You are on page 1of 5

Morales, Mark Jerico P.

STEM 12-02

PANAPOS NA GAWAIN
A. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung nagpapahayag ng katotohanan ang
pangungusap kung MALI naman ay isulat ang tamang sagot.

__TAMA__1. Ang larawang sanaysay ay gumagamit ng mga teknik sa pagsasalaysay


__TAMA__2. Ang larawang sanaysay ay koleksiyon ng mga larawang maingat na
inayos upang maglahad ng pagkakasunud-sunod na pangyayari, magpaliwanag ng
konsepto o magpahayag ng damdamin.
Malawak_3. Limitado ang paksa ng larawang sanaysay.

__TAMA__4. Kailangan na may kaisahan ang mga larawan sa larawang-sanaysay


_Kasama__5. Binubuo lamang ng larawan ang isang larawang sanaysay at hindi dapat
lagyan ng maikling teksto.
__TAMA___6. Isulat ang kasaysayan o background ng bawat larawan at ng iba pang
mahahalagang impormasyong hindi karaniwang makukuha sa pagtinging lamang.
__TAMA___7. Ang larawan at hindi salita ang naghahari sa isang larawang-sanaysay
__TAMA___8. Kronolohikal na pagkakasunud-sunod ang dapat na sinusunod sa
paggawa ng isang larawang- sanaysay.
Kailangan, mahalaga ito9. Hindi na kailangan na isaalang-alang kung sino ang
mambabasa hindi naman ito mahalaga sa isang larawang-sanaysay.
Hindi isang photo album10. Ang larawang sanaysay ay isang photo album.
B. Sa aking Palagay…
Sumulat ng larawang-sanaysay gamit ang larawan sa ibaba

Protesta Para Sa Kalayaan ng Mindanao

Hinahanda pa lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang mambabatas


and State of the Nation Address na ginaganap kada taon, maraming aktibista ang tumayo
at naglakad sa mainit na araw papunta sa Batasan. Iba’t-ibang grupo ng aktibista ang
naglakad simula ng elliptical road na umiikot sa Quezon City Memorial Circle papunta sa
Batasan Hills.

Madami sa mga isinisigaw at ipinapakita ng mga iba’t-ibang grupo ng aktibista ay


ang pagtanggal ng Martial Law sa Mindanao. Dahil hinabaan pa lalo ng Congress and
Martial Law sa Mindanao ng hanggang Disyembre 31 dahil daw matagal-tagal pa daw
matatapos ang problema sa lungsod ng Marawi.

Isinisigaw din ng madaming aktibista ang tungkol sa human rights sapagkat ng


nagsimula ang administrasyon ni Pangulong Duterte ay tumaas ang dami ng mga
namamtay dahil sa isyu na may kinalaman sa droga. Lahat ng aktibista ay nagkaroon ng
iba’t-ibang paraan para ipaabot sa mga nakakataas at umaasang ito’y marinig ni Pangulo
Rodrigo Duterte.
C. Kaya Natin ‘To!!

Ngayong panahon ng COVID19 Pandemic marami sa mga pamilyang Pilipino ang


dumaranas ng pagsubok ngunit nananatiling positibo na malalampasan din natin ito.
Kumuha ng 3 larawan na nagpapakita ng mga pamamaraang isinasagawa ng iyong
pamilya at lipunang Plipino upang malampasan at mapaglabanan ang mga hamong dala
ng Pandemya. Mula sa 3 larawan na iyon ay gumawa bawat isa ng larawang sanaysay,
isaalang-alang ang mga hakbang sa paggawa ng larawang- sanaysay.

Pagsusuot ng Face mask at Face Shield

Sa pandemya na patuloy na kumakalat


sa bansa hindi natin tiyak kung ang ating
pupuntahan ay ligtas o malinis. Lalo na
ang COVID-19 ito ay mabilis na
naipapasa kapag nagkaroon ng pisikal
na kontak sa mga parte ng ating mukha.
Kaya ang mga kinauukulan ay nagbigay
ng striktong paalala sa lahat ng mga tao
para masigurado ang kaligtasan ng ating
sarili at maiiwasan ang panghahawa ng iba. Sapagkat kahit ang ating pagubo ay maaring
makahawa ng ibang tao dahil sa mga maliliit na tubig na hindi natin sinasayang maibuga.
Kaya kinakailangan ang pagsusuot ng face mask at face shield para maprotektahan ang
mga parte ng ating mukha.
Pagsunod Sa Mga Patakaran

Nagbigay ng madaming patakaran


ang ating gobyerno at ito din ay
matinding binabantayan ng ating
lungsod at barangay para ito’y
masunod talaga ng nakakrami
sapagkat ginawa naman din itong
mga patakarang ito para sa
kaligtasan ng bawat isa. Isa sa
mga patakaran ay ang
pagkakaroon ng social distancing,
lagpas isang metro para
maiwasan ang pagpasa ng virus sa isa’t-isa. Kasama din dito ang patakaran na pagsuot
ng mask at face shield kahit saan magpunta o kaya kung papasok sa kahit anong
establishimento. Ipinagbabawal din ang paglabas ng mga batang nasa 17 pababa at mga
senior citizen na nasa edad 65 pataas, para mabawasan ang dami ng mga naglalakbay
na tao sa kalsada. Sa lungsod ng Valenzuela, gumawa sila ng sistema na kung saan
mapapadali ang COVID tracing gamit lamang ng ating mga cellphone. Tinatawag nila
itong ValTrace na kung saan kailangan bawat indibidwal na nakatira sa Valenzuela ay
may ValTrace at hindi sila makakapasok ng kahit anong establishimento kung wala silang
maipapakitang QR code sa pagpasok nila.
Pagpapanatili sa Kalinisan ng Sarili

Kahit hindi pa kumakalat ang


pandemyang ito sa ating bansa.
Palagi tayong pinapaalahanan ng
iba’t-ibang organisasyon lalo na ang
mga organisasyon na nagtratrabaho
para sa kalusugan ng bawat isa na
dapat na ugaliin natin na maging
malinis at masinop sa ating sarili.
Madalas pinapaalahanan tayo na
maghugas ng ating kamay, at
madalas ito ay tinuturo sa paaralan kung paano maghugas ng kamay sa tamang paraaan
para matanggal ang mga mikrobyo sa ating mga kamay. Kaya lalo nagkaroon ng
pandemya, dapat mas lalo tayo magingmalinis sa ating mga sarili, lalo na ang mga kamay
sapagkat hindi natin alam kung tiyak ba na malinis ang ating mga hinahawakan.
Panatilihin din na malinis ang ating mga tahanan at ugaliing mag-disinfect mga ating
pinamili sa labas para masigurado natin ang kaligtasan ng ating sarili at ng ating pamilya.

You might also like