You are on page 1of 19

Sosyedad at

Literatura
Ventura, Christian D.
Aralin 1
Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan
Sosyedad at Literatura/Panitikang
Panlipunan (SOSLIT)
Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang
Filipino na nakatuon sa kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari
sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sinasaklaw
nito ang mga isyung panlipunan na tinalakay ng mga akdang Filipino
tulad ng kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman at mahirap,
reporma sa lupa, globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa,
karapatang pantao, isyung pangkasarian, sitwasyon ng mga pangkat
minorya at/o marhinalisado, at iba pa.
SOSYEDAD PANITIKAN

LIPUNAN SALAMIN NG LIPUNAN


Ang Panitikan ay buhay dahil ito ay repleksyon
ng pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao sa
kanyang ginagalawang lipunan.
Pinakikilos ng panitikan ang ating isip at
binibigyang pintig nito ang ating puso. Hindi ito
isang bagay lamang kundi ito ay isang buhay na
kabahagi ng ating pamumuhay.
Ang panitikan ay isang mabisang
instrumento upang mapagbago ang
damdamin at isipan ng tao, at mapakilos
siya ayon sa idinidikta ng kanyang puso
at isip.
Hindi lamang lumilinang ng
nasyonalismo ang panitikan, binubuhay
at pinasisigla rin nito ang damdaming
pagpapahalaga sa minanang kultura
na binuo ng mga henyo ng ating lahi.
Ayon kay Zeus Salazar “ ang panitikan
gaya ng wika ay hindi lamang lundayan
at tagapagpahalaga ng ating kultura
kundi ito ay kuhanan-impukan ng
alinmang kultura”
Nilalaman at iniingatan nito ang sining,
karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng
bawat bansa.
Dito masasalamin ang kagandahan at
kagalingan ng kultura ng bawat
lipunan, at dito rin nasusulat ang mga
ipinagmamalaking henyo ng bawat
panahon
Pang- + titik + -an
Pangtitikan
Pantitikan
Panitikan
Panunuring Pampanitikan

● Isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa


isang nilikhang sining

● Ito ay isang kaisipang hindi tapos (Ramos, Mendiola)

● Ibinibilang bilang isang agham ng teksto. Ito’y iniuugnay


nila sa isang gawain ng mga kritiko na may
pinaghahanguang iba’t ibang teorya.
Panunuring Pampanitikan

● Ito’y ginagawang esensyal na gawain sa pagsasanay na


ginugugulan ng maraming oras at panahon sa pagsusulat
ng mapanuring pagpapahayag.
Katangian ng Mabuting Kritiko
● Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang
pampanitikan bilang isang sining
● Handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang
pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat,
mambabasa o ideolohiya
● Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa
panitikan
● Iginagalang ang desisyon ng ibang kritiko na patuloy na
sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan
at sikolohiya, atbp.
● Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang
pampanitikan bilang isang sining
Katangian ng Mabuting Kritiko
● Matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim
sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na
alituntunin at batas.
● Ayon kay AGA, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng
damdaming naninindigan upang maging tiyak na
kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit
Mula sa Introduksyon ni Rosario Torres –Yu, sa kanyang aklat na Kilates
hinggil sa panunuring pampanitikan…

● Inaalam, tinatantiya, tinitimbang, binubusisi, sinisipat, kinikilatis


ng Filipino ang isang bagay para alamin o di kaya ay tiyakin kung
magugustuhan niya ito.
● Sa kulturang Filipino, isang gawain ito bago magdesisyon – sa
pagbili, at iba pa.
● Ganito rin sa panitikan, binabasa upang kilatisin ang isang tula,
maikling kuwento, nobela, dula at iba pang anyo ng panitikan at
teksto
● Kinikilatis ang akda upang makabuo ng kahulugan at
pagpapahalaga kaugnay nito
● Maaaring maitanong ng mag-aaral kung bakit kailangan ito?
Hindi ba pinapanood ang isang pelikula para tumawa o maiyak at
masiyahan? Hindi ba binabasa ang panitikan para makapulot ng
mabuting aral sa buhay?
● Ang sagot sa tanong ay “Oo” at higit pa rito.
● Ang pagbabasa na may layuning kilatisin ang isang akda ay
pumapasok sa gawain ng kritisismo. Isa itong gawain o praktikal
na bahagi ng pampanitikang pag-aaral.
● Isa itong espesyalisadong larangan sa loob nito
● May kaugnayan ang kritisismo sa kabuuang produksiyon ng
panitikan, katunayan ay itinuturing na mga mahalagang silbi dito
● Sa panunuri, nakikita ang bumubuo sa pagkatao ng mga Filipino,
kung ano ang pinahahalagahan niya, at kung ano ang suliraning
kinasasangkutan niya .
● Napapalutang kung ano ang klase ng pamumuhay niya
● Para sa mga estudyante, ang kaalaman at kasanayang magmumula
rito ay hindi lamang magpapatalas sa mapanuring pag-iisip.
● Hahamon ito sa aktibong pagsali sa mahahalagang usapin katulad
ng pagbubuo ng kaalaman para makilala ng Filipino ang kanyang
sarili, ang kanyang pagkalahi at pagkabansa, para sa panlipunang
pagbabago.
Bigyang-pansin kung paano nasasagot ng kanilang
anunuri ang mga tanong na:

● Anong karanasan na siyang paksa ng representasyon ng mga


akdang binasa ang tinutukoy sa pagbasa?
● Paano inilalarawan o nirerepresenta ang karanasan?
● Ano-anong mga pamamaraang pampanitikan ang ginagamit sa
mga akda?
● Anong bisa ng representasyon ang tinutukoy ng mga nagsuri?
Mga tanong:
● Anong karanasan sa akda ang hinihingi nito na kasangkutan mo?
● Anong kamalayan ang pinaiiral ng akda?
● Bakit ganoon ang ugali/paniniwala ng mga tauhan?
● Ano-ano ang minamahalaga sa paglalarawang ito? Bakit?
● Kaninong ideolohiya o di kaya ay kinokontra ng akda?
● Paano ito nagagawa ng teksto?
Sinuri o hinusgahan ang akda ng isang manunulat sa
pamamagitan ng mga tanong na:

● Ano ang sinasabi ng akda?


● Paano ito sinabi?
● Kailan ito nasulat?
● Sino ang sumulat?
● Para kanino ito isinulat?

You might also like