You are on page 1of 12

ABSTRAK

Ano ang Abstrak?


• Ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa
pagsusulat ng akademikong papel, tulad ng tesis,
papel na siyentipiko, lektyur, at mga report.

• Kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na


makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng
“title page” o pahina pamagat.

• “Ito ay nagalalaman ng pinakabuod ng buong akdang


akademiko.”
“How to Write an Abstract”
Philip Koopman (1997)
• Bagamat ang abstract ay maikli lamang, tinataglay
nito ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating
akademiko tulad ng introduksiyon, mga kaugnay na
literatura, metodolohiya, resulta, at konklusyon.

• Naiiba ito sa kongklusyon sapagkat ito ay naglalaman


ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.
Mga Dapat Tandaan sa
Pagsulat ng Abstrak
1. Bilang bahagi ng alintunin ng pagsulat ng mga
akdang pang-akademiko, lahat ng mga detalye o
kaisipang ilalagay rito ay dapat na mamimita sa
kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi maaring
maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi
binabanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.

2. Iwasan din and paglagay ng mga “statistical figures o


table” sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan
ng detalyadong pagpapaliwanag sa magiging
dahhilan para humaba ito.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng
abstrak
3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga
pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat
nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang
mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang ma ito.
5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit
komprehensibo kung saan maunawaan ang babasa
ang pangkalahatang nilalalman at nilalayon ng pag-
aaral na ginawa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
Ang abstrak ay ang bahagi ng akademikong
papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit
kadalasang binabasa ng mga propesor o mga
eksaminer ng Panel kaya naman, napakahalagang
maging maingat sa pagsulat nito. Narito ang mga
hakbang na maaring gamitin sa pagsulat ng abstrak:
1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o
akademilong sulatin na gagawan ng abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o
ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksiyon, kaugnay ng literatura, metodolohiya,
resulta, at kongklusiyon.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
3. Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing
kaisipang taglay ng bawat bahagivng sulatin. Isulat
ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging
ito sa kabuoan ng papel.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph,
table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang
kinakailangan.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung
may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat
isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.
KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA
MAG-AARAL SA IKA-APAT NA TAON
ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa


pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon ng
pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija.
Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng
kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining
pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento,
pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-
aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu
sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng
mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang
pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo.
Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng
kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon
ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana”
na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang
“Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis”
sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa
pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay
ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may
taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral
sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit
sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa
pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang
maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga
mag-aaral.
Asul –rasyunal
Berde- saklaw at dilimasyon
Lila- metodolohiyang ginamit
Pula- resulta ng pananaliksik

http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/hal
imbawa-ng-abstrak.html
• Hanggat maari ng abstrak ay kailangan masulat
gamit ang isang buong pahina ng bondpaper, subalit
may mga gumagawa nitong lubhang detalyado kung
Saan ito ay hinabi batau sa pagkakalagom ng bawat
bahagi ng sinulat sa papel.
Te vhevs gets mo
na? jumo lang na
brainy kaman
diba??

LIN AY SANG ISABELA, 1873

You might also like