You are on page 1of 11

12

PAGSULAT SA PILING LARANG


AKADEMIK
MODYUL 3, 4, at 5

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”

DIVISION OF BACOLOD CITY


Alamin

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

I. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at


katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikalbokasyunal.
II. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating
teknikalbokasyunal.
III. Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo.

Balikan
Basahin ang mga sumusunod at lagyan ng / na marka kung sa iyong palagay ay tama ang
inilalahad na pahayag, lagyan ng X kung mali.
_____1. Ayon kay Mabilin, sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa
dalawang bahagi.
_____2.Ito ay PERSONAL O EKSPRESIBO at PANLIPUNAN O SOSYAL.
_____3. Isa sa mga nasabing pakinabang ng pagsusulat ay magdudulot ito ng kasiyahan sa
pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag- ambag ng
kaalaman sa lipunan.
_____4. Propesyonal na Pagsulat ay sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang
natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng
isang tao.
_____5. Malikhaing Pagsulat ay sulating may layunin na maghatid ng aliw,makapukaw ng
damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Mabibilang sa uring ito
ang maikling kwento , dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks ,iskrip ng
teleserye ,kalyeserye, musika, pelikula at iba pa.

Tuklasin

PAGSULAT NG ABSTRAK

Isa sa mga dapat matutunan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng isang
paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang makuha ng sinumang nagbabasa o nakikinig ang kabuuang kaisipang
nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog ang mga
kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang
ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng paglalagom.
Una, natututunan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa.
Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga
pantulong na kaisipan. Tandaan na sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang
pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto. Pangalawa, natututunan niyang sumuri ng
nilalaman ng kanyang binabasa. Natutukoy niya kung alin ang mga kaisipan o mga detalye ang
dapat bigyan ng malalim na pansin ng pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang hindi
gaanong importante. Pangatlo, nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng
partikular na ideya at ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata sapagkat sa
pagsulat ng lagom, mahalagang ito ay mailahad nang malinaw, hindi maligoy o paulit-ulit.
Pang-apat, ito rin ay nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo
sapagkat sa pagsulat nito ay importanteng makagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng
tekstong binubuod.

Bukod sa ang kasanayang ito ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, ito rin ay


nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon, negosyo, at propesyon. Dahil sa mabilis
na takbo ng buhay sa kasalukuyan,at ang marami ay parang nagmamadali sa mga gawaing
dapat tapusin o puntahan, nakatutulong nang malaki ang pagbabasa ng maiikling sulatin na
kalimitang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang babasahin, teksto o pag-aaral.
Bilang paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at pagtatrabaho, mahalagang matutunan
mo ang paggawa ng iba’t ibang uri ng lagom na madalas gamitin sa mga pag-aaral, negosyo at
sa iba’t ibang uri ng propesyon. Kaya naman, sa araling ito ay lubos mong matututunan ang
pagsulat ng ilang uri ng lagom o buod – ang abstrak, synopsis o buod at bionote.

Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga


akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ito
ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng akdang
akademiko o ulat.

Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract(1997),


bagama’t ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi
ng sulating akademiko tulad ng Rasyunali / Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon,
resulta at konklusyon. Naiiba nito ang kongklusyon sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod
ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.

1. Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.


2. Introduksyon o Panimula - nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin, mapanghikayat
ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa manunulat.
3. Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng malinaw na kasagutan o tugon
sa para sa mga mambabasa.
4. Metodolohiya - Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.
5. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.
6. Konklusyon.- Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan ng
pala- isipan kaugnay sa paksa.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak:

1.Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng


mgadetalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel ; ibig
sabihin,hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag
aaral o sulatin.
2.Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito
nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
3.Gumamit ng mga simple ,malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy
sa pagsulat nito.
4.Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.
5.Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan
ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral ng ginawa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


Ang Abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat
ngunit kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.Kaya naman,
nakapahalagang maging maingat sa pagsulat nito.

2
Narito ang mga hakbang na maaaring gamitin sa pagsulat ng Abstrak:

1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng Abstrak.


2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksyon ,kaugnay na literatura, metodolohiya resulta at kongklusyon.
3. Buuin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng
sulatin.Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel .
4. Iwasang maglagay ng ilustrasyon, graph, table at iba pa. Maliban na lamang kung sagyang
kinakailangan .
5. Basahing muli ang ginawang Abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang kaisipang
dapat isama rito mabuti ang abstrak.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK


Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in Psychology

Abstrak

PAGSULAT NG SINOPSIS/ PAGBUBUOD

Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa
tekstong naratibo tulad ng kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula, pelikula,
video,pangyayari ,at talumpati iba pang anyo ng panitikan. Ito ay maaaring buuin ng isang
talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Maaaring 1/3 ng pahina lamang ng
buong nabasang teksto o mas maikli pa nito ang sinopsis o buod. Sa pagsulat nito,
mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. Ang
pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa
diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang gagamitin.
Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng
pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring lantad na makikita sa
akda o minsan naman, ito ay di-tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang
kabuoan nito. Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot
sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong na ito, magiging madali ang pagsulat ng buod. Sa pagsulat ng sinopsis o
buod ,mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung anong akda ang iyong ginawan ng
buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat at pinanggalingan ng akda .Makatutulong ito
upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipang iyong inilahad ay hindi galing

3
sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong nabasa. Iwasan din ang magbigay ng iyong
sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda at kailangang maging obhetibo sa pagsulat nito.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod


1. Gumamit ng ikatlong panauhang panghalip na (isahan o maramihan) sa pagsulat nito.
2. Isulat ito batay sa tono ng pagkasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming
naghahari sa akda ay malungkot ,dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang
mga gampanin at mga suliranin kanilang kinakaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay ( gayunpaman,kung gayon,
samakatuwid,gayundin, sa kabilang daku ,bilang kongklusyon) sa paghabi ng mga pangyayari
sa kwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis ay ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang
talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay,at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal
na sipi ng akda.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis:

1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong
kaisipan o paksa ng diwa nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa,magtala kung maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang
isinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal na pagkakasunod-sunod. Laging sa
pangkasalukuyan ang gamit ng pandiwa. Gamitan din ng malaking titik ang pangalan ng
karakter sa unang pagbanggit nito.Tiyakin ang pananaw o punto de vista kung sino ang
nagkukwento.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang
kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinusulat na buod.

Narito ang halimbawa ng sinopsis o lagom:

Ang Alamat ng Ko So Thah


ni : Joaquin Sy

May isang bundok sa Tsina na pinangalanang Bundok ng Pao Kai. Naninirahan sa paanan
niyon si HAI SENG at kanyang asawa at kapatid. Bagamat mahirap,may paggalang at
pagmamahal sila sa isa’t isa kung kaya’t kuntento at masaya silang namumuhay.Ngunit heto’t
dumating ang matinding tagtuyot hindi lamang sa bukirin kundi pati sa karagatan. “Wari’y bigla
ring naglaho ang isda sa dagat!” Dahil sa pag- aalala sa kanilang kahihinatnan, matatag ang
pagpapasya ni Hai Seng na humanap ng ikabubuhay sa ibayong dagat. Sumakay siya
bangkang may layag.Humayo siya habang hinahatid ng tanaw ang maghipag. Narating niya
ang isang napakalayong pulo ngunit tila mailap ang kapalaran. Ilang taon na siyang namalagi
roon kahit nangungulila sa asawa at kapatid.
Nasasabik at naiinip ang maghipag sa tagal ng panahong hindi bumalik si Hai Seng.
Umakyat sila sa tuktok ng bundok para maghintay . Araw-araw nila itong gagawin.Sa bawat
akyat nila, may dala silang mga batong isinasalansan nila pataas para lalo nilang matanaw ang
kalawakan ng karagatan pero wala pa rin ang hinihintay,kaya’ t sumulat ng liham ang asawa sa
pamamagitan ng dugong dumaloy sa kinagat na daliri. Ikinabit ang liham sa isang ginawang
saranggola at ipinailanlang ito sa kalawakan upang tangayin ng hangin. Sa ibayong dagat,
nakita ng Hai Seng ang saranggola habang nangungulila itong nakatanaw sa dalampasigan.
Nagpasya itong umuwi sakay ng bangkang may layag na gawa ng mga kasamahan sa
pulo.Laking tuwa niya nang matanaw ang tuktok ng bundok at makita ang asawa at hipag.
Nagkawayan sila ngunit biglang sinalpok ng malaking alon ang kanyang sinasakyan at
tinangay siya ng alon. Nakita ito ng maghipag. Agad silang bumaba ng bundok at tinangka
siyang sagipin ngunit pati sila’y nilamon ng mabagsik na karagatan.Nalungkot ang buong
nayon. Dahil dito , nagtayo sila ng pagoda sa salansan ng mga bato sa tuktok ng bundok.
Tinatawag nila ito ngayong Pagoda ng Maghipag o Ko So Thah.

4
PAGSULAT NG BIONOTE

Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal
profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag sa Ingles na
autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng isang tao o biography. Parang
ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito. Ayon kay Duenas at
Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences, ang bionote ay tala sa
buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay
makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa.
Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga ito
upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang madalas na
mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social network o digital
communication sites. Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa
pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng
mga nagawa o ginagawa sa buhay.

Mga Dapat tandaan sa Pagsulat ng Bionote:

1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume,
kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking
site, sikaping maisulat ito sa loob ng lima (5) hanggang anim (6) na
pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol
sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong
mga tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang ang dalawa (2) o
tatlong (3) na pinakamahalaga.
3.Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang
pagkakasulat nito.
4.Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang
madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa
iba sa maikli at tuwirang paraan.
5.May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili
wili ito sa mga babasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandaan na ito ang
mismong maglalarawan kung ano at sino ka.
6.Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring
ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at
kaayusan nito.

Tunghayan ang isang halimbawa ng Bionote hinggil sa buhay ni Gng. Alma Dayag, koordineytor
at may-akda ng aklat “Pinagyamang Pluma”

5
Pansinin: Nilalaman ng bionote ni Alma M. Dayag ang mga sumusunod:

Pangalan ng may-akda , kursong natapos (graduate at post-graduate) ,karangalang makamit,


trabaho bilang guro, mga tungkulin sa paaralan, mga kumperensyang
nadaluhan,kontibyutor ,angkop na kasanayan , akreditor , manunulat at iba pa.

Katangian ng Bionote:

1. Maikli ang nilalaman -Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang
mahahalagang impormasyon.
2. Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw – Tandaan ,laging gumagamit ng
pangatlong panauhang pananaw kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.

Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya ay


kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan.

3. Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market - kailangang isaalang-alang ang
mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng
paaralan, kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.
4. Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong
sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian - mamili lamang ng mga
kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng bionote.

Halimbawa: “Si Pedro ay guro, manunulat , negosyante ,environmentalist at chef”. Kung ibig
pumasok bilang guro sa panitikan , halimbawa hindi na Kailangan banggitin sa bionote ang
pagiging negosyante at chef.

6. Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan - Kung may PhD


halimbawa at nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa
Cagayan,mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon – Walang masama kung
paminsan-minsan ay magbubuhat ka ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang
matanggap sa inaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan. Siguruhin lamang na tama o
totoo ang impormasyon.

Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom

Isa sa mga dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuong isang
paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuuang kaisipang nakapaloob
sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog ang mga kasanayang
maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ngisang teksto ay marami pang ibang kasanayan
ang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng paglalagom.

Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga


akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal,lektyur,at mga report. Ito ay
kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng akdang
akademiko o ulat.

Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa
tekstong naratibo tulad ng kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula, pelikula,
video,pangyayari ,at talumpati iba pang anyo ng panitikan. Ito ay maaaring buuin ng isang
talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Maaaring 1/3 ng pahina lamang ng
buong nabasang teksto o mas maikli pa nito ang sinopsis o buod. Sa pagsulat nito,
mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. Ang
pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa
diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang gagamitin.
Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng

6
pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring lantad na makikita sa
akda o minsan naman, ito ay di tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang
kabuoan nito. Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot
sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong na ito, magiging madali ang pagsulat ng buod. Sa pagsulat ng sinopsis o
buod ,mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung anong akda ang iyong ginawan ng
buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat , at pinanggalingan ng akda . Makatutulong
ito upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipang iyong inilahad ay hindi
galing sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong nabasa. Iwasan din ang magbigay ng
iyong sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda at kailangang maging obhetibo sa
pagsulat nito.

Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng


personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o
tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng isang
tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga
ito.

Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health
Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang 30
academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga
sulating papel, websites, at iba pa.

Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya


ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang madalas
na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social network o digital
communication sites. Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa
pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng
mga nagawa o ginagawa sa buhay.

Suriin
Basahin ang mga sumusunod at tukuyin kung tama ang mga pahayag na nilalahad. Lagyan ng
kung tama. Kung mali, ibahin ang salitang may salungguhit para ito ay magiging tama.

_____1. Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng
personal profile ng isang tao.
_____2. Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal,lektyur,at mga report. Ito ay
kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.
_____3. Ang sentisis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang
nasa tekstong naratibo tulad ng kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula,pelikula,
video,pangyayari ,at talumpati iba pang anyo ng panitikan.
_____4. Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng Bionote.
_____5. Sa introduksyon o Panimula , dito nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin,
mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa
manunulat.

7
Pagyamanin

Basahin ang abstrak at suriin ito. Isulat sa kahon sa ibaba ang mga nararapat na mga pahayag
na hinihingi. (Tignan ang halimbawa ng Abstrak sa mga nakaraang mga pahina.)

Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-Aaral sa Ikaapat na Taon

Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa
ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa
pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga
sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at
ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na
mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa
pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating
impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa
pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na
pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang
“Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang
pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay
ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag- aaral na may taglay na husay o kasanayan sa
pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit
sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan,
tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.

http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html

8
Sagutin ang katanungan. IIimit ang sagot sa 3 hanggang 5 pangungusap lamang.

1. Bakit kailangang basahin o panoorin ang buong seleksyon ,akda o pelikula bago ka sumulat
ng buod ?

Isaisip

Kapanayamin /interbyuhin mo ang isang taong iyong hinahangaan, maaring iyong nanay, tatay,
ate, kuya, lolo o lola, maaring ring iyong tito o tita (Hindi pwedeng guro sapagkat maraming
ginagawa ang mga guro ngayon) tungkol sa kanyang Bionote. Maghanda ng 10 hanggang
mga makabuluhang tanong na may kaugnayan sa kanyang propesyon. Sundin ang mga
pamantayan wastong pakikipanayam at sa wastong pagsulat ng bionote. SIGURUHING
HUMINGI KA NGA TAMANG PAHINTULOT NG TAONG IYONG IINTERBYUHIN. MAGING
MAGALANG SA PAGHINGI NG PAHINTULOT AT SA PAKIKIPANAYAM.

Tayahin

Basahin at sagutin, isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang


unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.
A.Abstrak C.Bionote
B.Sinopsis D.Lagom

2. Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas ay


makikita o mababasa sa mga 30akita30 , aklat , abstrak ng mga sulating papel websites
at iba pa .
A.Abstrak C.Bionote
B.Sinopsis D.Lagom

3. Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling
salita.
A.Abstrak C.Bionote
B.Sinopsis D.Lagom

4. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.


A.Metodolohiya C. Panimula
B.Delimitasyon D. kongklusyon

5 . Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo
tulad ng kwento, salaysay ,nobela,dula,parabula at iba pa.
A.Abstrak C.Bionote
B.Sinopsis D.Lagom

9
6. Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A.gamit C.kahulugan
B.layunin D.Kalikasan

7. Ang salitang ito ay gamitin upang madaling maunawaan at makamit ang totoong layunin nito
na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga C.payak
B. tayutay D.idyoma

8. Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang
inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A. baligtad na tatsulok C. bilog
B. tatsulok D.kwadrado

9. Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at unang
nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian C.tirahan
B.natapos D.pangalan

10. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian C.pamagat
B. akda D. may-akda

Karagdagang Gawain
Gawin ang mga sumusunod:

A. Pumili ng isang kwento, salaysay, nobela, dula, parabula, pelikula, video, pangyayari o
talumpati at gawan ito ng sinopsis. Gawin ito gamit ang 2 talata lamang. (8-10
pangungusap sa isang talata)
B. Ipagpalagay natin na ikaw ay isa propesyonal na sa iyong napiling larangan, gawan ng
Bionote ang iyong sarili.

Mga Sanggunian:

Aklat
Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan
(Akademik )Phoenix Publishing 2016
Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book
Store 2016 Edition
Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc.
2016
Corazon L. Santos ,PhD et.al Filipino sa Piling Larang (Akademik)Kagamitan ng
Mag-aaral Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Republika ng
Pilipinas
DepEd CDO SHARED Options Learning Activities

Internet Sites
https://www.youtube.com/watch?v=6eSvZR23G7I
https://www.youtube.com/watch?v=3rDFyzUMZs0
https://www.youtube.com/watch?v=3THuUnF2LCY
https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas+15%3A11-32&version=SND;FSV
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus
factstl.aspxhttp://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng
abstrak.html

Journal- LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol.2 NO.2

You might also like