You are on page 1of 7

Filipino sa Piling Larang (Akademik)

ARALIN: Pagsulat ng Iba’t ibang Uri ng Paglalagom

MGA LAYUNIN:
1. Nabibigyang kahulugan iba’t ibang uri ng paglalagom (Abstrak, Sintesis/Buod at Bionote); (Know)
2. Naiisa-isa ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng lagom; (Understand)
at
3. Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin(CS_FA11/12PU-
0d-f-93). (Do)

Isa sa mga kasanayang dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng
isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa
paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog ang kasanayang maunawaan at makuha
ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang ibang kaanayan ang nahuhubog sa mga mag-
aaral habang nagsasagawa ng Paglalagom. Una, natututuhan ang pagtitimbang- timbang ng mga
kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang
nakapaloob dito at gayundin ang mga pantulong na kaisipan. Tandaan na sa pagsulat ng lagom,
mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto. Pangalawa, natututuhan
niyang magsuri ng nilalaman ng kanyang binabasa. Natutukoy niya kung alin sa mga kaisipan o mga
detalye ang dapat bigyan ng malalim na pansin sa pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang hindi gaanong importante.
Pangatlo, nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat partikular ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa
talata sapagkat sa pagsulat ng lagom, mahalagang ito ay mailahad nang malinaw, hindi maligoy, o paulit-ulit. Pang-apat,
ito rin ay nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay importanteng
makagamit ang mga salitang angkop sa nilalalaman ng tekstong binubuod.

Bukod sa ang kasanayang ito ay nagiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, ito rin ay nakatutulong nang
malaki sa larangan ng edukasyon, negosyo, at propesyon. Dahil sa mabilis na takbo ng buhay sa kasalukuyan, at ang
marami ay laging parang nagmamadali sa mga gawaing dapat tapusin o puntahan, nakatutulong nang malaki ang
pagbabasa ng maiikling sulatin na kalimitang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang babasahin, teksto, o pag-
aaral. Bilang paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at pagtatrabaho, mahalagang matutuhan mo ang paggawa ng
iba't ibang uri ng lagom na madalas gamitin sa mga pag-aaral, negosyo, at sa iba't ibang uri ng propesyon. Kaya naman,
sa araling ito ay lubos mong matututuhan ang pagsulat ng ilang uri ng lagom o buod - ang abstrak, sintesis o buod, at
bionote.

ABSTRAK

Ano nga ba ang abstrak?

 Ayon sa aklat ni Atanacio H.C. et.al., 2009, ang abstrak o halaw ay pinaikling diskripsyon ng isang
pahayag o sulatin.

Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis,
papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita
sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ang naglalaman ng pinakabuod ng buong
akdang akademiko o ulat. Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract (1997), bagama't
ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng
introduksiyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at kongklusyon . Naiiba ito sa kongklusyon sapagkat ito
ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay
rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na
hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng
detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawan ng babasa ang
pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


Ang abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang binabasa
ng mga propesor o mga eksaminer ng panel. Kaya naman, napakahalagang maging maingat sa pagsul at nito. Narito ang
mga hakbang na maaaring gamitin sa pagsulat ng abstrak:
1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksiyon, kaugnay
na literatura, metodolohiya, resulta, at kongklusyon.
3. Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.
1
Page
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Narito ang ilang halimbawa ng abstrak. Basahin mo ang mga ito at suriin.

ABSTRAK

Ang awiting-bayan ay laganap sa bawat pangkat-etniko sa buong Pilipinas. Sa kanilang mga awiting-bayan
nasasalamin ang kanilang kultura't tradisyon. lsa ang mga Gaddang sa mga pangkat-etniko sa Lambak ng Cagayan na
may mayamang awiting-bayan. Ang mga katutubong ito ay namamalagi sa mga bayan ng Bayombong, Bagabag, at
Solano sa lalawigan ng Nueva Vizcaya (Journal of Northern Luzon, 1986).
Sa patuloy na pag-unlad ng mga nasabing bayan at dahil n8: rin sa pagpasok ng mga makabagong teknolohiya
sa larangan ng musika, unti-unti nang hindi naririnig at inaawit ang mga awiting-bayan ng mga katutubong Gaddang ng
Brgy. Roxas. Naging layunin ng pag-aaral na ito ang pagtukoy at pagsukat sa antas ng kaalaman ng mga katutubong
Gaddang ng Brgy. Roxas sa kanilang mga awiting-bayan. Ginamit sa pagtukoy sa antas ng kaalaman ang edad,
kasarian, at bilang ng taong naninirahan sa Iugar bilang variables upang tukuyin kung may kinalaman ang mga ito sa
antas ng kanilang kaalaman. Lumabas sa pag-aaral na ito na ang edad ay isang salik sa kanilang na kung saan mas
matanda, mas mataas ang antas ng kaalaman hinggil sa awiting-bayan. Mas bata, mas kakanti ang nalalaman hinggil
sa kanilang awiting-bayan. Natukoy rin ng pag-aaral na ang kasarian ay walang kinalaman sa pagtukoy ng antas ng
kaalaman. Ang taon ng paninirahan ay isang salik din sa pagtukoy ng antas ng kaalaman. Kapag mas mahabang
paninirahan sa lugar, mas mataas ang antas ng kaalaman hinggil sa mga awiting-bayang Gaddang. Mas maikling
paninirahan sa lugar, mas mababa ang nalalaman hinggil sa mga awiting-bayang Gaddang. Dahil dito,
nangangailangan lamang na magkaroon ng mga paraan at gawain na magpapataas sa antas ng kaalaman hinggil sa
mga awiting bayan upang mapaunlad pa ang mga ito.

Keywords: Antas ng Kaalaman, Gaddang, Awiting-Bayan


Sanggunian: Tamani, Reinmark J at Latugan, Eddielyn P.,”Antas ng Kaalaman ng mga Katutubong Gaddang Hinggil sa Kanilang Mga Awiting-
Bayan,” Isang Tesis, St. Mary's University. 2012.

ABSTRAK
Pangalan ng Institusyon: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Address/Kinatatayuan:
Hangga't maaari, Sta.
ang Mesa, Maynila
abstrak. ay kailangang maisulat gamit .ang isang buong pahina ng bondpaper, subalit
PAMAGAT: PANANAW NG MGAkung
may mga gumagawa nito na lubhng detalyadO PILING
saallMAG-AARAL SA UP,
ito ay hinabi bataY PUP, AT PNU ng
sa pagkakalago.m SAbawat
KURIKULUM
bahag.1ngNG
PROGRAMANG PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING
!inulat na papel. l(adalasang makikita ang ganitong un ng abstrak sa tests at KINALAMAN SA PAGPAPANATILI
disertasyon.Narito ATang
PAGPAPAUNLAD
halimbawa nito. NG' WIKANG FILIPINO.

MAY-AKDA: ROMEO P. PENA, GRACEA. MORENO, AIZA R. GONZAGA, JOY ZERLAIN E S. FELLTZAR,
ARNEL C. BALAURO, OLIVER GLENN 8. OMAC AT ROLINA B. CASTILLO
Kurso: Batsilyer ng Artes sa Fiipinolohiya minor sa Komunikasyong Pangmadla
Pondo: Personal at sa mga magulang
Petsang Nagsimula: Oktubre, 2006
Petsang Natapos: Oktubre, 2007

I. Panimula
Ang kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang programang pangkolehiyo. Ito ay nagsisilbing talaan
ng mga kurso o asignatura at ang batayan at gabay ng mga guro at mag-aaral sa institusyong pang-edukasyon.
Sa pagpili ng tatlong pangunahing pang-estadong unibersidad sa Pilipinas tulad ng UP, PUP, at PNU, ihahain
sa pag-aaral na ito kung bakit napakalaki ng bahaging ginagampanan ng kurikulum ng programang pangkolehiyo na
may malaking kinalaman sa wikang Filipino kaugnay sa pagpapanatili at papapaunlad
ng wikang Filipino.

II. Mga Layunin ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang sumusunod na mga katanungan:
1. Bakit pinili ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad ang kursong may malaking kinalarnan sa wikang
Filipino?
2. Ano-ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong pilig unibersidad sa prograrnang pangkolehiyo
na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?
3. Ano-ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad sa kurikulum ng programang
pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?
4. Sa anong paraan tumutugon para sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon ang mga sumusunod:
a. Iayunin ng prognimang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino
b. mga kurso o asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman
sa wikang Filipino
5. Paano umuugnay ang kurikulum ng prograrnang pangkolehiyo sa tatlong piling unibersidad sa Pangklahatang
Edukasyon na inihain ng CHED?
6. Ano ang saloobin ng mag-aaral sa mga preperensiyang pangwika kaugnay sa pagpapanatili at pagpapaunlad
ng wikang Filipino na maaaring ihain ng kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa
wikang Filipino?

III. Saklaw at Limitasyon


Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng mga piling mag-aaral na may kabuoang bilang na pitumpu't lima
(75) na kumukuha ng programang pangkolehiyo na B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat, at B.A. Araling Pilipino (UP)
AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in Filipio (PNU).

lV. Pamamaraan ng Pananaliksik


Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng deskriptibong pamamaraan. Nagamit ang pamaraang ito sapagkat
inilarawan ang kasalukuyang ginagamit na kurikulum ng UP, PUP, at PNU. Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito
2

ay kumonsulta ang mga mananaliksik sa iba't ibang silid aklatan gaya sa Pambansang-Aklatan, Ninoy Aquino Leaming
Page

Resource Center, at Silid-Aklatan ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika upang makapangalap ng mahalagang datos
Filipino sa Piling Larang (Akademik)

na may kaugnayan sa pag-aaral. Kumuha rin ng mahalagang impormasyon sa website ng tatlong piling pang-estadong
unibersidad. Humingi ng pahintulot sa pamamagitan ng pormal na liham ang mga mananaliksik sa dekana at
tagapangulo na nakasasakop sa nabanggit na programang pangkolehiyo upang mapahitulutan na makapagsarbey sa
ilang piling mag-aaral na may bilang na dalawampu’t lima (25) sa bawat unibersidad. May kabuoang pitumpu't limang
(75) binahagian ng talatanungan ng mga mananaliksik at maayos na ipinaliwanag ang mlalaman nito sa mag-aaral.

V. Buod ng Natuklasan at Kongklusyon


A. Mga Natuklasan
1. Malaya ang mga mag-aaral ngayon na makapamili ng kursong kanilang kukunin pagtuntong nila sa
kolehiyo.
2. Malaki ang pananalig ng mga mag-aaral mula sa UP, PUP, at PNU na magiging daan ang programang
pangkolehiyo na B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat, at B.A. Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa
PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU sa pag-aangat sa kamalayan bilang tunay na mamamayang Pilipino.
3. Higit na nakatuon ang mga nasabing programa pangkolehiyo sa propesyon bilang tagahasik ng kaalaman sa
mga paaralan o ang tinatawag na guro.
4. Ang isang mag-aaral na mapapabilang sa mga nabanggit na programang pangkolehiyo ay malaki ang
posibilidad na mapayabong ang kaniyang pagmamahal sa wikang Filipino.
5. Pinakamabisang daan upang magkaroon ng kaalaman ang mag-aaral tungkol sa nilalaman ng kurikulum ay
ang pagbabahagi ng kopya nito.
6. Sa wika, higit na nakasentro ang mga nabanggit na programang pangkolehiyo. I
7. Intelektwal na pagkatuto ang higit na inihahain ng mga asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng programang
pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP;
at BSE major sa Filipino sa PNU.
8. Ang paggamit ng wikang Filipino a ulat at korespondensiya opisyal ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang
mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
9. Ang pagtangkilik at panonood ng mga palatuntunang Filipino ay isa a epektibong paraan upang lalo pang
mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
10. Ang pagbabasa ng iba't ibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipino ay isa sa mabisang paraan upang
lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filpino.
11. Ang paggamit ng Filipino sa pagsulat ng mga sulating pampanitikan ay isa sa epektibong paraan upang lalo
pang mapanatili at mapatinlad ang wikang Filipino.
12. Ang pagsasalin sa Filipino ng mga bartyagang sulatin para lalong mabatid ng maraming Pilipino ay isa sa
mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
13. Ang pagsasalita ng wikang Filipino na hindi ito ikinahihiya ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang
mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
14. Ang pagpapalimbag ng maraming aklat sa wikag Filipino upang dumami ang sanggunian ng mga mag-aaral
ay kailangan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
15. Ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtatalumpati ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang
mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
16. Ang pagtangkilik sa mga pelikulang Pilipino ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at
mapaunlad ang wikang Filipino.
17. Ang pagpapahayag ng kuro-kuro at saloobin gamot ang wikang Filipino ay makatutulong upang lalo pang
mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
18. Ang pakikiisa sa mga kilusang may kaugnayan sa pagpapaunlad sa wikang Filipino ay isang daan upang
lalo pang mapanatili mapaunlad ang wikang Filipino.
19. Ang panonood at pakikinig sa mga balita sa radyo at telebisyon na wikang Filipino ang midyum ay isa sa
epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

B. Mga Kongklusyon
1. Ang pagpili ng mga mag-aaral sa programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino.
Sa masusing pagsasarbey ng mga mananaliksik ay napag-alaman na kaya pinili ng mga mag-
aaral na pumasok o mapabilang sa programang pangkolehiyo ay dahil ito ay kagustuhan nila. Naging malaya
ang mga mag-aaral ngayon sa pagpili ng kursong kanilang kukunin na hindi kinakailangan ng impluwensiya ng
magulang at ng ibang tao. Sa kabilang banda, Malaki rin ang naging bahagdan ng mga mag-aaral na
napagsarhan o nawalan ng pagkakataon sa gusto nilang kurso.
2. Sa pagsarbey, sa kabuoan, nagiging instrumento upang maiangat ang kamalayan ng mag-aaral bilang isang
Pilipino ang programang pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing. Pagsult: at BA Araling Pilipino sa UP;
AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU ay nagtala ng pinakatmµ"aming tugon na •may
biiang n 34 mag-aarat na may katumbas na 45.33%.
Nangangahulugan na may pinakamalaking gampanin ang programang pangkolehiyo sa tatlong
piling pang-estadong Uniberstdad sa kalakhang Maynila sa pag-angat sa kamalayan bilang tunay na
mamamayang Pilipino at sa pagmamahal sa wikang Filipino. Nangangahulugan din na higit pa sa hangarin na
makahanap agad ng magandang trabaho ang layunin nito at naniniwala din ang mga mag-aaral na maging
dalubhasa sila sa wikang Filipino sa pamamagitan ng nabanggit na programang pangkolehiyo sa pamamagitan
ng paghasik ng kaalaman o pagiging guro.
3. Ang Pagkatuto-napatunayan na sa wika talaga higit na nakasentro ang mga nabanggit na programang
pangkolehiyo dahil sa napakarami ng mag- aaral ang tumugon nito.
Naikintal ang pagkatutong intelektwal sa mga mag-aaral ng programang pangkolehiyo na may
malaking kinalaman sa wika.
4. Ang Pagtangkilik at Paggamit ng Wikang Filipino sa mga Gawaing Pang-unibersidad ng mga Mag-aaral na
may Kinalaman sa Pagpapaunlad Nito.
Tinatangkilik ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng panonood ng mga palatuntunan Filipino,
pagbabasa ng iba't ibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipino, pagsasalita ng wikang Filipino na hindi
ikinahihiya, pagpapalimbag ng maraming aklat sa wikang Filipino upang dumami ang sanggunian ng mga mag-
3
Page

aaral at pagtangkilik sa pelikulang Pilipino.


Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Hangga't maaari, ang abstrak ay kailangang maisulat gamit ang isang buong pahina ng bondpaper, subalit may
mga gumagawa nito na lubhang detalyado kung saan ito ay hinabi batay sa pagkakalagom ng bawat bahagi ng sinulat na
papel kadalasang makikita ang ganitong uri ng abstrak sa tests at disertasyon. Narito ang halimbawa nito.

Gayundin, ginagamit ang wikang Filipino sa mga gawaing pang-unibersidad gaya ng sa ulat at
korespondensiya opisyal, pagsulat ng mga sulating pampanitikan , pagsasalin sa Filipino ng mga banyagang
sulatin, sa pagtatalumpati at sa pagpapahayag ng mga kuro-kuro at saloobin. Samakatuwid, ang mga mag-
aaral na nasa ilalim ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa pagpapaunlad ng wikang
Filipino ay patuloy sa paggawa ng mga epektibong paraan sa pagtangkilik at paggamit ng wikang Filipino sa
labas o sa loob ng unibersidad upang lalong mapanatili at mapaunlad ito.

5. Ang pagpapaunlad sa Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa Aspetong Sosyal


Ang pakikiisa sa mga kilos ang may kaugnayan sa pagpapaunlad sa wikang Filipino at ang panonood
at pakikinig sa mga balita sa radyo at telebisyon na wikang Filipino ang midyum ay ilan lamang sa mga
epektibong paraan upang lalong mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino sa aspetong sosyal.

VI. Rekomendasyon
1. Mas mainam kung ang maraming bilang ng Pilipinong mag-aaral ay kukuha ng kursoog naaayon sa kanilang
kagustuhan na magiging daan sa pagpapaunlad ng kanilang sarili.
2. Dapat ipagpatuloy ang paghahain ng mga asignaturang mas magpapalawak sa kaalaman ng mga mag-aaral
sa pangkasalukuyang panahon lalo na sa kaso ng pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino.
3. Higit na patatagin ang layunin at kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino.
4. Higit na palaganapin ang .mga pamamaraan at preperensiyang pangwika na !along magtataguyod sa wikang
Filipino.
5. Higit na pahalagaan ng mga mag-aaraJ. ang mga Gawain na may kinalaman sa wikang Filipino.
6. Dapat pag-ibayuhin ng mga programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino ang
pangunguna sa pagpapatatag at pagpapayabong ng wikang Filipino sa iba't ibang Iarangang pang- edukasyon.
7. Maging matulungin ang mga ahensiyang pang-cdukasyon at pangwika sa patuloy na pagpapanatili at
pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalong maging malakas ang pwersa na gaganap sa usaping ito.
8. Pantilihing tiyak, malinaw, at umuugnay sa kasalukuyang pangangailangan ng panahon ang mga programang
may malaking kinalaman sa wikang Filipino.
9. Ito ang tamang pagkakataon upang paramihin ang mga programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman
sa wikang Filipino na maaring kabilangan ng mga Pilipinong mag-aaral pagtungtong sa tersyarya.
10. Ang patuloy na pagdaragdag na makatutulong sa pagpapahusay ng pananaliksik na ito ay tinatanggap ng mga
mananaliksik upang lalo pang tumibay ang kredibilidad.

Sinopsis/Buod

Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo
tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati at iba pang anyo ng panitikan. Ang buod ay
maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Sa pagsulat ng sinopsis,
mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. Ang pagbubuod o pagsulat
ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng seleksiyon o akda kung kaya't
nararapat na maging payak ang mga salitang gagamiting.Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng
akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring lantad na makikita sa akda
o minsan naman, ito ay di tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuoan nito. Sa pagkuha ng
mahahalagang detalye ng akda, malahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit?
Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, magiging madali ang pagsulat ng buod.

Sa pagsulat ng sinopsis o buod, mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung anong akda ang iyong ginawan
ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng akda. Makatutulong ito upang
maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipang iyong inilahad ay hindi galing sa iyo kundi ito ay buod lamang ng
akdang iyong nabasa. Iwasan din ang magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda. Maging obhetibo
sa pagsulat nito.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod

Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng buod o sinopsis.
1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.
2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa akda ay malungkot,
dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga
suliraning kanilang kinaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod lalo na kung ang
sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.

Mga Hakbang sa Pagulat ng Sinopsis/Buod

Narito naman ang mga hakbang na maaaring gamitin sa masining at maayos na pagsulat ng buod ng isang akda.
1. Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa
nito.
4

2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.


Page

3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.


4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro- kuro ang isinusulat.
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
5. Ihanay ang ideya sang ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging
mabisa ang isinulat na buod.

Ayon sa How to write an effective summary (2008), ang mahusay na lagom ay naglalaman ng tatlong mahahalagang
katangian.

1. Conciseo – pinaikli na naaayon sa kahingian ng gawaing paglalagom.


2. Akyuret – malinaw sa mambabasa ang tekstong binasa upang muling maipahayag ang wastong detalye.
3. Objective – punto de bista lamang ng awtor ang maaaring lumitaw at hindi ang mambabasa na siyang gumawa
ng buod. Samakatuwid, ipinakikilala ang pinakapunto ng tekstong binasa. (Hango sa aklat ni Bernales et.al.,
2013)

Basahin at suriin ang ilang halimbawa ng mga buod na makikita sa ibaba.


Halimbawa 1: Buod ng “Ang Alibughang Anak”

Alibughang Anak

May isang amang may dalawang anak. Kinuha ng bunsong anak ang mana nito at kanyang ginugol sa mga
makamundong gawain. Dumating ang panahong naubos ang lahat ng kayamanang minana niya at lubos siyang
naghirap at nagdalita at namuhay nang masahol pa sa katayuan ng mga alipin sa kanilang tahanan. Dahil sa mga hirap
at sakit na kanyang naranasan, napagtanto niya ang kanyang masasamang ginawa. Nagpasiya siyang bumalik sa
kanyang ama, magpakumbaba , at humingi ng tawad. Dahil sa labis na pagmamahal ng ama sa anak, buong puso niya
itong tinanggap, at hindi lang ito, ipinagdiwang pa ang kanyang pagbabalik na ikinasama naman ng loob ng panganay
na kapatid dahil ni minsan ay hindi niya naranasang ipaghanda ng piging ng kanyang ama. Subalit siya ay inamo ng
kanyang ama at ipinaliwanag na ang anak na panganay ay lagi niyang kapiling at ang lahat ari-arian niya ay para rito
subalit ang bunsong anak na umalis ay itinuring nang patay ngunit muling nabuhay, nawala, ngunit muling
nasumpungan.

Sanggunian: Hinango sa Magandang Balita Bibliya. Lukas 15:11-32

Halimbawa 2: Buod ng Nobelang “Ang Munting Prinsipe”


kanyang ama, magpakumbaba , at humingi ng tawad. Dahil sa labis na pagmamahal ng ama sa anak, buong puso niya
itong tinanggap, at hindi lang ito, ipinagdiwang pa ang kanyang pagbabalik na ikinasama rlama:n ng loob ng panganay
na kapatid dahil ni minsan ay hindi niya naranasang Munting Prinsipe
ipaghanda ng piging ng kanyang ama. Subalit siya ay inamo ng
kanyang flt ipinaliwanag na ang anak na panganay ay lagi niyang kapiling at ang lahat ari-arian niya ay para rito subalit
Noonganak
ang bunsong batanapaumalis
lamang ayang pilotonqpatay
itinuring ay nahilig siyang
ngunit gumuhit
muJing ng mganawala,
nabuhay, bagay-bagay. Nang minsang
ngunit muling gumuhit siya
nasumpungan.
ng sawang nakalunok ng elepante, ipinakita ang kanyang iginuhit sa mga nakatatanda. ltinanong niya kung nakatatakot
Ang kanyang iginuhit "Ano ang nakatatakot sa isang sumbrero?" tugon nila. Gumuhit siyang muli at nilagyan ng mga
detalye. Ipinakita
Sanggunian: niyang
Hinango sa muli ito sa kanila
Magandang Balitangunit pinagsabihan
Bibliya. itigil na Iamang ang pagguhit ng mga sawa at ituon na
Lukas 15:11-32
larnang ang pansin sa mga importanteng bagay tulad ng pag-aaral ng Heograpiya, Matematika, Kasaysayan at Wika.
Sinunod niya ang kanilang payo. Isinuko niya ang dapat sana'y nagging propesyon nya. Di naglaon ay naging piloto
ang bata.

Habang nag papalipad ng eroplano ang piloto ay nasira ang makina nito. Bumagsak ito sa disyerto ng Sahara
Nang inaayos niya ang eroplano ay nagulat siya nang makita niya ang maliit na taong nakasuot ng damit-prinsipe.
Inutusan niya ang pilotong gumuhit ng tupa. Ang alam lamang iguhit ng piloto ay sawang nakalunok ng elepante. lginuhit
niya ito. Nang makita ng prinisipe ang iginuhit na Iarawan ay naiinis na nagwika siya ng: "Hindi ko nais na iguhit mo ang
isang sawang may nalunok na elepante masyado itong nakatatakot. Iguhit mo ang tupa.”

Paulit-ulit na gumuhit ng tupa ang piloto ngunit lahat ng iginuhit niya ay tinangihan ng Munting Prinsipe. Sa inis
ng pilto, gumuhit siya ng kahon at sinabing, Nariyan ang tupang nais mo." Nagustuhan ito ng Munting Prinsipe.

Habang tumatagal ay lalong nakilala ng piloto ang Munting Prinsipe. Galing ang prinsipe sa Asteriod B612. Sa
planeta ng prinsipe, may isang rosas na nagpaligaya sa kanya. lbinibigay ng prinsipe ang tahat ng gusto ng rosas dahil
sa ganda at halimuyak na angkin nito.

Dumating ang araw ng kanyang pag-alis sa planeta upang tuklasin ang iba pang bahagi ng kalawakan . Nagpaa
lam ang prin sipe sa kanyang rosas.

Una niyang pinuntahan ang planeta ng hari. Namangha siya sa lawak ng kanyang kaharian subalit nagtataka
siyang sa kabila ng lawak ng kanyang kaharian ay wala naman siyang nasasakupan. Pinilit siyang maging gobernador
ng hari sa kanyang planeta subalit tumanggi siya.

Sumunod namang narating ng prinsipe ang planeta ng taong mayabang. Kontento ang taong ito sapaghanga
ng iba. Gusto niyang lagi siyang pinapalakpakan kahit wala siyang nagagawang kakaiba o kahanga-hanga.

Dumaan naman ang prinsipe sa planeta ng taong lasenggo. Umiinom siya para makalimot sa kahihiyan sa
kanyang pagiging lasenggo.

Halos di siya mapansin nang dumaan siya sa planeta ng mangangalakal na walang ginawa kundi bilangin ang
mga bituin.Ang mga nakikita niyang mga bituwin ay itinuturing niyang mga kayamanan. lnililista niya ang mga ito at
inaangking kayamanan .
5
Page
Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Nakarating din siya sa planeta ng tagasindi ng ilaw. Humanga ang Munting Prinsipe rito dahil sa pagpapahalaga
nito sa kanyang trabaho. Hindi siya napapagod kahit bawat minuto ay kailangan niyang patayin at sindihan ang ilawan.
Nagbago at bumilis na ang takbo ng panahon ay ganoon pa rin ang pagharap niya sa kanyang gawain. Hindi niya
nauunawaan kung bakit kailangan niya itong gawin. Ang alam lang niya ay ito ang ibinigay sa kanyang gawain kaya
isinasagawa niya ang inaasahan sa kanya bilang isang manggagawa.

Muli siyang naglakbay at nakarating sa heograpo na walang alam tungkol sa kanyang paligid. Itinatala lamang
niya ang sinasabi ng mga eksplorer. ltinanong niya sa heograpo kung saang lugar mabuting pumunta at sinabi niyang
sa Lupa. Maraming katanungan ang nabuo sa kanyang isip sa mga paglalakbay na iyon.

Nang makarating siya sa daigdig ay marami siyang nakita at natuklasan sa mga naninirahan dito. Isa sa nakilala
niya ang ahas. Nang makasama at makausap niya ang ahas at alamin ay nabuksan ang kanyang isipan. Sa kanyang
paghahanap ay natagpuan niya ang kasagutang, "Sa pamamagitan lamang ng puso nakikita ang mga bagay na
mahalaga. Nakatago sa mata ang tunay na halaga ng mga bagay." Naging magkaibigan ang piloto at ang Munting
Prinsipe. Nagbahaginan sila ng tungkol sa iba't ibang katangian ng taong katulad ng mga nakilala ng prinsipe sa iba't
ibang planetang kanyang narating.

Dumating na nga ang araw ng kanilang pamamaalam. Mabigat man sa loob g bawat isa ang paghihiwalay ay
tinanggap nila ang katotohanang may misyon sila sa buhay. Lumisan ang prinsipe upang bumalik sa kanyang
planeta.Alam niyang kailangan na siya g kanyang bulaklak. Ang kanyang pagkalinga ay lagi nitong inaasahan.

Nagbalik na rin ang piloto sa dati niyang buhay. Bakas ang pangungulila niya sa kanyang kaibigan. Kapag
tumitingin siya sa mga tala ay parang nakikita niyang kumakaway sa kanya ang Munting Prinsipe.

lsang malayang pagsasalin sa Filipino ng buod ng The Little Prince ni Antoine de Saint-Exupery ni Emily Marasigan
niya ang ahas. Nang makasama at makausap niya ang ahas at alamin ay nabuksan ang kanyang isipan. Sa kanyang
paghahanap ay natagpuan niya ang kasagutang, "Sa pamamagitan lamang ng puso nakikita ang mga bagay na
mahalaga. Nakatago sa mata ang tunay na halaga ng mga bagay." Naging magkaibigan ang piloto at ang Munting
Prinsipe. Nagbahaginan sila ng tungkol sa iba't ibang katangian ng taong katulad ng mga nakilala ng prinsipe sa iba't
ibang planetang kanyang narating.

Dumating na nga ang araw ng kanilang pamamaalam. Mabigat man sa loob g bawat isa ang paghihiwalay ay
tinanggap nila ang katotohanang may misyon sila sa buhay. Lumisan ang prinsipe upang bumalik sa kanyang
planeta.Alam niyang kailangan na siya g kanyang bulaklak. Ang kanyang pagkalinga ay lagi nitong inaasahan.

Nagbalik na rin ang piloto sa dati niyang buhay. Bakas ang pangungulila niya sa kanyang kaibigan. Kapag
tumitingin siya sa mga tala ay parang nakikita niyang kumakaway sa kanya ang Munting Prinsipe.
Bionote lsang malayang pagsasalin sa Filipino ng buod ng The Little Prince ni Antoine de Saint-Exupery ni Emily Marasigan
Ang bionote ay maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor na maaaring makita sa likuran ng
pabalat ng libro, at kadalasay may lamang litrato ng awtor. Samantalang sa awtobiograpiya ay inilulugar ng may-akda kung
sino siya bilang manunulat. Nagsisimula siya sa pamamagitan ng paglulugar at pagbabalangkas ng kanyang karanasan at
gunita.
Tandaang nag-iiba ang karanasan ng tao ngunit maaaring magkapareho ang ilan sa karanasang ito. Halimbawa,
tayong mga Pilipino ay nagdiriwang ng bagong taon. Samantalang ang mga Tsino ay nagdiriwang din ngunit sa magkaibang
buwan at paraan. Kung gayon, bawat-awtobiograpiya ay natatangi.

Ayon kay Cristina Pantoja-Hidalgo, itinuturing ang awto-biograpiya bilang isang obra ng buhay o lifework. Ang
mga pangyayari sa isang awtobiograpiya ay hindi lamang pagbabalangkas ng karanasan ng may-akda kundi
pagpapahalaga rin sa mga pangyayaring ito sa buhay ng may-akda.

Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha
sa buhay ng isang tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito. Ayon
kay Duenas at Sanz sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences (2012), ang bionote ay tala sa buhay ng
isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat,
abstrak ng mga sulating papel, web sites, at iba.

Kadalasan ito ay ginagamait sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga ito upang ipakilala ang
sarili para sa propesyunal ma layunin. Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita
sa mga social network o digital communication sites. Halimbawa nito ay ang bionote o pagpapakilala sa sarili ng mga
gumagawa ng blog. Ito ang nagpapakilala ng ilang mahahalagang detalye sa buhay ng kung sino ang nasa likod ng blog.
Ito rin ay maaaring magamit ng taong naglalathala ng isang aklat o artikulo. Sa madaling salita, layunin ng bionote na
maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging
ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.

Mga Bagay na Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote

Narito ang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng bionote.


1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume kailangang maisulat ito gamit ang 200
salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng 5 hanggang 6 na
pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga peronal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga
6

detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito ay marami,
Page

piliin lamang ang 2 o 3 na pinakamahalaga.


Filipino sa Piling Larang (Akademik)
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan at makamit
ang totoong layunin nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan. May iba na gumagamit
ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-wili ito sa mga babasa; gayunman iwasang maging labis sa
paggamit nito. Tandaan na ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka.
5. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaaring ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan
itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito.

Sanggunian: http:l/www.buzzle.com/articleslhow-to-write-a-s hort-bio-on-yourse/f.htm/.

Tunghayan ang isang halimbawa ng bionote hinggil sa buhay ni Gng. Alma Dayag, ang koordineytor at may-akda ng aklat
na Pinagyamang Pluma.
Si Gng. Alam M. Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary and Secondary Education, magna
cum laude, at ng Master of Arts in Teaching Filipino Language and Literature sa Philippine Normal University.
Nakapagturo siya ng Filipino sa loob ng dalawampu't limang taon at nakapaglingkod bilang homeroom chairman,
koordineytor ng Filipino at Sibika/HeKaSi, at Assistant Principal for Academics sa St. Paul College, Pasig. Nakadalo na
rin siya sa iba't ibang kumperensiyang pangguro sa iba't ibang bansa tulad ng Amerika, Singapore, China (Macau), at
Thailand. Ang mga makabagong kaalamang natutuhan niya sa mga kumperensiyang ito ay nakatulong nang malaki sa
kanyang pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa pagiging trainer-facilitator ng mga seminar-workshop na pangguro
sa iba't ibang panig ng bansa.
Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting Asociation of Schools, Colleges, and Universities o PAASCU.
Kontribyutor din siya sa ilang magasing pambata gayundin sa mga magasin at journal na pangguro. Subalit ang
itinuturing niyang pinakamahalagang katungkulan at biyaya mula sa Maykapal ay ang pagiging simpleng maybahay at
ina ng tatlong supling na siya niyang inspirasyon sa pagsulat ng mga aklat na kanyang iniaalay sa lahat ng mga batang
Pilipino.

Halimbawa ng Bionote https://dreamerdonnell.wordpress.com/2017/07/20/first-blog-post/


"'t M •'"2•• rm F 1, 1..111_ • lllP1 ,
Si Patrocinio F. Villafuerte o mas kilala bilang si Pat Villafuerte ay isang guro at manunulat sa
larangan ng Filipino. Siya ay isinilang sa San Isidro, Nueva Ecija noong ika-pito ng Mayo,
taong 1948, at kasalukuyang 69 taong-gulang na nakatira sa B3 L1 Vega St., Siena Villas,
Habay 2. Bacoor, Cavite. Isa siyang multi-awarded na bihasa sa Filipino. Sa ngayon, isa
siyang pangulo ng departamento ng Filipino sa paaralang Philippine Normal University (PNU).
Kilala siya bilang isang respetado at mahusay na propesor sa Filipino.
Batay sa kalipunanngmgaakdangpilipino.com, Si Pat Villafuerte at nag-aral sa Philippine
ad * • 111 a ..
Normal College na may kursong Batsilyer sa Agham sa Edukasyong Pang-elementarya, at
may sertipiko na siya’y nagtapos ng masterado sa Sining ng Pagtuturo. At sa Manuel Luis
Quezon University, nakakuha siya ng titulong masterado sa Sining sa Filipino at Gawad Merito
.,A. it ........... 'Go p tt t P .• •..,.- =-r•t r
dahil sa kaniyang kahusayan. Siya ay isang magaling na guro at nagtuturo sa lahat ng antas,
kabilang ang elementarya, sekundarya, at kolehiyo. Nakapag-sulat na rin siya ng halos 145
na aklat, at karamihan dito ay mga teksbuk at sangguniang aklat sa Filipino. Siya rin ay
nagtuturo sa Sining Pantanghalan sa Filipino. Sa kaniya namang mga parangal, s’ya rin ang kauna-unahang
nagkamit ng Genoveva Edroza Matute Professorial Chair in Filipino, Siya rin ay naging Teacher of the Year ng
dalawang beses, nagkaroon ng walong Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, sampung Gawad Surian
Gantimpalang Collantes, at dalawang Presidential Awards sa Malacañang. ‘Yan ang mga gantimpala at papuri na
kaniyang natamo dahil sa husay sa larangan ng Filipino.
Sa kaniyang husay at talino, naging popular siya ngayon at kasalukuyang nagsisikap para makapag-ambag pa
ng maraming aral sa larangan ng Filipino.

Pagkakaiba ng biograpiya sa awto-biograpiya.


•111.11 - .-
Sa awto biograpiya ay isinasalaysay ang lahat tingkol sa may akda – buhay at karanasan niya. Ang
ipinakikilala naman sa biograpiya ay ang buhay ng isang tao.

Sanggunian:
een •• -..-•••
Julian, A. B., & Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang pluma: Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Quezon City: Phoenix
Publushing House, Inc. Pahina 17-37

Ariola, M. M., Galeon, K. S., Langcay, S. P., & Laroza, R. D. (2016). Filipino sa Piling Larang: Akademik. (R. K. Cedre, Ed.)
Malabon City: Jimczyville Publications. Pahina

LliJ! _.....,,, ' '' ,.....,.. ••• . ....,,


7
Page

You might also like