You are on page 1of 23

Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Pilipino


( Modyul 6 : Tungkulin ng Wika sa
Lipunan)
PANALANGI
N...
dyul 6 : Tungkulin ng Wika sa Lipunan
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs
1. Naipaliliwanag ang tungkulin ng wika
sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-ld-87); at

2. Nakapagsasaliksik ng mga
halimbawang sitwasyon na nagpapakita
ng tungkulin ng wika sa lipunan.
(F11EP-le-31)
Alam mo bang…
Ginagamit ng tao ang wika upang magpahayag at
imanipuleyt ang mga bagay sa kanilang
kapaligiran?
Ang wika ng tao ay kakaiba kung ihahambing
sa ibang anyo ng komunikasyon tulad nga ng
sa hayop.
Kakaiba rin ang wika ng tao dahil sa komplikado
nitong estruktura na nagebolb upang matugunan
ang higit na malawak sa tungkulin kaysa iba pang
anyo ng sistemang pangkomunikasyon.
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
A. Interaksyonal
Interaksyonal ang tungkulin ng
wikang ginagamit ng tao sa
Hello! Hi!
…. pagpapanatili at pagpapatatag ng
….
relasyong sosyal sa kapwa tao
katulad ng pagbati sa iba’t ibang
okasyon, panunukso at pagbibiroan
ng magkakaibigan, pag-iimbita,
pasasalamat, pagpapalitan ng kuro-
kuro tungkol sa isang partikular na
isyu. ‘Di nga kasi, ang tao ay
nilikhang panlipunan (social beings,
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
A. Interaksyonal
Sa madaling sabi, nagbubukas ito ng
interaksiyon o humuhubog ng
Hello! Hi!
….
panlipunang ugnayan.
…. Nakapagpapanatili, nakapagtatatag
ng relasyong sosyal .
Halimbawa:
o “Magandang umaga” “Hi /Hello”
o “Dumalo kayo sa aming kasal” “Salamat
Doc”
o “Maligayang kaarawan” “Kain na po.”
o “Kumusta po ang lakad niyo?”, “Tuloy po
kayo.”
o “Naninigas na ako sa papuri mo.” “Mahal
Kita
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
A. Interaksyonal Sa pasulat na paraan, pinakamahusay na
halimbawa nito ang lihampangkaibigan.
Ang pakikipag-chat sa mga kaibigang nasa
malalayong lugar o sa isang bagong
kakilala ay maihahanay rin sa ilalim ng
Paggamit
tungkulingng ito.mga salitang pang-teenager,
liham-pangkaibigan, lenggwahe ng mga
LGBTQIA, propesyunal jargon, palitang
ritwalistik, at dayalektongrehiyonal.

Sa pasalitang paraan, pinakamahusay na


halimbawa nito ang mga pormularyong
panlipunan.
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
B. Instrumental Instrumental ang tungkulin ng
wikang ginagamit sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan.
Layunin nitong makipagtalastasan
para tumugon sa pangangailangan ng
tagapagsalita.
Ginagamit ito sa pakikiuusap o pag-
uutos. Ginagamit ang wika para tukuyin
ang mga preperensya, kagustuhan, at
pagpapasya ng tagapagsalita. Para sa
paglutas ng problema, pangangalap ng
materyal, pagsasadula, at panghihikayat.
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
B. Instrumental Magagamit ang wika sa
pangangaral, berbal na
pagpapahayag, pagmumungkahi,
paghingi, pag-uutos, pakikiusap,
liham pangangalakal at pagpapakita
ng mga patalastas tungkol sa isang
Halimbawa:
produkto.
Ang paggawa ng mga liham-pangangalakal
(business letters) ay isang mahusay na
halimbawa ng pamamaraan upang matugunan
ang ating iba’t ibang pangangailangan.
Halimbawa kung kailangan mo ng trabaho,
kailangan mong gumawa ng application letter,
bukod sa iba pang requirements.
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
B. Instrumental
IBA PANG HALIMBAWA

Adrian: Nais ko sanang


maipadama sa iyo kung gaano
kita kamahal.

Jennifer: Ganoon ba?


Sige walang problema.

• Maaari bang igalang natin ang pasya ng


ating pangulo?
• Magpakatatag tayo upang hindi tayo
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
C. Regulatori Regulatori ang tungkulin ng wikang
ginagamit sa pagkontrol o paggabay
sa kilos o asal ng ibang tao. Sa
madaling sabi, ito ang pagsasabi kung
ano ang dapat o hindi dapat gawin.
May kakayahang makaimpluwensya
at magkontrol sa pag-uugali ng iba.
Maaring gamitin ang regulatori sa
pagbibigay ng panuto, batas at
pagtuturo. Ginagamit ito upang
manghikayat, pagkontrol o paggabay
sa kilos at asal ng iba.
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
C. Regulatori
Kabilang dito ang pagbibigay ng
mga patakaran o palisi at mga gabay
o panuntunan, pag-aaproba at/o di-
pagpapatibay, pagbibigay ng
pahintulot at /o pagbabawal, pagpuri
at /o pambabatikos, pagsang-ayon at
o/ di-pagsang- ayon, pagbibigay
paalala, babala at pagbibigay
panuto.
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
C. Regulatori
Halimbawa
Pinakamahuhusay na halimbawa nito ang pagbibigay ng
direksyon, paalala o babala. Ang mga panuto sa pagsusulit
at mga nakapaskil na do’s and don’ts kung saan-saan ay
nasa ilalim ng tungkuling ito.
• Bawal magtapon ng basura rito
• Magsuot ng facemask
• Bawal lumabas ang may edad na 60 pataas
• Ugaliing maghugas ng kamay
• Iwasan ang makipagdaldalan sa katabi.
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
D. HEURISTIK
Ginagamit ito ng tao upang matuto
at magtamo ng mga tiyak na
kaalaman tungkol sa mundo, sa
mga akademiko at /o propesyunal
na sitwasyon.
Ito ay pagbibigay o paghahanap ng
kaalaman.
Heuristik ang tungkulin ng wika na
ginagamit sa paghahanap o
paghingi ng impormasyon.
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
D. HEURISTIK
Halimbawa:
Pagtatanong, pakikipagtalo, pagbibigay-
depinisyon, panunuri, pakikipanayam,
sarbey at pananaliksik, pakikinig sa radyo,
panonood ng telebisyon, pagbabasa ng
pahayagan, magasin, blog at mga aklat kung
saan nakakukuha tayo ng impormasyon.

• “Anong nangyari?”, “Bakit mo ginawa


iyon?”
• “Paano nabuo ang Solar System?”
• “May halaga ba ako sa iyo?”
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
E. PERSONAL Personal naman ang tungkulin ng wikang
ginagamit sa pagpapahayag ng sariling
damdamin ng isang indibidwal.

Paglalahad ng sariling opinyon at kuro-


kuro sa paksang pinag-uusapan.

Nasa anyo ito ng iba’t ibang pangungusap


na padamdam, pagmumura, paghingi ng
paumanhin, pagpapahayag ng
pansariling damdamin (tuwa, galit, gulat,
hinanakit, pag-asa, kagustuhan) at iba
pang pansariling pahayag.)
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
E. PERSONAL

Layunin nitong palakasin ang


personalidad at pagkakilanlan ng
isang indibidwal. Nagpapahayag ng
personal na preperensiya, saloobin,
pagkakakilanlan, sariling
damdamin o opinyon
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
E. PERSONAL
Halimbawa:
• Pagsulat ng talaarawan at journal.
• Pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anomang anyo ng
panitikan. Sa mga talakayang pormal o impormal.
• Pagsulat ng liham sa patnugot at ng mga kolum o
komentaryo .
• Gheser: Talaga? Nanalo ako ng limang milyon sa lotto?
Yahoooooooo! Nhelo: Balato naman diyan!
• Ayon sa aking pananaw, ang pagsulong ng kapayapaan
sa bansa ay ang susi ng tagumpay sa hinaharap.
• Mas makabubuting sundin ang batas kaysa tuligsain
upang maiwasan ang pagsisisi sa huli.
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
F. Imahinatibo
Imahinatibo naman ang tungkulin ng
wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing paraan.
nagpapahayag ng imahinasyon at haraya,
maging mapaglaro sa gamit ng mga salita,
lumikha ng bagong kapaligiran o bagong
daigdig.
Gumagamit ng mga tayutay sa pagsulat ng
malikhaing komposisyon. Ang paglikha ng
pick-up lines ay mga halimbawa ng
pagpapakita ng malikhaing gamit ng wika
upang mapatalas ng isang ipinahihiwatig na
kahulugan at damdamin.
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
F. Imahinatibo
Ginagamit ito sa paglikha at
pagpapahayag ng malikhain, estetiko
o artistikong kaisipan. Kasama rito
ang berbal o kaya’y pasulat na pag-
awit, pagtula, pagkukuwento,
deklamasyon, akdang pampanitikan
at iba pang gawaing ginagamit “ang
Gamitin
wika paraang tungkuling ito sa mga
sa wika”.
akdang pampanitikan tulad ng tula,
nobela at maikling katha.
KULIN NG WIKA SA LIPUNAN
F. Imahinatibo
Halimbawa:
• Paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag
at simbolismo.
• Shimy: Christian, kung sakaling may
makilala kang genie, ano ang hihilingin mo
sa kaniya?
Christian: Siyempre, ang makalipad tulad
ng isang ibon para makapaglakbay ako sa
paraang gusto ko at makita ang buong mundo.
• “Password ka ba? – “Bakit?” Di kasi kita
Magaling! Binabati kita sa matiyaga
mong pagsama sa pagtalakay sa mga
aralin. Alam kong nakapapagod
maglakbay ngunit sulit naman dahil
matagumpay mong natutuhan ang mga
dapat mong malaman sa tungkulin ng
wika sa lipunan.

You might also like