You are on page 1of 3

Pagsulat ng Talumpati

Ang Talumpati ay isang sining na pagpapahayag ng isang kaisipan hinggil sa isang paksa. Ito ay isinasagawa
sa paraang pasalita sa harap ng mga tagapakinig.  Ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa madla. Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri
ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig.

URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN

 Talumpating Panlibang. Kadalasang binibigkas ito sa mga salo-salo at pagtitipong sosyal.


Nagpapatawa ang nagtatalumpati kaya naman kailangang samahan ito ng mga birong nakatatawa
kaugnay sa paksang tinatalakay.
 Talumpating Panghikayat. Ilan sa mga halimbawa nito ay tulad ng sa simbahan, sa kongreso, sa
kampanya ng mga politiko gayundin ang talumpati ng abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman.
Hinihikayat nito ang mga tagapakinig na paniwalaan ang mananalumpati sa pamamagitan ng
pangangatwiran at pagpapakita ng mga ebidensya.
 Talumpating Pagpaparangal. Hinahanda ito upang bigyang parangal ang isang tao o di kaya ay
magbigay-puri sa mga kabutihang nagawa nito.
 Talumpating Pagbibigay-galang. Matatawag din itong talumpati ng pagbati, pagtugon o
pagtanggap. Ito ay ginagamit sa pagbibigay-galang bilang pagsalubong sa isang panauhin,
pagtanggap sa isang bagong kasapi ng samahan o kasamahang mawawalay.
 Talumpating Pampasigla. Karaniwang binibigkas ito sa araw ng pagtatapos sa mga eskwelahan at
pagdiriwang ng mga anibersaryo ng isang samahan. Ito ay pumupukaw sa damdamin at
nakapagbibigay ng insiprasyon sa mga tagapakinig.
 Talumpating Pangkabatiran. Ginagamit ito sa mga kumbensyon, panayam, at pagtitipong
pansiyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa. Kalimitang makikita sa mga
talumpating ito ang mga kagamitang pantulong upang maliwanagan at ganap na maunawaan ang
paksang tinatalakay.

PARAAN NG TALUMPATI

 Biglaan (Impromptu). Ito ay binibigkas na walang ganap na paghahanda. Nalalaman lamang ang


paksang tatalakayin sa oras ng pagtatalumpati.

 Daglian o Maluwag (Extemporaneous). Binibigkas ito na may maikling panahong paghahanda. Ang


mananalumpati ay nakapaghanda lamang ng balangkas upang maging patnubay sa kanyang
pagtatalumpati.

 Manuskrito. Kinakailangan ng matagal na panahon ng paghahanda at pag-aaral sa ganitong paraan


ng pagtatalumpati sapagkat ito ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar at programang
pagsasaliksik. Binabasa lamang ang manuskrito kaya’t nawawala ang pakikipagugnayan ng
tagapagsalita sa mga tagapakinig.

 Handa o Isinaulo (Prepared o Memorized). Talumpating binibigkas na may mahabang panahon ng


pagsulat, organisasyon at deliberasyon. Ngunit isa sa mga kahinaan nito ay ang pagkalimot sa
nilalaman ng talumpating ginawa.
MGA BAHAGI/ELEMENTO NG TALUMPATI

 Introduksyon. Sa bahaging ito pinupukaw ang atensyon ng mga tagapakinig upang ipabatid sa
kanila ang mensahe ng talumpati. Maaaring sumipi ng mga anekdota, pahayag, kasabihan, awitin at
mga nakatatawag pansing pangyayari na maiuugnay sa pangunahing ideya ng talumpati. Sa bahagi
rin ito ay kinakailangang maipadama sa mga tagapakinig ang kahalagahan ng paksa ng
mannalumpati.
 Pangunahing Ideya. Sa bahaging ito ay binibigyang malinaw ang direksyon ng talumpati. Ipinakikita
nito ang paninindigan ng tagapagsalita kaugnay sa paksa.
 Katawan o Paglalahad. Sa bahaging ito ang isyu o diwa sa paksang tinatalakay. Kinapapalooban nito
ng mga pangunaing punto ng talumpati. Maaari itong isaayos sa paraang Spatial (isinasaayos ang
detalye ayon sa lokasyon), Kronolohikal (pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari) at Sanhi at
Epekto (inilalarawan ang sanhi at ipinakikilala ang epekto o bunga nito).
 Paghahambing at Pagtutulad. Sa bahaging ito ipinakikilala ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
ideyang inilalahad.
 Sa bahaging ito sinusuri ang mga suliiranin at matapos ay isinasaalang- alang ang mga solusyon nito.
 Sa bahaging ito ipinahahayag ang katwiran hinggil sa isyu. Layunin niyo ng hikayatin o mapaniwala
ang mga nakikinig. Nakapaloob ito sa katawan ng talumpati.
 Sa bahaging ito inilalahad ang lagom sa mensahe o pagganyak sa mga tagapakinig na gumawa ng
aksyon. Maaaring muling banggitin ang mga pangunahing puntos upang maliwanagan ang mga
tagapakinig sa paksang tinatalakay.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI

 Paksa o Tema. Mahalagang matiyak ng isang mananalumpati ang tema o paksa ng pagdiriwang


bilang gabay sa pagbuo ng talumpati. Ayon kay Casanova at Rubin (2001) sa kanilang aklat na
Retorikang Pangkolehiyo, upang higit na maging kawili-wili ang talumpati, kinakailangang may sapat
na kaalaman ang mananalumpati sa paksa. Samakatuwid, kinakailangang paghandaan,
pagplanuhan at pagaralang mabuti ang talumpati. Maaaring magsaliksik sa pamamagitan ng
pangangalap ng mga datos sa aklat, pahayagan, dyornal, magasin at iba pang babasahing
makatutulong. Mahalaga ring matukoy ang pangunahing ideya ng paksang tatalakayin sapagkat ito
ang magiging batayan ng isang mahusay na talumpati.
 Tagapakinig. Ayon kay Lorenzo et al. (2002) sa kanilang aklat ng Sining ng Pakikipatalastasang
Panlipunan, dapat mabatid ng mananalumpati ang edad at kasarian ng mga tagapakakinig sapagkat
kailangang magkaroon ng kabatiran ang isang mananalumpati sa interes ng mga tagapakinig. Kung
sila ba ay mga bata o matatanda, grupo ng kababaihan o kalalakihan. Isinasaalang-alang din ang
edukasyon o antas sa lipunan upang maging akma ang wikang gagamitin sa pangkat. At kailangan
din malaman ng mananalumpati ang bilang ng mga makikinig sa gayon ay mapaghandaan ng nang
husto ang talumpati gayundin ang saloobin ng mga nakikinig.

 URI NG MGA TAGAPAKINIG

Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati, mahalagang magkaroon ng kabatiran ang mananalumpati


tungkol sa kaalaman, pangangailangan, at interes ng kanyang Inagiging tagapakinig. Ayon kay Lorenzo, ct
aL sa kanilang aklat na Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan ang ilan sa dapat mabatid ng
mananalulnpati sa kanyang mga tagapakinig ay ang sumusunod:

 
1. Ang edad o gulang ng mga makikinig - Mahalagang alalahanin o gulang ng nakararami sa mga
tagapakinig, Iakma ang nilalaman ng paksa at maging ang wikang gagamitin sa edad ng mga makikinig, Ang
mga batå ay tiyak na hindi lubos na magiging interesado sa mga paksang pangmatanda, gayundin naman,
magiging kabagot-bagot para sa mga matatanda ang mga paksang pambata.

2. Ang bilang ng mga makikinig—lmportante ring malaman kung ilan ang mga taong makikinig sa
talumpati. Kung maraming makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang dapat na isaalang-alang ng
mananalumpati. Mapaghahandaan nang husto ang talumpati kung batid ang dami ng makikinig.

3. Kasarian—Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng kalalakihan sa


kababaihan. Nagkakaroon din ng magkaibang pananaw ang dalawa hinggil sa isang partikular na paksa.
Mahalagang malaman kung ang pagtitipong pupuntahan ay binubuo ng kalalakihan, kababaihan, o ng
magkahalong kasarian.

4. Edukasyon o antas sa lipunan—Mahalaga ring malaman ang antas ng edukasyon ng nakararaming


dadalo sa pagtitipon at maging ang antas ng kanilang buhay sa lipunan: Malaki ang kinalaman ng
edukasyon sa kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa. Kung ang mga makikinig ay kabilang sa
mababang pangkat, mahalagang gumamit ng mga salita o halimbawa na akma para sa kanila. Kung ang
karamihan naman sa mga makikinig ay mga edukado at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, iba ring
pamamaraan ng pagtalakay ang dapat gamitin sa kanila.

5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig-Dapat mabatid din kung gaano na kalawak ang
kaalaman at karanasan ng mga nakikinig tungkol sa paksa. Kung may alam na ang mga tagapakinig tungkol
sa paksa, sikaping sangkapan ito ng mga bago at karagdagang impormasyon upang hindi silå mabagot o
mawalan ng interes.

6. Hulwaran o Balangkas. Ayon kina Casanova at Rubin (2001) may tatlong hulwarang maaaring gamitin sa
pagbuo ng talumpati. Una, ang Kronolohikal– maisasagawa ang paghahanay mula sa unang panngyayari,
sumunod at panghuling pangyayari. Ikalawa, ang Topikal- nakabatay ang pagkakaayos ng talumpati batay
sa pangunahing paksa at mga pantulong na detalye. Ikatlo, ang ProblemaSolusyon na karaniwang
ginagamit sa mga talumpating nanghihikayat o nagpapakilos.

You might also like