You are on page 1of 15

FILIPINO SA

PILING LARANG
(AKADEMIK)
4 NA LARAWAN ISANG SALITA

PAGSULAT

TASPUGAL
PAGBABASA :

“Makrong
Kasanayan sa
Pagsulat”
ANO NGA BA
ANG
PAGSULAT?
Ang pagsulat ay artikulasyon ng
mga ideya, konsepto, paniniwala
at nararamdaman na
ipinahahayag sa paraang pasulat,
limbag at elektroniko (sa
kompyuter).
May tatlong paraan at ayos ng pagsulat tulad ng:
(1) pasulat o sulatkamay na kasama rito ang liham,
tala ng leksyon sa klase, talaarawan at iba pa;
(2) limbag tulad ng nababasa sa jornal, magasin,
aklat, ensayklopidya; at
(3) elektroniko na ginagamit sa pagsulat ng liham o
kaya’y magsulat/magmakinilya sa kompyuter ng
mga artikula, balita, dokumento, pananaliksik na
ginagawa at iba pa.
• Ayon kina Xing at Jin: “ang pagsulat ay
isang komprehensibong kakayahan na
naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan,
pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang
mga elemento.”

• Sinabi ni Badayos: “ang kakayahan sa


pagsulat nang mabisa ay isang bagay na
totoong mailap para sa nakararami sa atin
maging ito'y pagsulat sa unang wika o
pangalawang wika man.”
• Ayon kay Keller: “ang pagsulat ay
isang biyaya, isang pangangailangan
at isang kaligayahan ng nagsasagawa
nito.”
• Ayon kay Donald Murray: “Writing is rewriting”.
Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat –
“A good writer is wasteful”. Metapora ni Murray:
He saws and shapes and cuts away, discarding
wood… The writer cannot build a good strong piece
of writing unless he has gathered an abundance of
fine raw materials.
• Ayon kay Donald Murray: “ang pagsulat ay isang
eksplorasyon- pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma
at ang manunulat ay gumagwa nang pabalik- balik
nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat
panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang
isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang
mahusay.”

• Ang paglalarawan naman nina Peck at


Buckingham sa pagsulat: “Ang pasulat ay
ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng
isang tao mula sa kanyang
pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”
PANGKATANG GAWAIN:
• Magbabahagi ang bawat miyembro ng pangkat ng kanilang
ideya tungkol sa kahulugan ng pagsulat at itatala ng bawat
miyembro ng pangkat ng mga impormasyong makukuha nila
sa mula sa pagbabahagi ng mga kapangkat / kapangkat.
• Bubuo ang bawat pangkat ng sintesis hinggil sa kahulugan at
katuturan ng Pagsulat.
• Pipili ng magiging tagapag-ulat ang pangkat na magbabahagi
ng kanilang napag-usapan tungkol sa kahulugan at katuturan
ng Pagsulat.
PAGSUSULIT #1:
Panuto: Sagutin ang tanong sa
inyong ¼ na papel.

•Ano ang akademikong


pagsulat? (10 puntos)
TAKDANG ARALIN:

• Humanap, basahin, at magdala ng tig-iisang


halimbawa ng akademikong artikulo (pumunta sa
http://www.philjol.info/philjol/index.php), na
nakasulat sa wikang Filipino. Maaari kayong kumuha
sa Internet o sa mga limbag na journal hinggil sa isang
paksang interesante para sa inyo.
EDITORYAL - Huwag patayin ang wikang
Filipino
(Pilipino Star Ngayon) 
 May 31, 2019 - 12:00am
EDITORYAL - Huwag patayin ang wikang Filipino
(Pilipino Star Ngayon) 
May 31, 2019 - 12:00am

NAKALULUNGKOT ang nangyayari ngayon na tuluyan nang aalisin ang Filipino at Panitikan­
bilang mga subjects sa kolehiyo. Base ito sa memo­randum ng Commission on Higher
Education (CHEd) at sinang-ayunan naman ng Supreme Court. Ayon sa SC, pinal na ang
desisyon at wala nang paghahabol pang maaaring gawin ukol dito sapagkat hindi na nila
pakikinggan. Nag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang SC noon pang 2015
makaraang isulong ng CHEd ang pag-aalis sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Ayon sa
argumento ng CHEd, nararapat na sa senior high school na lamang ituro ang mga nabanggit
na subjects.

Noon pa, nasasalamin nang “anti-Filipino” ang CHEd sapagkat kung alin pa itong sariling wika
na dapat palaganapin at payabungin pa ang kanilang pinatay. Noon pang 2013 isinulong ng
CHEd ang pag-aalis sa Filipino at Pantikan na lubhang nakapagtataka kung bakit ganito sila
kasigasig. Tama na raw sa senior high school o K12 ituro ang mga subjects. Sobra-sobra na
raw ang pag-aaral ng Filipino. E ano naman kung ituro uli ito sa kolehiyo. May masasayang
ba kung muling pag-aralan ang Filipino at Panitikan?
EDITORYAL - Huwag patayin ang wikang Filipino
(Pilipino Star Ngayon) 
May 31, 2019 - 12:00am

Marami sa mga Pilipino ang hindi pa ganap na bihasa sa pagsulat sa wikang sarili. Marami pa
ring nagkakamali sa paggawa ng simpleng pangu­ngusap. Maraming salat sa tamang baybay.
Kaya paano sasabihing sobra-sobra na ang pag-aaral ng Filipino kaya hindi na ito dapat pang
ituro sa kolehiyo?
Kabilang sa mga “pinatay” sa pag-aalis ng Fili­pino at Panitikan ay ang mga guro at propesor
sa mga nasabing subjects. Ganundin ang mga kumu­kuha ng kursong nagme-major sa Filipino.
Saan sila pupulutin ngayon? Dahil sa pagiging “anti-Fili­pino” ng CHEd, maraming apektado.

Sana, may mga unibersidad at kolehiyo na huwag agad-agad buwagin ang kanilang Filipino
Department. Hindi naman at umayon ang SC, malaya pa rin ang bawat unibersidad at kolehiyo
na magpatupad sa pagtuturo ng wikang sarili. Sila pa rin ang masusunod ukol dito. Sana,
maraming unibersidad ang manindigan at itaguyod ang mga subject na Filipino at Panitikan.

You might also like