You are on page 1of 2

A.

ISAGAWA
Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-aaral sa Ikaapat na Taon

1.) INTRODUKSYON/RASYUNAL
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat
na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talavera, Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral
na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga
siningpangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu, at
ekstemporenyo.

2.) SAKLAW AT DELIMITASYON


Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na magrebyu sa ikaapat
na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing
pasalitang pagkukuwento, at talumpating impromptu, ekstomperenyo.

3.) METODOLOHIYA
Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga
mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana”
na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa
impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o
kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa
paglikom ng datos.

4.) RESULTA
Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-
aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na
kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang
maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.

B. TAYAHIN

ABSTRAK
KAHULUGAN ▪ Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa
pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel
siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ito ay
kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa
unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng
pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng
akdangakademiko o ulat.
KALIKASAN ▪ Sa kabila ng kaiksian ng abstrak, kailangang makapagbigay
pa rin ito ng sapat na deskripsiyon o impormasyon tungkol sa
laman ng papel.
KATANGIAN ▪ Binubuo ng 200-250 salita
▪ Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na nakatatayo sa
sarili nito bilang isang yunit ng impormasyon.
▪ Kumpleto ang mga bahagi
▪ Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel
▪ Nauunawaan ang pangkalahatang target ng mambabasa.

LAYUNIN ▪ Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga


akademikong papel.
GAMIT ▪ Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong
papel para sa tesis,papel siyentipiko at teknikal, lektyur at
report.
ANYO ▪ Ang abstrak ay may dalawang anyo o porma ito ay ang
(PORMA) Deskriptibong Abstrak at Impormatibong Abstrak.

You might also like