You are on page 1of 2

PAGBATI :

Ang araw na ito ay isa sa maituturing na panahon ng anihan, sapagkat sa puntong


ito ay ating kikilalanin ang tagumpay ng bawat isa, tanda ng pagpupugay para sa
isang buong taon na pagsusumikap, pagsusunog ng kilay at pagpapagal upang
matamasa ang mga gintong butil ng tagumpay.
Ang Pambansang Mataas na Paaralan ng San Josef ay patuloy na kumakalinga sa
husay at galing ng bawat kabataan. Hinuhubog ang kagalingan sa bawat larangan.
Tunay na ang kalidad ng edukasyon na ipinamamalas ng ating paaralan ay angat,
tinitingala at buong dangal na maipagmamalaki. Sa bawat parangal, mga di
mabilang na karangalang naiuwi at nakamit ng ating mga mag-aaral at mga guro,
maging ang ating mahusay na Ina ng Paaralan, Dr. Leonora De Jesus, na kinilala
bilang isa sa pinaka mahusay na Lider at Punong Guro sa buong Ikatlong Rehiyon,
ay isang pagpapatunay na iba ang tatak SAN JOSEFIAN. Tunay na may Galing, Talino
at Malasakit.
Sa bawat tagumpay ng ating paaralan sa buong taon na nakalipas ay isang
pagpapakita at pagpapatunay na sa kabila ng pagkakaiba ay sumamasalamin ang
tunay na diwa ng pagkakaisa at ating naiapapamalas ang isang dekalidad na
edukasyon. Sang-ayon din sa tema na “PAGKAKAISA SA PAGKAKAIBA: KALIDAD NA
EDUKASYON”.
Ang bawat karangalan, medalya at plake na tatanggapin ng mga batang
paparangalan ngayon ay bunga ng matayog na pundasyong ikinintal ng mga
magulang na naririto. Sa patuloy na pagsuporta sa bawat gawain ng paaralan, sa
walang sawang pagpapakita ng buong pusong tiwala sa ating paaralan, ay isang
magandang binhi ang umuusbong sa puso at isip ng ating mga anak. Dahil dito
patuloy silang nagpupunyagi na mapagbuti ang kanilang pag-aaral at patuloy na
pag-ibayuhin ang kanilang mga talento.
Sa mga gurong patuloy na nagpapanday ng karunungan at kagandahang asal, ang
araw na ito ay para sa inyo, upang anihin ang mga butil at binhing inyong ipinunla
sa loob ng isang taon. Ang mga medalya at sertipiko ay ang inyong mga gantimpala
bilang kanilang mga pangalawang magulang. Inyong minahal, inaruga, at hinubog
ang inyong mga mag-aarl at sa kabila ng kanilang pagkakaiba ay inyong binuklod at
pinagkaisa ang mga mag-aaral na ito upang kanilang matamasa ang isang dekalidad
na edukasyon.
Subalit, ang pagkakaroon ang karangalan, may mataas na karangalan o pinaka
mataas na karangalan, at mga natatanging pagkilala ay may kaalinsabay na
responsibilidad na pagibayuhin ang mga mabubuting gawi at kagandahang asal.
Ating patuloy na isabuhay ang dakilang kasabihan “SAN JOSEFIAN AKO MAY
MALASAKIT AKO SA PAARALAN KO” AT SAN JOSEFIAN AKO DISIPLINADO AKO”.
Kaya muli, inyong tanggapin ang aking taos pusong pagbati sa inyong mga at
malugod po naming kayong tinatangap sa taunang ARAW NG PAGKILALA AT
PAGBIBIGAY PARANGAL SA BATANG KATANGI-TANGI AT MAY KAGALINGAN.

You might also like