You are on page 1of 12

Sining ng Paglalahad

Isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanang


ng isang bagay, pook, o ideya. (UP Diksiyonaryong
Pilipino (Binagong Edisyon, 2010))

Paglalahad Sa kanyang aklat na Filipino Pangkolehiyo:


Kasiningan, Kakayahan, at Kasanayan sa
Komunikasyon. “sa Ingles, ang paglalahad ay
tinatawag na expository writing. Madalas Makita
ang anyong ito sa pagtalakay sa karaniwan
nating binabasa araw-araw.(Jose Arrogante,
2000)
Elemento ng epektibong paglalahad (Sining ng
Pakikipagtalastasan, KAGAWARAN NG FILIPINO (TUP, MANILA))

1. Sapat na kaalaman na impormasyon sa paksang tinatalakay.


2. Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan.
3. Malinaw at maayos na pagpapahayag.
4. Paggamit ng larawan, balangkas at iba pang pantulong upang madali
ang pag – unawa sa ipinapaliwanag.
5. Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng anumang bagay na nasasaklaw
ng tao.a
Ayon kay Alejandro G. Abadilla
Ang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan
ng isang sanay sa pagsasalaysay. Isang akdang pampanitikang
nasa anyong paglalahad.

Katangian ng Sanaysay
1. Pagpapahayag ng may-akda sa kanyang sariling pananaw.
2. Pagiging malinaw, mabisa at kawili-wiling paglalahad.
3. Pagkakasunud-sunod ng mga ideya.
2 uri ng sanaysay
PORMAL - nagbibigay ng patalastas sa isang maayos at mariin at bunga ng isang maingat
na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa’y tinatawag itong
impersonal o siyentipiko sapagkat ito’y binabasa upang makakuha ng impormasyon.

IMPORMAL - tinatawag din itong pamilyar o personal, at nagbibigay-diin sa isang estilong


nagpapamalas ng katauhan ng may akda. Karaniwang may himig na parang nakikipag-usap o
nais magpakilala ng isang panuntunan sa buhay. Naglalarawan ng pakahulugan ng may –
akada sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagbubulay – bulay at naglalahad
ng kuro-kuro.
Natatanging uri ng sanaysay
1. Nagsasalaysay
2. Naglalarawan
3. Mapag –isip o praktikal
4. Kritikal o mapanuri
5. Didaktiko o nangangaral
6. Nagpapaalala
7. Editoryal
8. Makasiyentipiko
9. Sosyo-political
10.Sansaysay pangkalikasan
11.Sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan
12.MAPAGDILI-DILI o REPLEKTIBO
Anyo ng pagsasalaysay na mas maikli kompara sa
ibang anyo niyo tulad ng maikling kuwento at nobela.
Isang likas na katangiang ikinakatampok ng sanaysay

Sanaysay ay ang tahas na paglalaman nito ng pananaw,


pagsusuri at opinyon ng manunulat sa isang
pangyayari o isyu na nakapukaw ng iyong interes o
damdamin (Baello, Gracia, Valmonte 1997)
Replektibong Sanaysay
Pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari o karanasan na hindi na
nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral. (Baello, Gracia, Valmonte 1997)

Kaiba sa pagsulat ng talambuhay na tumatalakay sa buhay ng isang tao, ang pagsulat ng


replektibong sanaysay ay naglalayong bigyang-katwiran, ipaliwanag o suriin ang partikular
na salaysay at palutangin ang halaga nito o ang maidudulot nito, depende sa layong
manunulat sa buhay ng tao sa lipunan. (Arrogante, Golla, Honor-Ballena 2010)
Replektibong Sanaysay
Ayon kay, MICHAEL STRATFORD, isang guro at manunulat, isa sa mga tiyak na uri ng
sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon na pagsasanay. Maihahalintulad ito sa
pagsulat ng journal kung saan nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan at
nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari.
Replektibong Sanaysay
Ayon kay, KORI MORGAN, guro mula sa West Virginia at Iniversity of Akron,
nagpapalita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o
pangyayari. Ibinabahagi nito sa mga mambabasa ang kalakasan at kahinaan ng sumulat
batay sa mga karanasang natutuhan o nakuha.
Replektibong Sanaysay

Isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi lamang nakatuon sa


husay ng paggamit ng estilo ng pagsulat bagkus ay sa pagsusuri
ng salaysay na inilatag ng manunulat para sa mambabasa.
Bahagi ng Replektibong Sanaysay
PANIMULA
Sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain.

Maaaring ipahayag ng tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa.

KATAWAN
Naglalaman ng bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon at natutunan.

Ipinapaliwanag din dito kung anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasa, kapaligiran o Sistema.

KONGKLUSYON
Dapat mag-iwan ng kakintalan sa isip ng mambabasa.

Dito mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at pananaw niya rito.

Dito rin niya masasabi kung ano ang ambag ng kanyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para sa lahat.

You might also like