You are on page 1of 10

Mga

Elemento
ng Balagtasan
Elemento ng Balagtasan

 Tauhan
 Pinagkaugalian
 Paksa/Isyung Pagtatalunan
 Mensahe/Mahalagang kaisipan
Mga Tauhan ng Balagtasan

Lakandiwa
 Ito ang makatang namamagitan sa dalawang panig na
nagtatagisan ng mga katwiran sa matulain at masining na
pamamaraan.
 Ang lakandiwa ang kalimitang nagsisimula ng balagtasan sa
pamamagitan ng pagpapakilala sa mga pangkat na magtatalo
at gayundin sa paglalahad sa madla ng paksang pagtatalunan.
Mga Tauhan ng Balagtasan

Mambabalangkas
 Mga makata o mambabalangkas ang tawag sa panig na
nagtatalo sa balagtasan kung saan ang isa ay sang-ayon at
ang isa naman ay sa panig ng di sang-ayon sa paksang
pinagtatalunan.
Mga Tauhan ng Balagtasan

Narito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mambabalangkas:


1. Marunong at sanay tumindig sa harap ng madla
2. May magandang kaasalan sa pakikipagtalo, hindi pikon
3. May pagsasaalang-alang at pitagan sa kanyang katalo, sa lakandiwa, at
sa mga nakikinig
Mga Tauhan ng Balagtasan

Mga Manonood
 Mga tagapakinig na minsa’y sila ring nagbibigay ng hatol sa
mga narinig na paglalahad ng mga katwiran ng magkabilang
panig.
Pinagkaugalian

Tugma – ang tawag sa pag-iisang tunog ng mga huling pantig sa huling


salita ng bawat taludtod ng balagtasan.
Sukat – tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod
Indayog – ang sining ng pagbigkas na siyang nagbibigay-kariktan sa
balagtasan na siyang umaakit sa mga tagapakinig.
Paksang Pagtatalunan

 Ito ang pinakatema o isyung pagtatalunan ng mga


mambabalangkas.
 Kalimitang ito ay mga napapanahong isyung nagdudulot
ng malalaking katanungan sa mga mamamayan.
 Kinakailangang maging tiyak
Ilan sa mga halimbawa ng paksa ay ang
sumusunod:

• Paksang may kinalaman sa politika – “Sino Ba ang Higit na Nakatutulong sa Pag-


unlad ng Bansa – Mamamayan o Pamahalaan?”
• Paksang may kinalaman sa kultura – “Dapat Ba o Di dapat Uliranin ang mga
Katangiang Pilipino?”
• Paksang may kinalaman sa ekonomiya/kultura – “Dapat Ba o Hindi Dapat
Magtrabaho sa Ibang Bansa ang mga Kababaihan?”
Mensahe o Mahalagang Kaisipan

 Isasa mahahalagang elemento ng balagtasan ay ang paghahatid nito ng


malinaw na mensahe sa mga nakikinig.
 Upang malinaw na maihatid ang mensaheng nais iwan sa mga nakikinig o
manonood, may mahalagang tungkuling ginagampanan ang galaw,
kumpas, at ekspresyon ng mukha sa pagpaparating ng damdaming nais
ipadama ng mambibigkas sa kanyang tagapakinig.

You might also like