You are on page 1of 3

Almira A.

Delarmente

BSED- Filipino

Talumpati

Hilig mo ba ang pagpapahayag ng mensahe sa harap ng isang pangkat ng mga tao? Kung
oo ang iyong sagot, nais kong irekomenda sa iyo na subukan ang pagtatalumpati. Ang talumpati
ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa na
ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado (Pinoy Collection, n.d). Napakaraming
kaalaman ang nakapaloob dito na ating iisa-isahin.

Nahahati sa tatlong bahagi ang talumpati, una na rito ay ang pamagat. Sa bahaging ito
nailalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensyon ng
madla. Masasabing mahalaga ang bahaging ito dahil dito nakasalalay kung itutuloy ba ng mga
tagapakinig ang pakikinig sa iyong talumpati. Dapat ay masiguro nating umpisa palang ay
nakuha na natin ang kanilang atensyon sa pamamagitan ng pamagat.

Ang katawan ang pangalawang bahagi ng talumpati. Nakasaad dito ang paksang
tatalakayin ng mananalumpati. Dito niya na lubusang maipapahayag ang nais sabihin kaugnay sa
paksa.

Ang panghuling bahagi naman ay tinatawag na katapusan. Ang pagwawakas ang


pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan,
paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng
talumpati.

Para masigurado na magiging maganda ang iyong talumpati, may ilang paghahanda na
dapat mong isaalang-alang. Sa pagpili ng paksa, maaaring suriin kung saklaw ng paksang napili
ang kaalaman, karanasan at interes at mapukaw sa sarili o sa makikinig ng talumpati. Kapag
tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga
impormasyon na gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon
ay ang dating kaalaman at mga karansan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay
ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili. Sunod ay ang pagbabalangkas ng mga ideya gamit
ang tatlong bahagi nito, ang panimula, katawan at pangwakas. Panghuli, kailangang paglinangin
ang kaisipan at dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga
pangunahing kaisipan na inilahad sa balangkas (Aralin Ph, n.d).

Sa pagbubuod, ang talumpati ay isang napakalaking responsibilidad sa bawat


tagapagsalita. Hindi lamang ito nagbibigay ng kaalaman at inspirasyon sa mga tagapakinig,
kundi pati na rin ng pagkakataon upang magbigay ng pagbabago sa mundo. Hindi lamang basta-
basta ito isinasagawa bagkus kailangan ay may maiging paghahanda upang maging maganda ang
daloy nito.

Sanggunian:

https://pinoycollection.com/talumpati/

https://www.slideshare.net/RaymorRemodo/talumpati-127820736

https://aralinph.com/talumpati/
Balangkas:

I. Panimula
- Introduksyon sa talumpati
II. Tatlong Bahagi ng Talumpati
- Pamagat
- Katawan
- Katapusan
III. Paghahanda sa Talumpati
- Ano ang mga kailangan gawin?
IV. Pang-wakas
- Buod

You might also like