You are on page 1of 5

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK

 Bilang wikang pambansa, ang Wikang Filipino ay hindi lamang wika ng komunikasyon ng iba’t
ibang sektor sa lipunang Pilipino.

• Ang Wikang Filipino ay wika ng kaalaman at wika ng produksyon ng kaalaman

• Kapag nasa wikang Filipino ang pagdukal at pagdiskurso ng iba’t ibang akademikong
disiplina,

• mas nailalapat ito sa pagkatao, karanasan at kalinangan ng mga Pilipino.

• Lubog sa proseso ng pananaliksik

PAGSULAT ng IBA’T IBANG LAGOM ( abstrak, sinopsis, buod, bionote)

LAGOM- Ito ang pinakasimple o pinaikling bersyon ng isang prosa o berso.

Mga Intelektwal at praktikal na Gamit ng Lagom

1. Nasasanay na maging intelihenteng mambabasa

2. Nasasanay sa mahusay at masuring pagsulat at pakikinig.

3. Napalalawak ang bokabularyo at paggawa ng tiyak, aayos na pangungusap.

4. Nakakapagtipid ng oras at pagod sa pagbasa.

Mga Uri ng Lagom

1. Abstrak

2. Sinopsis

3. bionote

Abstrak

• mula sa Latin na abstracum

 Ito ay maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang introduksyon.

 Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong


papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report.
 Pinaikling deskripsyon o pinakabuod ng isang pahayag o sulating akademiko.

 Sa mga sulating pampanitikan maaaring ito ay bahagi ng isang buo at mahabang


sulatin, aklat, diyalogo, sanaysay, pelikula at iba pa na hinahango ang bahagi upang
bigyang diin ang pahayag o gamitin bilang sipi.

 Sa usaping pananaliksik (thesis o research), ang abstrak ay maikling paglalahad ng


kabuuan ng isang pag-aaral o pananaliksik. Nilalaman nito ang maikling panimula,
layunin ng pag-aaral, pamamaraang ginamit, kinalabasan at konklusyon ng
pananaliksik. Kalimitang hindi ito lalagpas sa 300 salita

 Sa sulating pampanitikan, ito ay pinaikling deskripsyon ng nilalaman ng isang sulatin.


Maaaring ito ay bahagi ng isang buo at mahabang sulatin, aklat, diyalogo, sanaysay,
pelikula at iba pa. Minsan ay makikita rito ang mahahalagang bahagi ng buong
nilalaman upang bigyang diin

 Ang isang abstrak na sulatin ay naghahangad na maghanap ng solusyon para sa isang


suliranin. Ito ay ang buod ng isang pananaliksik. Tinutukoy dito ang suliranin, ang mga
napagpilian solusyon, kung paano isinagawa ang experimento, kung paano sinuri ang
mga resulta, at ano ang kabuuang resulta ng pananaliksik.

 Ito ang siksik na bersyon ng mismong papel

 Ipinaaalam nito sa mga mambabasa ang paksa at kung ano ang inaasahan nila sa
pagbabasa ng isinulat na artikulo o ulat.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


1. Basahing muli ang buong papel o teksto. Habang nagbabasa , hanapin ang mga bahaging ito;

 layunin
 Pamamaraan
 Sakop
 Resulta
 Konklusyon
 Rekomendasyon

2. Isulat ang unang draft ng papel. Huwag kopyahin ang mga pangungusap at ilahad ang
mga impormasyongamit ang sariling salita.
3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa organisasyon at
ugnayan ng mga salita o pangungusap a. iwasto ang maling grammar
4. Iproofread ang pinal na kopya

Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak


1. Binubuo ng 200-300 salita
2. Gumagamit ng simpleng pangungusap na nakatatayo sa sarili nito bilang isang yunit ng
impormasyon
3. Kompleto ang mga bahagi
4. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel
5. Nauunawaan ng pangkala-hatan at ng target ng mambabasa

Dalawang uri ng Abstrak


1. Deskriptibo
2. Impormatibo

Sinopsis/Buod
• Ito ay mas kilala bilang buod…..ng mga nobela, kuwento, awit , korido atbp.

• Pinapababa nito ang isang mataas na kuwento/ tula


 Ipinapakita ang mga pinakaimportanteng pangyayari sa isang kuwento kung saan
pinaikli upang mas maunawaan
 Ito ang ubod(sustansya) na kalooban ng isang bagay na nagbibigay-katiyakan dito.

Bionote
• Ito ay impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka o ano-
ano ang mga nagawa mo bilang propesyonal
• Inilalahad dito ang iba pang impormasyon tungkol sa’yo na may kaugnayan sa paksang
tinatalakay sa papel.
• Isang maikling imporma-tibong sulatin ( karaniwang isang talata lamang) na
naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang indibidwal at ng kanyang kredibilidad
bilang propesyonal
Iba ito sa;
 autobiography/talambuhay dahil maikli at siksik sa laman ang bionote samantalang
ang una ay detalyado.
 Biodata- hinihingi ang mga personal na impormasyon tulad ng pangalan,araw ng
kapanganakan, kasarian, edad , tangkad atbp.
 Curriculum Vitae- natamong edukasyon, nakaraang trabaho, mga kasanayan,
nilahukang seminar o kumperensya atbp.

BIONOTE
• Itinatanghal dito ang kanyang mga natamo na nagsasabing siya ay maalam at may
awtoridad sa larangang kinabibilangan niya. Dito nakasalalay kung ano ang gustong
malaman ng mambabasa tungkol sa kanya.
• Inilalahad dito ang mga impormasyon tungkol sa iyo na may kaugnayan sa paksang
tinatalakay sa papel, sa trabahong ibig pasukan, o nilalaman ng iyong blog o website
• Nakasulat gamit ang punto de bistang pangatlong panauhan

Kahalagahan ng Pagsulat ng Bionote


 Ipaalam sa iba na hindi lamang ang ating karakter kundi maging ang ating kredebilidad
sa larangang kinabibilangan. Ito ang paraan ng pagpapakilala ang sarili sa mga
mambabasa. ( hindi tatangkilikin ng mga paaralan ang isang batayang aklat sa
accountancy kung makikita sa author’s profile na wala naman talagang background
ang awtor sa LARANGANG ITO)

Mga Katangian ng Mahusay na Bionote


1. Maikli ang nilalaman
2. Kinikilala ang mambabasa
3. Gumagamit ng baligtad na tatsulok
4. Gumamit ng pangatlong panauhang pananaw kahit na sa sarili.
5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
Halimbawa:
Si Pedro ay manunulat/guro/ negosyante/ environmentalist chef
( kung ibig pumasok bilang guro , hindi na kailangang banggitin ang pagiging
negosyante.)
6. Binabanggit ang degree kung kailangan
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon

You might also like