You are on page 1of 15

Page | 1

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

John Adrian Dela Peña

Judylene B. Gunda

Ashley Jaela Octoman

PANIMULA (OK)

Ang modernong panahon ang kasalukuyang nag bibigay daan satin upang

isagawa ang ganitong sitwasyon ng pag-aaral, kung saan teknolohiya ang nagiging

balangkas sa ating pang-araw araw na pag-aaral. Ito rin ang nagiging susi upang

maisagawa ang makabagong sistema ng pag-aral. Sa kasalukuyan, maraming mag-aaral

ang humaharap sa maka-bagong sistema ng pag-aaral. Marami ang nahihirapan sa

sistemang ito ngunit mayroon ding mga mag-aaral na nakakasabay sa ganitong uri ng

pagaaral. Ayon sa DepEd Regional Office III. (2020, Hulyo 2), ang distance learning ay

isang alternatibong paraan upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral. Ang

bagong sistema ng pag-aaral ang syang magiging daan sa pag papatuloy ng pag-aaral ng

mga mag-aaral. Malaki rin ang naitulong nito upang hindi mahinto ang mga estudyante sa

pag-aaral bagama’t marami ang nahihirapan sa ganitong sitwasyon ay di

maipagkakailangang malaki rin ang naitutulong nito satin upang maipagpatuloy ito ant

hindi masayang ang oras. Sa ganitong paraan ay makakapaghatid tayo ng mga aral upang

idiretso ang ating mga hangarin. Marami ang nag sasabi na hindi ito karera para mag

madali ngunit ang oras ay tumatakbo at dahil dito’y maaaring magkaroon ang mga mag

aaral ng diskriminasyon ukol sa mga edad ng mag aaral kung hindi sila sasabaya sa

bagong systema ng pag-aaral.

Senior High School Department


“Epekto ng maka-bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan
ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral ng piling baiting-12 sa
MSEUFCI”
Page | 2

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Ayon sa nakararami ay hindi nagiging madali ang ganitong sitwasyon, marami

itong naapektuhan kabilang na rito ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral at ang

paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Apektado ang mga sangay na ito dahil hindi lahat

ng mag aaral ay mayroong sapat na kagamitan upang makasabay sa maka-bagong sistema

ng pag-aaral. Ang lahat ay hindi inaasahan ang ganitong sitwasyon, kung kaya’t ang lahat

ay nag-aadjust pa sa ganitong sistema. Sa ganitong paraan ay matututo rin ang mga mag-

aaral ngunit nakadepende pa rin ito sa paraan ng kanilang pagkatuto. Maaari pa ring

makapag sagawa ng akademikong pagganap ngunit mayroon itong limitasyon ayon sa

kasalukuyang sitwasyon. Halos lahat ng mga studyante ay apektado at nahihirapan

matuto dahil sa pandemya na dinadanas natin ngayon na naging dahilan ng pag kakaroon

ng makabagong sistema ng pag aaral. Bagamat ito ay napag desisyonan ng marami upang

maka iwas at makasunod sa social distancing na ipinapatupad upang maprotektahan an

gating kalusugan. Isinagawa ang pag-aaral na ito upang malaman ang epekto ng maka-

bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan ng pagkatuto ng mga magtatapos

na mag- aaral ng piling baitang-12 sa MSEUFCI.

LAYUNIN NG PAG-AARAL (OK)

Ang pag-aaral na ito ay isang kuwantitatibong pananaliksik na ang tiyak at pangunahing

layunin ay lubos na maunawaan at malaman ang naidulot ng pagbabago na bunga ng

pandemya sa sistema ng edukasyon at kung paano naapektuhan nito ang akademikong

pagganap at paraan ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral sa piling baitang ika-

labindalawa sa MSEUFCI. Ang mga mananaliksik ay naglalayon na maipakita ang

maaring positibo o negatibong epekto ng makabagong sistema ng pag-aaral sa mga

Senior High School Department


“Epekto ng maka-bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan
ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral ng piling baiting-12 sa
MSEUFCI”
Page | 3

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

estudyante partikular sa mga magtatapos na mag-aaral sa ika- labindalawang baitang.

Bibigyang diin din ng pananaliksik na ito ang mga saloobin at pananaw ng mga mag-

aaral kaugnay ng pagpapatuloy ng pag-aaral sa taong ito sa gitna ng pandemya at kung

paanong ang makabagong sistema ay naging kalakasan o hadlang sa akademikong

pagganap at sa paraan ng pagkatuto ng mga estudyante.

Nilalayon din ng pananaliksik na ito na masagot ang sumusunod na katanungan

1. Ano- ano ang mga pagbabagong dulot ng pandemya sa sistema ng pag-aaral ng

mga estudyante?

2. Ano- anong aspeto ng pag-aaral ang naapektuhan ng makabagong sistemang ito?

3. Ano ang naging epekto ng mga pagbabagong ito sa akademikong pagganap at

paraan ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral?

THEORITICAL FRAMEWORK

VARK MODEL

Professor Neil D. Fleming and Colleen E. Mills 1992

Ayon kay Cuadra et al. (2011) na batay kay Neil Fleming ang iba’t ibang

paraan ng pagkatuto ay nakatutulong ng husto sa isang tao upang lalo niyang

mapakinabangan ang kanyang sarili, at ayon dito ay sinimulan niya ang sistemang VARK

isang paraan upang malaman ng isang tao kung ano ang kanyang estilo sa pagkatuto. Ang

sistemang VARK ay sinasabing isa sa mga pinakabago at pinaka epektibong sistema

Senior High School Department


“Epekto ng maka-bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan
ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral ng piling baiting-12 sa
MSEUFCI”
Page | 4

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

upang malaman ang paraan ng pagkatuto ng isang tao. Ang ibig sabihin ng sistemang

VARK ay Visual, Auditory, Reading at Kinesthetic Learning Preferences. Ang mga

visual learners ay madaling natututo sa pamamagitan ng mga diagram,tsart, litrato, at iba

pang nakikita ng mata. Kinakailangan nilang makita ang body language at facial

expression ng kanilang mga guro habang nagtuturo upang lalo nilang maintindihan ang

leksyon. Kadalasan din silang nagkakaroon ng interes sa pag-aaral kapag mayroon silang

nakikitang mga bagay-bagay. Ang mga taong may Mild Kinesthetic Learning Preferences

naman ay natututo ng husto sa pamamagitan ng hands-on approach. Kinakailangan nilang

makipagsapalaran upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman, at mas madali silang

matututo kung ang isang bagay ay nasubukan na nila. Ang Mild Visual Learning

Preferences naman ay nangangailangang makakita ng mga mga diagram at mga tsart

upang mas maintindihan ang paksang pinag-aaralan. Gusto nilang kumuha ng

detalyadong mga notes upang mas lalo nilang maintindihan ang mga impormasyon.

Samantala, mayroon naming Multimodal (ARK), na kung saan ang isang tao ay pwedeng

mapunta sa iba’t ibang lugar sa Visual, Auditory at Kinesthetic. Mayroon silang iba’t

ibang kapasidad upang maresolba ang kanilang mga problema, at mas natututo sila kung

halu-halo ang mga paraan ng pagtuturo ng bawat guro.

Ayon sa sistemang VARK na sinimulan ni Neil Fleming taong 1992 ito ay isang

Sistema na nagpapakita ng iba’t- ibang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pinapakita din ng sistemang ito ang pagkakaiba ng apat na kategorya o apat na hati nito.

Nagkaroon ng kategorya ang sistemang ito sapagkat ang bawat mag-aaral ay may kanya-

kanyang talino at kakayahan na ang bawat mag-aaral ay may sariling paraan ng kanilang

Senior High School Department


“Epekto ng maka-bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan
ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral ng piling baiting-12 sa
MSEUFCI”
Page | 5

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

pagkatuto sapagkat ang bawat kapasidad ng isip ng isang tao ay magkakaiba. May mga

mag-aaral na mas natuto kung nakikita nila ang mga pag-aaralan nila, kung makikita nila

ang kanilang mga guro. Mayroon din namang mga mag-aaral na mas madaling matuto sa

tulong ng hands-on approach na ibig sabihin ay pagtuturo kung saan natututukan sila ng

kanilang mga tagapagturo. Mayroon ding mga mag-aaral na ang paraan ng pagkatuto ay

di kinakailangan ng espisipik na estilo sapagkat sila ay mas natututo kung magkakaiba o

halo halo ang pagtutro ng kanilang mga tagapagturo. Ngunit sa panahon ngayon ng

makabagong Sistema ng pag-aaral kung saan ang online at modyular na pag-aaral ang

paraan upang maipagpatuloy ang edukasyon ay madaming mga mag-aaral ang

humaharap sa iba’t-ibang hamon kasama na ang paraan ng kanilang pagkatuto. Dahil

kung ang mga mag-aaral ay mas madaling matuto kung nakikita nila kanilang mga guro

at ang mga ekspresyon ng mga ito tuwing nagtuturo at ang iba naman ay mas natututo

kung mayroong hands-on approach mula sa mga guro ay isang malaking hamon ang

nangyaringayon sapagkat sa online na klase at modyular na pagkatuto ng mga mag-aaral

ay hindi kagaya ng normal at nakasanayang pag-aaral.

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang lubos na maunawaan

at malaman ang mga naidulot na epekto ng makabagong pag-aaral sanhi ng pandemya.

Layuinin ng pag-aaral na ito na tiyakin ang mga apektado sa mga mag-aaral lalo’t higit

sa akademikong pagganap at paraan ng pagakatuto ng bawat mag-aaral na humaharap sa

ganitong sistema ng pag-aaral ngayong kasalukuyan. Naglalayon ang mananaliksik na

maipakita ang iba’t ibang epekto ng makabagong sistema ng pag-aaral sa mga mag-aaral

lalo’t higit sa mga mag-aaral na nasa ika-labingdalawang baitang na magsisipag-tapos ng

Senior High School Department


“Epekto ng maka-bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan
ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral ng piling baiting-12 sa
MSEUFCI”
Page | 6

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

kanilang pag-aaral sa susunod na taon. Ipapahayag sa pananaliksik na ito ang bawat

pananaw ng mga mag-aaral base sa kanilang karanasan sa pagharap sa makabagong

sistema ng pagaaral sa gitna ng pademya. Nakapaloob dito ang bawat karanasan ng mga

mag-aaral sa kanilang pagharap sa makabagong pagganap partikular sa kanilang

karanasan sa pagsasagawa ng akademikong pagganap at sa kanilang paraan ng pagkatuto

sa bawat asignatura. Bagama’t ang lahat ng mag-aaral ay humaharap sa ganitong

sitwasyon, bibigyang diin dito ang bawat suliranin at ang iba pang mga karanasang sanhi

ng maka-bagong sistema ng pag-aaral na kinahaharap ng lahat ng mag-aaral. Dahil sa

pangyayaring ito ng pagkakaroon ng makabagong sistema ng pag-aaral dahil sa

kinakaharap na pandemya maraming aspeto ng edukasyon ang lubos na naapektuhan isa

na dito ay ang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral. May iba’t-ibang paraan ang bawat

mag-aaral kung paano nila mabilis na matutunan ang isang aralin sa isang asignatura.

Sapagkat ang bawat mag-aaral ay may kanya –kanyang talino at ang kapasidad ng

kanilang utak ay magkakaiba. Ang konseptong ito ng pagkakaroon ng iba’t-ibang paraan

ng pagkatuto ay maaaring mapatunayan ng isang modelo na likha nina Neil D. Fleming

at Colleen E. Mills taong 1992. Ito ay ang modelong VARK na nagpapakita kung ano

ang mga paraan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral nabanggit sa modelong ito ang

pagkatuto sa pamamagitan ng Visual kung saan mas natututo ang mag-aaral kung

nakikita nila ng malapitan ang mga kagamitan sa pagtuturo at ang kanilang mga guro at

ang mga ekpresyon ng kanilang mukha. Ganon din ang pagkatuto sa pamamagitan ng

hands-on approach kung saan ay mas natututukan ng isang tagapag turo ang kanilang

estudyante gaya ng isang tutor. Nabanggit din sa modelong VARK ang pagkatuto kung

saan ang isang estudyante ay kayang matuto sa maalin mang paraan na nabanggit. Sa
Senior High School Department
“Epekto ng maka-bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan
ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral ng piling baiting-12 sa
MSEUFCI”
Page | 7

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

pangkalahatan ang modelo VARK ay malaking tulong sa mga mananaliksik upang

kanilang mabigyan ng kasagutan ang problemang kinahaharap ng kanilang pag-aaral at

ito ay malaman kung negatibo ba o positibo ang naging epekto ng makabagong sistema

ng pag-aaral sa mga magtatapos na mag-aaral sa MSEUFCI.

LITERATURE SURVEY

Ang istilo sa pag-aaral ay ang paraan kung saan nagsisimula ang bawat tao na mag-

concentrate, magproseso, at mapanatili ang bago at mahirap na impormasyon sa

pamamagitan ng iba't ibang mga perceptual channel. Ang mga istilo ng pag-aaral ay

tinukoy bilang mga indibidwal na pagkakaiba sa paraan ng pag-alam ng impormasyon,

pagproseso at pakikipag-usap. (Haar, Hall, Schoepp, & Smith, 2002).

Gokalp, M. The Clearing House: A Journal of Education Strategies, Issues and Ideas.

(2010). https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/00098650209599254

Ayon sa Wikipedia (2013), ang akademikong pagganap ay ay resulta ng

edukasyon. Sa mas malawak na paliwanag ito ay kung saan ang isang estudyante, guro o

isang institusyon ay nakamit ang layunin ng kanilang pag-aaral. Sa gayon ang pagganap

ay nailalarawan sa pamamagitan ng pagganap sa mga pagsubok na nauugnay sa

coursework at ang pagganap ng mga mag-aaral sa iba pang mga uri ng pagsusulit.

(Kyoshaba, 2009).

Amasuomo,J.O. (2014). Journal Of Technology and Science Education. Nigeria.

https://www.jotse.org/index.php/jotse/article/view/107/122

Senior High School Department


“Epekto ng maka-bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan
ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral ng piling baiting-12 sa
MSEUFCI”
Page | 8

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Isinagawa ang iba`t ibang mga pag-aaral sa mga salik na nakakaapekto sa

pagganap o nakamit ng mga mag-aaral sa mga paaralan, kolehiyo at unibersidad. Ang

ilan sa mga kadahilanan na natukoy at naiulat na naapektuhan ang pagganap ng

akademiko ng mga mag-aaral sa iba't ibang mga setting na ito ay: pagsisikap ng mag-

aaral, bago o dating pagganap na pang-edukasyon, pagganyak sa sarili, katayuan sa pang-

ekonomiya ng mga magulang ng mga mag-aaral, edad ng mga mag-aaral, bilang ng mga

oras ng pag-aaral bawat araw, mga puntos sa pagpasok, iba't ibang mga kwalipikasyon sa

pagpasok, mga uso sa pagtuturo at lugar ng tirahan ng mga mag-aaral (Farooq et al.

2011; Ali et al. 2013).

Gokalp, M. The Clearing House: A Journal of Education Strategies, Issues and

Ideas. (2010).https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/00098650209599254

Ayon kay Contreras et al. sa Online learning sa New Normal ng Edukasyon

(2020), noong 2017, 80% ng mga Pilipino na ang edad ay 18-24 ay nakakapag-online.

Malaking hamon paano mabubuksan  ang isipan ng  age group na  ito na  ang internet ay

tagapaghatid din  ng edukasyon  at hindi lamang  ito kasangkapan ng libangan, aliwan ,at

pakikipag ugnayan sa mga FB friends at mga followers nila. Minungkahi niya na

pagsamahin ang edukasyon at libangan sa pagdisenyo ng mga programa sa online at

ofline learning sapagkat “learning should be fun”. Maraming mag-aaral ang na lululong

sa social media ngunit malaki ang kaibahan ng social media at online na pag-aaral. Hindi

pantay pantay ang mga estudyante mayroong mabilis makaintindi ngunit paano ang iba

na nahihirapan umintindi ng aralin. Marami ang naaapektuhan sa ganitong sa

makabagong sistema ng pag-aaral kabilang na ang paraan ng pag-katuto ng mga

Senior High School Department


“Epekto ng maka-bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan
ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral ng piling baiting-12 sa
MSEUFCI”
Page | 9

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

estudaynte sa bawat asignatura na kanilang hinaharap. Kaakibat nito ang epekto sa

paggampan ng mga mag-aaral sa kanilang akademikong pagganap. Sa ganitong

sitawasyong ay nararapat na asahan ang maraming apeksyon sa ibat ibang aspeto ng pag-

aaral. Isa pa sa mga balakid ng mga mag-aaral ay ang hindi pantay pantay na estado ng

buhay sapagkat ang mga tao ay may iba’t ibang estado ng buhay, mayroong nakakaangat

at mayroon namang hirap sa buhay kung kaya’t ang iba ay hindi makabili o wala ng mga

kagamitan na dapat gamitin sa pagharap sa makabagong sistema ng pag-aaral. Ang

pagharap sa ganitong uri ng sistema ay hindi madali, sa paraan pa lamang ng pag harap

dito ay kinakailang na ng materyal na bagay at sa paraan naman ng pagsabak dito ay

kinakailang ng bukas na kaisipan. May mga asignatura na sadyang mahirap unawain at

dahil doon ay apektadong apektado na hindi lamang ang paraan ng pag katuto ng mag-

aaral bagkus ay pati na ang iba’t ibang sanagay ng pag-aral katulad ng takdang aralin,

pagsusulit, akademikong pagganap at marami pang ibang sangay na apektado sanhi ng

paraan ng pagkatuto ng mga mag-aral. Sa ganitong paraan ay hindi maipagkakaila ang

hirap ng proseso ng pag-aaral sa maka-bagong sistema dulot ng mga apeksyong dala ng

paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral at iba pang suliranin at balakid na kinahaharap ng

mga mag-aaral ngayong kasalukuyan. Ang pagiging tutuok sa social media ay hindi sapat

na rason upang maipakita ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa bawat aralin na tatalakayin.

Ayon kay Gunigundo M. et al. ((2020). Online learning sa New Normal ng

Edukasyon. https://archive.journal.com. Grabe ang epekto ng COVID-19 pandemic sa

larangan ng edukasyon sa buong mundo at ang anyo ng bagong normal sa edukasyon ay

malayong malayo sa dating normal. Sa ayaw man o sa gusto ng mga titser, magulang,

Senior High School Department


“Epekto ng maka-bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan
ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral ng piling baiting-12 sa
MSEUFCI”
Page | 10

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

estudyante at mga opisyales ng Kagawaran ng Edukasyon, CHED at Tesda, mas dadalas

at magiging pangunahing pamamaraan sa paghahatid ng karunungan ang “online

learning” na dati’y madalang gamitin. Sa kadahilanang tayo'y may roong problemang

kinahaharap na madami nang kinitil na buhay ay nabigyang paraan pa din ang pag aaral

ng mga studyante habang nag isinasagawa ang pinapatupad na social distancing. Doon na

nag simulang magbago ang sistema ng pag aaral na ginagamitan na ng mga gadjets upang

maisagawa ang online classes. Bagamat maraming nagbago madami ring mga studyante

ang nahihirapang makasabay dulot na rin ng kakulangan sa pinansyal na pangangailangan

at maging sa sobrang kahinaan ng internet koneksyon lalong lalo na sa mga studyanteng

nakatira sa mga bukiding lugar at maging narin sa mga bundok. Ito ang nakikitang pinaka

magandang paraan upang maituloy ang pag aaral ng mga kabataan habang nandyan pa

din ang banta ng COVID-19. Lahat tayo ay napipilitang mag adjust at nahihirapan dahil

sa makabagong sistema ng pag aaral, ngunit sa pag sasagawa naman ng mga online

classes ay naililigtas natin ang ating sarili habang nag kakaroon parin tayo ng paraan

upang mag patuloy na matuto sa gitna ng pandemyang ating nararanasan.

Senior High School Department


“Epekto ng maka-bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan
ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral ng piling baiting-12 sa
MSEUFCI”
Page | 11

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kahalagahan ng epekto ng maka-

bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan ng pagkatuto ng mga magtatapos

na mag-aaral ng piling baiting-12 sa MSEUFCI.. Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang

mga epekto ng maka-bagong pag-aaral sa akademikong pag-ganap at sa paraan ng

pagkatuto ng mga mag-aaral. Layunin ng mananaliksi na pag-aaral at maipakita sa

marami ang iba’t ibang salik ng maka-bagong sistema ng pag-aaral ng mga estudyante sa

kasalukuyan. Upang higit na malaman ng marami ang iba’t ibang epekto ng ganitong

sistema ng pag-aaral at maisiwalat ang mga balakid ng mga mag-aaral sa pagharap sa

ganitong uri ng programa o sistema ng pag-aaral. Ang pananliksik na ito ay makatutulong

sa pagtuklas ng iba’t ibang karanasan ng mga mag-aaral sa kanilang pag-harap sa gaitong

paraan ng pag-aaral at maaaring magamit din ng mga susunod pang mananaliksik na

magnanais pag-aralan ang iba’t ibang epekto ng maka-bagong sistema ng pag-aaral sa

hinaharap.

Senior High School Department


“Epekto ng maka-bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan
ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral ng piling baiting-12 sa
MSEUFCI”
Page | 12

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

TARGET NA MAKIKINABANG

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ng pakinabang sa mga estudyante, magulang,

MSEUFCI, at mga mananaliksik sa hinaharap. Tutulungan sila ng pag-aaral na ito upang

malaman nila ang epekto ng makabagong sistema ng pag-aaral sa akademikong pagganap

at paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

 Estudyante

- Matutulungan ng pananaliksik na ito ang mga mag-aaral upang malaman nila ang

mga posibleng maging epekto ng makabagong sistema ng pag-aaral sa kani-

kanilang akademikong pagganap at paraan ng pagkatuto.

 Magulang

- Maaaring makinabang ang mga magulang sa pananaliksik na ito upang magkaroon

sila ng kamalayan na ang makabagong sistema ng pag-aaral ay maaring magdulot

ng negatibong epekto sa kanilang mga anak,sa ganong paraan ay mas magagabayan

nila ang mga ito.

 MSEUFCI

Senior High School Department


“Epekto ng maka-bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan
ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral ng piling baiting-12 sa
MSEUFCI”
Page | 13

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

- Magsisilbing gabay ng mga kawani at mga kaguruan sa paaralang Manuel S.

Enverga University Foundation Candelaria Inc. ang pananaliksik na ito upang mas

maging epektibo ang paraan ng kanilang pagbibigay ng dekalidad na eduikasyon sa

mga mag-aaral sa pamamagitan ng makabagong sistema ng pag-aaral.

 Mananaliksik sa Hinaharap

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga hinaharap na mananaliksik na


magkakaroon ng kaugnay na pag-aaral. Magsisilbi itong gabay at sanggunian ng kanilang
gagawing pag-aaral sa hinaharap.

KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Ang papel sa pananaliksik -produkto ng isang proseso ng paghahanap ng mga

makatotohanang impormasyon na kinakailangan upang mapatunayan ang isang

phenomenon.

Internet -malawak na computer network na maaaring gamitin ng publiko sa buong

mundo.

Gadyet - Isang uri ng kagamitan sa makabagong teknolohiya.

Pananaliksik -ito ay sistematikong at siyentipikong proseso ng pangangalap, pag susuri,

pag aayos, pag oorganisa, at pag papakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng mga

suliranin.

Mananaliksik -isang tao na kumakalap at nag hahanap ng mga impormasyon

Senior High School Department


“Epekto ng maka-bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan
ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral ng piling baiting-12 sa
MSEUFCI”
Page | 14

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Teknolohiya -ito ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, at proseso upang

tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

Moderno -ay nangangahulugang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Pandemya

-isang epidemya ng nakakahawang sakit na kumakalat sa pamamagitan ng mga

populasyon sa isang malawak na rehiyon.

Edukasyon -ito ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at ang

pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.

Sistema -ang sinusunod na pamamaraan o pamamalakad na nakatutulong sa magtaguyod

ng isang organisasyon o bansa.

Diskriminasyon -isang salita na ginagamit upang ilarawan ang hindi pantay na pagtrato

sa isang indibidwal.

Biswal -tumutukoy sa mga bagay na kadalasan ay mga larawan o mga dayagram na

nagpapakita o nagpapaliwanag ng ideya o mga ideya.

Asignatura -ay lupon ng mga aralin na ginagamit ng mga estudyante upang matuto.

Estratehiya -ay isang salitang nangangahulugang mahusay na paraan o mahusay na

pamamaraan.

Akademiko -ay may kaugnayan sa, o nauugnay sa isang akademya o paaralan lalo na ng

mas mataas na pag-aaral.

Senior High School Department


“Epekto ng maka-bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan
ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral ng piling baiting-12 sa
MSEUFCI”
Page | 15

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Agham -Isang sistematikong pag aaral gamit ang sistematikong pamamaran upang

subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka haka.

Makabagong sistema ng pag aaral -ito ay ang kasalukuyang klase ng pag aaral na

tinatawag na online o distance learning.

Akademikong pag ganap -ay kaalamang natatamo o mga kakayahang napapaunlad ng

mga asignatura sa paaralan.

Paraan ng pagkatuto -maaaring bahagi ng edukasyon, pansariling pag-unlad, pagaaral,

o paglinag ng kakayahan.

Krisis -ay isang kaganapang karaniwang itinuturing na masama para sa mga rumaranas

nito.

Balangkas -ito ay ang pag kasunod sunod ng isang gawain.

Distance learning -ito ay ang paraan ng pag katuto ng isang indibidwal na mag aaral.

Senior High School Department


“Epekto ng maka-bagong sistema sa akademikong pagganap at sa paraan
ng pagkatuto ng mga magtatapos na mag-aaral ng piling baiting-12 sa
MSEUFCI”

You might also like