You are on page 1of 28

PANGHALIP AT MGA URI

NITO
PANGHALIP

• Ang panghalip ay bahagi ng pananalitang inihahalili o


ipinapalit sa pangalan.
APAT NA URI NG PANGHALIP

1. Panghalip Panao
2. Panghalip Pamatlig
3. Panghalip Panaklaw
4. Panghalip Pananong
PANGHALIP PANAO

• Ito ang mga panghalip na ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao.


• Ang panghalip panao ay may panauhan, kailanan, at kaukulan.

Halimbawa: ako, siya, ikaw, sila, tayo, kami at iba pa.


PANAUHAN NG PANGHALIP – taong tinutukoy sa panghalip

Unang Panauhan – tumutukoy sa taong nagsasalita.

ako, ko, akin, kami, tayo, natin, atin,


naming, namin, amin

Halimbawa:
Nagdidilig ako ng mga halaman.
Pumunta si Lola sa bahay namin.
Ang mga pagkaing ito ay para sa atin.
Ikalawang Panauhan – tumutukoy sa taong kinakausap

ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo, inyo

Halimbawa:
Pumunta ka sa bahay bukas ng umaga.
Kayo ang napiling pinakamagaling na guro sa buong bansa.
Subukan ninyo ang produkto ng ating bansa.
Ikatlong Panauhan – tumutukoy sa taong pinag-uusapan

siya, niya, kanya, sila, nila, kanila

Halimbawa:
Ibigay ang mga regalo na para sa kanila.
Ang mga alagang aso ay napamahal na sa kanila.
Iabot mo sa kanya ang paanyaya ng kompanya.
KAILANAN NG PANGHALIP – tumutukoy sa dami o bilang ng
taong tinutukoy ng panghalip

Isahan

ako, ko, akin, ikaw, ka, mo, iyo, siya,


niya, kanya
Maramihan (kasama na rito ang dalawahan)

kami, tayo, natin, atin, kayo, ninyo, inyo, sila, nila,


kanila, namin, amin
KAUKULAN NG PANGHALIP – tumutukoy sa gamit ng
panghalip sa pangungusap

Palagyo – mga panghalip panaong ginagamit bilang simuno o


paksa ng pangungusap.

halimbawa:
Siya ay nagkaroon ng matibay na paninindigan.
Ako ang nagsaing kaninang umaga.
gumagawa ng kilos

Palayon – mga panghalip na ginagamit bilang layon ng pandiwa.


halimbawa:
layon ng pandiwa
Ang lupa ay ipinagbili niya.
Ang mga gawaing bahay ay natapos ko na.

Ang kuwento ay tungkol sa kanila.


layon ng pang-ukol
Ang malinis na damit ay para sa kanya.
nilalaanan ng
kilos/ginagamitan ng pang-
ukol
Paari – mga panghalip na nagpapakita ng pagmamay-ari sa isang
bagay.

Halimbawa:

Hindi ipinagbili ni Edith ang kanyang lupa.


Ang mga sapatos na ito ay akin.
Ang lupang sonasaka ay sa kanila.
PANGHALIP PAMATLIG
PANGHALIP PAMATLIG

Mga panghalip na inihahalili sa pangngalang itinuturo o


inihihimaton.
Ang panghalip na pamatlig ay may panauhan at uri din.
UNANG PANAUHAN

• Ang panghalip pamatlig na ito ay tumutukoy sa malapit sa taong


nagsasalita.
• Ito, nito, dito, heto/eto, ganito, narito/nandito
Halimbawa:
Ang bag na ito ay binigay ng aking ninang.
Ilagay ninyo dito ang mga pinamili ko.
IKALAWANG PANAUHAN

• Panghalip pamatlig na tumutukoy sa taong kausap.


• Iyan, niyan, diyan, hayan/ayan, ganyan, nariyan/nandiyan
Halimbawa:
Iyan ang nagugustuhan kong bilhing pagkain.
Ang hinahanap mo ay nariyan sa ilalim ng ng upuan mo.
IKATLONG PANAUHAN

• Panghalip pamatlig na malapit sa taong pinag-uusapan.


• Iyon, noon, doon, hayun/ayun, ganoon, naroon/nandoon
Halimbawa:
Ang taong iyon ay ang aking nakalaban sa paligsahan.
Ayun ang magandang damit na bibilhin ko sa pasko.
URI NG PANGHALIP
PAMATLIG
PRONOMINAL

• Ito, nito, dito, iyan, niyan, diyan, iyon, noon, doon

Halimbawa:
Lalagyan ko nito ang aking tinapay.
Ilagay mo ang iyong gamit doon sa sulok.
Lulutuin ko ito bukas.
PANAWAG-PANSIN
• Heto/eto, hayan/ayan, hayun/ayun
Halimbawa:
Hayun ang saranggola ni Ben.
Heto na ang ating pananghalian.
PATULAD

• Ganito, ganyan ganoon


Halimbawa:
Ganito ang guston kong damit.
Ganoon dapat ang paghuhugas ng plato.
PANLUNAN

• Narito/nandito, nariyan/nandiyan, naroon/nandoon

Halimbawa:
Nandito sa bag ang bagong biling alahas.
Nandoon sa bahay ang binigay mong sapatos sa akin.
PANGHALIP PANAKLAW

• mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan ng


tinutukoy.
Iba, lahat, tanan, madla,pawa
Anuman, aliman, sinuman, ilanman, kailanman
Saanman, gaanuman, magkanuman
HALIMBAWA:

1. Nagkaisa ang lahat na mamamayan para sa kanilang ipinaglalaban


na karapatan
2. Nanahimik ang tanan nang dumating ang espesyal na panauhin sa
pagtitipon.
PANGHALIP PANANONG

• mga panghalip na ginagamit sa pagtatanong o pag-uusisa na


pumapalit sa isang pangngalan, pariralang pangngalan, o panghalip.
• Mahalaga ito upang makilala ang pagkakaiba ng panghalip pananong
sa iba pang uri ng mga salitang nagtatanong tulad ng pang-uring
pananong at pang-abay na pananong.
Ang panghalip pananong ay maaaring maging isahan o
maramihan

Isahan Maramihan
sino sino-sino
ano ano-ano
kanino kani-kanino
alin alin-alin
HALIMBAWA:
1. Sino ang kausap mo kanina?
2. Ano ang pag-uusapan natin?
3. Kani-kanino ko ibigay ang mga regalo?
4. Alin-alin ang mga bagay na nagustuhan mo?
TANDAAN:

• Hindi kasama sa mga panghalip pananong ang mga salitang


pananong na saan, nasaan, kailan, bakit, paano, at gaano dahil ang
mga ito ay pang-abay na pananong gayundin ang mga salitang
pananong na magkano, ilan, at pang-ilan dahil ang mga ito naman ay
pang-uring pananong.

You might also like