You are on page 1of 13

ISYU SA MINORYA

PROF. AURA ENRILE


Propesor sa Filipino

Ipinasa nina:

Bondoc, Bert Jr. G.


Capinding, Angelo Joshua A.
Chavez, Lester
Descalzo, Symon Klien P.
Elicay, Cristian Lester H.
Galvez, Ritchie B.
Ocariz, Zaldy Jr. R.
Rayco, Rex G.

I-BHRM

2019
NILALAMAN

KAHULUGAN

Itinituring na yaman ng isang bansa ang mga Minorya o ang mga Pangkat Etniko, sila
ang salamin o repleksyon ng bansa. Ayon kay Evardone (2018) “Sulyap sa buhay ng isang
Minorya” Ang salitang “katutubo” o Minorya ay ang ginamit upang maisalarawan ang mga
pangkat etniko. Ang mga pangkat etniko ay ang unang humubog sa kasaysayan ng pilipinas at
ibang mga bansa, ang minorya ay mga grupo ng tao o sibilisasyon na naninirahan sa isang
rehiyon o lugar nang sama-sama, ang mga katutubong pangkat etniko rin ay ang unang nanirahan
sa isang lugar kung saan ay isinasagawa ng ibat-ibang mga kultura, tradisyon at gawi upang
maging buklod. Ayon sa PinoyWeekly (2016) “Lakbayan ng Pambansang Minorya” tinatayang
nasa 15 hanggang 20 porsiyento ng populasyon ng bansa, at ang mga mamamayang Moro (13
ethnolinguistic groups) at mga Lumad (18 ethnolinguistic groups) ng Mindanao; ang mga
mamamayan ng Kordilyera (7 mayor na ethnolinguistic groups) at Aggaym Kalinga, at iba pang
mga grupo sa Hilagang Luzon; ang Aeta ng Gitnang Luzon; Dumagat, Mangyan, at Palawan
Hilltribes ng Timog Luzon; at ang Tumandok at Ati ng rehiyon ng Panay sa Visayas. At ayon
kay Evardone (2018) “Sulyap sa buhay ng isang Minorya” tinatayang 14 hanggang 17 milyong
Indigenous Peoples na kabilang sa 110 grupo ng ethno-linguistic; ang mga ito ay pangunahing
nakatuon sa Mindanao (61%) at Hilagang Luzon (Cordillera Administrative Region, 33%),
kasama ang ilang mga grupo sa Visayas. Sa mga statistikong itinilahad ay malinaw marami
paring mga pangkat etniko ang patuloy na naninirahan sa bansang pilipinas, at ang mga pangkat
etniko ay patuloy parin na namumuhay ng simple at karaniwan parin namumuhay sa
kabundukan, kung kaya naman ang pangunahing kinabubuhay ang mga pangkat na ito ay ang
pag tatanim, pagsasaka, pangingisda at mangangaso. ang mga pangkat etniko o minorya kung
kaya ay hindi maikakaila ang ambag ng mga katutubo sa ating kultura at tradisyon isa na rito ang
sistema ng paglikha ng mga Ifugao sa Banaue Rice Terraces dahil sa natatanging istruktura nito.
Ang mga mga ipinamanang kasuotan na sumasalamin sa sinaunang kultura, at marami pang iba.
Maging sa paglipas ng panahon ay kamangha-mangha na napanatili ng mga pangkat etniko ang
natatanging katutubong kultura ng sinaunang Pilipino.
KAHALAGAHAN

Ang lahat ng tao ay may pantay-pantay na karapatan . Ang mga katutubo ditto sa
pilipinas at ibat ibang lugar ng mundo ay pantay na karapatan katulad ng ibang tao.Mahalaga sa
Amenesty international ang aktibong partipasyon ng mga tao sa pagsusulong at pagdedepensa sa
karapatang pantao isang paraan upang aktibong makalahok ang tao , partikular ang mga katutubo
ay sa pamamgitan ng edukasyon hingil sa karapatang pantao.

Ang deklarasyon ng United nations sa mga kaparapatan ng mga katutubo (United Nations
Declaration on rights of Indigenous people o UNDRIP) at ang batas ukol sa karapatan ng
katutubo ng 1997 (IPRA o RA 8371) ay dalawang batas na mahalaga para sa pagsusulong at
pagdedepensa sa mga karapatan ng mga katutubo ditto sa ating bansa. Ito ang dahilan kung bakit
nilalathala ang mga batas na ito. Ang batas ukol sa karapatan ng katutubo ng 1997 (IPRA o RA
8371) ay naging batas ditto sa ating bansa noong ika-22 bg Oktubre 1997 at ang deklarasyon ng
United Nations sa mga karapatan ng mga katutubo ay inaprubahan ng Pangkalahatang
kapulungan ng United Nations noong Ikaw-13 ng Setyembre 2007.

Ang mga katutubo ay may karapatang panatilihin, pamahalaan, pangalagaan at paunlarin ang
pamana ng kanilang lahi, tradisyonal na kaalaman at tradisyonal na kultural na pagpapahayag,
kabilang ang mga manipestasyon ng kanilang mga agham, teknolohiya at kultura, kabilang rito
ang pantao at henetikong kayamanan, binhi, gamot, kaalaman sa mga katangian ng mga hayop at
halaman, oral na tradisyon, literatura, disenyo, palakasan at tradisyonal na laro, biswal at
performing arts. Mayroon din silang karapatan na panatilihin, pamahalaan, pangalagaan, at
paunlarin ang kanilang pag-aaring kaalaman sa mga pamana ng lahi na kultural, tradisyonal na
kaalaman, at mga tradisyonal na pangkultural na pagpapahayag.

Ang mga katutubo ay may karapatan na isulong, paunlarin at panatilihin ang mga estraktura ng
kanilang institusyon at natatanging kaugalian, espiritwalidad, tradisyon, pamamaraan, kagawian
at, kung mayroon, sistemang hukom o kaugalian, na naaayon sa internasyonal na pamantayan ng
karapatang pantao.Ang mga katutubo ay may karapatan na makakuha ng impormasyon at
maagap na desisyon sa pamamagitan ng makatarungan at patas na pamamaraan sa pagpapasya
ng mga hidwaan at pagtatalo sa mga Estado o ng iba panig, kabilang na ang mga mabisang
panlunas sa lahat ng paglabag sa kanilang mga indibidwal at kolektibong karapatan. Ang
desisyong ito ay dapat na mabigyan ng nararapat na pagsasaalang-alang sa kaugalian, tradisyon,
batas at ligal na sistema ng mga kinauukulang katutubo at internasyonal na karapatang pantao.

Igagalang ang karapatang pantao at pangunahing kalayaan sa paggamit ng mga nabanggit na


karapatan sa Deklarasyong ito. Ang mga karapatang itinatakda ng Deklarasyong ito ay sasailalim
lamang sa limitasyong itinatakda ng batas, at naaayon sa obligasyon ng internasyonal na
karapatang pantao. Ano mang limitasyon ay nararapat na walang pagkiling at kailangan lamang
sa layuning titiyaking naaangkop ang pagkilala at paggalang sa mga karapatan at kalayaan ng iba
at sa pagkamit ng makatarungan at masidhing pangangailangan ng isang demokratikong lipunan.

Ang mga katutubo ay may karapatan na ipakita, isagawa, paunlarin at ituro ang kanilang
espiritwal at katutubong relihiyon, mga kaugalian at mga seremonya; may karapatang
panatilihin, pangalagaan at pribadong makapapasok sa kanilang mga banal at pangkultural na
mga pook; may karapatan na gamitin at pamahalaan ang kanilang mga bagaypangseremonya; at
karapatan na maibalik ang mga labi ng kanilang mga yumao.

Ang mga katutubo at mga indibidwal ay malaya at pantay sa lahat ng ibang mga tao at mga
indibiwal at may karapatan na maging malaya sa anumang uri ng diskriminasyon, sa
pagsasagawa ng kanilang mga karapatan, lalo na yaong mga nakabatay sa kanilang katutubong
pinagmula at pagkakakilanlan.
KATANGIAN

Ayon sa pananaliksik ng United Nations Development Program (2019)noong Marso,


isang organisasyong sumusuporta sa kaunlaran ng bansa’t pagtupad ng Millennium Development
Goals nito, kadalasa’y mga minorya ang biktima ng diskriminasyon sa benepisyong pampubliko
dahil karamihan sa kanila’y nakatira sa malalayong lugar na hindi gaanong abot ng kabihasnan.
Kabilang sa mga problema ay kulang na suplay ng malinis na tubig, tulong medikal gaya ng
mga health centers, mga kagamitan at pasilidad para sa edukasyon, at iba pa. Napakaloob sa
pananaliksik na ito na higit na dapat bigyan ng pansin ang mga minorya ng ating bansa ang hindi
nakakatamasa ng benepisyong galing sa gobyerno. Subalit sa paglipas ng panahon, ang
dominanteng ekonomiyang nakabatay sa salapi ay unti-unting makaka-impluwensiya sa mga
katutubong mamamayan. Ayon kay Gobrin (2004) isa sa pinakamalaking dahilan nito ang paulit-
ulit na pagbebenta ng gobyerno sa mga lupain ng mga katutubo para sa mga negosyo ng troso,
plantasyon at mina. Dahil dito, nagugulo kundi man tuluyang nawawasak ang pang-ekonomiya
at maging ang panlipunang kaayusan ng mga katutubo. Bagaman malilit at hiwa-hiwalay ang
natitirang mga pamayanan ng mga katutubo sa kasalukuyan, binibigkis sila ng iisang kasaysayan
ng patuloy na pagka-api at pagkawala ng kapangyarihan. Ayon kay Yalu (2017)ang mga Badjao
ay ang mga taong naninirahan sa karagatan sila ay tinatawag din na "Man of the Seas". Ang
kanilang wika ay Samal, sila ay naninirahan sa Sulu. Ang mga badjao ay magaling sa
pangingisda dahil ito ang pangunahin nilang hanapbuhay. Sila ay may kaisipang kolektibo, para
sa mga badjao, kolektibo ay ang pag mamay ari ng mga likas na yaman sa mundo. Ibig sabihin
wala silang konsepto ng pribadong pag mamay ari. Makulay ang pananamit ng mga badjao. Ang
kanilang buhok ay tulad ng buhok ng mais dahil sa tindi ng sikat ng araw sa karagatan. Ayon kay
Dorain (2018) Ang Ivatan ay isang pangkat-etniko sa Pilipinas, Isa sa mga pinakamatandang
minorya na umusbong sa ating bansa . Pagsasakat at pangingisda ang pangunahin nilang
ikinabuhay. Ang mga produkto nila ay mga2 halamang ugat. Ang mga Ivatan ay relihiyoso,
masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan. Ayon kay Catapang (2018)Ang tawag
na Mangyan ay nagmula sa pagtawag ng mga kastila sa katutubo na “mangmang”. Kinalaunana
ay naging “Mangyan” ang tawag sa kanila, pinaikling “Mangmang yan”. Karamihan sa mga
Mangyan ay naninirahan sa kabundukan ngunit mayroon rin na naninirahan sa kapatagan.
Agrikultura ang kanilang pangunahing pangkabuhayan, partikular na ang pagtatanim sa
pamamagitan ng pag kakaingin, pangunguha ng mga halamang ugat, at pangangaso. Ayon kay
Magno (2014)Ang Aeta ay mga katutubong mga tao o pangkat-etniko na nakatira sa kalat at
liblib na mga bahaging bulubundukin ng Luzon, Pilipinas. Ang mga Aeta ay pagala-gala at
palipat lipat dahil wala silang permanenteng tirahan. Ayon kay Mayeng (2017)Ang mga T'boli
ay matatagpuan sa Cotabato. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa
kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa
sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka. Walang "pari" ang
mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa
mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda sa
sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas,
maliliit na kampanilya at binurdahang damit. Nagpapalagay ng tatu o hakang ang mga babae.
Maaaring mag-asawa nang marami ang lalaking T'boli. Ayon kay Carmela (2014)Ang Tausug ay
bihasang manlalakbay-dagat at kilala para sa kanilang mga buhay na, buhay bangka o vintas. Sila
din ang napakahusay na mandirigma at mga manggagawa. Sila ay kilala para sa Pangalay dance
(kilala rin bilang Daling-Daling sa Sabah), kung saan ang babaeng mananayaw ay nagsusuot ng
artificial na mahabang kuko na ginawa mula sa tanso o pilak na kilala bilang janggay, at
magsagawa ng mga galaw base sa Vidhyadhari (Bahasa Sug: Bidadali) ng pre -Islamic Buddhist
alamat. Ayon kay Garcia (2014) Ang mga Maranao ay ang mga tribong nasa Timog ng
Pilipinas. Tinawag sila na Maranao dahil ang kahulugan nito ay "People of the Lake" o "Mga
Tao sa Dagat". Mapapansin mo na sa kanilang kultura, kaugalian, pananamit at pamumuhay ay
nakasentro sa relihiyong Islam. Ayon kay Buchholdt (2010), Ang Lumad ay binubuo ng labing-
walong grupo ito ay ang mga Bagobo, Banwaon, Blaan, Bukidnon,
Dibabawon,Higaonon,Mamanwa,Mandaya,Mangguwangan,Manobo,Mansaka,Matigsalug, Suba
nen, Tagakaolo, Talaandig, Tboli, Teduray, and Ubo. Ang mga Lumad ay matatagpuan sa
buong Mindanao, sa liblib na bulubunduking mga lugar at lambak, sa mga mababang lugar na
kapatagan, at sa mga baybayin. Sa paglipas ng mga taon, pinangalagaan at pinrotektahan ng mga
Lumad ang kanilang tradisyunal na lupain ng mga ninuno, at ang kanilang mga indibidwal na
kultura. Ang kultura ng Lumad ay mayaman at magkakaibang, na may malawak na wika, chants,
ritwal, sayaw, at iba pang tradisyon.

KASAYSAYAN
Mula noon at mag pa hanggang sa ngayon ay patuloy na lumalaban ang mga minorya sa
samutsaring mga problema. Nagsimula ang ating mga ninuno bumuo ng kani-kanilang mga
tribo,bumuo sila ng 153 etnolingwistikong groupo ang bumubuo sa pambansang minorya. Ayon
kay Francis Gealogo(2019) Ang mga katutubong pangkat etniko ng Mindanao Atta, Bagobo,
Banwaon, B’laan, Bukidnon, Dibabawon, Higaonon, Mamanwa, Mandaya Manguwangan,
Manobo, Mansaka, Subanen, Tagakaolo, Tasaday, Tboli, Teduray, at Ubo. Nabuo ang kani
kanilang pangkat sa pamamagitan ng lipi,wika,rehiyon, o mag sa magkatulad ng isang
kasaysayan . Binubuo ng malaking mayorya ng populasyon ng pangkat na ninirahan sa
kapatagan na Austranesyano, at naging Kristiyano mula sa pagiging Animismo, Hinduismo,
Budismo o Islam sa loob ng tatlong daang taon ng pananakop ng mga Kastila. Mula hilaga
hanggang timog, ang pinakamarami sa mga pangkat na ito ay mga Ilokano, mga Pangasinense,
mga Tagalog, mga Kapampangan, mga Bikolano, at mga Bisaya. Ang mga yamang tao ng
pilipinas ay ang kanyang mamamayan . Pilipino ang tawag sakanila ngunit ibat iba ang pangkat
na kanilang kinabibilangan . isa sa mga ninuno ng mga Pilipino ay ang mga Ayta , Negrito o
Baluga . matatagpuan sila sa Luzon, Zambales, Quezon, Laguna at Cagayan. Meron din sa
bundok ng Negros , Panay

Nagkaroon ng sila ng pag aaway ng dahil sa kakulangan sa pagkain at pag-aagawan sa lugar ng


pangangaso,tirahan, pag kukunan ng tubig at iba pang pagkukunan ng pangangailangan sa
kanilang pang araw araw na buhay .

Ayon sa Republic Act 8371 o Indigenous People Rights Act, na naglalayong protektahan at
pangalagaan ang mga katutubo at ang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan at National
Commission on Indigenous Peoples. Kung hindi masusunod ang batas na ito maaring mawalan
ng mga karapatan ang mga katutubo sa kanilang ancestral lands at kanilang kabuhayan at tirahan.
Maraming banyagang dumayo sa Mindanao at sinasabing merong nakakaroon ng
pangangamkam ng lupa at pagpapaalis sa katutubo ang nagaganap , marami din ang illegal na
pagmimina , pagtotroso at iba pang gawain na pagkuha ng likas na yaman sa kanilang lupang
ninuno . nakaroon din ng pagpapasara ng paaralang katutubo sapagkat ito daw ay
pinaghihinalaang na nagkakanlong/nagsasanay ng mga rebelde . Ayon sa Cooper act of 1902
kailangan ng pambansang sensus na isasangkatuparan para malaman ang bilang ng Pilipino.
Ngunit hindi kasama ang mga katutubo sa mga na sensus hindi sila nabigyan ng karapatan
bumoto at maghalal. Ito ay nilimita lang sa mga sibilisadong groupo. Nagkaroon lamang ito ng
diskriminasyon sa mga katutubo tinagurian lamang silang wild o mababangis.
KALAGAYAN

Ang lahat ng tao ay may pantay-pantay na karapatan. Ang mga katutubo, sa Pilipinas at sa ibang
mundo, ay may pantay na karapatan katulad ng ibang tao.

Ayon sa Republic Act 8371 o IPRA (1997) Ang Deklarasyon ng United Nations sa mga
Karapatan ng mga Katutubo (United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples o
UNDRIP) at ang Batas ukol sa Karapatan ng Katutubo ng 1997 (IPRA o RA 8371) ay dalawang
batas na mahalaga para sa pagsusulong at pagdepensa sa mga karapatan ng mga katutubo dito sa
ating bansa, Ito ang dahilan kung bakit nailalahatla ang mga batas na ito. Ang batas ukol sa
Karapatan ng Katutubo 1997 (IPRA o RA 8371) ay naging batas sa ating bansa noong ika-22 ng
Oktubre 1997 at and Deklarasyon ng United Nations sa mga Karapatan ng mga Katutubo ay
inaprubrahan ng Pangkalahatang Kapulungan ng United Nations noong ika-13 ng Setyembre
2007.

Nakalahad sa artikulong ito na ang bawat katutubo na kabilang sa isang bansa ay may karapatan
na katulad sa mga normal na tao. Isa na ang karapatang pantao na kung saan ay kadalasan
nalalabag dahil sa estado ng buhay, Karapatan sa ari-arian sa kadahilanang kulang sa kaalaman
ang mga katutubo na kung saan ay nangyayari ang panglalamang o panggigipit dahil sa
kakulangan sa edukasyon. Ninais ng Batas na ito na palawakin at paigtingin ang karapatan sa
mga Katutubo nang saganon ay maiwasan ang mga pang-aabuso at pananamantalang pangyayari
na kung saan ay nawawalan ng karapatan ang Katutubo,

Philippine Star (August 31, 2011) Paglabag sa Indigenous Peoples Rights Acts of 1997 (IPRA)
Kung saan sapilitang pinalagda ang mga Katutubo sa Joint Management Agreement (JMA) na
isinulong ng SBMA.

Lubhang tinutulan ng mga Katutubong Aeta ang nasabing kasunduan sapagkat nagpapakita ito
ng pagbabalewala sa karapatan ng mga Katutubong Aeta sa kanilang lupain na nakapaloob sa
control ng SBMA, kabilang ang self determination, karapatang magkaroon ng sariling disisyon
sa pamamahala sa komunidad, at karapatang pagyamanin at pakinabangan ang lupaing ninuno.
Sa kabilang banda, ayon sa SBMA, ang Joint Management Agreement (JMA) ay isang
kasunduan kung saan ay may benepisyo ang lahat ng pamilyang katutubo, Kabilang sa benepisyo
ay may kaukulang P20,000 kada taon sa bawat pamilya bilang isang bahagi o miyembro.

Philippine Star (July 30, 2019) Suspensyon ng labing limang (55) eskwelahang Lumad. Agarang
nagpatawag ng Senate Inquiry si Senator Leila de Lima kasunod ng pagsuspindi ng Department
of Education sa operasyon ng labing limang (55) paaralan ng Katutubong Lumad sa rehiyon ng
Davao noong ika-15 ng Hulyo. Nagsasabing isinuspindi ang pagpapagawa sa kadahilanang
kakulangan ng permit sa operasyon ng pagtatayo ng eskwelahan, ayon kay Senator Leila de
Lima, Kailangang siguruhin na hindi pinagkakaitan ng edukasyon ang kabataang Lumad dahil
lang sa pagsisikap ng gobyerno na tugisin ang Bagong Hukbong Bayan.

Nagpapakita ito ng isang magandang hangarin kung saan malugod na nasusunod ang Batas sa
Karaptang Pantao ng mga Katutubo. Isa magandang pangitain sa kadahilanang nabibigyan ng
sapat ng pagtingin sa mga Katutubo, naiiwasan ang panglalamang at panggipit bagkos nakikita
na mayroon nang pantay-pantay na pagtingin sa mga Katutubo.
QUIZ
PANITIKAN
SANGUNIAN

PinoyWeekly 2016, “Lakbayan ng Pambansang Minorya”

Villasor 2017, “Lakbayan ng Pambansang MInorya”

AlterMidya 2017,” Itaas ang buying price ng tabako, panawagan ng mga magsasaka ng Ilocos”

Evardone 2017, “ Sulyap sa buhay ng isang Minorya”

Yalu (2017), “Ang mga Badjao ay ang mga taong naninirahan sa karagatan sila ay tinatawag din
na "Man of the Seas”

Dorain (2018) “Ang Ivatan ay isang pangkat-etniko sa Pilipinas”

Catapang (2018) “Ang tawag na Mangyan ay nagmula sa pagtawag ng mga kastila sa katutubo
na “mangmang”.

Magno (2014) “Ang Aeta ay mga katutubong mga tao”

Mayeng (2017) “Ang mga T'boli ay matatagpuan sa Cotabato”

Carmela (2014) “Ang Tausug ay bihasang manlalakbay-dagat”

Garcia (2014) “Maranao ay ang mga tribong nasa Timog ng Pilipinas”

Buchholdt (2010) “Lumad ay binubuo ng labing-walong grupo”

You might also like