You are on page 1of 3

Pangalan: Nizza T.

Candido

Seksyon: BSC – 1105

PAGSUSURI NG TULA

1.Ano ang relasyon sa isat-isa ng mga karakter at ng lipunan?

Batay sa aking nabasang tula ang mga ito ay nagpapakita ng hindi makatarungan at masaganang
relasyon sa isa’t-isa sapagkat makikita dito ang isa sa mga malalaking suliranin na maaaring kaharapin ng
ating bansa. Masasalamin sa relasyong ito ang tunggalian sa pagitan ng dalawang uri sa isang lipunan
kung saan may mga naghahari at may mga alipin. Ang ganitong relasyon na nagpapakita ng pang aalipin
at walang pagpapahalaga sa nasasakupan ang sumasalamin sa isang masama at di epektibong
pamamahala na maaaring maghatid sa pabagsak na lipunan.

2.Nagpapahayag ba ang akda ng isyung panlipunan tulad ng lahi, kasarian, at uri?

Oo, sapagkat ang akda ito ay nagpapahayag at sumasalamin sa pagkakaroon ng hindi pantay na
pagtingin sa iba’t ibang uri ng mga mamamayan. Makikita rito ang pagiginguhaw ng mga ordinaryo para
maipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa mga naghaharing uri ng lipunan. Ito rin ay sumasalamin
sa pagtuligsa sa baluktot at bulok na sistema ng pamahalaan upang maipaglaban at makamit ng mga
ordinaryong tao na lapitin ng pangaabuso at pagsasamantala ang kanilang mga karapatan laban sa
mgamapagsamantalang tao ng lipunan.

3.Paano nahuhubog ng pwersang panlipunan ang relasyon sa isa‘t-isa ng mga grupo omga uri ng tao
sa akda? Sino ang may kapangyarihan, at sino ang wala? Bakit?

Ang akda ay nagpapahiwatig ng puwersang panlipunan kung saan nais nitong sumidhi ng pantay -
pantay na karapatan at kamalayan para sa lahat. Ito ay tumutukoy sa mga hinaing na ninanais
mapakinggan. Ayon sa tula, ang mga walang kapangyarihan ay ang mga manggagawa at magsasaka, at
ang may mga kapangyarihan nama’y mga taong naluklok sa kani-kanilang mga pwesto sa Gobyerno.

4. Paano nasasalamin sa akda ang pinakananasang abutin ng isang Pilipino?

Masasalamin ang pinakananasang abutin ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga

salitang ginamit sa tula kung saan ang tanging nais lamang ay marinig ang mga hinaing at

makita ang luha't pawis na handang iaalay ng mga manggagawa at magsasaka para sa

lipunan na kanilang ginagalawan. Nais nitong iparating ang kanilang kagustuhang makilala at

mabigyang halaga. Walang pangaabuso, pagsasamantala , diskriminasyon, at pangaalipin sa mga nasa


mababang lebel o uri ng ating lipunan ang tanging nais na makamtan ng bawat mamamayan sa ating
lipunan.

5. Ano ang sinasabi ng akda sa ekonomiya at sosyal na kapangyarihan? Sino ang mayroon

nito at sino ang wala? Meron bang kumikiling sa paniniwala ni Karl Marx?
Sinasabi sa akdang ito ang iba’t ibang tunggalian na nagaganap sa loob ng isang

lipunan. Ang mga nakakaangat o may pera ang siyang may kapangyarihan pagdating sa

ekonomiya at iba pang aspeto sa lipunan at ang mga nasa laylayan naman ang mga walang

kapangyarihan dito. Pagdating naman sa paniniwala ni Karl Marx, naniniwala akong marami

ang kumikiling sa kaniya sapagkat ito ang realidad na may dalawa tayong uri sa isang lipunan

at hindi matatapos ang tunggalian sa pagitan ng mga ito hangga’t hindi nakakalaya ang

sangkatauhan mula sa pang-aapi at pananamantala. Lahat ng ito’y nabatid at nabigyang

pansin sa akda kung saan ito rin ang binibigyang tuon sa kaniyang paniniwala.

6. Nagsasaad ba ang akda ng isyu sa pang-abuso sa ekonomiya? Ano ang ginagampanan

ng pera?

Ang akdang ito ay nagsasaad ng iba’t ibang isyu ng pang-aabuso sa ating ekonomiya

tulad ng diskriminasyon, pang-aalipin, at kawalang pagpapahalaga sa karapatan ng mga nasa

mababang uri. Simula pa noon, malaki na ang ginagampanan ng pera sa ating ekonomiya.

Ito ang sinasabing nagpapagalaw sa ating lipunan na nagiging basehan ng pagkakaroon ng

kapangyarihan. Ito rin ang nagbibigay ngalan sa pagtawag ng “mayaman” at

“makapangyarihan” sa isang indibidwal sapagkat kapag may pera ka, maituturing kang nasa

itaas na antas ng ating lipunan.

7. Paano natutukoy ng kalagayang panlipunan ang direksiyon ng buhay ng mga karakter?

Natukoy ang uri o antas ng buhay ng mga karakter sa pamamagitan ng paglalahad

ng mga karanasang bumabatay sa realidad na kinakaharap ng marami nating mga

kababayan. Ang bawat taludtod ay sumasalamin sa ating lipunan na naging batayan sa

pagtukoy ng kalagayan ng ating pamahalaan at mga mamamayan.

8. Hinahamon ba o binibigyang kasiguraduhan ng akda ang kaayusang panlipunan na

inilalarawan nito?

Masasabi kong binibigyang kasiguraduhan ng akdang ito ang kaayusang panlipunan

sapagkat inilarawan dito ang iba’t ibang mga isyu na sumasalamin sa realidad na

kinakaharap ng ating lipunan. Ito ay napapanahon sa kasalukuyang panahon sapagkat

hanggang ngayo’y ito pa rin ang napakalaking suliraning kinakaharap ng marami nating mga

kababayan. Ang pagpapakita ng mga ganitong isyu sa pamamagitan ng paghabi ng ganitong


akda ay napakahalaga para mabigyang pansin at solusyon ang mga ganitong suliranin. Ito ay maaaring
makapagbigay ng lakas o inspirasyon para malabanan ang mga hamon ng buhay

na nararanasan ng isang lipunan.

9. Mapapansin ba na ang pakikibaka ng karakter ay simbolo ng mas malaking grupong

pakikibaka?

Oo, mapapansin na ang akda ay sumisimbolo sa malaking grupong pakikibaka

sapagkat nakapahayag sa tula ang linyang “luha’t pawis ng manggagawa’t magsasaka” at

“sambayanang masa kung mga daliri’y ikinadena’t dinurog ng dusa?” dito mapapansin na

ang tulang isinulat ni Rogelio Lo. Ordonez ay nagpapahayag ng saloobin ng mga

mamamayan na hindi mapakinggan at hindi ng isang indibidwal lamang . Mapapansin din na

hindi makasarili ang karakter na nasa akda sapagkat ang akdang ito ay naging simbolo ng

pagkakaisa para mapakinggan at matugunan ang mga hinaing ng mga mamamayang ito.

10. Mayroon ba sa mga karakter na kumakatawan sa uri ng gobyerno tulad ng diktatorya,

komunismo, at sosyalista?

Binigyang diin sa huling parte ng tula ang hindi makatarungan na sistema at hindi

pantay na karapatan para sa mga manggagawa at magsasaka. Para sakin ito ay kumakatawan

sa pagiging Komunismo dahil kung iintindihing mabuti nais iparating ang kadalasan at

totoong nangyayari sa mga manggagawa at magsasaka, sila ay inaabuso ng mga kapitalista.

Tila ba ang mga mahihirap ay walang kalayaan at tinanggalan ng boses. Masisiwalat din ang

pagiging Diktatorya sapagkat ang mga sawimpalad o ang mahihirap ay walang kalayaan at

hindi binigyan karapatan makilahok sa pamamahala. Ang sambayanang masa ay walang

layang magpahayag ng kani-kanilang mga opinyon at damdamin.

You might also like