You are on page 1of 3

A.

Talumpati
Kahulugan

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa


pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong
humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng
isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang
paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Mga nilalaman

Pamagat - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang
atensiyon ng madla.

Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.

Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad
ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa
mga tao ayon sa layunin ng talumpati.

Paano sumulat

Sa pagpili ng paksa, maaaring suriin kung saklaw ng paksang napili ang kaalaman,
karanasan at interes at mapukaw sa sarili o sa makikinig ng talumpati. Kapag nakapili na ng
paksa, maaaring magtitipon ng mga materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon
na siya namang gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon
ay ang dating kaalaman at mga karanasan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing
kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili. Pagkatapos makatipon ng mga
materyales na gagamitin sa talumpati, maaari ka nang magbalangkas ng mga ideya at hatiin sa
tatlong bahagi: panimula, katawan at pangwakas. Maaari pang mapabuti ang talumpati sa
paglinang ng kaisipan na kung saan nakapaloob ang mahalagang impormasyon na
sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangkas.

Halimbawa

Kabataan ng Makabagong Henerasyon: Iba Pero Tanaw Pa Rin Ang Pag-Asa

“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon” – mga salitang halos araw araw mong maririnig mula
sa mga matanda. Sa dyip, sa kalye, sa palengke. Halos nakakabingi na nga ‘di ba?
Iba na nga talaga ang mga kabataan ngayon. Ang kabataan ng makabagong henerasyon na
maraming alam sa bagong teknolohiya, maraming pangarap sa buhay, maraming nais maabot.
Ang totoo, maraming kapuri-puri sa mga kabataan ngayon. Marami sa atin ang hindi nakakakita
nun dahil inaasahan nating maging pareho sila ng kabataan noon. Hindi pa ipinapanganak,
nakakulong na sa ating mga ganito, ganun.
Ano sa tingin mo kaibigan? Hindi ba pwedeng hayaan natin silang mamuhay sa mundo na
kinamulatan nila? Mahirap. Mahirap ang pilitin silang mamuhay sa mundong ibang-iba na rin Iba
man ang kabataan ng makabagong henerasyon, tanaw pa rin nila ang pag-asa. Hindi man sa
paraan na ating nakikita, pero malay mo, balang araw, mas magiging maliwanag ang mundo
dahil sa kanila.

B. Abstrak
Ang talumapati ay binibigkas sa harap ng maraming tao sa entablado upang mag hayag
ng impormasyon upang manghikayat, tumugon, at mangatwiran. Naglalaman ito ng pamagat,
katawan at katapusan na syang kokompleto rito at upang tawagin itong isang talumpati. Sa
pagsulat ng isang talumpati kailangan itong pagisipan ng mabuti at gawing pulido upang mas
lalong mahikayat ang mga makikinig hindi basta basta ang paggawa ng talumpati. Ito ay
binibigyang importansya dahil ito ang mag rereprisinta sa mga nais mong sabihin sa harap ng
entablado.

K. Sentisis/Buod

Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao


tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap entablado o
sa harap ng maraming tao na tinatawag na tagapakinig. Mananalumpati ang tawag sa taong
gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao.

Layon nitong magbigay ng kaalaman o impormasyon, tumugon, humikayat,


mangatwiran, at maglahad ng isang paniniwala. Isa rin itong uri ng komunikasyong pampubliko
kung saan ang isang paksa ay ipinapaliwanag at binibigkas sa harapan ng mga tagapakinig.

D. Posisyong papel

Ang talumpati ay paglalahad ng kaisipan o opinyon sa pamamagitan ng pagsasalita sa


entablado sa harapan ng grupo ng mga tao. Ang kahalagahan nito ay manghikayat ng ibang
tao, tumugon sa isang isyu, magbigay ng katwiran at magsaad ng paniniwala, o di kaya’y
magbigay ng karagdagan na kaalaman.
Kadalasan natin maririnig ang talumpati sa mga presidente, o ang may mga karangalan sa
paaralan o ang nag mamayari ng isang kompanya.

Ang talumpati ay may iba’t ibang mga bahagi tulad ng pamagat, katawan at katapusan.
Inilalahad sa pamagat ang layunin ng iyong talumpati at dito rin kinukuha ang atensyon ng
grupo o audience, kailangan maging kaakit akit ang isang pamagat. Ang katawan. Dito
isinasaad nang husto ang paksa at dito rin sinasabi ang mga ideya at mga pananaw, at dito mo
makikita ang pinaka laman ng isang talumpati at kung ano ang nais ipahiwatig ng
mananalumpati. Ang huling bahagi ay ang katapusan. Sa katapusan isinasaad ang
pagwawakas ng iyong talumpati, kung saan ito ang pinakasukdol ng buod ng talumpati. Dito
inilalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang manghikayat ng
madla ukol sa paksa ng talumpati.
E. Pilosopiya at Estratihiya ng pagsulat

1. Pagpili ng paksa- kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang
kaalaman, karanasan at interes.
2. Pagtitipon ng mga materyales- kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap
ng materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat
na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga
karansan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga
awtoridad sa paksang napili.
3. Pagbabalangkas ng mga ideya- ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula,
katawan at pangwakas.
4. Paglinang ng mga kaisipan- dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na
sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangakas.

You might also like