You are on page 1of 1

Wikang Filipino, Atin ‘to !

Ang wikang Filipino ay isa sa mga sagisag ng ating kalayaan mula sa mga dayuhan. Ito
ang pundasyon ng ating sariling bansa, ang nagpapatunay na ito ay sariling atin.

Samakatuwid ang ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal, ay nangaral at nagwika
na “Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit pa ang amoy sa malansang isda.” Bilang
maigting na pagpapa-alaala upang pahalagahan ang sariling atin – ang wika.

Ayon kay Palencia (2014) ang pagkakaroon ng sariling wika ay masasabing katumbas ng
pagkakaroon ng sariling paa dahil ito ang tumatayong instrument upang tayo’y magkaunawan
at magkaisa. Ito ang unang hakbang patungo sa kaunlaran. Ang wika nag nagsisilbing tulay natin
sa pakikipagsalamuha, sa pagkuha at pagbigay ng impormasyon at sa pagpapahayag ng ating
saloobin. Ngunit ang pambansang wika ay higit pa roon – ito ang tulay na ginagamit ng lahat ng
tao sa bansa, na tanging sariling atin at hindi tayo kailanman magiging dayuhan at maliligaw
dito, hindi tukad ng mga wikang hiram lamang mula sa ibang bansa.

Ngunit sa patuloy na paglaon ng panahon, unti-unting natatabunan ang kahalagahan ng


wikang Filipino sa atin. Kasabay ng pag-usbong ng teknolohiya at pag-unlad ng kaalaman, tila ba
nakakalimutan na din natin ang ating pinagmulan.

Isang katunayan dito ang pagpapatupad ng CHED Memorandum Order no. 20 series of
2013 o ang pagbago sa General Education Curriculum (GEC) na naglalayong alisin ang
asignaturang Filipino sa kolehiyo at ang pagdaragdag ng Hanggul bilang elective subject sa
Senior High School.

Ito ay isang hakbang na magsisilbing instrumento sa unti-unting paglimot sa ating


sagisag na pagka Pilipino.

Gayun pa man, dahil sa pagiging bukas ng buong mundo sa mata ng bawat isa, sa
tulong ng makabagong teknolohiya, hindi masamang matuto ng ibang linggwahe ang bawat isa.
Isa na nga ang Ingles sa pinaka niyakap na linggwahe na meron ang bansa.

Dahil dito, katanggap tanggap ang pagdaragdag ng mga bagong kaalaman upang hindi
mahuli sa mabilis na paglaganap ng modernisasyon dahil sa pagkakaunawan ng lahat, ngunit
dapat din nating tandaan na hindi dapat tanggalin ang alinman sa mga aralin na patuloy at
dapat nating matutunan. Ang mga panitikang pinagyaman ang kultura’t kaugalian nating mga
Pilipino at siyang naging gabay at tulay sa pagsulong ng ating bansa ay dapat nating
pahalagahan at protektahan.

Ito ay dapat na pagyamanin at huwag isantabi pagkat ang wikang Filipino ang wikang
kinagisnan.

You might also like