You are on page 1of 16

PANALANGIN

PAMPASIGLA
ATENDANS
Pangkatang Gawain:
Susuriin ang halimbawa
ng abstrak
Abstrak:
detalyado at
di-detalyadong
Mga Dapat Tandaan sa
Pagsulat ng Abstrak:
1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat
ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng
mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay
dapat na makikita sa kabuoan ng papel;
ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng
kaisipan o datos na hindi binanggit sa
ginawang pag-aaral o sulatin.
2. Iwasan ang paglalagay ng Statistical
Figures o Table sa abstrak sapagkat
hindi ito nangangailangan ng
detalyadong pagpapaliwanag na
magiging dahilan para humaba ito.
3. Gumamit ng simple, malinaw, at
direktang mga pangungusap. Huwag
maging maligoy
4.Maging obhetibo sa pagsulat.
• Ilahad lamang ang pangunahing
kaisipan at hindi lamang ipaliwanag
ang mga ito.
5.Gawing maikli ngunit komprehensibo
kung saan mauunawaan ng babasa
pangkalahatang nilalaman at nilalayon
ng pag-aaral na ginagawa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Abstrak:
 Ang abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat
na pinakahuling isinulat ngunit kadalasang unang
binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng
panel.
1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o
akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.
2. Hanapin at isulat ang pangunahing kaisipan o
ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula
introduksiyon , kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta, at kongklusyon.
3. Buoin, gamit ang mga talata, ang mga
pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi
ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-
sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel.
4.Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph,
table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang
kinakailangan.
5.Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung
may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat
isama.
6. Isulat ang pinal na sipi.
Di-detalyadong
ABSTRAK
Ang awiting-bayan ay laganap sa
bawat pangkat etniko sa buong Pilipinas.
Sa kanilang mgaawiting - bayan nasa
salamin ang kanilang mga kultura’t tra-
disyon. Isa ang mga Gaddang sa mga pang-
kat- etniko lambak ng Cagayan na may awi-
ting bayan ng Bayombong,Bagabang, at So-
lano sa lalawigan ng Nueva Vizcaya (Journal
of Northern Luzon, (1986).
Sa patuloy na pag-unlad ng mga
nasabing bayan dahil na rin sa pagpasok ng
teknolohiya sa larangan ng musika, unti-
unti nang hindi naririnig at inaawit ang
awiting-bayan ng mga katutubong Gaddang
ng Brgy. Roxas sa kanilang awiting-bayan.
Ginamit sa pagtukoy sa antas ng kaalaman
ang edad,kasarian, at bilang taong
naninirahan sa lugar bilang variables upang
tukuyin kung may kinalaman ang mga ito sa
antas ng kanilang kaalaman. Lumabas sa
Lumabas sa pag-aaral na ito na ang edad ay
isang salik sa kanilang kaalaman kung saan
mas matanda, mas mataas ang antas ng
kaalaman hinggil sa kanilang awiting-
bayan. Mas bata, mas kakaunti ang
nalalaman hinggil sa awiting bayan.
Natukoy rin ng pag-aaral na ang kasarian ay
walang kinalaman sa pagtukoy ng antas ng
kaalaman. Ang taon ng paninirahan ay salik
din sa pagtukoy ng antas ng kaalaman.
Kapag mas mahabang paninirahan sa lugar,
mas mataas ang antas ng kaalaman hinggil
sa mga awiting-bayang Gaddang.. Mas
maikling paninirahan sa lugar, mas mababa
ang nalalaman hinggil sa awiting-bayang
Gaddang. Dahil dito, nangangailangan
lamang na magkaroon ng mga paraan at
gawain na magpapataas sa antas ng
kaalaman hinggil sa mga awiting-bayan
upang mapaunlad pa ang mga ito
Keywords: Antas ng Kaalaman, Gaddang,
Awiting- Bayan

Sanggunian:Tamami,Reinmark J. at Latugan, Eddielyn P.,


“Antas ng Kaalaman ng mga Katutubong Gaddang
Hinggil sa kanilang MgaAwiting-Bayan,”Isang Tesis, St.
Mary’s University.2012
Detalyadong
Abstrak
Pangalan ng Institusyon: Politenikong
Unibersidad ng Pilipinas
Address/ Kinatatayuan: Sta. Mesa, Maynila
Pamagat: PANANAW NG MGA PILING
MAG-AARAL SA UP, PUP, AT PNU SA
KURIKULUM NG PROGRAMANG
PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING
KINALAMAN SA PAGPAPANATILI AT
PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO.
MAY-AKDA: ROMEO P. PENA, GRACE A.
MORENO,AIZA R. GONZAGA, JOY
ZERLAINE S. FELLIZAR, ARNEL C.
BALAURO, OLIVER GLENN S. OMAC.
KURSO: Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya
minor sa komunikasyong Pangmadla.
Pondo: Personal at sa mga magulang
Petsang Nagsimula: Oktubre,2006
Petsang Natapos: Oktubre, 2007
I. Panimula:
Ang kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang
programang pangkolehiyo. Ito ay nagsisilbing talaan ng
mga kurso o asignatura at batayan at gabay ng mga guro at
mag-aaral sa institusyong pang-edukasyon.
Sa pagpili ng tatlong pangunahing pang-estadong
unibersidad sa Pilipinas. Tulad ng UP, PUP, at PNU, inihain
sa pag-aaral na ito kung bakit napakalaki ng bahaging
ginagampanan ng kurikulum ng programang pangkolehiyo
na may malaking kinalaman sa wikang Filipino kaugnay sa
pagpanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino.

You might also like