You are on page 1of 4

Hikbi ng Anak ng isang Bayani

ni Shella Abayon
Sa pag-agos ng luha

Kasabay ay panlulumbay

Hindi lubos akalaing

Buhay ng ama’y magwawakas

Pagsapit ng bukang liwayway.

Namulat kaming kapwa nami’y nagdurusa

Sa kamay ng berdugo at pasista

Kamoplabeng uniporme’y nabalot ng dugo

Ng aming kalahiing sa pighati’y nanlumo.

Hindi siya nagkulang sa pagpapaalala

Mahalin ang edukasyon’t

Tumindig para sa kapwa

Kung nasa tama’y hindi dapat matakot

Wag mong hayaang ituring kang busabos.

Ngunit ako’y nananaghoy

Bilin ni ama’y ala-ala na lamang ng kahapon

Ang amang sa ami’y kumakalinga

Malamig na bangkay na ng aming Makita.

Mali bang tumindig para sa aming karapatan?


Mali bang mithiin iangat an gaming kabuhayan?

Kung tama ‘y bakit ganito?

Bakit sa bawat pagtaas ng kamay

Kapalit ay buhay at itinuturing na kaaway?

Ama’y marahil kinikiyaan niyo ng buhay

Ngunit prinsipyong ipinaglaban

Sa dugo namin’y patuloy na mananalaytay

Patuloy na sisibol dugong makabayan

Karapatan nami’y patuloy na mananalaytay

Patuloy na sisibol dugong makabayan

Karapatan nami’y aming ipaglalaban.


\

Ang LUMAD ay isang salitang Bisayan na nangangahulugang "katutubong" o "katutubong". Ito ay

pinagtibay ng isang pangkat ng 15 mula sa higit sa 18 mga pangkat etniko sa Mindanao sa kanilang

Cotabato Congress noong Hunyo 1986 upang makilala sila mula sa iba pang mga Mindanaon, Moro o

Kristiyano. Ang paggamit nito ay tinanggap sa panahon ng Cory Administration noong R.A. 6734, ang

salitang Lumad ay ginamit sa Art. XIII sec. 8 (2) upang makilala ang mga pamayanang etniko mula sa

Bangsa Moro.

You might also like