You are on page 1of 5

FILIPINO 11

Filipino sa Piling Larang (Akademik)


ACTIVITY SHEET – Week6

Pangalan:_________________ Baitang: 11
MELC: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin
CS_FA11/12PU-0d-f-93

Paksa: Pagsulat ng Akademikong Sulatin: Bionote


ALAMIN
Sa aralin ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga napiling akademikong
sulatin/larawang sanaysay.
2. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin/larawang sanaysay
3. Nailalahad ang kahulugan ng bionote at nakasusulat ng sariling bionote.

SUBUKIN

A. Panuto: Gumuhit ng isang bagay na sumisimbolo o maihahalintulad sa iyong sarili.


Ipaliwanag ang simbolong iginuhit. Isusulat ang sagot sa inyong kwaderno.

B. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno:
1. Bakit ito ang napili mong simbolo sa iyong sarili?
2. Sapat ba na makabuo ka ng isang talambuhay ng ibang tao gamit lamang ang basic information
niya? Ipaliwanag ang sagot.

BALIKAN
Balik-Tanaw
Panuto: Sagutin ang tanong upang malaman ang mga pinag-aralan sa naunang aralin.
1. Ano ang larawang sanaysay? _______________
2. Itala ang dalawang sangkap ng larawang sanysay:
_________________________
_______________________

TUKLASIN
BIONOTE
Nakasulat gamit ang punto de bistang pangatlong panauhan. Ang bionote ay impormatibong talata
na nagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka o ano-ano na ang mga nagawa mo bilang
propesyunal. Inilalahad din dito ang iba pang impormasyon tungkol sa iyo na may kaugnayan sa
paksang tinatalakay sa papel, sa trabahung ibig pasukan, o sa nilalaman ng iyong blog o web site.
Iba ang bionote sa talambuhay at autobiyograpiya. Ang bionote ay maikli at siksik, samantalang
mas detalyado at mas mahaba ang talambuhay at awtobiyograpiya. Isinasalaysay sa awtobiyograpiya
ang lahat ng tungkol sa may-
akda, sa buhay at karanasan nya, ang ipinakikilala naman sa biograpiya ay ang buhayng ibang tao.
Ayon kay Edmond Gosse, ang biyograpiya ay isang matapat napagpipinta sa kaluluwa ng tao batay sa
kanyang pakikipagsapalaran sa buhay.
Iba rin ang bionote sa biodata at curriculum vitae.

KAHALAGAHAN NG BIONOTE

1
Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam sa iba hindi lamang ang ating karakter kundi maging
ang ating kredibilidad sa larangang kinabibilangan. Ito ang paraan upang ipakilala ang sarili sa mga
mambabasa.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:


1. Maikli ang nilalaman -Karaniwang hindi binabasa ang mahabang bionote, lalo na kung hindi
naman talaga kahanga-hanga ang mga dagdag na impormasyon. Ibig sabihin, mas maikli ang bionote,
mas babasahin ito. Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang
impormasyon. Iwasan ang pagyayabang.
2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw - Tandaan, laging gumagamit ng pangatlong
panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
3. Kinikilala ang mambabasa - Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote.
Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng paaralan, kailangang hulmahin ang bionote
ayon sa kung ano ang hinahanap nila. Halimbawa na lamang ay kung ano ang klasipikasyon at
kredibilidad mo sa pagsulat ng batayang aklat.
4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok - Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,
unahin ang pinakamahalagang impormasyon. Ito ay dahil sa ugali ng maraming taong basahin lamang
ang unang bahagi ng sulatin. Kaya naman sa simula pa lamang ay isulat na ang pinakamahalagan
impormasyon.

5. Nakatuon lamang sa mga


angkop na kasanayan o katangaian -Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa
layunin ng iyong bionote. IWASAN ito: “Si Pedro ay guro/ manunulat/ negosyante/ environmentalist/
chef.” Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan, halimbawa, hindi na kailangan banggitin sa
bionote ang pagiging negosyante o chef.
6. Binabanggit ang degree kung kailangan - Kung may PhD sa antropolohiya, halimbawa, at
nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan, mahalagang isulat sa bionote ang
kredensyal na ito.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon - Walang masama kung paminsan-minsan ay
magbubuhat ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang matanggap sa inaaplayan o upang
ipakita sa iba ang kakayahan. Siguraduhin lamang na tama o totoo ang impormasyon. Huwag mag-
iimbento ng impormasyon para lamang bumango ang pangalan at makaungos sa kompetisyon. Hindi
ito etikal at maaaring mabahiran ang reputasyon dahil dito.

SURIIN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Gamit ang concept map, magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang nasa loob
ng bilog.

BIONOTE
ISAISIP
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang Bionote?
_____________________________________________________________________________
___________________________________________
2. Ano ang kahalagahan ng Bionote?
_____________________________________________________________________________
___________________________________________
3. Paano naiiba ang bionote sa awtobayograpiya at biograpiya?
___________________________________________________________________________
_____________________________________________

ISAGAWA
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Panuto: Humanap ng aklat sa tahanan at hanapin ang bionote sa bandang likuran ng aklat.
Suriin at isulat ang mga datos na nakuha at nalaman tungkol sa may akda.

PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang bawat pahayag. Kung mali ang pahayag, salungguhitan ang
salita at ilagay ang tamang sagot sa loob ng kahon. Kung tama ang pahayag isulat ang salitang tama sa
kahon.

1. Ayon kay Edmond Gosse, ang biyograpiya ay isang matapat


napagpipinta sa kaluluwa ng tao batay sa kanyang
pakikipagsapalaran sa buhay.
2. Ang bionote ay maaaring makita sa unahan ng aklat.
3. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng
bionote kahit na ito pa ay tungkol sa sarili..
4. Iba ang bionote sa bio-data at curriculum vitae.
5. Ang awtobiograpiya ay maiksi at siksik.

Pangwakas na Pagsusulit

3
Panuto: Sumulat ng sariling bionote. Gawing gabay ang mga katangiang inilista sa gawain sa
pagkatuto bilang 3.

Ang Aking Maikling Talambuhay


_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_

Pagninilay

Panuto: Punan ang mga kataga batay sa mga natutuhan sa aralin.

Aking natutuhan na ang bionote ay _______________________________


___________________________________________________________
Ito ay iba sa awtobiograpiya at biograpiya sapagkat __________________
___________________________________________________________
Upang makasulat ng bionote kinakailangang ________________________
____________________________________________________________

Sanggunian:

4
Bernardo, S.A. (Direktor). (2017). Kita Kita [Film]. Spring Films.

Gist. (n.d.). 7 Unusual Ways to Learn and Practice Public Speaking Online. Mula sa
https://getgist.com/learn-and-practice-public-speaking-online/

You might also like