You are on page 1of 4

GAWAING PAGKATUTO

FILIPINO 12
Ikalimang Linggo
Setyembre 21-25, 2020

ngalan: ________________________________________________ Baitan at Seksyon: ___________________


sa: _______________

SANAYANG PAGKATUTO
kasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin (CS_FA11/12PU0d-f-93).
NGKALAHATANG KONSEPTO
Paksa: Istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin (Talumpati)
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang matutuhan ang mga istilo at teknikal na paraan sa pagsulat ng akademikong
tin. Inaasahan ang mag-aaral ay mas malinang pa ang kakayahan sa pagsusulat ng akademikong sulatin.

Gabay na Katanungan
Anong estilo at teknikal na pamamaraan ang gagamitin mo sa pagsulat ng isang sulating akademiko?
aano makakatulong sa iyong pagsulat ang estilo at teknikal na paraan sa pagsusulat ng isang akademikong sulatin?
AMIN!
lo at Teknikal na Pangangailangan ng Talumpati
Ang talumpati ay isang sining na pagpapahayag ng isang kaisipan hinggil sa isang paksa. Ito ay isinasagawa sa paraang
pasalita sa harap ng mga tagapakinig. Ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na ipinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado para sa madla.
Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
agapakinig.
URI NG TALUMPATI
Talumpating Panlibang
Kadalasang binibigkas ito sa mga salo-salo at pagtitipong sosyal. Nagpapatawa ang nagtatalumpati kaya naman kailangang samahan
to ng mga birong nakatatawa kaugnay sa paksang tinatalakay.
Talumpating Panghikayat
lan sa mga halimbawa nito ay tulad ng sa simbahan, sa kongreso, sa kampanya ng mga politiko gayundin ang talumpati ng abogado
a panahon ng paglilitis sa hukuman. Hinihikayat nito ang mga tagapakinig na paniwalaan ang mananalumpati sa pamamagitan ng
pangangatwiran at pagpapakita ng mga ebidensya.
Talumpating Pagpaparangal
Hinahanda ito upang bigyang parangal ang isang tao o di kaya ay magbigay-puri sa mga kabutihang nagawa nito.
Talumpating Pagbibigay-galang
Matatawag din itong talumpati ng pagbati, pagtugon o pagtanggap. Ito ay ginagamit sa pagbibigay-galang bilang pagsalubong sa
sang panauhin, pagtanggap sa isang bagong kasapi ng samahan o kasamahang mawawalay.
Talumpating Pampasigla
Karaniwang binibigkas ito sa araw ng pagtatapos sa mga eskwelahan at pagdiriwang ng mga anibersaryo ng isang samahan. Ito ay
pumupukaw sa damdamin at nakapagbibigay ng insiprasyon sa mga tagapakinig.
Talumpating Pangkabatiran
Ginagamit ito sa mga kumbensyon, panayam, at pagtitipong pansiyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa.
Kalimitang makikita sa mga talumpating ito ang mga kagamitang pantulong upang maliwanagan at ganap na maunawaan ang
paksang tinatalakay.
KLASIPIKASYON NG TALUMPATI
Biglaan (Impromptu). Ito ay binibigkas na walang ganap na paghahanda. Nalalaman lamang ang paksang tatalakayin sa oras ng
pagtatalumpati.
Daglian o Maluwag (Extemporaneous). Binibigkas ito na may maikling panahong paghahanda. Ang mananalumpati ay
nakapaghanda lamang ng balangkas upang maging patnubay sa kanyang pagtatalumpati.
Manuskrito. Kinakailangan ng matagal na panahon ng paghahanda at pag-aaral sa ganitong paraan ng pagtatalumpati sapagkat ito
ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar at programang pagsasaliksik. Binabasa lamang ang manuskrito kaya’t nawawala ang
pakikipagugnayan ng tagapagsalita sa mga tagapakinig.

1|Pahina
Handa o Isinaulo (Prepared o Memorized). Talumpating binibigkas na may mahabang panahon ng pagsulat, organisasyon at
deliberasyon. Ngunit isa sa mga kahinaan nito ay ang pagkalimot sa nilalaman ng talumpating ginawa.
MGA BAHAGI/ELEMENTO NG TALUMPATI
Introduksyon
Sa bahaging ito pinupukaw ang atensyon ng mga tagapakinig upang ipabatid sa kanila ang mensahe ng talumpati. Maaaring sumipi
ng mga anekdota, pahayag, kasabihan, awitin at mga nakatatawag pansing pangyayari na maiuugnay sa pangunahing ideya ng
alumpati. Sa bahagi rin ito ay kinakailangang maipadama sa mga tagapakinig ang kahalagahan ng paksa ng mannalumpati.
Pangunahing Ideya
Sa bahaging ito ay binibigyang malinaw ang direksyon ng talumpati. Ipinakikita nito ang paninindigan ng tagapagsalita kaugnay sa
paksa.
Katawan o Paglalahad
Sa bahaging ito ang isyu o diwa sa paksang tinatalakay. Kinapapalooban nito ng mga pangunaing punto ng talumpati. Maaari itong
saayos sa paraang Spatial (isinasaayos ang detalye ayon sa lokasyon), Kronolohikal (pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari) at
Sanhi at Epekto (inilalarawan ang sanhi at ipinakikilala ang epekto o bunga nito).
Paghahambing at Pagtutulad
Sa bahaging ito ipinakikilala ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ideyang inilalahad.
Suliranin
Sa bahaging ito sinusuri ang mga suliiranin at matapos ay isinasaalang- alang ang mga solusyon nito.
Paninindigan
Sa bahaging ito ipinahahayag ang katwiran hinggil sa isyu. Layunin niyo ng hikayatin o mapaniwala ang mga nakikinig.
Nakapaloob ito sa katawan ng talumpati.
Konklusyon
Sa bahaging ito inilalahad ang lagom sa mensahe o pagganyak sa mga tagapakinig na gumawa ng aksyon. Maaaring muling
banggitin ang mga pangunahing puntos upang maliwanagan ang mga tagapakinig sa paksang tinatalakay.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI
Paksa o Tema
Mahalagang matiyak ng isang mananalumpati ang tema o paksa ng pagdiriwang bilang gabay sa pagbuo ng talumpati. Ayon kay
Casanova at Rubin (2001) sa kanilang aklat na Retorikang Pangkolehiyo, upang higit na maging kawili-wili ang talumpati,
kinakailangang may sapat na kaalaman ang mananalumpati sa paksa. Samakatuwid, kinakailangang paghandaan, pagplanuhan at
pagaralang mabuti ang talumpati. Maaaring magsaliksik sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos sa aklat, pahayagan,
dyornal, magasin at iba pang babasahing makatutulong. Mahalaga ring matukoy ang pangunahing ideya ng paksang tatalakayin
apagkat ito ang magiging batayan ng isang mahusay na talumpati.
Tagapakinig
Ayon kay Lorenzo et al. (2002) sa kanilang aklat ng Sining ng Pakikipatalastasang Panlipunan, dapat mabatid ng mananalumpati
ang edad at kasarian ng mga tagapakakinig sapagkat kailangang magkaroon ng kabatiran ang isang mananalumpati sa interes ng
mga tagapakinig. Kung sila ba ay mga bata o matatanda, grupo ng kababaihan o kalalakihan. Isinasaalang-alang din ang edukasyon
o antas sa lipunan upang maging akma ang wikang gagamitin sa pangkat. At kailangan din malaman ng mananalumpati ang bilang
ng mga makikinig sa gayon ay mapaghandaan ng nang husto ang talumpati gayundin ang saloobin ng mga nakikinig.
Hulwaran o Balangkas
Ayon kina Casanova at Rubin (2001) may tatlong hulwarang maaaring gamitin sa pagbuo ng talumpati. Una, ang Kronolohikal–
maisasagawa ang paghahanay mula sa unang panngyayari, sumunod at panghuling pangyayari. Ikalawa, ang Topikal- nakabatay
ang pagkakaayos ng talumpati batay sa pangunahing paksa at mga pantulong na detalye. Ikatlo, ang Problema Solusyon - na
karaniwang ginagamit sa mga talumpating nanghihikayat o nagpapakilos.
GAWIN!
Gawain 1. Panuto: Subukang bigkasin ang naging talumpati ni Dr. Edwin Remo Mabilin, noong maiimbitahan siya bilang
pauhing pandangal sa Pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambasang sa Western Palawan University.
WIKANG FILIPINO SA MAUNLAD NA PILIPINAS
Edwin Remo Mabilin, Ph.D.
Marahil nga’y kailangang sumulat at bumigkas ng ganitong artikulo upang magbigay linaw sa maling pagpapakahulugan
syu ng moderno at globalisadong sambayanan, upang ang wikang pambansa ay hindi dapat na masaalang-alang?
Oo! Kailangan ang globalisasyon dahil isa itong kaunlaran, ngunit hindi dapat na masaalang-alang ang wikang kinagisnan
ng bigyang daan ang isyung ito. Dapat malaman ng pamahalaan ang totoong wikang Filipino ang kailangan upang harapin ang agos
modernisasyon. Ito ay pagpapaunlad ng lipunan sa makabagong panahon. Katulad ng mga makabagong kaalaman, agham at
nolohiya, sining pangkabuhayan at iba pa. Ang globalisasyon naman ay ang pagsabay sa daigdig na kung ano ang mayroon at kaya
bang bansa ay kaya rin nating magkaroon. Batid nating mahuhusay ang mga pinoy, na magagawa nating sumabay sa kanila kung
usang nagkakaunawaan at nagkakatulungan sa pagpapaunlad ng lipunan.

2|Pahina
Sa puntong pagkakaunawaan, ang kailangan ay ang wikang nauunawaan ng lahat, ito ay ang wikang Pambansang Filipino
Tagalog noon. Dala ng mga pagbabago, ang wikang pambansang Tagalog ay naging Filipino batay na rin sa Saligambatas 1987
ikular na sa artikulo XIV seksyon 6-7. Ito ang wika ng sambayanang Pilipino na instrumento ng pagkakaunawaan at kaunlaran kaya
at pagyabugin pa salig sa lahat ng umiiral na wika sa Bansa. Sa kasaysayan ng ating mga pagpupuyagi upang makamit ang
ayaan, wikang pambansa ang ginamit nina Rizal, Bonifacio at Quezon kung kaya’t nabuo ang sambayang Pilipino. Sa karanasan ng
a bansang umunlad at nagpunyagi’y wikang pambansa rin ang ginamit ng mga ito. Ayon nga sa yumaong pangulong Manuel Luis
ezon sinabi niya na, “walang bansa ang naging malaya at umunlad na hindi gumamit ng sariling wika.”
Sa pagbibigay linaw sa modernisasyon, hindi dapat paniwalaang tanging English ang kailangan sa kaunlaran tungo
balisadong sambayanan? Kung ipagpipilitang ipagamit ang English, ito ay isang maliwanag na denasyunalisasyon o panlalason sa
k na lalo lamang tayong mabubulag sa katotohanan at pagkakaunawaan; huwag sana nating kalimutan na hindi lahat ng marunong
gEnglish ay totoong natalino; isang daang taon na tayong nag-e-English, may nabago ba o umunlad ba tayo? Ang bansang Hapon at
bya at ilan pang mauunlad na bansa na kailanman ay hindi nagpaunlak sa English, ay hindi naman nabadsyat sa modernisasyon at
balisasyon at sila pa nga itong nangunguna. Oo kailangang makaunawa at magsalita ng English ngunit hindi sa paraang ito na ang
airalin at gamitin ng sambayanan sa lahat ng pagkakataon. Paaano na ang karamihan nating mamamayanan na hindi marunong nito,
ila ang pangunahing kailanganng bansa sa pag-unlad at sila rin ang bumubuo ng malaking bahagi ng lipunan at kabuhayan.
Ang kailangan ay mapaunlad at ma-intelektwalisa ang wikang Filipino sapagkat dito tayo nagkakaunawaan. Dapat
palawak ang pagkakaunawa ng sambayanan sa wikang Filipino na magsisimula ang pagtutulungan sa pamilya, paaralan, kanayunan
amahalaan na papairalin naman sa lipunan. Kung ganap ang pagkakaunawa sa wika ay mas higit na magkakatulungan. Bigyang bisa
angal ang Filipino, magtulungan tayo sa aspektong kung papaano mapapaunlad ito, lahat ng mga salita maging banyaga man o
ong katawagang likha ng modernong panahon o teknolohiya ay kailangan nating maisalin o maunawaan sa wikang Filipinong batay
Tagalog, English, Espanyol o sa kung anung wika sa siyudad, kanayunan o maging katutubo man. Sikapin nating maihanap ng
ulugan o katumbas na salita sa ating wika ang mga salitang banyaga. Mayaman sa wika ang ating bansa na matatagpuan sa iba’t
ng lalagiwan, kadalasan pa nga’y maraming salita sa daigdig ang hinango sa ating mga salita o wika. Ang wikang Tagalog na noon
kilala sa tawag na “Tagala-Australeanous” ay isa sa kaunaunahang wika sa daigdig na dinala ng mga Negritos sa Pilipinas noong
000.000 BC mula pa sa Malayo Polenesyo. Kaya hindi na mahirap para sa atin na ihanap ng katumabas na mga salita ang mga
ang banyaga sa ating mga salita sa modernong panahon, ngunit kung talagang wala tayong panumbas sa mga salitang dala ng
kabagong teknolohiya o sa mga salitang internasyunal na hindi na nababago o naisasalin saan mang wikang umiiral dito sa Bansa ay
min natin ang mga ito nang tuwiran at bigyan na lamang natin ng sapat na salitang gabay o susing pangungusap ang mga nabanggit
banyagang salita upang lubos na maunawaan ng sambayanan. Kung mangyayari ito mas makakaharap na tayo sa pagpapaunlad ng
nan sa modernong panahon at makakasabay na tayo sa globalisadong sambayanan.
Magkakaisa at magkakaunawaan ang samabayanang Pilipino na kung ano ang mayroon ang ibang bansa ay magagawa
n na hindi na kinakailangan pang sirain ang wikang Filipino na sumasagisag sa ating lahing Pilipino, kaakuhan at pagkakaisa.
ma-sama nating ipagmalaki sa buong mundo na higit kailanman at saan mang pagkakataon iba pa rin ang Pinoy, hindi magpapahuli
along hindi padadaig. May sarili tayong husay, deskarte at pagkakaisa na mahaharap natin ang modernong lipunan tungo sa
nlaran.
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!
bay na Tanong:
Anong uri ng talumpati ang nabasa?
_________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

Ano ang pangunahing kaisipang nakuha sa talumpating iyong napakinggan?


_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Kakikitaan ba ito ng mga katangiang dapat taglayin ng isang mabisang talumpati? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
a anong bahagi ng talumpati napukaw ang iyong interes? Bakit?
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
wain 2. Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba at bumuo ng isang hulwaran o balangkas ng talumpating nais na isulat ayon
sa paksang napili. Maaari kang magsaliksik gamit ang ilang babasahing makatutulong sa pagpapatibay o
pagpapaliwanag ng iyong talumpati.
a Paksang Pamimilian:

3|Pahina
dukasyon
Kalusugan
Kabataan
Kalikasan
PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG TALUMPATI
30 20 15 10
ganisado, maingat na Hindi gaanong organisado, Ang nabuong balangkas ay Ang nabuong balangkas ay
isulat, wasto, at angkop ang ang naisulat na balangkas, hindi organisado, naisulat hindi gaanong sunodsunod,
kang ginamit. subalit wasto, at angkop ang nang may bahagyang maraming salita ang hindi
wikang ginamit. kaingatan, may kawastuhan, wasto, at hindi angkop na
at may kaangkupan ang nagamit.
wikang ginamit.

4|Pahina

You might also like