You are on page 1of 2

Modyul 7- Takdang Gawain 7

1. Sumulat ng isang maikling sanaysay hinggil sa kuwento ni Datu Lubay , (maaaring


maghanap ng ibang kuwento na tumatalakay sa buhay minorya kung mahirapan
mahanap ang tungkol kay Lubay).

Ang katutubo o minorities ay salitang ginagamit upang ilarawan ang mga pangkat
etniko na naninirahan sa isang rehiyon o lugar na samasama. Sila ay may
koneksyong pangkasaysayan, mga bagay na nag-uugnay at nagbubuklod sa kanila
na ipinapamalas nila sa gawi ng kanilang pamumuhay. Matatagpuan sila sa iba’t
ibang parte ng Pilipinas at may tinatayang 14 hanggang 17 milyong Indigenous
Peoples na kabilang sa 110 grupo ng ethno-linguistic; ang mga ito ay pangunahing
nakatuon sa Mindanao (61%) at Hilagang Luzon (Cordillera Administrative
Region, 33%), kasama ang ilang mga grupo sa Visayas, ayon sa datos ng United
Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples, isang organisasyong
nagsusulong na itaguyod at protektahan ang mga karapatan ng mga katutubong
mamamayan.

Kabilang na ang mga Mansaka ng Compostela Valley, Mangyan ng Mindoro,


Lumad ng Mindanao, mga Aeta ng Sierra Madre, at Tau’t Bato ng Palawan sa
maraming uri ng katutubong etniko o minorya sa ating bansa sa bilang ng mga
pangkat na hindi nakakatanggap ng karampatang pagkakakilanlan. Hindi
maikakaila ang ambag ng mga katutubo sa ating kultura at tradisyon; isa na rito
ang sistema ng paglikha ng mga Ifugao sa Banaue Rice Terraces dahil sa
natatanging istruktura nito, mga ipinamanang kasuotan na sumasalamin sa
sinaunang kultura, at marami pang iba. Maging sa paglipas ng panahon ay
kamanghamangha na napanatili nila ang natatanging katutubong kultura ng
sinaunang Pilipino.

2. Mula sa mga halimbawang dokumentaryo bumuo ng sariling dokumentaryo ukol sa


usaping minorya.

Ayon sa pananaliksik ng United Nations Development Program noong Marso, isang


organisasyong sumusuporta sa kaunlaran ng bansa’t pagtupad ng Millennium
Development Goals nito, kadalasa’y mga minorya ang biktima ng diskriminasyon sa
benepisyong pampubliko dahil karamihan sa kanila’y nakatira sa malalayong lugar
na hindi gaanong abot ng kabihasnan. Kabilang sa mga problema ay kulang na
suplay ng malinis na tubig, tulong medikal gaya ng mga health centers, mga
kagamitan at pasilidad para sa edukasyon, at iba pa.

“A stronger focus on those excluded groups, and on actions to dismantle these


barriers is urgently needed to ensure sustainable human development for all,” ayon sa
naturang ulat.

Pagsubok ngayon, pagsubok pa rin bukas?

Kasama rin sa pagsubok ng mga katutubo ang paglaban nila para sa kanilang lupaing
ninuno (ancestral domains) at likas na yaman sa kamay ng mga kapitalista at mga
dayuhan. Ayon sa Human Rights Watch Organization, isang organisasyon na
naglalayong protektahan ang mga minorya, marami ang nakasaksi sa pagpatay ng
mga hinihinalang paramilitar sa mga Lumad, sinundan pa ng madugong pagtugon ng
kapulisan sa protestang ginanap ng mga katutubo sa harap ng embahada ng Amerika
at marami pang iba. Idagdag pa dito ang pahayag ng mga katutubo ukol sa pag-
usbong ng mga corporate extractive industries na pumapasok sa kanilang lupaing
ninuno (na tinatago sa tawag na development projects), tulad ng mga minahan,
pagtotroso, quarrying, proyektong pang-enerhiya, at iba pang malawakang
plantasyon at proyektong pangturismo na hindi angkop sa kanilang kultura.

Mayroong panukalang batas para sa mga minorya gaya ng Republic Act 8371 o
Indigenous People Rights Act, na naglalayong protektahan at pangalagaan ang mga
katutubo at ang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan at National Commission on
Indigenous Peoples (NCIP) na nagraraos ng National Indigenous Peoples
Conference, isang taunang pagpupulong upang paigtingin ang pagtanggap sa mga
minorities (kaakibat nito ang kamakailan lang na paglagda sa isang kasunduan ng
NCIP at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa
pagsulong at pakikiisa nila sa mga minorities at mga Indigenous Cultural
Communities). Sa kabila ng mga nasabing pamamaraan ng gobyerno, hindi pa rin
maiiwasan ang katotohanan na kulang ang mga ito upang masigurado ang epektibong
tugon ng pamahalaan.

Sa patuloy na pagabante ng ating bayan sa kinabukasan, hindi dapat talikuran ang


kultura at ang mga palatandaan ng ating kasaysayan. Ang ating bayan ay hindi
lamang para sa mga taong nasa kabihasnan kundi para sa lahat, minorya man o hindi.

You might also like