo na mamuhay nang may layunin at mataas na
pagkatawag,

Sagutan ang mga tanong sa Gabay ng Mag-aaral sa pahina 56.

Pagsasabuhay

KAWIKAAN
"Sikapin din noting gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng
mabuti."
—Hebreo 10:24

PANALANGIN
"Panginoon tulungan Mo po akong maging handa sa pagbahagi ng anumang kapangyarihan o awtoridad
na mayroon ako. Alam ko po na ang Iahat ng kapangyarihan at karapatan ay nagmumula sa Inyo. Tulungan
po Ninyo akong
PAGPAPAUNLAD NG MGA LIDER
maglingkod sa iba sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa kanila upang maging mas mabuti silang tao.
Panalangin ko po na gamitin Ninyo ako upang matulungan ko silang maging uri ng mga tao na nais Ninyo
Para sa kanila. Amen."

You might also like